แชร์

Chapter 460

ผู้เขียน: Athengstersxx
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-11 19:19:48

“Nakita ko na yung babae na sumakay sa kotse kanina ay babae nga. Naalala mo ba yung babaeng nanalo sa Amber Road noong nakaraan? Parang siya rin ‘yun, ah? Baka maglalaban ulit sila?”

“Tigilan mo na yang pakikipag debate mo sa akin, panoorin mo na lang ang karera!”

Ang bilis ni Celestine ay napaka-steady, hindi siya ganung kabilis.

Si Benedict naman ay hindi agad bumibirit; nakasunod lang siya sa kotse ni Celestine. Tinitingnan niyang maigi ang bawat gagawin nito.

Gusto niyang makita nang malapitan kung paano siya kumabig sa mga liko, at mas makumpirma pa na siya nga si Mysterious 7! Oo, alam na niya ang totoo pero mas masarap pa sa pakiramdam kung mas malaman niya ang totoo.

Alam ni Celestine na pinagdududahan ang kanyang pagkakakilanlan, kaya hindi niya sinadyang pabilisin ang takbo sa unang liko. Hindi siya gagawa ng mga ginagawa ni Mysterious 7 sa race track.

Ngumiti siya nang kaunti, at sumulyap pabalik, batid na inoobserbahan siya.

Sinadya niyang baguhin ang kanyang galaw, guma
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
Ever Doctor
more more update pa po please ............ tnx po
goodnovel comment avatar
Jealyn Acosta Suerte
salamat Po sa update author kahit matagal,,kere lang Basta more update
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 470

    Gusto sanang kausapin ni Benjamin si Celestine tungkol sa mga hindi nito natapos sabihin kagabi.Pero dahil naroon si Diana, hindi siya makahanap ng tamang pagkakataon.Balak sana niyang ibigay kay Celestine ang kwintas na iyon, ngunit ngayo’y nakasabit na naman ito sa leeg ni Diana…May bakas ng pagkainis na sumilay sa mga mata ni Benjamin.Talagang nakakainis, sa trabaho kaya niyang resolbahin ang lahat nang mabilis at maayos, pero pagdating sa love life niya, bakit parang isa itong magulong gulo na laban?Biglang tumunog ang cellphone ni Celestine.Nilingon niya ang screen, hindi pamilyar ang numero.Kaya sinagot niya ang tawag.Pagkarinig niya sa tinig ng lalaki, bahagya siyang napatingala.“Ako ito. Si Rico.”“Ikaw pala, I told you, maliit na bagay lang iyon, huwag ka nang magpasalamat.”“Talaga? Pasensya na, may lakad kasi ako mamayang gabi, may party akong pupuntahan. Siguro kapag may pagkakataon ulit, magkikita tayo. Hindi ko nga lang alam kung kailan.”“Sige, ganoon na nga mu

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 469

    Naguguluhan si Celestine habang nakatingin kay Diana, at dama niya ang higpit ng kapit ni Diana sa kanyang pulso na tila unti-unting tumitindi.Para bang labis na galit si Diana sa kanya.“Kung ano ang para sa’yo ngayon, iyon ang para sa’yo. Ano pa ba ang dapat mong ikagalit?” Hindi malaman ni Celestine kung matatawa ba o maiiyak.Kagat-labi na nagsalita si Diana. “Pero inangkin mo pa rin si Benjamin ng tatlong taon. Hindi ko pa rin kayang lunukin ‘yon.”Ngumiti si Celestine. “Diana, huwag kang magmukhang inaapi kita. Noong high school, ako ang unang lumapit kay Benjamin. Noong first year ako sa college, madalas pa nga siyang nakikipaglaro sa akin...”“Pero ako ang unang may kasunduan sa kasal kay Benjamin, at saka ka lang dumating.” Hindi kailanman lubos na naintindihan ni Celestine kung bakit.Bakit hindi man lang sinabi ni Benjamin noon na hindi niya siya gusto, na galit pa nga ito sa kanya. Pero nang malapit na ang kasal, saka ito nagsimulang tumutol...Paano biglang nahulog ang l

