Share

Chapter 228

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-04-12 20:02:40
"Celestine. Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba’y umiibig na kay Mr. Eduard Villaroman?”

Noong mga oras na iyon, buo na sa isipan ni Lola Belen ang lahat. Basta’t sabihin lang ni Celestine na inibig niya si Eduard, kailan man ay hindi na siya guguluhin pa ng pamilya Peters kahit na mahal na mahal nila siya.

Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinagat ang ibabang labi, nagpasiya at sumagot, “Opo, Lola Belen. Mabait talaga si Eduard. Ginagalang niya ako at mahinahon siya tuwing kinakausap niya ako. Isa pa, masaya ako na kasama siya.”

Muling natahimik si Lola Belen noong mga oras na iyon.

Narinig ni Celestine ang tahimik na buntong-hininga ng kanyang Lola Belen.

Marami nang ginawa si Lola Belen para sa marriage nina Celestine at Benjamin. Pero nauwi rin sa ganito...

“Celestine, ayaw talaga kitang mawala sa totoo lang,” medyo nanginginig ang boses ni Lola Belen.

Ngumiti si Celestine, “Kahit hindi na po kami ni Benjamin, hindi magbabago ang relasyon natin sa isa’
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Akira Fajardozal
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 430

    “Ay, thank you po. Pati rin naman po kayo, ang ganda-ganda niyo rin, Ms. Darling,” nakangiting sabi ni Celestine.“Ikaw talaga, napakabolera mo Celestine,” sagot naman ni Darling kay Celestine.Napatigil si Diana, tila biglang na-freeze at hindi alam ang gagawin.Napatingin siya sa kamay niyang itinabig ni Ms. Darling at tuluyang napako sa kanyang kinatatayuan. Nakaramdam siya ng inis, hindi lang kay Celestine kung hindi pati na rin kay Ms. Darling.Itinabig ni Darling ang kanyang kamay… para lamang lapitan si Celestine? Bakit? Magkakilala ba talaga sila at close sa isa't isa?Kanina lang sa opisina, napaka-warm ng pakikitungo nito sa kanya! Tapos ganito?Itinaas ni Diana ang ulo at nakita si Darling na umiikot kay Celestine, habang nakangiting nagsasabing,“Diyos ko, Celestine, ngayon lang kita nakita nang personal, ang ganda mo pala talaga!”“Sinasabi nga ng Mama mo na parang model ang katawan mo. Akala ko nagbibiro siya. Pero ngayong nakita na kita, ibang level ka nga talaga! Dapat

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 429

    Sa may pintuan ng opisina, biglang nakarinig si Celestine ng pamilyar na tinig,“Actually, gusto ko rin ‘yung puting bestida sa labas. Kung masyadong gipit sa oras, ayos na rin kung iyon na lang.”“‘Yung isa…”Habang nagsasalita, lumabas na sa opisina ang babae.Napatingala si Celestine at nagtama ang kanilang paningin, punong-puno ng gulat ang mga mata ng babae.“Celestine?”Napasingkit ng mata si Celestine. Sino pa nga ba ito kundi si Diana?Ang sikip naman talaga ng mundo. Pati ba naman sa pagpili ng bestida, makakasalubong niya si Diana? Dito pa talaga siya bibili ng isusuot niya?Itinaas ni Diana ang kilay at biglang ngumiti kay Celestine.Dumating si Celestine para pumili ng damit. Ibig sabihin ba nito… “Pumipili ka rin ba ng damit para sa cruise party? Seryoso ka?”Pumikit ng bahagya si Celestine at sinagot ito ng kalmado, “Oo. Bakit? Ano namang masama kung dito ako bumili ng susuotin ko?”“Ang sakto naman kasi. Pupunta rin ako sa cruise party,” ani Diana habang pinanliitan ng

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 428

    Tumingin si Benjamin pataas sa bahay ng pamilya Yllana at mahigpit na hinawakan ang cellphone.Matagal siyang nakatingin bago umalis at hindi niya sinagot ang text ng designer.Kinabukasan, bumaba si Celestine at narinig si Nancy na nagsabi, “Nakita ko si Benjamin kagabi pag-uwi ko, dyan sa tapat ng bahay natin. Hindi ko alam kung bakit siya naroon.”Kalmadong kumakain ng almusal si Celestine at tinanong, “Gaano mo siya katagal nakita?”“Hmm, mabilis lang din. Akala ko nga bababa pa,” Kakauwi lang ni Nancy mula sa trabaho nang umalis si Benjamin sa harap ng bahay nila.Nagtaka siya kung bakit dumaan si Benjamin doon kaya nagpunta siya sa monitoring room at nakita niyang halos kalahating oras nakaparada sa tapat ng bahay ang sasakyan ni Benjamin sa harap ng bahay nila.Tumango lang si Celestine at walang sinabi.“May balita sa labas na ikakasal na raw siya kay Miss Valdez.” Uminom ng kape si Nancy at tiningnan si Celestine.Hindi nagpakita ng interes si Celestine. Patuloy lang siyang k

