Share

Chapter 286

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-05-07 11:00:29

Sa tuktok ng bundok, nagtipon ang mga tao sa isang bilog, at napakaingay ng paligid.

Tumingin si Celestine sa magkakapatong na kagubatan at mga aspalto sa ibaba, at hindi napigilang mangati ang kanyang mga paa.

"Gusto mo rin bang makisali sa car racing?" Narinig niyang sabi ni Shiela.

Lumingon si Celestine. Si Shiela ay nakasuot ng itim, may suot na maskara at sombrero, napakalow-key niya para hindi siya makilala.

"Ang tunay na nakakakilala sa akin! Shiela, ikaw na talaga!" nakangiting sabi ni Celestine.

Suot ni Celestine ang isang itim na crop top at skirt pants ngayong gabi. Nakalugay ang kanyang kulot na buhok at maayos ang kanyang makeup. Halatang isa siyang "hot girl" sa unang tingin.

"Sige, laro tayo. Basta mag-ingat ka lang ha," sabay turo ni Shiela sa registration sa gilid.

Kinabahan bigla si Celestine, "Matagal na akong hindi tumatakbo. Hindi ko alam kung marunong pa ako.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
more update po sana
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
thank you po sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 1

    “Pwede ba Celestine? Huwag mo nang asahan na mamahalin kita!” sigaw ni Benjamin Peters sa asawa nito. Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ng kanyang asawa at saka tinulak sa kama. Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. “Inubos mo na talaga ang pasensya ko sa iyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hayaan mo, divorced naman na tayo pagkatapos ng anim na buwan. Konti na lang.” “Hindi ko naman talaga tinulak si Diana sa pool. Nawalan siya ng balanse noon kaya nalaglag siya,” sagot ni Celestine sa kanyang asawa. May takot sa boses ni Celestine. Basa rin ang buo niyang katawan. Nanginginig din siya habang kausap ang asawa. Kitang-kita pa sa kanya ang pagkagulat sa pagkakalaglag niya sa swimming pool kanina. “Huwag nang maraming satsat! Kung anu-ano pang alibi mo dyan. Alam mo naman na takot si Diana sa tubig tapos ginawa mo pa iyon sa kanya? Matagal na kayong magkaibigan, hindi ba?! Dapat alam mo iyon!” sigaw ni Benjamin sa asawa. “Alam mo, kapag namatay siya ay isasama talaga kita

    Last Updated : 2025-02-13
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 2

    Agad na inayos ni Benjamin ang kanyang suot na suit pagkatapos sabihin iyon kay Celestine. Doon na nakaramdam ng hiya si Celestine sa kanyang sarili. Naisip niya tuloy ‘yong sinabi ni Shiela sa kanya. Si Shiela ay matalik niyang kaibigan kaya kilalang-kilala nito si Celestine. ‘Celestine, ikaw ang panganay na anak ng mga Yllana. Lahat ng gusto mo ay binibigay nila sa iyo. Ang atensyon nila ay nasa iyo lang dahil mahal na mahal ka nila pagkatapos hahayaan mo lang na ganyan ang trato sa iyo ni Benjamin?” Sa totoo lang, hindi na rin niya alam. Marahil kaya siya ganoon ay dahil noong na-bully siya noong seventeen years old pa lang siya ay prinotektahan siya ni Benjamin. Lagi siyang sinasabihan nito na huwag siyang matakot dahil nasa tabi lang siya lagi ni Celestine. Ang hindi niya alam ay pwedeng-pwede pa lang sabihin ni Benjamin iyon kahit kanino. Hindi lang sa kanya. Akala niya ay espesyal siya para rito pero nirmal lang pala sa kanya na maging maaalalahanin. Dahil doon ay sagl

    Last Updated : 2025-02-13
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 3

    Napakagat labi na lang si Benjamin bago siya magsalita. “Celestine, ayaw kitang pilitin sa isang bagay. Lalo na sa ganito.”Sa totoo lang, dapat nga ay maging masaya siya dahil gusto na ni Celestine makipag-divorce. Pero, noong tiningnan niya si Celestine kanina ay parang may kung anong pumipigil sa kanya. “Napag-isipan mo na ba ito ng maraming beses? Sigurado ka na bang gusto mo na ng divorce?” nang tingnan ni Benjamin si Celestine, sa unang pagkakataon ay parang ibang tao ang kausap niya.Alam ni Benjamin na si Celestine talaga ang may gusto noong kasal. Sobra-sobra ang kanyang ginawa para lang maging mag-asawa sila. Hindi ito basta-basta magdedesisyon ng hiwalayan.Sa sobrang gwapo ni Benjamin ay malabong ayawan siya ni Celestine. Maayos ang kanyang pananamit, maganda rin ang kanyang mga mata, macho. Lahat na ay nasa kanya kaya hindi siya makapaniwala na gusto na siyang hiwalayan ng asawa.Para manatili sa relasyon na iyon, tiniis ni Celestine ang mga malalamig na tingin at pakiki

