Share

Chapter 185

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-03-29 11:39:50

Hindi nakasagot sa tanong na iyon si Benjamin, pero nagpatuloy pa rin ang pagtatanong ni Celestine sa kanya.

"Pinapahalagahan mo ba kung sino ang nambully sa akin, pinapahalagahan mo ba kung ako ay na agrabyado ng ibang tao, o... pinapahalagahan mo ba ako kasi dati mo akong asawa?" Pahina nang pahina ang boses ni Celestine, at sa huli, parang hinipan na lang ito ng hangin.

Nanatiling tahimik si Benjamin nang kalahating segundo.

Ngumiti si Celestine, alam niyang ang pagtatanong na ito ay para lang sa sarili niyang kapahamakan.

Kaya't kalmado niyang binigyan ang sarili ng daan palabas sa usapang iyon.

"Naiintindihan ko kung hindi ka makasagot, iniisip mo lang siguro akong protektahan dahil dati mo akong asawa. Iyon lang iyon.”

Bumukas ang pinto ng elevator, pumasok si Celestine, at nakita niyang nakatayo pa rin sa labas si Benjamin, hindi kumikibo.

Para bang sinasabi nito na hindi niya kayang lumampas sa linyang iyon, na hanggang dito lang ang kanilang relasyon.

Ngumiti si Cele
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 320

    Matiyagang nag-isip si Georgia ng ilang minuto, pagkatapos ay umiling. Wala talaga siyang alam sa sinasabi ni Celestine sa kanya.Sabi niya, “Hindi talaga. Katatapos lang ng trabaho ko kahapon at dumaan lang ako para kausapin sana si Mr. Macabuhay dala ang mga gamit ko.”Ilang minutong natahimik si Celestine. Tiningnan niya ang video sa kanyang cellphone at sandaling naguluhan, “Sige po kung ganoon talaga. Salamat.”Kung hindi si Georgia ang nagdala ng anonymous letter, posibleng lumipad lang talaga ang anonymous report letter na iyon sa opisina ni Mr. Macabuhay?Sa hindi kalayuan, biglang lumapit si Mrs. Caroline Dimagiba. May hawak siyang dalawang medical record at sinabi, “Ms. Georgia, magle-leave po ako bukas.”Tiningnan siya ni Georgia. Inabot ni Mrs. Caroline ang kanyang leave note kay Georgia.“Naiintindihan kita.” Sagot ni Georgia.Minsan pang tiningnan ni Caroline si Celestine, tinaas ang kilay, saka umalis.Napansin ni Celestine ang hawak ni Georgia na leave application. Gal

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 319

    May dalawang flower vase sa Department of Cardiac Surgery. Mukhang siya ang makakabasag nito ngayon.Sumagot si Celestine, "Mr. Macabuhay, mas mabuti pang itigil mo na ang pangangatwiran." Kapag nagpatuloy pa, baka sarili na niya ang maparatangan ni Mr. Macabuhay.Sa totoo lang, lahat ng ebidensya ay tumuturo sa kanya. Mahirap itong harapin lalo na at hindi naman talaga siya ang may gawa noon.Hawak ni Celestine ang kanyang mukha at malalim na napabuntong-hininga, "Kahit weekend, hindi ako makatulog nang maayos dahil puro ako problema.”"Edi, paano kung magpahinga ka muna ng ilang araw para makapagpahinga ka?" maingat na sabi ni Mr. Macabuhay.Napaisip si Celestine dahil doon. Para saan? Lalo lang siyang magmumukhang guilty kapag ginawa niya iyon!Hindi niya gagawin 'yon. Sa halip na magbakasyon, lalong araw-araw siyang magpapakita sa harap ng lahat para hindi siya paghinalaan ng mga tao.“Itong anonymous letter, talagang hindi ikaw ang nagsulat nito?"Si Mr. Macabuhay mismo'y nagdud

