“Pwede ba Celestine? Huwag mo nang asahan na mamahalin kita!” sigaw ni Benjamin Peters sa asawa nito.
Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ng kanyang asawa at saka tinulak sa kama. Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. “Inubos mo na talaga ang pasensya ko sa iyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hayaan mo, divorced naman na tayo pagkatapos ng anim na buwan. Konti na lang.” “Hindi ko naman talaga tinulak si Diana sa pool. Nawalan siya ng balanse noon kaya nalaglag siya,” sagot ni Celestine sa kanyang asawa. May takot sa boses ni Celestine. Basa rin ang buo niyang katawan. Nanginginig din siya habang kausap ang asawa. Kitang-kita pa sa kanya ang pagkagulat sa pagkakalaglag niya sa swimming pool kanina. “Huwag nang maraming satsat! Kung anu-ano pang alibi mo dyan. Alam mo naman na takot si Diana sa tubig tapos ginawa mo pa iyon sa kanya? Matagal na kayong magkaibigan, hindi ba?! Dapat alam mo iyon!” sigaw ni Benjamin sa asawa. “Alam mo, kapag namatay siya ay isasama talaga kita sa hukay niya. Tandaan mo iyan,” habol pa niyang sabi na labis na dumurog sa puso ni Celestine. Tumahimik lang si Celestine noon, nakaupo pa rin sa sofa at basang-basa dahil nga sa pagkakahulog niya sa pool. Hindi niya alam pero sa bawat salita na lumalabas sa bibig ng asawa niya ay siyang hiwa naman sa puso niya. Hindi na siya halos makahinga. ‘Matagal na kayong magkaibigan ‘ ‘yong mga salitang iyon ay tumatak na sa isip ni Celestine. Nagulat na lang siya nang maramdaman na may luha na tumulo sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ang taong nagtatanggol sa ibang babae ay mismong ang asawa niya. Pitong taon na ang kanilang relasyon, apat na taon bilang magkasintahan at tatlong taon naman bilang mag-asawa. Tatlong taon na ang nakakalipas noong malaman niyang ikakasal sila ni Benjamin ay sobrang saya niya. Matagal na kasi niyang pangarap ang pagiging isang asawa. Pero, pagkatapos niyang ikasal sa asawa ay nalaman niyang ayaw lang pala ng nanay ni Benjamin kay Diana para rito. Ginamit lang siyang kasangkapan ng ginang para masabing kasal na ang kanyang anak at tuluyan nang magkalayo sina Benjamin at Diana sa isa’t isa. Noong nalaglag si Diana, ang daming gustong tumulong sa kanya pero noong si Celestine ang naroon sa pool, kahit mamatay na siya ay wala pa ring sumaklolo sa kanya. Sobrang nasaktan si Celestine noon dahil naalala ni Benjamin na takot si Diana sa tubig pero hindi man lang naalala nito na ang asawa ay takot din sa tubig. Natatawa na lang siya sa kanyang sarili dahil ang relasyon na pilit niyang binubuo sa asawa ay puro kalokohan lang pala. Ang sabi nga ng iba, sa una lang maganda ang lahat ng bagay sa mundo. Tiningnan siya nang masama ni Benjamin habang siya ay nasa sofa. “Baliw!” Oo, aminado naman siya sa kanyang sarili na baliw siya. Hindi niya kasi sinunod ang kanyang ama kahit na pinagsabihan na siya nitong huwag magpapakasal kay Benjamin. Tinalikuran niya ang kanyang pamilya na umabot na sa puntong kailangan nang dalhin sa ospital ng kanyang ama dahil sa sama ng loob na binigay niya rito. Sinabihan na siya ng kanyang ama noon na kapag nagpakasal siya sa lalaking hindi naman siya mahal ay siya rin ang uuwing luhaan pero hindi nakinig si Celestine. Ang tanga niya para maniwala na gusto siyang pakasalan ni Benjamin. Dati kasi ay ito ang mapilit na nagsasabi ng kung anu-ano tungkol sa kasal. Naniwala rin siya noon na kapag minahal niya nang totoo si Benjamin ay lalambot ang puso nito sa kanya at mamahalin siya pabalik. Nilaban pa ni Celestine sa kanyang ama ang relasyon nila ni Benjamin. Pinangako niya rito na magiging masaya sila pagdating ng panahon pagkatapos ng kasal nila. Pero, anong nangyari? Nagkamali siya. Kahit gaano mo pala mahalin ang isang tao, o kahit gaano mo pa siya pakitaan ng tama ay mali ka pa rin para sa kanya. Baka nga pati ang paghinga mo ay mali na rin sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang pagkapanalo pala ng kanilang relasyon o ang pagkatalo nito ay hindi manggagaling sa kanya kung hindi kay Benjamin Peters. Agad na nagliwanag ang mga mata ni Benjamin nang makita ang caller ID ng taong tumatawag