    Last Updated : 2025-02-13
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 4

    Ilang minuto pa ay narinig niyang nag-park sa harapan ng mansion ng mga Peters ang kotse na kanina pa niya hinihintay. Isa ‘tong kotse na ang brand ay Pagani, kulay purple ang kulay noon at ang ganda-ganda.Paglabas niya ng mansion ay agad niyang nakita ang isang lalaki ang bumaba mula roon sa kotse. Nag-joke pa nga ito sa kanya. “Miss Yllana, handa ka na ba talagang alisan ang impyernong lugar na ito?”Tumawa lang noon si Celestine pagkatapos ay nagsalita. “Oo, ang bilis mo ngang dumating eh.”Nang lumapit siya sa kotse ay agad siyang umupo sa driver’s seat. Si Vernard ay kababata ni Celestine na naging kanang kamay na rin niya dahil noong bata sila ay muntik nang malunod si Vernard dahil sa likot at kakulitan niya. Buti na lang talaga at nandoon si Celestine para sagipin siya.Simula noon, naging matalik na silang magkaibigan at kung nasaan si Celestine ay nandoon din siya. Kahit anong iutos ni Celestine ay agad na sinusunod ni Vernard.“Oo naman, ang tagal ko kayang hinintay na ma

    Last Updated : 2025-02-13
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 5

    Sa kabila ng pag-aaway nila ni Celestine ay nagawa pa rin ni Benjamin na pumunta sa ospital para dalawin si Diana.Habang siya ay nagbabalat ng apple ay narinig na lang niyang nagsalita si Diana habang nakahiga ito sa kama. “Benjamin, bakit ba hindi na lang tayo maghiwalay?”Nanlaki ang mga mata ni Nenjamin dahil sa sinabi ni Diana sa kanya. “Ano namang sinasabi mo dyan? Walang kwenta.”“Mahal na mahal ka ni Celestine at ayaw ko na siyang saktan,” naiiyak na sagot ni Diana.Napasimangot na lang noon si Benjamin.Naisip niya bigla ang nangyari kanina, ‘yong gusto na rin ni Celestine na mag-divorce sila. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto na ni Celestine na makipaghiwalay sa kanya.Iniisip na lang ni Benjamin na ginagamit na lang na palusot ni Celestine ang divorce para takbuhan nito ang responsibilidad niya kay Diana.“ Huwag kang mag-alala, dadalhin ko siya rito para personal na makahingi ng tawad sa iyo, ha?” sabi ni Benjamin pagkatapos ay binigay na kay Diana ‘yong binalatan ni

    Last Updated : 2025-02-13
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 6

    Bumaba ng hagdan si Benjamin, mabigat ang kanyang pakiramdam. Lumingon pa siya sa paligid bago tuluyang mapansin na wala ang painting na ginawa nila ni Celestine noon. Hindi ito nakasabit sa dingding. Nagulat na lang siya nang makita na nasa may trash can ang painting at sira-sira na ito. Huminga siya nang malalim. Naalala niya kung paano ba nila nakuha ‘yong painting na iyon. Pagkatapos kasi siyang pakasalan ni Celestine ay lagi na itong nagtatanong kung pwede ba siyang samahan ng asawa sa pagso-shopping. Dahil busy siya sa trabaho ay hindi pumapayag si Benjamin. Hanggang sa dumating ang birthday ni Celestine, pumunta ito sa kumpanya para hanapin siya at tanungin. “Pwede mo ba akong samahan sa mall ngayon? Birthday ko naman, e. Kung sobrang busy mo, pwede naman na thirty minutes mo lang akong samahan. Promise! After noon, hindi na ako mangungulit pa sa iyo.” Dahil na-guilty na rin siya sa paulit-ulit na pangungulit ng asawa tapos lagi naman siyang hindi pwede ay pumayag na rin

