Hanggang sa tumigil na ang mga yabag.
Nang mapatingin si Celestine nang hindi sinasadya, nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.Dahan-dahang ibinaba ni Celestine ang mga hawak niya at tumayo, saka tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa.“Benj.. Benjamin? Anong nangyari sa’yo?" medyo tulala si Celestine noong mga oras na iyon.Napatingin si Danica sa kanila. Kitang-kita ang gulat sa kanyang itsura. Basa ng ulan ang buhok ni Benjamin. Nakakunot ang noo at nakatitig kay Celestine, halatang puno ng kaba at pag-aalala.Nasa likod ni Benjamin sina Veronica at dalawang guards mula sa ospital."Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo? Kanina pa ko tawag nang tawag." Galit at puno ng paninisi ang tono ni Benjamin pagbungad pa lang ng mga salita niya.Kinapa ni Celestine ang bulsa niya. Cellphone niya?Ah, nakalimutan niyang kunin ito noong nagpalit siya ng damit. Naiwan niNarinig ni Diana ang sinabi ni Mary at agad na umiling. “Ayoko, Mommy. Ang gusto ko lang pakasalan ay si Benjamin. Wala nang iba pa. Naiintindihan mo ba ako?” Sa buhay niya, hindi siya magpapakasal kahit kanino man maliban kay Benjamin Peters. Kailangan niyang mapasaya si Benjamin at sa gayun ay pakasalan siya nito. Kahit anong paraan pa ang gamitin niya! Gagawin niya iyon mangyari lang ang gusto niya! “Bahala ka kung anong gusto mo. Ang akin lang naman ay hindi lang si Benjamin ang lalaki sa mundo. At syempre, gusto kong sumaya ka rin.” Singhal ni Mary sa kanyang anak, sabay kuha ng kanyang bag. “May gagawin pa ako ngayon, aalis na ako.” “Sabihin mo na lang sa Tita Deth mo kung ano ang gusto mong kainin. Para ipapahanda ko at ipapadala rito.” Pagkasabi niyon, umalis na si Mary. Nakita ni Diana ang papalayong pigura ni Mary at bumigat ang kanyang dibdib. Kahit mabuti ang trato ng pamilya Valdez sa kanya, madalas ay hindi niya maramdaman ang tunay na pagmamahal mula s
Ngumiti lang si Wendell sa kanya at nagsabing, “Kapag naintindihan mo na and lahat, kunin no na ang ari-arian ko. Gusto ko na magbakasyon. Gusto ko nang mag retire, anak.”Hindi ulit nakapagsalita so Celestine noong mga oras na iyon.Hindi ba’t inaalam na nga niya ngayon ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay?Sa isip-isip niya..‘Hay, itong pamilyang ‘to, hindi ba pwedeng pagkatiwalaan lang ako kahit sandali?! Madali lang naman iyon, bakit hindi nila magawa?’Napabuntong-hininga si Celestine, naghanda na ng kanyang sarili at pumasok na sa trabaho.On the way to work, nakatanggap siya ng tawag mula kay Eduard, “May magandang pelikula na palabas ngayon. Gusto mo bang manood tayo mamayang gabi? Don't worry, it's my treat. Matagal na rin tayong hindi nakakapag bonding, e.”Tumaas ang kilay ni Celestine at bahagyang nag-isip. “Sige. Ayos lang sa akin. Wala naman akong gagawin mamaya.”Medyo nagulat si Eduard na pumayag agad si Celestine sa request niya. “Sige, susunduin kita mamaya pagkatap
Dalawang kotse ang nagmamadaling tumatakbo sa amber road. Palitan sila ng pangunguna, tila nasa contest na walang makalamang.Galit si Celestine nang dumating siya ngayon, kaya’t todo ang pagmamaneho niya. Pero kumpara ng maraming taon na ang nakalipas, tila bumaba na ang kanyang galing pagdating sa car racing.Ang asul na kotse ay nagbigay ng kakaibang kasabikan kay Celestine. Mas kapanapanabik ito kaysa sa karera niya laban kay David Arcelli. Sa wakas, parang may totoong kalaban na siya at hindi tatanga-tanga.Muling nagsabay ang asul na kotse at ang kotse ni Celestine sa track. Ipinakita ng navigation system na malapit na ang finish line, lampas lang sa kanto. Malapit na so Celestine.Pinagdikit ni Celestineang kanyang mga labi, hinawakan nang mahigpit ang manibela gamit ang dalawang kamay at tiningnan nang malalim ang kabilang kotse.Sakto namang tumingin din ang tao sa asul na kotse sa kanyang direksyon. Nakita ni Celestine ang isang pares ng malalalim na mata ng lalaki.Sa sumun
