Three years later…
MABIGAT ang bawat hiningang pinakakawalan ni Ilana habang nakatitig sa kalendaryo sa harap ng lamesa. Panaka-naka rin ang pagsulyap niya sa nakasabit na orasan sa dingding at kulang nalang ay hilahin niya pabalik ang oras. Halos mapatalon si Ilana nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kaniyang hinihintay. Tulad ng palagi niyang nararamdaman kapag nakikita ito, pakiramdam niya ay lumulutang na naman siya at hindi na maabot ng kaniyang mga paa ang lupa. He's bringing her into a dreamy fantasy and she's afraid of falling painfully once he lets go of her completely. “Kumain ka na?” Ang baritonong boses na hindi pumapalya sa pagpapatibok sa kaniyang puso ay nanuot sa kaniyang tainga at nanatili sa kaniyang utak. Dahan-dahang lumalapit sa kaniya si Gray. Ipinatong nito ang jacket sa sofa saka kinalas ang dalawang butones ng suot nitong polo. Inililis ang mahabang manggas ng puting damit saka hinagod pabalik ang buhok. Kitang-kita ni Ilana ang bahagyang pag-awang ng maninipis at natural na mapula nitong labi. Ang bawat ugat sa braso nito ay tila kay sarap haplusin. Nang tumama naman ang itim nitong mga mata sa kaniya ay kaagad na nagliparan ang mga paruparo sa kaniyang tiyan. His gaze alone could make her feel so nervous. “Tapos na.” Pinilit ni Ilana na maging kaswal sa pagsagot. Ayaw niyang magkaroon ito ng katiting na ideya sa tunay na tinitibok ng kaniyang puso. Lumapit pa si Gray at kumuha ng baso. Nagsalin ito ng tubig saka uminom habang nakatayo sa kaniyang harapan. Kitang-kita ni Ilana ang pag-alon ng lalamunan nito at hindi niya mapigilang mapatitig ng husto. When was the time he last touched her? Oh, right! He didn't. He never touched her. Mag-asawa sila pero kakatwang birhen siya dahil ni isang beses ay hindi siya hinawakan ng asawa. Mapait ang damdamin na inilabas ni Ilana ang brown envelope na hawak niya sa ilalim ng mesa. Sobra na siyang nasasaktan kaya bago pa siya madurog ng tuluyan ay uunahan na niya. Alam niyang darating ang lahat sa puntong ito. Ang bawat bagay sa mundo ay may hangganan. Tulad ng kung paano matutuldukan ngayon ang kasunduan niya sa kaniyang asawa tatlong taon na ang nakararaan. Sinubukan niyang pagilan pero hindi na kayang supilin ng maliit niyang palad ang paghulagpos ng nag-aalab na damdamin. She fell in love with the man she married out of desperation and today they're going to end the agreement. Tapos na ang lahat. Nakuha na ni Gray ang mana nito noong nakaraang linggo. Ang mana na sanhi ng desperadong desisyon nito. He won. But then, his triumph is her loss. Big loss. Kumunot ang noo ni Gray na nakatayo sa kaniyang harapan bago inabot ang envelope. “Ano ito?” “Pinirmahan ko na. Pirma mo nalang ang kulang,” dugtong ni Ilana imbes na sagutin ang tanong ng asawa. Natigilan si Gray habang nakatitig sa hawak na papel. Divorce agreement. Pinilit ngumiti ni Ilana nang tingnan siya ng asawa. “Nakita ko iyan sa drawer mo kaya kinuha ko at pinirmahan na. Hindi ko kukunin ang compensation money dahil mas gugustuhin kong ituloy mo nalang ang suporta sa pagpapagamot ng papa ko.” Matagal bago nakasagot si Gray. Tinitimbang ni Ilana ang ekspresyon sa mukha ng asawa pero tulad ng misteryoso, malalim, at mapanganib na karagatan ay mahirap itong maintindihan. Patuloy ang malakas na pintig ng puso ni Ilana at hindi niya alam kung magagawa niya pang kumalma dahil sa loob loob niya ay nadudurog siya