    Last Updated : 2025-02-20
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 7

    Alam naman niya kung gaano kahalaga para sa pamilya niya ang career at business pero gusto naman niyang buuin ang kanyang sarili dahil alam niyang nasayang ang tatlong taon ng buhay niya kasama ang Benjamin Peters na iyon. Pumunta sila sa The A Club para magsaya ni Shiela. Tinakpan niyang maigi ang kanyang tainga dahil sa lakas ng sounds sa The A Club. Kitang-kita niyang nagsasaya na ang ibang tao dahil nagsasayaw ito sa gitna, sa dance floor. Sumakit pa nga ang mata niya dahil sa kung anu-anong kulay ang nakikita niya sa The A Club. Nakasuot siya ng red-tight skirt at naka-10 cm high heels. Pansin ang kanyang mahahabang legs. Dahil tight nga ang kanyang suot ay kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Nag-make up din siya para naman magmukhang presentable siya oras na may lumapit sa kanya. Nakalugay din ang kanyang curly na buhok. Isama mo pa ang magaganda niyang mata na sa tuwing ngi-ngiti siya ay parang nakangiti na rin ang mga ito. Paminsan-minsan ay naiilawan siya sa The A

    Last Updated : 2025-02-20
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 8

    Nakita pa ni Benjamin na binasa ng kanyang asawa ang bibig. Unti-unti rin niyang hinuhubad ang polo shirt ni Anthony pagkatapos ay nagsalita. “Gusto mo ba na ituloy natin ‘to?” malandi ang pagkakasabi ni Celestine noon kaya kuhang-kuha niya si Anthony. “Paano?” may pagtatakang tanong ni Anthony. “Mag-hotel tayo,” deretsahang sagot ni Celestine, malandi pa rin ang tono. Ramdam na ng dalawa ang init sa pagitan nilang dalawa. Idagdag pa na mina-match talaga sila ng mga taong naroon sa club. Hindi maipinta ang mukha ni Benjamin. Kahit hindi sabihin ni Benjamin ay ramdam na ramdam ni Sean na galit ang kaibigan niya sa kung ano man ang nakikita nito. “Ms. Yllana, seryoso ako,” sabi ni Anthony. “Mukha ba akong nagloloko dito?” seryoso ang mukha ni Celestine nang sabihin iyon. Agad tuloy na tumayo si Anthony at nilunok ang kanyang laway. “Tara na,” yaya ni

    Last Updated : 2025-02-21

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 286

    Sa tuktok ng bundok, nagtipon ang mga tao sa isang bilog, at napakaingay ng paligid. Tumingin si Celestine sa magkakapatong na kagubatan at mga aspalto sa ibaba, at hindi napigilang mangati ang kanyang mga paa."Gusto mo rin bang makisali sa car racing?" Narinig niyang sabi ni Shiela.Lumingon si Celestine. Si Shiela ay nakasuot ng itim, may suot na maskara at sombrero, napakalow-key niya para hindi siya makilala."Ang tunay na nakakakilala sa akin! Shiela, ikaw na talaga!" nakangiting sabi ni Celestine.Suot ni Celestine ang isang itim na crop top at skirt pants ngayong gabi. Nakalugay ang kanyang kulot na buhok at maayos ang kanyang makeup. Halatang isa siyang "hot girl" sa unang tingin."Sige, laro tayo. Basta mag-ingat ka lang ha," sabay turo ni Shiela sa registration sa gilid.Kinabahan bigla si Celestine, "Matagal na akong hindi tumatakbo. Hindi ko alam kung marunong pa ako.”

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 285

    Ang kanyang divorce kay Benjamin ang nagpasaya sa lahat. Parang lahat ay gusto talagang matapos na kung ano man ang meron sila.Ngunit tila itinakda na may mga pamilyang masaya at may mga pamilyang malungkot. Dahil alam niyang malaki ang magiging epekto nito sa pamilya Peters.Sa ospital, mabigat ang loob ni Lola Belen habang tinitingnan ang balita sa kanyang cellphone.Bago pumirma at pagkaalis nina Benjamin at Celestine ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa Civil Affairs Bureau.Sinabi ng kanyang impormante na nagpunta sina Celestine at Benjamin doon para ayusin ang kanilang divorce.Sinabi pa nito na sinubukan niyang pigilan ang dalawa pero hindi na talaga niya natuloy iyon dahil buo na ang desisyon ng dalawa.Talagang nalungkot si Lola Belen noon. Kapag naaalala niya kung paano hindi nakaranas ng kasiyahan si Celestine sa pamilya Peters sa loob ng maraming taon, at ngayon ay kailangan nitong umalis sa ganitong kahiya-hiyang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 284

