Share

Chapter 3

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-02-13 09:50:01

Napakagat labi na lang si Benjamin bago siya magsalita. “Celestine, ayaw kitang pilitin sa isang bagay. Lalo na sa ganito.”

Sa totoo lang, dapat nga ay maging masaya siya dahil gusto na ni Celestine makipag-divorce. Pero, noong tiningnan niya si Celestine kanina ay parang may kung anong pumipigil sa kanya.

“Napag-isipan mo na ba ito ng maraming beses? Sigurado ka na bang gusto mo na ng divorce?” nang tingnan ni Benjamin si Celestine, sa unang pagkakataon ay parang ibang tao ang kausap niya.

Alam ni Benjamin na si Celestine talaga ang may gusto noong kasal. Sobra-sobra ang kanyang ginawa para lang maging mag-asawa sila. Hindi ito basta-basta magdedesisyon ng hiwalayan.

Sa sobrang gwapo ni Benjamin ay malabong ayawan siya ni Celestine. Maayos ang kanyang pananamit, maganda rin ang kanyang mga mata, macho. Lahat na ay nasa kanya kaya hindi siya makapaniwala na gusto na siyang hiwalayan ng asawa.

Para manatili sa relasyon na iyon, tiniis ni Celestine ang mga malalamig na tingin at pakikitungo sa kanya ni Benjamin. Lalo na ang relasyon na patago nito kay Diana. Kailangan niyang magpanggap at tanggapin ang lahat dahil sobra ang pagmamahal niya sa taong pinakasalan niya.

Pero ang isang relasyon ay gagana lang kapag kayo pareho ang may kagustuhan na gumana ito. Kung ayaw ng isa, malabong maging maganda ang takbo.

Ayaw na niyang maging isang cover up at isa pa, ayaw na rin niyang makasira ng isang relasyon. Dahil sa tuwing kailangan niyang magpanggap bilang asawa ni Benjamin ay nagseselos sa kanya si Diana.

“Oo, napag-isipan ko na ito. Matagal na,” sagot ni Celestine pagkatapos ay ngumiti.

Hindi makapaniwala si Benjamin, kitang-kita ang inis sa kanyang mga mata. Pansin ni Celestine na iritang-irita ito sa sagot niya. Nabalot na ng galit ang puso ni Benjamin dahil sa kanyang asawa.

“Minahal kita ng pitong taon, Benj pero sa sitwasyon natin ngayon? Palagay ko ay natalo na ako,” sabi ni Celestine. Pinigilan niyang lumuha pero sobrang sakit talaga ng puso niya. Pero, ngumiti pa rin siya.

Noong una ay ayaw pa niyang tanggapin sa kanyang sarili na isa siyang talunan pero ngayon? Buong puso niya ‘yong tatanggapin.

Natalo siya dahil ultimo ang puso ni Benjamin ay hindi niya nakuha.

Nakinig lang sa kanya si Benjamin noon pero hindi talaga nito tanggap ang desisyon niya.

“Ikaw ang bahala,” sabi ni Benjamin pagkatapos ay tumayo na at naglakad papalayo.

Para kay Celestine ay wala na iyon dahil sanay naman na siya sa ganoong ugali ng asawa. Hindi siya papansinin nito ng ilang araw pero pagkatapos ay kakausapin din siya kapag may kailangan na si Benjamin na para bang walang nangyari na away.

Padabog na sinara ng kanyang asawa ang pinto kaya napaupo na lang siya ulit sa sofa. Ilang minuto pa ay kinuha na niya ang kanyang cellphone at may tinawagan doon.

“Papa, tama ka. Hindi talaga mapapasa’kin ang puso ni Benjamin. Maling-mali ako sa desisyon ko. Gusto ko na lang na umuwi dyan sa atin.”

Nag-echo pa ang boses ni Celestine sa buong kwarto kung nasaan siya.

Ang Yllana family ang pinakamayaman sa Nueva Ecija. Pamilya sila ng mga doktor doon. Ang lolo ni Celestine ay isang businessman pagkatapos ang asawa naman nito ay isang kilalang professor ng cardiac surgery. Bagay na bagay talaga sila.

Bata pa lang ay inaaral na ni Celestine ang medisina kasama ang lola niya. Ang sabi ng lola niya ay matalino raw siya pagdating sa pagme-memorize ng mga gamot kaya iyon ang gusto ng lola niya na maging trabaho niya.

Ang lolo at lola niya ang nag-ayos ng lahat para lang may maayos siyang kinabukasan. Habang ang tatay niya naman ay kung saan-saan na bumibili ng lupa na kanyang mamanahin. Ang sabi pa nga ng nanay niya noon, hindi na siya kailangan pang magtrabaho dahil lahat ay binigay na sa kanya.

Pero, nang piliin niya ang isang Benjamin Peters ay nagbago na ang lahat. Nawala ang tiwala at kayamanan niya dahil sa pagtalikod sa pamilya Yllana.