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 318

    Nang hindi na alam ni Celestine kung ano ang sasabihin, biglang may narinig na lagaslas ng isang flower vase na nahulog at nabasag sa loob ng kwarto."Ah!"Ang sigaw ng babae ay tumusok sa kanyang pandinig. Sobrang lakas nito. Nakakabingi nang sobra.Agad na binuksan ni Benjamin ang pinto ng kwarto, at nakita niya ang prutas na inihagis at gumulong hanggang sa kanyang paanan.Pumasok si Benjamin. Nakaupo si Diana sa kama ng ospital, gusot ang buhok. Namumula ang mga mata niya at halos bumigay na sa emosyon. Mukha na siyang baliw sa sobrang pag-iyak niya.Pagkakita kay Benjamin, iyak nang iyak si Diana at hindi na nakapagsalita.Tapos na siya, tuluyan na siyang tapos. Wala na siyang mukhang ihaharap sa mga tao. Ano na lang ang gagawin niya?Ayaw siyang ipakilala ni Benjamin sa lahat bilang karelasyon niya at ngayon pati ang kanyang ipinagmamalaking career sa lahat ay nawala na!Ano na ang gagawin niya? Tatahimik na lang? Ano ang sasabihin niya kapag nagsimula na ang imbestigasyon sa ka

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 317

    Sa usapang ito, lahat ay sumang-ayon na masyadong hindi patas ang pagkatalo ni Celestine!Mas mahusay si Celestine kaysa kay Diana sa lahat ng aspeto, pero natalo lang siya sa puso ni Benjamin.Kinagat ni Celestine ang kanyang labi, nag-atubili siya sandali, saka tumayo, “Pupuntahan ko siya.”“Mas mabuting huwag ka nang pumunta. Kapag nagising si Diana mamaya, ewan ko kung paano ka niya aawayin. Sabi ng isang nurse sa akin, nung nawalan siya ng kontrol sa emosyon niya, sumigaw siya ng…” Tumigil si Danica sa pagsasalita.Nagtaka si Celestine dahil sa pagtigil bigla ni Danica, ano raw ang sinigaw ni Diana?Hinawi ni Danica ang kanyang buhok, halatang nahihiya siyang magsalita at baka kung ano lang ang masabi niya.Ngumiti si Celestine, “Sabihin mo na sa akin kung ano ang sinigaw niya, ayos lang.”Ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Diana, lalo na kapag tungkol kay Celestine ay siguradong hindi maganda. Alam naman niya iyon.“Sinabi ni Diana na gusto ka niyang patayin…” Nahihiyang sin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 316

    Tumagilid ang katawan ni Celestine kaya walang tinamaan ang kamay ni Mary.Napakunot-noo si Mary, “Nagtatago ka pa talaga sa akin, ha?”“Hinding-hindi ako pinapalo ng mga magulang ko. Sino ka ba para gawin ’yan? Ni hindi nga tayo close, e.” sagot ni Celestine kay Nancy.Hindi nakasagot si Nancy sa sinabing iyon ni Celestine sa kanya.Tinitigan niya si Celestine, galit na galit.“Kung may anak lang akong katulad mo-” turo ni Mary kay Celestine, nanginginig ang buong katawan sa galit. Hindi na nga niya natuloy ang kanyang saabihin dahil doon.Ngumiti si Celestine at nagsalita, “Buti na lang at hindi mo ako anak. Isa pa, hindi mo talaga ko magiging anak dahil hindi ako kaugali si Diana!”Sa totoo lang, kung ganito ang naging nanay niya, baka gusto rin niyang tumalon sa building dahil sa ugaling meron si Mary.“Hoy, ikaw, babae!” galit na sigaw ni Mary.Tahimik lang na pinanood ni Louie ang dalawa. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay hindi lang sa kilay magkamukha si Celestin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 315

    "Kung gayon, sabihin mo sa akin, kung hindi ikaw ang may gawa nito, sino?" Namula ang mukha ni Mary sa matinding galit. Para sa isang ina, mas masakit pa ang paninirang puri sa karera ng kanyang anak kaysa sa mamatay ito.Sinisisi niya ang sarili sa hindi pagprotekta kay Diana noon. Palagi niyang iniisip, kung naapi nga si Diana, siguradong naaapi rin ang anak niyang si Freescia kung saan man."Sino ba ang nakakaalam kung nalasing ang anak mo isang araw at nagsalita ng kung anu-ano. Sa anumang kaso..." Lumapit si Celestine kay Mr. Macabuhay, kinuha niya ang sulat na walang pirma at tiningnan ito, saka sinabi, "Mr. Macabuhay, dumating ako para ipaliwanag na hindi ako ang sumulat ng letter na ito.”"Kung iimbestigahan ni Mr. Macabuhay iyan, makikipagtulungan ako hanggang dulo." Hindi nagsisinungaling na sabi ni Celestine. Kung hindi siya ang sumulat, edi hindi siya ang sumulat. Totoong galit siya kay Diana, pero kailanman ay hindi niya naisip na maging malupit dito nitong mga nakaraan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 314