    Kumakain si Celestine ng isang piraso ng maanghang na manok nang marinig niya ang sinabi ni Benjamin sa kanya, kaya tiningnan niya ito nang masama."Hindi ah! Ako? Iiyak? Hindi ko gagawin iyon! Saka, dati pa iyon. Hindi ko na maalala."Tumawa si Benjamin, "Sa tingin mo ay maniniwala ko sa iyo? Celestine, hindi ba kita kilala?""Alam mo, wala ka namang alam. Dati pa, wala ka nang alam.” Inis na inis na sabi ni Celestine.Ngumiti si Benjamin, bahagyang natawa, pero hindi na nagsalita pa."Hindi dahil sa’yo ang pag-iyak ko, 'no, huwag kang magpaka-importante. Ilang beses na akong nakapunta rito, minsan kasama pa si Shiela! ‘Yong best friend ko!" Masama ang tingin ni Celestine sa kanya, pero habang nagpapaliwanag siya, lalo lang lumalala ang dating."Si Shiela ay taga Department of Media, at wala namang Department of Media malapit dito, hindi ba? So, paano mo siya makakasama sa restaurant na ito?” Inilapag na ni Benjamin ang kanyang kutsara't tinidor, halos tapos na siyang kumain.Bigla n

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 283

    Hinawakan ng may-ari ng tindahan ang kanyang baba, nag-isip sandali, at nagsabing may gulat, “Ay, oo nga! Ikaw nga iyon! Galing ka sa medical school, di ba?”Mahinang umubo si Celestine at ngumiti, “Miss, siguro nagkamali ka ng taong naalala. Hindi iyon ang totoo. Ngayon lang ako nakapunta sa restaurant na ito.”Hindi niya kailanman aaminin na siya ang tanga na pumunta rito mag-isa para kumain dahil hindi siya sinipot ni Benjamin noon. Alalang-alala pa niya, iyak nga siya nang iyak noon habang kumakain. Para siyang batang umiiyak dahil nawala at hindi makita ang magulang kung umiyak.Talagang labis ang kanyang kalungkutan noon, dahil ipinangako ni Benjamin na sasamahan siya kumain ng pinaka best seller sa restaurant na iyon na matagal niya iyong inasam pero hindi natuloy.Pero sa mismong araw ng kanilang dinner, tinawagan siya ni Diana at agad siyang pinuntahan ni Benjamin. Ang galing, ‘di ba? Kapag iyong babae na iyon ang tumawag, nasusunog talaga ang pwet niya.Ayaw na ni Celestine

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 282

    Tiningnan ni Celestine ang kanyang mga mata at gusto sanang sabihin sa kanya na hindi na siya muling mangangahas lumangoy para lang iligtas siya. Kaya dapat siya ang manlibre.“Ikaw, ililibre ko?”Pero matapos marinig ang kanyang sagot, napangiti na lang siya nang may kaunting kapaitan sa kanyang mukha at nilunok ang lahat ng salitang gusto niya sanang sabihin.Yumuko si Celestine at tahimik na kumain nang hindi nagsasalita.Ang anghang ng pagkain sa restaurant na iyon.Sumulyap sa kanya si Benjamin, palaging pakiramdam niya ay may gusto itong sabihin, pero sa huli ay nanahimik na lang ito.Ilang minuto pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Benjamin.Nang makita ang caller ID, agad niya itong pinatay. Pero pagkakapindot niya ng end call, tumawag ulit ito. Matapos niya itong patayan nang ilang beses, tuluyan na niyang ni-mute ang kanyang cellphone.Hindi napigilang tumingin si Celestine sa kanya, naalala niya bigla ang balita sa kanyang cellphone noong kinuha niya ang kanyang ID card.