sa kanya. Para bang nabura ang lahat ng galit na kanyang nararamdaman sa asawa. Kahit hindi naka-loudspeaker ay rinig na rinig ni Celestine ang boses ng isang babae sa kabilang linya. Hindi niya lang alam kung ano ang sinasabi nito kay Benjamin pero sigurado siyang babae iyon. Agad niyang kinuha ang kanyang suit habang hawak pa rin sa isang kamay ang kanyang cellphone. “O, huwag ka nang masyadong magalaw dyan, ha? Hintayin mo ako. Papunta na ako dyan.” Sa huling pagkakataon ay tiningnan ni Benjamin ang kanyang asawa at saka naglakad na palayo. Ni hindi na siya tumingin kay Celestine ulit. “Benjamin Peters,” malinaw na sabi ni Celestine. Ilang minuto pa ay nagsalita ulit siya. “Takot din naman ako sa tubig, ah?” Napatigil si Benjamin, ang iniisip niya ay sobrang kulit ni Celestine. Kitang-kita ang inis sa kanyang mga mata. Natakot lang si Diana noon sa tubig dahil na-kidnap si Benjamin dati. Kinailangan niyang lumangoy para masagip ang buhay ng lalaki. Simula noon ay namuo na ang takot sa tubig ni Diana. Pero, si Celestine? Marami pa nga itong medal at cetificate sa larangan nang pagda-dive pagkatapos ay sasabihin nito na takot siya sa tubig? Hindi siya naniniwala sa asawa. Ano bang akala niya? Mamahalin na siya ni Benjamin oras na sinabi niya iyon? Hindi, hindi pa rin siya mamahalin ng kanyang asawa. Ilang minuto pa ay nakita na ni Celestine na paalis na si Benjamin, durog na durog na naman ang kanyang puso. Hindi na niya alam ang gagawin kaya bigla na lang niyang natanong ang asawa tungkol sa isang bagay. “Minahal mo ba ako kahit minsan?” ang mga luha niya ay pumapatak na naman sa sobrang lungkot. Umaasa pa rin siya na kahit paano ay may pagmamahal pa rin si Benjamin sa kanya. Kahit awa na nga lang ay tatanggapin na niya. Noong mga oras na iyon ay nilingon na ni Benjamin ang kanyang asawa. Handa na niyang kausapin ito. “Sa tingin mo ay ngayon talaga ang tamang oras para pag-usapan ang pag-ibig na iyan? Celestine naman, huwag ka namang magpaawa sa akin. Hindi na gagana iyan,” masakit at sobrang linaw para kay Celestine ng mga binitawang salita ni Benjamin para sa kanya. Ang buong akala niya ay madali lang ang buhay noong maging asawa niya ang isang Benjamin Peters, pero ang hindi niya alam ay ganito pala ang sasapitin niya. Ganitong klaseng pagmamahal ang kayang ibigay sa kanya ng kanyang asawa. Puro luha.Pumikit-pikit pa si Lance bago sumagot sa tanong ni Celestine. Paano nga ba niya iyon sasagutin? Hindi naman nila iyon napag-usapan ng Tito Benjamin niya. Ang buong akala kasi nila ay matatapos na ang lahat sa pagbibigay kay Celestine ng cypress grass.Sa isip-isip niya..‘Itong cypress flower grass na ‘to... Syempre, galing iyon kay Tito. Hindi naman sa akin. Naku, paano ba ‘to?’Ngumiti si Lance nang makaisip na ng isasagot, “Binili ko rin lang ‘yan sa iba kaya ako nagkaroon niyan.’“Mahal ba ang bili mo roon sa taong iyon?” tanong ni Celestine sa kanya.Umiling agad si Lance.Ni singkong duling, wala siyang ginastos doon, kung sasabihin niya lang ang totoo kay Celestine.Nagkibit-balikat si Celestine. “Ah, okay.”“Dahil mukhang marami ka nang alam sa mga halamang-gamot, mayroon ka pa bang ibang bihirang halamang gamot na na sa’yo na pwede mong sabihin sa akin? Kung meron pa, bibilhin ko rin iyon,” Uminom ng tubig si Celestine, may bahid ng pag-asa sa kanyang mga mata na sana ay me
Natigilan sandali si Benjamin. Lumingon siya sa direksyong pinuntahan ni Celestine at bahagyang napakunot ang noo.Magkikita si Celestine at si Lance para kumain? Bakit? Anong gustong malaman ni Celestine tungkol sa kanya?’Sumagot si Benjamin sa message ni Lance sa kanya, “Tumanggi ka. Hindi kayo dapat magkita.”Agad namang nag-reply si Lance."Tito, sabi niya maraming salamat daw sa pagbibigay ng cypress grass sa kanya. Wala siyang ibig sabihin, gusto lang daw niyang magpasalamat at ilibre ako ng pagkain. Okay lang naman siguro iyon, hindi ba?”Nanatiling tahimik si Benjamin. Iniisip pa rin kung anong plano ni Celestine kay Lance. Nag-text ulit si Lance sa kanya, “Pupunta ba ako?”Papasagot na sana si Benjamin nang hawakan ni Diana ang kanyang palad at nakangiting nagtanong, “Ano yang tinitingnan mo?”Umiling lang si Benjamin at pinatay ang kanyang cellphone para hindi na magtanong pa si Diana sa kanya.Nakangiting medyo nakapikit si Diana, “Benj, kain tayo sa labas? Gutom na ko, e