    Conference room sa ospital.Sa tapat ni Mr. Macabuhay ay nakaupo ang ama ni Diana na si Francis Valdez, ang ina nitong si Mary Valdez, at si Louie na nahuli ng dating.Makikita kung gaano kalaki ang issue ni Diana para sa pamilya Valdez! Lahat sila ay dumating sa ospital kahit abala sa kani-kanilang mga gawain.Inis na inis man sila kay Diana pero wala silang magawa dahil kapamilya nila siya. Binuklat ni Mr. Macabuhay ang mga papeles ukol sa qualification ni Diana at tiningnan ng makahulugan ang tatlong tao sa kanyang harapan."Ang mga qualification documents ni Miss Valdez..." magsasalita pa lang sana si Mr. Macabuhay.Pero agad na sumabat si Mary, "Totoo ang mga qualification documents ng anak naming si Diana! Walang daya iyan!”"Oo nga, pero may nag-ulat na ang pwesto ni Diana sa medical school noon ay napalitan at napunta sa ibang tao." Kumplikado ang ekspresyon ni Mr. Macabuhay nang sabihin niya iyon.Ang pagpapalit ng tao para makapasok sa eskwelahan ay isang seryosong issue. A

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 313

    "Nagbalikan na ba kayo ng dati mong mahal?" tanong ni Lolo Manuel na puno ng pag-aalala.Napakamot sa ulo si Celestine nang marinig iyon, "Hindi po ah, nagkataon lang na naroon din siya kaya kami nagkita."Hinawakan pa ni Celestine ang dulo ng ilong niya habang sinasabi ito.Talagang parang hindi kapani-paniwala ang sinabi niya dahil kitang-kita sa picture ang pagtulong sa kanya ni Benjamin."Hindi ka pwedeng makipag-ugnayan sa kanya nang madalas, naiintindihan mo? Nasa proseso kayo ng inyong divorce, baka mamaya ay hindi pa matuloy iyon." Mariing sabi ng matanda habang itinuturo si Celestine.Tumango si Celestine sa kanyang Lolo Manuel dahil siya ay masunurin.Nagpatuloy ang matanda sa pagsasalita, "Ilang araw na lang ba bago matapos ang one-month cooling-off period?""Dalawa o tatlong araw pa lang ang lumipas Lolo. Kaka-file lang po kasi namin," reklamo ni Chu Celestine habang nakasimangot. Ganoon na lang ba ka-desidido si Lolo Manuel na maghiwalay sila ni Benjamin? Talagang bibila

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 312

    Agad na dinala ni Veronica si Diana sa ospital at inutusan ang dalawang bodyguard na samahan siya sa labas ng kwarto para magbantay kay Diana. Umiyak at nagmura si Diana noon, “Veronica! Hayop ka! Bakit sobrang sunud-sunuran ka sa amo mo?”Sandaling tumigil si Veronica habang isinasara ang pinto. Sumulyap siya sa kwarto at unti-unting dumilim ang kanyang mukha.Isinara niya bigla ang pinto. Naharangan ang pag-iyak at pagmumura ni Diana dahil doon.Lumabas si Veronica ng ospital at nagpadala ng message kay Benjamin. “Mr. Peters, ayos na po. Naihatid ko na po sa ospital si Miss Valdez.”Napakadilim pa ng langit noong mga oras na iyon. Inaasahan na sariwa ang hangin sa buong Nueva Ecija pagkatapos ng ulan.Papaalis na sana si Veronica gamit ang kanyang sasakyan nang mapansin niya ang isang sasakyang pang bilangguan na nakaparada sa isang tabi. Maya-maya, dalawang taong naka-uniporme ang bumaba mula roon at nagmadaling lumabas ang mga staff mula sa emergency department ng ospital.Isa s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status