lalo. Walang duda, mahal niya talaga ang manhid niyang asawa. Ibinalik ni Gray ang papel sa loob ng envelope at inilapag sa mesa. Hinilot nito ang sintido saka tumalikod at nagsalita. “Bukas ko na pipirmahan, masakit ang ulo ko.” Walang nagawa si Ilana kundi pagmasdan na lamang ang kaniyang asawa na pumasok sa sarili nitong silid. Magkasama sila sa iisang bahay pero hindi sa iisang kwarto. Sa kaniya ang master bedroom at sa guestroom naman natutulog si Gray. He wasn't rude to her. Katunayan ay maayos ang pagsasama nila. Ni isang beses ay hindi sila nag-away pero iyon ang masakit kay Ilana. They never fought because they never opened up to each other. Simpleng pag-uusap at walang misunderstanding. Hindi ideal para sa kaniya ang ganitong relasyon. It's too good to be true. *** KINABUKASAN ay nagising si Ilana sa mumunting ingay na nanggagaling sa kusina. Lumabas siya ng silid at naabutan ang kaniyang asawa na nakaupo sa stool chair sa harap ng island counter. Nakasuot ito ng putong tee shirt at sweat pants. May kape sa harapan nito at kalmadong sumisimsim habang sa harapan nito ay nakatayo ang isang matandang babae at naglalagay ng mga food containers sa refrigerator. “Maganda nga na ipakilala mo na si Ilana sa publiko para mas lalong lumaki ang paghanga at tiwala sa ‘yo ng board members. Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako sang-ayon sa paglilihim ng kasal niyo. At bakit ba hanggang ngayon ay wala pa kayong anak?” Napakamot ng batok si Ilana dahil sa mga naririnig. Nang tumama sa kaniya ang paningin ng matanda ay agad na umamo ang mukha nito. “Ilana, hija!” Ngumiti siya at sinalubong ng yakap ang matanda. “Grandma… Ang aga niyo po.” Mahinang natawa ang matanda. Lola ito ni Gray at talagang gustong-gusto siya nito. “Nagdala ako ng mga pagkain, apo. At dinalhan rin kita nito.” Excited nitong ipinakita ang dalang kahon. “Maganda ito para makabuo na kayo ni Gray. Tatlong taon na, hija. Sigurado ka bang walang problema? Hindi naman sa pinahihina ko ang loob mo pero nababahala lamang ako. Gusto mo bang samahan kita magpatingin?” Napatingin si Ilana kay Gray na nakatitig pala sa kaniya. Hindi niya alam ang sasabihin. Paano nga ba siya mabubuntis kung ni isang beses ay walang nangyari sa kanila ng kaniyang asawa? Paano niya ipaliliwanag sa mabait matanda na hindi sila normal na mag-asawa ni Gray? Paano niya ipaliliwanag na kasinungalingan ang kanilang relasyon at nalalapit na ang pagtatapos nito. Tumayo si Gray at naglakad palapit sa kanila. Kinuha nito ang kahon at ipinatong sa mesa bago tumayo sa kaniyang tabi at hinarap ang lola. “Grandma, tingin mo makakabuo kami kung halos araw-araw mong pinipressure si Ilana?” Suminghap ang matanda. “I am not pressuring her! I’m just worried! Gusto ko na ng apo, Gray!” Bumuntong-hininga si Gray. “Bakit hindi si Grant ang kulitin niyo tungkol sa bagay na iyan? Hindi namin kayang madaliin ni Ilana ang bagay na iyan.” Umismid ang matanda at tumalim ang tingin sa apo. “Ang sabihin mo ay naloloko ka na naman sa babaeng Herrera na iyon kaya hindi ka makabuo-buo kasama si Ilana. Nabalitaan kong nakabalik na ng bansa ang babaeng iyon noong nakaraang buwan. Sabihin mo, nakikipagkita ka ba sa babaeng iyon?” Nagtagis ang bagang ni Gray. Kitang-kita iyon ni Ilana. Si Michelle Herrera ay anak ni Governor Herrera na kalaban ng ama ni Gray. Natalo nito sa kampanya ang ama ni Gray na nagdulot ng lamat sa relasyon ng