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 281

    Tiningnan ni Benjamin ang pangalan ni Celestine nang may magkahalong lungkot at saya sa kanyang mga mata.Itinaas niya ang kanyang ulo at tiningnan si Celestine. Parang may pagitan na sa kanilang dalawa na hindi matibag. Hindi niya lubos na maaninag si Celestine noong mga oras na iyon.Kinuha ni Benjamin ang ballpen niya mula sa kanyang bulsa.Kinuha niya ang form ng application for divorce na nasa harapan niya. Napakabigat ng paligid, na para bang nilulunok siya nito at hindi siya makahinga.Siya ang pinaka-nagnanais ng divorce noon pa man, pero nang dumating ang araw na ito, siya rin ang pinaka-malungkot! Sa isip-isip niya, bakit?Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang ballpen, napakunot ang noo, at yumuko, "Celestine, sigurado ka na ba talaga rito?"Parang binibigyan niya ito ng pagkakataong umatras, o baka binibigyan niya si Celestine ng isa pang pagkakataon para maayos ang kanilang relasyon.Naghihintay siya, naghihintay na sabihin ni Celestine na hindi siya papayag at gagawin ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 280

    Maya-maya, isang itim na Porsche ang huminto sa tabi ni Celestine. Bumaba si Benjamin sa sasakyan at nagtagpo ang mga mata nila ni Celestine.Iwinagayway ni Celestine ang kanyang ID card, ang book of registry na kailangan nilang ipakita, at ang certificate of marriage nila sa kanyang kamay.Pinigil ni Benjamin ang kanyang labi. Suot niya ang isang itim na suit, maayos at malinis iyon, at napaka-dignified ng kanyang itsura. Ngunit hindi tulad ng dati ang kanyang mga mata, namumula at halatang pagod na pagod.“Wow, handang-handa ka na.”Mahinang sambit niya.“Halika na,” mabilis na sabi ni Celestine habang naglakad papasok, walang pag-aalinlangan, at tuluyang hindi na kinausap pa si Benjamin.Nakunot ang noo ni Benjamin dahil doon, magulo ang kanyang isipan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mabagal ang kanyang lakad noong mga oras na iyon, habang si Celestine ay palaging nauuna.Ang kilos ni Celestine ay katulad noong kukuha sila ng marriage certificate, masaya pero kinakabahan, takot

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 279

    Sa nakaraang tatlong taon, paulit-ulit na iniwan ni Benjamin si Celestine para kay Diana.Mula sa dating "Asawa mo ako, dapat akong angkinin mo," naging "Hinahanap ka ni Diana,” ang kanyang response sa tuwing tumatawag si Diana kay Benjamin.Sa pag-iisip nito, biglang tumingin si Benjamin sa kalsada.Tinanong siya ni Celestine dahil pati siya ay lito na, “Saan ka ba pupunta?”“Pabalik na sa mansion,” malamig at matigas ang tono ng kanyang boses.“Benjamin, ihatid mo ako sa bahay namin. Sa pamilya Yllana ako uuwi,” mariing utos ni Celestine.“Doon ka muna sa mansion ngayong gabi,” malamig na sabi niya.“Gusto mo bang tumalon ako rito sa sasakyan o ihatid mo ako sa bahay ng pamilya ko?” malamig ang tingin ni Celestine kay Benjamin, may banta sa kanyang mukha at walang pag-aalinlangan ang kanyang mga salita.Lumingon si Benjamin sa kanya.Puno ng kaseryosohan ang mga mata ni Celestine, parang handa talaga siyang tumalon sa kotse anumang oras.Tapos na ang lahat para sa kanila, hindi na s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 278

    Tumama ang mga patak ng ulan sa salamin, at ang tunog ng pagtulo ay nagdulot ng pagkabagot sa mga naroon.“Aalis muna ako saglit. Babalik din naman ako.” Tumayo si Benjamin, kinuha ang kanyang coat at lalabas na sana pero napigilan siya ng kanyang ama.“Kakaupo mo pa lang, aalis ka na agad?” Sumbat ni Philip kay Benjamin.“May kailangan lang po akong gawin. Babalik na lang po ako,” sagot ni Benjamin pagkatapos ay umalis na.Sa harapan ng departament kung nasaan ang mga pasyente.Tumingin si Celestine sa malakas na ulan at napabuntong-hininga. Kahit anong pilit niya, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Gusto na niyang umiyak sa takot.“Bakit palaging umuulan sa Nueva Ecija nitong mga nakaraang araw?”“Ayos lang sana kung ulan lang, pero laging may kidlat at kulog, nakakakaba kapag laging ganoon.” Reklamo ng nurse na naka-duty sa tabi niya.Tumingala si Celestine sa langit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status