Ang buong akala niya noon ay madali lang ang buhay kapag pinaglaban niya ang taong pinakamamahal, hindi pala.

Dahil sa sobrang dami ng kanyang iniisip, palagay niya ay may tubig na nga sa ulo niya.

Para mawala ang kanyang mga iniisip ay minabuti na niyang tumayo, pumanhik siya sa taas para maligo at magpalit ng damit. Naglagay din siya ng konting make up para naman hindi siya magmukhang bangkay sa harapan ng asawa.

Pagkatapos noon ay inayos na niya ang kanyang mga gamit. Nagulat na lang siya nang mapansin ang isang painting ng sunset. Naalala niyang sila ni Benjamin ang tumapos gumawa noong painting na iyon.

Hindi niya napigilan ang sarili na hawakan ang painting. Naalala niya na kahit paano ay naging masaya siya noong makasal siya kay Benjamin.

Ang sabi noon ng ina ni Benjamin ay gusto naman talaga ng asawa na makasal sa kanya pero walang magaganap na kasal. Hindi pumayag noon si Celestine, ang importante sa kanya ay makasal siya sa lalaking pinakamamahal. Wala na siyang pakialam kung hindi iyon engrande.

Nang marinig ng ama ni Celestine iyon ay nagalit ito. Sinabihan pa siya na hindi man lang siya nag-isip nang mabuti. Kitang-kita ng kanyang ama na talagang nagmamadali itong makasal kaya sigurado din siyang madali itong masasaktan.

Agad na inalis ni Celestine sa pagkakasabit iyong painting. Sinira niya ito at tinapon sa basurahan.

Itong pagkakabagsak ng kanyang buhay ay matagal na at sising-sisi siya na naranasan pa niya ito.

Simula ngayon ay gagawin niya ang lahat para maayos lang ang buhay niya. Hindi na niya hahayaan na masira pa ito ng kung sino. Lalo na kung si Benjamin Peters pa ang sisira rito.

Agad niyang kinuha ang kanilang divorce papers. Binigay iyon ni Benjamin sa kanya, gabi nang ikasal silang dalawa pero hanggang ngayon ay hindi pa niya ito pinipirmahan.

“Benjamin Peters, ibibigay ko na sa iyo ngayon ang kalayaan na gusto mo noon pa. Sana ay maging masaya ka na pagkatapos nito.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
She R Ly
Naiiyak aq sa lagay ni Celestine...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 612

    Hindi inaasahan ni Diana na may bitag pala para sa kanya si Celestine.Napakarami pala ng sumusuporta sa kanya.Huwag siyang magtaka na mag-isa lang na lumabas ngayon sina Celestine at Vernard punong-puno pala ang mga sasakyan ng mga tao.Si Vernard ay matalas sa industry ng entertainment.“Umalis muna tayo. Ang matalino, hindi nagpapatalo sa harap ng panganib. May oras pa tayo, dahan-dahan lang,” seryoso niyang sambit kay Dan. “Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sa’yo, huwag kang mag-alala.”Nag-isip sandali si Diana, saka tumango.“Celestine, papayag akong umalis ngayon. Pero tandaan mo, hindi kita papayagang makawala ng pangalawang beses,” malamig na ang tingin ni Diana kay Celestine.“Totoo bang gusto mo akong patayin nang ganoon kapangit?” tanong ni Celestine nang tahimik.“Matagal ko nang gustong kitilin ang buhay mo,” ngumiwi si Diana pagkatapos sabihin iyon. “Kung mamatay ka, sino naman ang makakaalam na ako ang nag-impersonate sa’yo?”“Celestine, kasi buhay ka pa, nagiging

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 611

    Habang nagsasalita, pinabilis ni Celestine ang takbo ng kotse at sabay hinanap sa blocklist ang pamilyar na number.Mabilis niyang tinawagan ang number na iyon.Agad-agad itong sumagot.Medyo nagulat ang dalawa.Nagulat si Celestine na napasagot naman kaagad ang tao sa kabilang linya.Nagulat naman siya na tinawagan siya ni Celestine.“Celestine, nasa mall ako,” sabi niya.Hindi na inalintana ni Celestine kung nasaan siya; tinanong lang, “Busy ka ba? Gusto mo bang pumunta rito?”“Saan?” medyo excited ang tinig ni Benjamin.Hindi siya naging masaya nang higit pa kung tinawag siya ni Celestine.“Ipapadala ko sa’yo ang location ko, puntahan mo na ngayon ha,” sabi ni Celestine.“O’ sige.”Nang matapos ang tawag, pinadala ni Celestine kay Benjamin ang location ni Vernard.Palapit na ang sports car sa kanila.Ginamit ni Celestine ang red light sa unahan para malihis sila.Sa loob ng itim na sports car sa likod, pinapalo ng babae ang bintana at sumisigaw, “Walang kwenta!”Kausap ni Diana ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 610