dalawang pamilya. Halos apat na taon na ang nakalilipas simula nang mangyari iyon. Naging Mayor ang ama ni Michelle at ngayon ay Governor na pero ang away sa pagitan ng dalawang pamilya ay hindi pa rin humuhupa. “Labas sa usapan si Mich, grandma—” “Hindi!” Marahas na umiling ang matanda. “Tigilan mo ang kahibangan mo sa babaeng iyon, Gray! Hindi ako makapapayag na mabahiran ng Herrera ang pamilya ko. Hinding-hindi ako papayag!” Napayuko na lamang si Ilana at walang nagawa nang magmartsa palabas ang matanda. Naiwan silang mag-asawa sa kusina na binabalot ng malamig at nakabibinging katahimikan. Gray and Michelle's love story is like of Romeo and Juliet. Two powerful families. Mortal enemies. Forbidden love. So tragic and yet heartwarming. Samantalang siya…sabit lamang siya. Isang extra na kailanman ay hindi mabibigyan ng pagkakataong maging bida.GENTLE and wet kisses. Warm touch. Soft moans. Hunger and thirst.Ilana could feel the growing explosion in her belly again. Pang-ilang beses na ba ito? Hindi na niya nabilang. Matagal silang hindi nagsiping at talagang sinusulit naman ng kaniyang asawa.Pawis na pawis si Ilana habang taas-baba siya sa kandungan ni Gray. Mahigpit ang hawak nito sa kaniyang hita at baywang habang mainit na nakatitig sa kaniya ang mga mata nitong nagliliyab sa pagnanasa.“Fck! Fck!” Gray was muttering curses while clenching his jaws.Ilana could feel herself nearing, and she pressed her palms against his hard chest to support her own body. She picked up the pace. Mas lalong nagpabaliw iyon kay Gray.Kapwa sila hinihingal at nalulunod sa masarap na sensasyong ibinibigay nila sa isa’t-isa. Walang pagsidlan ang kaligayahan. Walang paglagyan ng kilig. Kung may bagay man silang natutunan sa lahat ng kanilang pinagdaanan, iyon ay ang magsisi sa anumang nagawang kasalanan, magpatawad, gawing inspirasyon ang na
KASAL. Isang sagradong pag-iisa ng dalawang taong nangako ng panghabangbuhay na pagsasama. Noong unang beses na nagpakasal si Ilana, hindi niya inisip ang sariling kaligayahan. Ang tanging gusto niya ay maisalba ang ama. Hindi siya lumakad sa mahabang red carpet. Hindi siya nagsuot ng magarang traje de boda. Hindi siya humawak ng magaganda at fresh na bulaklak. Walang mga camera. Walang mga palakpakan at pasimpleng hiyaw. Sinong mag-aakala na mauulit ang kasal ni Ilana? Parehong groom at bride pero maraming nag-iba. May mahabang red carpet na nilalakaran niya. May mga taong pumapalakpak. May mga camera sa paligid. May dala siyang mabango, fresh, at magagandang bulaklak. May suot siyang magarang traje de boda na talagang pinaghandaan dahil nasa gitna na siya, ang dulo nito ay nasa entrance pa ng simbahan. Nangingilid ang luha ni Ilana pero pinipigilan niya ang maiyak. Lalo na’t sa altar ay nag-aabang ang parehong lalaki na pinakasalan niya rin noon. Ang kaibahan, umiiyak ito nga
MAGKAHARAP sa isang mesa sina Gray at Tres. Kalmado silang pareho pero kakikitaan ng galit ang mga mata ni Tres. “Pagkatapos ng pinsan mo last week, ikaw naman ngayon. Anong balak niyo, linggo linggo akong suyuin?” Kunot ang noong tanong ni Tres. “Bakit dinaan mo sa dahas? Muntik mong mapatay ang anak ko.” Natawa si Tres. “Sana inisip iyan ng lola mo nang daanin niya sa dahas ang nanay ko.” Bumuntong-hininga si Gray. “Wala tayong magagawa kay grandma dahil ganoon talaga siya. Pero alam kong pinagsisihan niya ang ginawa niya.” “You think so?” Tumaas ang kilay ni Tres. “Itinaboy niya rin ako noon. Nasaan ang pagsisisi?” “I can't justify her actions—” “Sure you can’t.” Sumandal si Tres. “At wala ring kapatawaran.” “Ilana forgave you.” Nangunot ang noo ni Tres. “Iyan ang mahirap sa mababait, mga tanga.” Nagtagis ang bagang ni Gray. “Tanga ang tingin mo sa nagpapatawad? Kaya ba hanggang ngayon puno ka ng galit? Tristan, you hate our grandmother for doing that, but you're also doin
