"Kailangan ko pa ang cypress grass na iyon, hindi ko ito maibibigay sa’yo." Diretsahang tumanggi si Benjamin sa kanya.Hindi natuwa si Diana sa sagot ni Benjamin. "Hindi mo nga binigay kay Louis, bakit hindi mo maibigay sa akin? Benj, damo lang naman ‘yan! Bakit kailangan mo niyan? Kung pera ang kailangan mo, mabibili ko naman ito! May pera ang pamilya ko, remember?""Hindi ito tungkol sa pera, Diana. May mas higit pang dahilan," muli niyang pagtanggi.Hindi talaga niya maibibigay kay Diana ang cypress grass."Ibigay mo ba ito sa iba? Kung oo, kanino?" Tanong ni Diana, may halong pagtataka ang mukha niya.Hindi naman si Benjamin‘yung tipo ng taong madamot sa mga gamit kung hindi niya rin lang ginagamit.Ganoon ang pagkakakilala ni Diana sa kanya.Kung ayaw niyang ibigay, malamang may silbi ito para sa kanya o ibibigay niya iyon sa iba."Oo. May pagbibigyan akong iba kaya hindi ko ito maibibigay sa’yo, sagot ni Benjamin, ayaw niyang magsinungaling kay Diana.Nang marinig iyon, napasima
Hindi napigilang tingnan ni Diana si Benjamin at nilunok na lang ang mga salitang dapat sana'y sasabihin niya.Nakasalamin na si Celestine at nakapagpaalam na kay Darling, pero nang marinig ang sagot ay hindi niya napigilang lingunin ang dalawa.Mukhang ang pag-ibig na labis na pinaninindigan ni Diana ay hindi naman talaga nagbibigay saya sa kanya.At si Benjamin, parang hindi na ganoon kabuti ang pakikitungo kay Diana gaya ng dati.Hindi kaya may lamat na talaga ang kanilang relasyon?Pagkatapos noon ay umalis na si Celestine.Umalis din sina Benjamin at Diana pagkatapos ng pag-uusap nila ni Darling.Pagkalabas nila sa store, nakatayo lang si Diana sa tabi ng sasakyan. Nagtaka si Benjamin kung bakit hindi pa ito sumasakay at nakatayo lang doon.“Diana? Ano na?" tawag niya.Hawak ni Diana ang door handle, at nakatitig siya kay Benjamin, may halong pagkalito sa kanyang mga mata, "Benj, sabihin mo nga sa akin ang totoo… hindi mo na ba ako gusto at napipilitan ka na lang sa atin?""Diana
Napatingin si Benjamin kay Celestine, bahagyang nagulat sa presensya ni Celestine.‘Nandoon din pala si Celestine?’‘Nagpapatahi rin ba siya ng damit para sa cruise party?’Tinapunan lang siya ng tingin ni Celestine at hindi man lang binati. Hindi man lang ngumiti.Hindi na lang niya pinansin iyon.“Nasukatan na ba si Diana?” lumapit si Benjamin at tinanong si Darling.Ngumiti si Darling, saka itinuro ang sofa sa gilid, hudyat na maupo muna ang lahat at mag-uusap sila.Habang naglalakad, sinabi niya, “Oo. Nasukatan ko na si Miss Valdez kanina, pati na rin ang disenyo ng damit na gusto niya ay okay na rin. Mr. Peters, ang suit n’yo po ba ay naka-match sa dress ni Miss Valdez?”Umupo si Celestine sa single sofa, nagkrus ng binti, at nakasandal nang tamad sa sandalan habang nagsend ng text kay Shiela para magreklamo.“Shiela, sino ba naman ang hindi maiinis? Pati ba naman dito sa dress appointment, makikita ko ang ex-husband ko at ang kabit niya? Nakakainis! Wala bang ibang store na pwed
“Ay, thank you po. Pati rin naman po kayo, ang ganda-ganda niyo rin, Ms. Darling,” nakangiting sabi ni Celestine.“Ikaw talaga, napakabolera mo Celestine,” sagot naman ni Darling kay Celestine.Napatigil si Diana, tila biglang na-freeze at hindi alam ang gagawin.Napatingin siya sa kamay niyang itinabig ni Ms. Darling at tuluyang napako sa kanyang kinatatayuan. Nakaramdam siya ng inis, hindi lang kay Celestine kung hindi pati na rin kay Ms. Darling.Itinabig ni Darling ang kanyang kamay… para lamang lapitan si Celestine? Bakit? Magkakilala ba talaga sila at close sa isa't isa?Kanina lang sa opisina, napaka-warm ng pakikitungo nito sa kanya! Tapos ganito?Itinaas ni Diana ang ulo at nakita si Darling na umiikot kay Celestine, habang nakangiting nagsasabing,“Diyos ko, Celestine, ngayon lang kita nakita nang personal, ang ganda mo pala talaga!”“Sinasabi nga ng Mama mo na parang model ang katawan mo. Akala ko nagbibiro siya. Pero ngayong nakita na kita, ibang level ka nga talaga! Dapat
Sa may pintuan ng opisina, biglang nakarinig si Celestine ng pamilyar na tinig,“Actually, gusto ko rin ‘yung puting bestida sa labas. Kung masyadong gipit sa oras, ayos na rin kung iyon na lang.”“‘Yung isa…”Habang nagsasalita, lumabas na sa opisina ang babae.Napatingala si Celestine at nagtama ang kanilang paningin, punong-puno ng gulat ang mga mata ng babae.“Celestine?”Napasingkit ng mata si Celestine. Sino pa nga ba ito kundi si Diana?Ang sikip naman talaga ng mundo. Pati ba naman sa pagpili ng bestida, makakasalubong niya si Diana? Dito pa talaga siya bibili ng isusuot niya?Itinaas ni Diana ang kilay at biglang ngumiti kay Celestine.Dumating si Celestine para pumili ng damit. Ibig sabihin ba nito… “Pumipili ka rin ba ng damit para sa cruise party? Seryoso ka?”Pumikit ng bahagya si Celestine at sinagot ito ng kalmado, “Oo. Bakit? Ano namang masama kung dito ako bumili ng susuotin ko?”“Ang sakto naman kasi. Pupunta rin ako sa cruise party,” ani Diana habang pinanliitan ng
Tumingin si Benjamin pataas sa bahay ng pamilya Yllana at mahigpit na hinawakan ang cellphone.Matagal siyang nakatingin bago umalis at hindi niya sinagot ang text ng designer.Kinabukasan, bumaba si Celestine at narinig si Nancy na nagsabi, “Nakita ko si Benjamin kagabi pag-uwi ko, dyan sa tapat ng bahay natin. Hindi ko alam kung bakit siya naroon.”Kalmadong kumakain ng almusal si Celestine at tinanong, “Gaano mo siya katagal nakita?”“Hmm, mabilis lang din. Akala ko nga bababa pa,” Kakauwi lang ni Nancy mula sa trabaho nang umalis si Benjamin sa harap ng bahay nila.Nagtaka siya kung bakit dumaan si Benjamin doon kaya nagpunta siya sa monitoring room at nakita niyang halos kalahating oras nakaparada sa tapat ng bahay ang sasakyan ni Benjamin sa harap ng bahay nila.Tumango lang si Celestine at walang sinabi.“May balita sa labas na ikakasal na raw siya kay Miss Valdez.” Uminom ng kape si Nancy at tiningnan si Celestine.Hindi nagpakita ng interes si Celestine. Patuloy lang siyang k