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 427

    "Mr. Peters, kailan mo ibibigay sa akin ang batch ng aking mga share na ilalagay sa kumpanya mo? Hindi mo pa rin ba ko papayagan ngayon?" Mariing pinagdikit ni Benedict ang kanyang mga labi, ang kanyang mga matang malalim ay puno din ng panganib.Tinitigan siya ni Benjamin sa kanyang kilay, na para bang gusto niyang arukin kung ano ang nasa isipan ni Benedict."Ang mga share ni Louis ay ipinagbabawal na ipasok sa kumpanya ko. Malinaw na regulasyon iyan. Kung ipipilit mo pa rin na ipasok ang mga share ni Louis, huwag mo na akong sisihin kung hindi kita bibigyan ng konsiderasyon na makapasok," malamig na sabi ni Benjamin, na may taglay na maharlika at may awtoridad sa kanyang boses.Napakunot ang noo ni Benedict, mapanukso ang kanyang tingin. "Mr. Peters, iyon na ba ang lahat ng kaya mong sabihin sakin?""Sapat na 'yan para harapin kita," sagot ni Benjamin habang bahagyang nakangisi, puno ng panunuya ang kanyang mga mata.Agad lumapit si Benedict sa kanya, bahagyang nag-iba ang ekspresy

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 426

    Hindi nagwala si Diana sa mga sumunod na araw. Nakipagtulungan siya sa gamutan niya sa ospital araw-araw at araw-araw din siyang sinamahan ni Benjamin para roon.Si Celestine naman ay sumunod sa nakasanayang routine niya.Tuwing uuwi siya ng bahay, palagi niyang naririnig ang reklamo ng kanyang ama tungkol sa batch ng mga produkto ni Benedict Salvador.Kumalat sa kanilang paligid ang balita na tinatakot at sinisiraan daw ni Benjamin si Benedict.Wala talagang magawa si Benedict sa ganitong klase ng galaw ni Benjamin, kaya't napilitan siyang labanan ito hanggang sa huli.Isang gabi sa isang dinner party, dumating si Celestine para sunduin ang lasing na ama na si Wendell. Pagpasok niya sa loob ng kwarto, agad niyang nakita ang ilang pamilyar na mukha.“Nandito na si Celestine,” bati ng isang nakatatanda habang kumakaway kay Celestine.Tumango si Celestine at tiningnan ang mga tao sa loob.Naroon sina Benjamin at Sean, pati na rin si Benedict na kasalukuyang pinag-uusapan sa buong Nueva

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 425

    Ito ang unang beses na pumayag si Zsa Zsa sa desisyon ng dalawa, kaya parehong nagulat sina Benjamin at Diana.Tiningnan ni Zsa Zsa si Diana at napabuntong-hininga, “Handa siyang mamatay para lang makasal sayo. Kailangan mong pakasalan ang babaeng ito.”Sa isip-isip niya..‘Pakakasalan mo siya, tapos araw-araw na lang siyang tatalon mula sa kung saan-saang building, guguluhin ka at papatayin ka sa stress araw-araw! Gusto mo iyon, hindi ba?”Gusto niya talaga si Celestine para kay Benjamin pero kinailangan niyang inisin si Diana para matigil na ito sa kanyang mga pag-iinarte.Tinitigan ni Zsa Zsa si Benjamin at habang iniisip niya ito, lalo siyang naiinis sa kanyang anak!Ang anak niyang ito, talagang walang kwenta! Hindi nag-iisip! Talagang pakakasalan pa niya si Diana?“Tita, totoo po bang pumapayag na kayong pakasalan ako ni Benj? Hindi na po ba kayo galit sa akin?” Lumuluha sa tuwa si Diana sa tuwa nang marinig iyon.Tumango si Zsa Zsa at nagsalita, “Oo, pumapayag na ako sa kung an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status