HALOS hindi humihinga si Ilana habang nakatitig si Gray sa kaniya. Kapwa mabilis ang pintig ng kanilang puso at walang patid ang pagtawag ng kanilang damdamin sa isa’t-isa. Ilana could feel it. The sincerity. The overflowing happiness. She knows that this is where her heart and fate is leading her to. Back to the arms of the man she loved so much. “Gray…” Ibinulong ni Ilana sa hangin ang pangalan ng lalaki. Kasabay ng pagtalon ng kaniyang puso sa epekto ng taong ito sa kaniya. He caressed her cheek, staring deeply into her eyes. “Alam kong malabo pa sa tubig kanal ang posibilidad na makalimutan mo ang ginawa ko…” Mahinang natawa si Ilana. “Bakit naman tubig kanal?” Kinagat ni Gray ang pang-ibabang labi. “Ang baho ng past mo sakin e.” Napailing si Ilana at hinawakan ang kamay ng lalaki. “We hurt each other, but we can't only focus on the pain and struggles. Nagkakasundo tayo noon. We share the same thoughts, ideas. You give me surprises, you give me contentment. Masyado lan
PAREHAS na nakatulala sa kisame sina Gray at Brian. Kapwa sila hindi makatulog. Hindi dahil hindi sila komportable kundi dahil iniisip nila ang iisang babae. “Bakit hindi mo siya niligawan noong highschool? Ikaw ang unang nakakita sa kaniya,” tanong ni Gray na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan. “I was a delinquent,” malamig na tugon ni Brian. “Marami akong kaaway. Marami akong binangga na gang. Ayokong madawit siya sa gulo at masira ko ang tahimik niyang buhay.” Bumuntong-hininga si Gray. “You graduated as a valedictorian. Madali ka niyang mapapansin kung nagpakilala ka lang. And about being a delinquent, I don't believe you can't protect her.” Nilingon ni Brian si Gray. Madilim ang paligid pero mula sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ay nakikita nila ang isa't-isa. “I planned to pursue her in college. Baka sakaling maayos na ang buhay ko noon…” “Dumating si Grant…” mahinang sambit ni Gray. “Hindi kaagad naging sila pero magaling bumakod ang pinsan mo
“HAPPY birthday to you! Happy birthday to you!Nakangiti si Ilana habang sumasabay sa kanta para sa anak. Nakatayo silang dalawa ni Nayi sa dambuhalang cake. Kailangan pa nilang tumuntong sa unang bahagdan para kahit papaano ay maabot nila ang kandila.Birthday ni Nayi ang pinaghandaan ni Ilana dahil para sa kaniya ay mas higit pa sa birthday gift ang pagdating ng kaniyang anak pero hindi niya alam na may ibang plano pala si Gray at ang kanilang pamilya.They made a surprise not only for Nayi’s birthday but also for her birthday. Alam ni Ilana na hindi nakalimutan ng mga Montemayor ang birthday niya lalo na’t kasabay ito ng birthday ng kaniyang anak pero hindi niya inaasahan ang bonggang surpresa ng pamilya.“Happy birthday…” Nakangiti si Gray nang iabot nito sa kaniya ang isang malaking gift box. Nag-abot rin ito ng para kay Nayi.“Salamat.” Ilana smiled sweetly.Who would’ve thought that after everything, sa pamilya pa rin ni Gray ang balik niya. Nagkasakitan sila noon pero malinaw n