    “Alam kong hindi ka isang simpleng tao. Kung hindi ako ang unang gagawa ng gulo, palagi kang lalapit sa akin.” Mahinang ibinaba ni Diana ang ulo, inaalalay ang mga daliri niya sa pag-iikot, may bahid ng panlait ang tinig.“Kaya mas mabuting ako na ang kumilos.”Bumunot ng kamao si Celestine.“Hindi ba dapat ako ang lumapit sa’yo? Nu’ng wala pa akong ginagawang kahit ano sayo, hindi ka ba palaging gumugulo sa akin?” tanong ni Celestine, puno ng galit.Hindi ba siya nasasaktan ng sobra dahil sa mga ginagawa ni Diana noong tatlong taong kasal siya kay Benjamin?“Celestine. Gusto kong tuluyang putulin mo ang ugnayan mo kay Benjamin.” malamig na sabi ni Diana.Hindi maintindihan ni Celestine ang gusto niyang iparating, “Bakit hindi mo siya puntahan at sabihin 'yan sa kanya mismo? Bakit ako ang pakikialaman mo?”“Akala mo hindi ko siya hinarap? Hindi na niya ako pinapansin ngayon! Celestine, kailan ba ako nagdusa nang ganito?!” mulat ang damdamin ni Diana.Wala sa mukha ni Celestine ang anu

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 609

    “Diana, bakit ba lagi kang sumisigaw sa akin? Ano bang ipinagsisisigaw mo?” mariing tanong ni Celestine kay Diana, puno ng pagkainis at pagkadismaya.Sino ba talaga ang mas maraming tiniis sa kanilang dalawa? Hindi ba’t siya naman iyon?“Inagaw mo na nga ang buhay ko, tapos ikaw pa ang may ganang sumigaw sa akin?” mariing sabi ni Celestine sabay hampas ng kamay sa mesa.Ano ngayon ang gusto niyang mangyari? Si Diana lang ba ang may karapatang maghampas ng mesa?At kahit ngayon, ganito pa rin ang tono nito sa kanya, mataas, mapanlait.Hindi man lang siya kailanman gumawa ng iskandalo laban kay Diana; iyon na nga ang pinakamasidhing kabaitan na ipinakita niya rito.Akala ba ni Diana ay basta na lang niya itong patatawarin? Na para bang wala lang sa kanya ang lahat?Si Benjamin man ay karapat-dapat pagsabihan, pero gayundin si Diana.Hindi niya palalampasin ang alinman sa kanila! Silang dalawa ang may kasalanan kung bakit sarado na ang puso niya na parang bato!Hindi inaasahan ni Diana a

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 608

    Pag-akyat pa lamang ng hagdan sa second floor ng café, napansin ni Celestine ang isang pamilyar na figure.Walang ibang pwedeng maging iyon kundi si Diana.Nakasuot siya ng puting bestida, makapal na coat at leather boots.Maayos siyang tingnan, tila wala nang bakas ng sakit o pagkalugmok.Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa ni Celestine at umupo sa tapat nito.Ilang sandali pa, dumating ang waiter at inilapag ang latte sa harap ng babae.Ngumiti si Celestine at nagsalita, mahinahon.“Latte, gaya ng dati.”Noong college pa lang sila, siya mismo ang laging uma-order ng latte para kay Diana.Iyon ang paboritong kape nito.“Nagulat ako… na pumayag kang makipagkita sa akin.”mahina ngunit mahinahon ang tinig ni Diana. Wala siyang ekspresyon, parang wala na siyang kaluluwa.Mula nang mangyari ang lahat ng iyon, tila naubos na ang liwanag sa kanyang mga mata.Tahimik na sumimsim si Celestine ng kape.Pag-angat ng tingin niya, may mapait na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang hindi ka na gan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 607

    Ibinigay na nga ni Celestine ang lahat kay Benjamin, pero bakit gano’n? Bakit kailangan pa rin niyang matalo nang ganito kasakit?Kung dahil lang iyon sa hindi niya ito nailigtas noon, mas lalong hindi niya maintindihan.Sa sofa, lasing na lasing si Wendell. Ngunit nang marinig ang iyak ng anak, agad siyang napabangon at pasuray-suray na lumapit.Niyakap ni Nancy si Celestine, pinipigilan ang sariling maiyak habang inaalo ito. Hindi na rin naintindihan ni Wendell ang sitwasyon, ang alam lang niya, may umiiyak. Kaya’t lumuhod siya at niyakap ang mag-ina, mahigpit na parang ayaw na silang pakawalan.Amoy na amoy ang alak sa kanyang hininga at habol-habol ang paghinga nang sabi niya,“‘Tong pamilyang ‘to… kahit anong mangyari, hindi guguho ang buhay n’yo. Nandito pa ako…”Napapikit siya, garalgal ang tinig, lasing ngunit puno ng pagmamahal.Niyakap naman ni Celestine ang dalawa, mahigpit.Pagkatapos ng gabing iyon, hindi na siya muling iiyak.Tapos na. Lahat ay dapat nang matapos.Hinapl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status