LOGINAgad na inayos ni Benjamin ang kanyang suot na suit pagkatapos sabihin iyon kay Celestine. Doon na nakaramdam ng hiya si Celestine sa kanyang sarili.
Naisip niya tuloy ‘yong sinabi ni Shiela sa kanya. Si Shiela ay matalik niyang kaibigan kaya kilalang-kilala nito si Celestine. ‘Celestine, ikaw ang panganay na anak ng mga Yllana. Lahat ng gusto mo ay binibigay nila sa iyo. Ang atensyon nila ay nasa iyo lang dahil mahal na mahal ka nila pagkatapos hahayaan mo lang na ganyan ang trato sa iyo ni Benjamin?” Sa totoo lang, hindi na rin niya alam. Marahil kaya siya ganoon ay dahil noong na-bully siya noong seventeen years old pa lang siya ay prinotektahan siya ni Benjamin. Lagi siyang sinasabihan nito na huwag siyang matakot dahil nasa tabi lang siya lagi ni Celestine. Ang hindi niya alam ay pwedeng-pwede pa lang sabihin ni Benjamin iyon kahit kanino. Hindi lang sa kanya. Akala niya ay espesyal siya para rito pero nirmal lang pala sa kanya na maging maaalalahanin. Dahil doon ay saglit na ipinikit ni Celestine ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, manhid na ang puso niya. Hindi na nga niya alam kung ano pa ba ang pakiramdam nang masaktan. Dahil sa nakalipas na tatlong taon ay nakaranas siya ng sobrang sakit na mga pangyayari sa buhay. At ang matindi pa roon ay galing iyong lahat sa taong pinakamamahal niya, si Benjamin Peters. Sa mata naman ni Benjamin ay isa siyang malupit na asawa at gusto na ni Benjamin na maghiwalay na sila. Pagkatapos ng pitong taon na relasyon nila, kahit ang aso ay mapapasunod na niya sa sobrang tagal na nilang magkasama. Pero, wala. Ni minsan ay hindi pinakita ni Benjamin na pinagkakatiwalaan na niya si Celestine. Para sa kanya, tama na siguro ang pitong taon na panloloko sa sarili at ayaw na rin kasi niyang masaktan nila ang isa't isa. Ayaw na niyang ituloy pa kung ano ang meron sa kanila dahil sigurado naman siyang walang patutunguhan iyon. Iyak dito, iyak doon. Lagi na lang ganoon ang buhay niya bilang Mrs. Peters. Tumingin siya kay Benjamin kahit na nakatalikod ito sa kanya. Pinunasan din niya ang luha sa kanyang mga mata. “Benjamin, pirmahan na agad natin ang divorce papers,” sabi ni Celestine. Agad na napatingin si Benjamin sa asawa, halatang gulat na gulat ito sa narinig. Hindi siya makapaniwala na manggagaling iyon kay Celestine. Parang may kung anong matalim na humiwa sa kanyang puso nang marinig iyon mula sa kanyang asawa. Masunurin at mapagmahal na asawa kasi si Celestine. Todo alaga siya sa asawa at laging sinisigurado na maayos ang kanilang relasyon. Lahat ng gusto ni Benjamin ay binibigay at sinusunod niya dahil ayaw niyang mawala ang asawa sa kanya. Kaya naman, bago sa pandinig ni Benjamin na gusto na nitong pirmahan na agad ang kanilang divorce papers. Sa nakalipas na tatlong taon na mag-asawa sila ay nakilala na niya ang asawa, kahit ano pang masasamang salita ang sabihin niya rito ay kahit kailan, hindi ito magyayaya ng divorce. Inayos niya ang tono ng kanyang boses bago magsalita. Hindi niya pinahalata na apektado siya sa sinabi ni Celestine. “Alam mo, imbes na kung anu-ano pang sinasabi mo dyan ay mabuti pang pumunta ka na lang sa ospital. Bisitahin mo si Diana roon at humingi ka ng tawad sa kanya!” sigaw ni Benjamin. Napakagat labi na lang siya, alam na niya noon na ayaw ni Benjamin ng mga sinasabi niya. Pero, hindi siya nagpatalo. Sa unang pagkakataon ay buong tapang niyang sinagot ang asawa at walang takot na inulit kung ano man ‘yong sinasabi niya kanina. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko, gusto ko na ng divorce. Pirmahan na natin agad ang papers natin.” Naging malamig tuloy lalo ang tingin niya sa aswa nang marinig iyon. Agad siyang lumapit, nakaupo pa rin noon si Celestine sa sofa. Malapit na sila sa isa’t isa noon pero parang malayo pa rin. Nang matingnan nang malapitan ni Benjamin ang asawa ay nabigla siya. Alam niya sa sarili na matagal na niyang hindi tinitingnan si Celestine. Halata na pumayat na ito, hindi na siya kasing ganda noong una silang magkita at magpakasal. Para bang ibang-iba na ang taong nasa harapan niya. Kitang-kita rin niya na nilalamig ito, pilit na niyayakap ang buong katawan dahil nalaglag nga siya sa pool. Pansin niyang hiyang-hiya si Celestine sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang maisip ‘yong mga panahon na bata pa sila at wala pa sila sa ganito kalabong sitwasyon. Si Celestine ay ang pinakamamahal na anak ng mga Yllana. Mahilig siyang tumugtog ng piano noong bata pa lang sila at aminado rin naman si Benjamin na maraming manliligaw noon si Celestine. Pero, isa lang ang nasa puso ni Celestine, si Benjamin lang. Nangako ito na sa kanya lang siya ipapakasal. Noong mga panahon na iyon ay may sakit ang ina ni Celestine. Dahil siya nga ang panganay sa pamilya Yllana ay natuto siyang magluto ng masasabaw na pagkain para sa kanyang ina. Siya rin ang nagmamasahe rito kapag may sumakit sa katawan ng ginang. Alagang-alaga niya si Nancy Yllana. Sa totoo lang niyan ay noong una, hindi naman talaga siya galit kay Celestine. Siya pa nga ang pumayag na makasal rito. Pero, kailan nga ba siya nagbago? Iyon ay noong mga panahon na si Diana ang pinipili niyang pakasalan pero si Celestine ay gawa nang gawa ng paraan para siya ang pakasalan ni Benjamin.Pag-akyat pa lamang ng hagdan sa second floor ng café, napansin ni Celestine ang isang pamilyar na figure.Walang ibang pwedeng maging iyon kundi si Diana.Nakasuot siya ng puting bestida, makapal na coat at leather boots.Maayos siyang tingnan, tila wala nang bakas ng sakit o pagkalugmok.Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa ni Celestine at umupo sa tapat nito.Ilang sandali pa, dumating ang waiter at inilapag ang latte sa harap ng babae.Ngumiti si Celestine at nagsalita, mahinahon.“Latte, gaya ng dati.”Noong college pa lang sila, siya mismo ang laging uma-order ng latte para kay Diana.Iyon ang paboritong kape nito.“Nagulat ako… na pumayag kang makipagkita sa akin.”mahina ngunit mahinahon ang tinig ni Diana. Wala siyang ekspresyon, parang wala na siyang kaluluwa.Mula nang mangyari ang lahat ng iyon, tila naubos na ang liwanag sa kanyang mga mata.Tahimik na sumimsim si Celestine ng kape.Pag-angat ng tingin niya, may mapait na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang hindi ka na gan
Ibinigay na nga ni Celestine ang lahat kay Benjamin, pero bakit gano’n? Bakit kailangan pa rin niyang matalo nang ganito kasakit?Kung dahil lang iyon sa hindi niya ito nailigtas noon, mas lalong hindi niya maintindihan.Sa sofa, lasing na lasing si Wendell. Ngunit nang marinig ang iyak ng anak, agad siyang napabangon at pasuray-suray na lumapit.Niyakap ni Nancy si Celestine, pinipigilan ang sariling maiyak habang inaalo ito. Hindi na rin naintindihan ni Wendell ang sitwasyon, ang alam lang niya, may umiiyak. Kaya’t lumuhod siya at niyakap ang mag-ina, mahigpit na parang ayaw na silang pakawalan.Amoy na amoy ang alak sa kanyang hininga at habol-habol ang paghinga nang sabi niya,“‘Tong pamilyang ‘to… kahit anong mangyari, hindi guguho ang buhay n’yo. Nandito pa ako…”Napapikit siya, garalgal ang tinig, lasing ngunit puno ng pagmamahal.Niyakap naman ni Celestine ang dalawa, mahigpit.Pagkatapos ng gabing iyon, hindi na siya muling iiyak.Tapos na. Lahat ay dapat nang matapos.Hinapl