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 468

    Pinilipit ni Celestine ang labi. “Sabi ko naman kasi, hindi ako makakapunta.”“Celestine, ano bang kinatatakutan mo sa akin?”“Wala akong kinatatakutan. Ayokong makita ka. Iyon lang naman ‘yon,” mariin niyang sagot.“Natatakot ka lang kasi,” medyo mapanukso ang tono nito.“At bakit naman ako matatakot?”“Baka natatakot kang bumalik dito, maalala mo lahat ng nakaraan, at baka mahirapan ka ulit na umalis.”Nainis si Celestine. “Gusto mo bang ipamukha sa akin na hindi pa ako nakaka-move on sa’yo?”“Kung gano’n… pumunta ka, kung hindi ka talaga takot sa akin.”“Hindi nga ako pupunta sa’yo!”“Kung ayaw mo, ibig sabihin tama ako, natatakot ka pa rin. At mula sa pananaw ko, kung natatakot ka pa rin sa isang lugar, ibig sabihin may attachment ka pa rin dito, sa akin. Kaya Celestine, hindi ka pa rin kasing-laya ng gusto mong ipakita. Ikaw—”Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil pinutol siya ni Celestine.“Fine. Pupunta ako na ako dyan.”Napabuntong-hininga siya habang nag-aayos ng buhok. N

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 467

    Babangon na sana si Rico para ihatid siya, pero sumakit nang husto ang sugat niya.Wala siyang nagawa kundi umupo ulit sa kama at titigan ang papalayong likod ni Celestine. Hindi niya napigilan ang bahagyang ngiti sa labi.Celestine…‘Talagang wala kang pinagbago sa ugali mo noon.’Bumaba ang tingin ni Rico sa tiyan niya.Hindi niya alam kung gaano kaganda o kapangit ang tahi ni Celestine, pero kung masyadong pangit, siguradong maiinis siya.Tumunog ang telepono niya.May lumabas na group message sa messages niya, sa GC na tinatawag na “Gwapo Lang ’Yan”.Sean Vallejo: “Huy, Rico! Nasaan ka? Naghihintay ako sa’yo sa airport nang isang oras!”Rico: “May konting pagbabago sa akin. Naka-uwi na ako, huwag mo na akong hintayin. Okay?Sean Vallejo: “Huh? Pupuntahan na lang kita!!”Rico: “Kasalanan ko kung bakit nangyari sa akin ‘to, nagpapagamot naman na ako. Don't worry.”Sean Vallejo: “Buti na lang si Benjamin hindi sumama. Kung iniwan mo siya nang isang oras, yari ka doon.”Maya-maya, lu

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 466

    Sa tuwing maaalala niya ang mga salitang iyon, lalong bumibigat ang dibdib niya.Mula noon, kontrolado niya palagi ang sarili. Pero nitong mga nakaraang araw, tila maliit na bagay lang ay kaya nang guluhin ang emosyon niya.Naglabas siya ng sigarilyo, hawak sa pagitan ng daliri. Nang paandarin niya ang lighter, biglang sumulpot sa isip niya ang mukha ni Celestine, nakatitig sa kanya, hindi nagsasalita pero nakakunot ang noo.At sa mga mata nito, parang may nakatagong pakiusap na wag siyang manigarilyo.Huminga nang malalim si Benjamin, pero sa huli, sinindihan pa rin niya ang sigarilyo.Sa ilalim ng malamig na simoy ng hangin, nakatingin siya sa kawalan, sinusubukang gisingin ang sarili.Siguro, para gisingin siya sa totoo niyang nararamdaman para kay Celestine.O baka naman para ipaalala sa sarili niya na hindi siya dapat magkaroon ng kahit anong nararamdaman para kay Celestine.Kailangan niyang pakasalan si Diana.Bumagsak ang tingin niya sa lupa. Lahat ng nangyayari ay ayon sa plan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 465

    "Akala mo ba na kung hindi kita kayang galawin noon, wala na rin akong magagawa sa’yo ngayon?" malamig at may halong pang-aasar na wika ni Benjamin, habang dahan-dahan siyang lumalapit kay Benedict.Sa maraming pagkakataon, pinipili niyang tiisin si Benedict.Pero kung patuloy itong mang-aasar at manunulsol, wala na siyang balak magtimpi pa."Benjamin, huwag mo akong kausapin nang ganyan," malamig din ang tono ni Benedict. Hindi umuurong.Mariing pumikit si Benjamin at napakunot ang noo nang marinig muli ang pangalan ni Celestine sa bibig ni Benedict."Ang ganyang tono, kay Celestine mo lang nagagawa. Siya lang, na tanga, ang hindi susuway sa’yo," dagdag pa ni Benedict, diretsong tumingin sa kanya.Lalo lamang sumama ang loob ni Benjamin nang marinig iyon.Masyadong nagbibigay-pansin si Benedict kay Celestine… parang mas kilala pa niya ito kaysa sa sarili niyang asawa noon.At ang nakakainis pa, tinatawag niya si Celestine sa paraang parang may ibig sabihin. Parang may gusto siya kay

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status