Ang lalaki ay medyo matangkad kaysa kay Celestine, nakasuot ng itim na sports suit at napakakisig.Pumirma din siya roon katulad ni Celestine.“Sige, hintayin mo ang susunod na ikot,” sabi ng lalaking namumuno.Si Celestine ay nag-iinit ang katawan dahil as stress na kanyang naranasan at ang lalaki ay nakatayo sa tabi niya.Tiningnan ni Celestine ang lalaki ng ilang ulit. Nakayuko ito at kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng kanyang sumbrero. Pero ang lalaki ay may matangos na ilong at mapupulang labi. Kahit hindi mo makita ang kanyang mga mata, mararamdaman mong gwapo siya.Nang itinaas ng lalaki ang ulo niya, si Celestine naman ay nakayuko na at nag-iinat.Nagkasalisi ang kanilang mga tingin. Para bang nahihiya sila sa isa't isa.Hindi nagtagal, nagsimula na ang karera. Nag-renta si Celestine ng berdeng race car para iyon and gamitin niya.Apat ang kalahok sa kabuuan at ang track sa amber road ay hindi rin gaanong nalalayo sa bundok kung saan siya naglaro noon. Hindi ganoon kahira
Bumigat ang dibdib ni Celestine, agad siyang lumapit sa bintana at sumilip pababa.Unti-unting natakpan ng matingkad na pula ang puti, at bago siya namatay, hawak pa rin niya ang kanyang ID card.Biglang naunawaan ni Celestine kung bakit niya inalis ang kanyang puting coat kanina.Pwede siyang madumihan, pero ang kanyang puting coat ay hindi dapat madumihan. Ito ang kanyang propesyon, at ayaw niyang madungisan ito, kahit ng sarili niya.Nilunok ni Celestine ang laway niya, dahan-dahan niyang pinisil ang kanyang mga kamao, saka tumalikod at lumakad paalis.Nakunot ang noo ni Benjamin at sumunod.Pagbaba ni Celestine, nagsimula nang maglatag ng barikada ang mga guards. Tumakbo ang mga emergency doctors papunta sa katawan ni Caroline, ngunit umiling lang sila sa isa’t isa. Maya-maya, tinakpan na siya ng puting tela.Kitang-kita ni Celestine ang lahat ng nangyari at napaatras siya ng isang hakbang.May biglang humawak sa baywang niya at paglingon niya, nagtagpo ang mga mata nila ng lalaki
Nag-aral siya ng medisina nang maraming taon at nagtrabaho nang napakahirap para lang makatungtong sa kung nasaan man siya ngayon. Kailangan niyang umasa sa sarili niyang kakayahan para makapasok sa ospital na ito. Pero sila, sapat nang kausapin lang ng mga kamag-anak nila ang mga nakakataas sa ospital para magkaposisyon lang sila.Kahit ano ang sabihin ng kanilang mga pamilya, kahit hindi totoo, ayos na iyon.Nang unang pumasok si Diana sa ospital, siya ay alagad ni Caroline. Hindi pinayagan si Caroline na pagalitan ito o pagsabihan man lang at araw-araw ay tinatrato siya nito na parang walang kwenta. Basura nga, sabi nila.Lumipas na ang kalahating taon at wala pa ring natutunan si Diana sa medisina dahil puro yabang lang ang alam niya. Nang magsagawa ng inspeksyon ang mga nakakataas, siya Caroline agad ang pinuna. Ano pa ba ang magagawa niya? Wala. Inis na inis siya noon pero wala siyang laban.Umiling si Caroline nang maalala ang lahat ng iyon. Ang mundo nga ay tila hindi na kara