Isa lang namang bag 'yan, bakit parang nagyayabang pa siya? Nasa kanya pa rin naman si Benjamin at walang balak si Celestine na agawin siya.Bahagyang tumingin si Celestine sa kanyang bahagyang nakalapit at nakapigil na braso, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pag-aalab sa kanyang dibdib.Nakuha niya ang lahat, pero nawala naman ang pinakamamahal niya.Hindi niya alam kung siya ba talaga ang panalo o talunan sa laban na iyon.Habang tumatagal ang pagtitig ni Diana kay Celestine, lalo lang siyang nababahala."Miss Yllana, okay na po ang bag niyo," paalala ng babae kay Celestine.Tumango si Celestine at palakad na sana siya papunta sa counter.Magbabayad na sana siya.Biglang lumapit si Benjamin at tumayo sa tabi ni Celestine. "Ako na ang magbabayad dito."Pinigilan nito ang kamay ni Celestine na iaabot na sana ang kanyang bank card.Napatingala si Celestine at nakita niyang iniabot na ni Benjamin ang kanyang black card.Napahinto si Celestine at kusa siyang lumingon sa likod.Doon
Tiningnan ni Celestine ang kanyang lola nang makahulugan, nais tumanggi, ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula.Tumango ang ibang mga tao sa paligid at nagsabing, "Malaki talaga ang naitulong ng halamang cypress na ito sa amin, Miss Yllana. Dapat ka talaga naming pasalamatan! Sige na po, kung wala naman kayong gagawin, pwede po bang mailibre namin kayo?""Oo nga po, ang aming science project ay umusad dahil sa halamang cypress na ito! Dapat talaga tayong magpasalamat sa kanya!"“Narinig mo ’yon? Iyan ang matagal nang hinahangad ng lahat,” biro ni Celia kay Celestine.Ngumiti si Celestine sa kanyang Lola, tumango, at mahina siyang umungol bilang pagsang-ayon sa matanda.Narinig niya iyon.Kaya nilibre na siya ng mga tao at kumain sila sa labas.Pagkaalis sa laboratory, hindi rin nakalimot ang lahat na pasalamatan si Celestine Sa pagbalik niya, tinawagan ni Celestine si Vernard at tamad na sinabi, “Pakigawan mo ako ng appointment sa batang Lance Carreon na iyon.”Bata pa si Lan
Tumingin si Celestine sa mukha ng kanyang lola.Bagama’t 70 years old na ang matanda, matikas pa rin ito at may tindig ng isang tunay na lider. Hindi mo aakalaing matanda na siya, parang nasa 50 years old lang.Tuwid ang likod nito at kahit medyo maluwag na ang balat, hindi pa rin ito nakabawas sa kanyang kagandahan.Tunay ngang si Lola Celia ay may pusong malamig lang sa panlabas pero mabait naman ang kanyang kalooban.Kung siya si Celestine, matagal na niyang pinayagang umalis si Becky. Baka kung ano pa ang sinabi niya rito.O di kaya ay pinarusahan pa niya ito dahil sa pagsasabi ng kung anu-ano sa kanya.Tutal, hindi naman iyon lang ang kanilang tanging pag-asa. May mga paraan pa para magkaroon ng progress ang kanilang ginagawang experiment.Pero si Lola Celia, pinahahalagahan ang bawat araw na inilaan nila sa pananaliksik kaya wala siyang oras magpaalis ng kasama sa laboratory.Kulang na sila sa oras kung titingnan. Ayaw din ni Lola Celia nang papalit-palit ng tauhan.Bumukas ang
Papasagot na sana si Celia sa tanong ng babae nang bigla nitong lingunin si Celestine.Tinanong niya, “Prof, bakit ka nagdala ng isang taong hindi naman yata makakatulong sa atin? Para namang wala siyang kwenta.”“Ano’ng walang kwenta? Apo ko siya! Tumigil ka nga dyan.” Naiinis na sagot ni Celia sa sinabi ng babae.Tiningnan niya si Celestine, pero halatang hindi maganda ang tingin niya rito.Hindi pinansin ni Celestine ang tingin ng babae sa kanya. Sa totoo lang, alam naman niyang isa siyang "outsider" sa paningin ng iba.“Becky, apo ko siya. Hindi siya iba sa akin,” mariing ulit ni Celia roon sa babae.Si Becky ay isang mahalagang tao sa laboratory, ngunit mayabang ang personalidad nito. Madalas niyang maliitin ang ibang tao. Pero dahil napakahalaga ng kanyang posisyon niya at isa siya sa mga natatanging pinili mula sa daan-daang applicants, matagal na siyang tinitiis ng lahat, kabilang na roon si Celia.Sa totoo lang, mahusay naman talaga siya kaya nga lang ay may kakaibang ugali