Dahan-dahang napabuntong-hininga si Celestine habang isa-isang pinupulot ang mga alahas na nagkalat sa sahig. Maingat niyang ibinalik ang mga iyon sa loob ng pulang kahon, tila ba bawat piraso ay isang alaala na matagal na niyang gustong kalimutan ngunit ayaw siyang bitawan.Nang makita iyon, hindi naiwasan ni Nancy na mapaluhod sa tabi niya, nagtatakang bulong,“Anak, sino kayang nagpadala nito? Bakit napakaraming alahas? Hindi naman ito regalo para kay Wendell, ‘di ba? O baka may nagdala lang tapos naiwan iyan dito?”Hindi sumagot si Celestine. Pinaghiwalay niya ang buhok na dumadampi sa kanyang mukha at ipinatong ang kamay sa noo. Ilang sandali pa, tuluyang bumagsak ang mga luha niya.Walang nakakaalam kung gaano kahalaga sa kanya ang kahong iyon.Walang ibang nakakaalam kundi siya lang.Walang nakakaalam kung gaano karaming pait, hiya, at pagdurusa ang tiniis niya sa mga panahong minahal niya si Benjamin.Kinagat ni Celestine ang labi niya, pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha n
Habang nagkukwentuhan ang tatlo nang masaya, napatingin si Rebecca na nakaupo sa tapat nila.Nakaramdam siya ng inis.Wala siyang kasabay na kaibigan sa mesa. Ang tanging malapit sa kanya ay si Wendell, pero abala rin ito sa pakikipagkwentuhan sa mga kamag-anak.Sanay si Rebecca na siya ang sentro ng atensyon, pero ngayon, parang siya ang iniwan sa gilid.Hindi niya matanggap iyon.Makalipas ang ilang minuto, hindi na niya natiis. “Uy, Shiela,” sabi niya, medyo matulis ang tono, “malapit na mag-year end, diba? Maglalakad ka pa rin ba sa mga yesr-end event?”“Oo naman,” sagot ni Shiela, diretso at walang pakialam.“Bakit ko naman palalampasin iyon? Iilan lang ‘yan sa isang taon. Kailangan kong mag-shine like a diamond.”Walang ipinakita si Rebecca sa kanyang mukha, pero sa loob-loob niya, nagngangalit ang inggit niya para kay Shiela.Tuwing lalakad si Shiela sa red carpet, siguradong trending siya agad sa social media.Lahat ng ibang artista, natatabunan. Ano ba talaga ang meron siya?
Handa na ni Tito Axl ang malaking cake para sa celebration.Nakatayo si Rebecca sa tabi ni Shiela, tahimik pero malamig ang tingin. Nang mapansin niya si Shiela, hindi niya napigilang singhutan ito, isang mabigat na buntong-hininga na puno ng pahiwatig. Mula sa di kalayuan, pinagmamasdan lang ni Celestine ang eksena. Marami siyang gustong sabihin kay Rebecca, ngunit wala siyang masimulang salita. Sa isip-isip niya.. ‘Kailan kaya matututunan ng pinsan kong si Rebecca na i-control ang galit niya sa mundo?’ Para bang lahat ng tao’y may kasalanan sa kanya. Habang sinisindihan ni Tito Axl ang mga kandila sa ibabaw ng cake, lumapit si Celestine kay Shiela. “By the way,” mahinahong sabi ni Celestine, “yung van na ginamit mo kanina, parang hindi iyo ‘yon?” Ngumiti si Shiela. “Ah, kay Troy ‘yon. Sabay kaming umalis sa pinanggalingan namin, tapos na-trap sa kalsada ‘yung kotse ko, kaya inalok niya akong sumabay sa van niya.” Nabigla si Celestine. “Kay Troy? Nando’n siya sa kotse kanina
“Celestine, ayos lang. Gusto raw ni Tito at Tita na makipag-kuwentuhan sa akin, at inaabangan ko rin naman iyon. Ang ganda ngang pagkakataon para makipag-kwentuhan sa kanila,” nakangiting sabi ni Rico, kalmadong-kalmado at likas ang charisma.Nakatawang nagkrus ng mga braso si Wendell.“’Yan ka na naman, Celestine. Hindi pa nga nagsasabi ng kahit ano si Rico, pero ikaw, ang bilis mong mag-react.”Si Celestine ay napahinto.Tama naman si Daddy, siya talaga ang kabadong-kabado.Pero bakit nga ba siya kinakabahan?Kung gustong magpaka-bida-bida ni Rico sa gitna ng mga nakamasid, hayaan na lang niya ito.“Bumalik na si Shiela, sasalubungin ko muna siya.” Kinuha ni Celestine ang coat na nasa upuan.Agad na tumayo si Rico. “Saan ka pupunta? Sasamahan na kita.”“Sa labas lang, sandali lang naman. Umupo ka muna, babalik din ako agad,” sagot ni Celestine.Nag-isip si Rico at tumango na lang.Oo nga naman, baka maging awkward kung sasama pa siya. Hindi rin maganda sa paningin ng lahat sa kanya







