Ilang minuto pa ay narinig niyang nag-park sa harapan ng mansion ng mga Peters ang kotse na kanina pa niya hinihintay. Isa ‘tong kotse na ang brand ay Pagani, kulay purple ang kulay noon at ang ganda-ganda.
Paglabas niya ng mansion ay agad niyang nakita ang isang lalaki ang bumaba mula roon sa kotse. Nag-joke pa nga ito sa kanya. “Miss Yllana, handa ka na ba talagang alisan ang impyernong lugar na ito?” Tumawa lang noon si Celestine pagkatapos ay nagsalita. “Oo, ang bilis mo ngang dumating eh.” Nang lumapit siya sa kotse ay agad siyang umupo sa driver’s seat. Si Vernard ay kababata ni Celestine na naging kanang kamay na rin niya dahil noong bata sila ay muntik nang malunod si Vernard dahil sa likot at kakulitan niya. Buti na lang talaga at nandoon si Celestine para sagipin siya. Simula noon, naging matalik na silang magkaibigan at kung nasaan si Celestine ay nandoon din siya. Kahit anong iutos ni Celestine ay agad na sinusunod ni Vernard. “Oo naman, ang tagal ko kayang hinintay na mangyari na ang araw na ito. Tatlong taon pa nga eh,” sagot naman ni Vernard. Nalungkot si Celestine nang marinig iyon mula sa kababata habang siya ay nag-aayos ng kanyang seatbelt. “Talaga bang akala mo noon ay matatalo ako sa relasyon na ito?” Nabalot ng katahimikan ang buong kotse kaya hindi na hinintay pa ni Celestine kung ano ang sagot ng kanyang kaibigan. Tinitigan na lang niyang mabuti si Vernard. ‘Benjamin, lahat pala ng tao ay sinasabihan na akong huwag kang mahalin pero nanatili pa rin ako sa iyo, sa pag-aakala na mamahalin mo pa rin ako pabalik.’ Sabi ni Celestine sa kanyang isip. Dahil doon ay nakaramdam ng lungkot sa puso si Celestine. Kaya, minabuti niyang ilagay na lang ang isang kamay sa steering wheel at ‘yong isa naman ay sa gear. Agad niya nang pinaktabo ang Pagani car. Ang bilis na napatakbo ni Celestine iyong kotse. Hanggang sa nakita na lang nila ni Vernard ang kanilang mga sarili na nasa tapat na pala sila ng isang tattoo parlor. Bumaba si Celestine at kasunod naman niya agad si Vernard. “Archie, paki-tattoo na lang ito sa akin,” sabi ni Celestine pagkatapos ay binigay ‘yong kopya ng design na gusto niyang ipagawa roon sa lalaki. Ang design ng tattoo ay napakaganda. Isa itong butterfly na sobrang puno ng buhay. “O, ang ganda naman nito. Saan mo ba gusto na i-tattoo ko ‘to sa iyo?” tanong ni Archie. Agad na tinanggal ni Celestine ang isang jacket na kanina niya pa suot. Nagulat si Archie sa pinakita ni Celestine sa kanya. Sobrang malalim na sugat iyon sa kanang braso niya. “Ito ‘yong ano, ah..” sabi ni Archie. “Matagal na niyang nakuha ‘yang sugat na iyan. Gusto niya kasing tulungan ‘yong loko-lokong iyon. ‘Yan tuloy ang napala niya,” si Vernard na ang sumagot para kay Celestine. Agad na naintindihan ni Archie na si Benjamin ang tinutukoy ni Vernard sa kanyang sinasabi. Tumahimik na lang siya. Mahal na mahal kasi talaga ni Celestine si Benjamin at ang buong mundo’y alam iyon. Todo-todo iyon at totoo. Bukod kay Benjamin ay wala na siyang inalayan ng kanyang buhay. Humiga na si Celestine sa kama kung saan gagawin ni Archie ‘yong pagta-tattoo. “Huwag ka nang maglagay ng anesthesia. Umpishan mo na lang.” Sinubukan ni Archie na buksan ang kanyang mga bibig para sana sabihin kay Celestine na masakit iyon kapag walang anesthesia pero wala na siyang sinabi pa. Sinunod na lang niya ang utos ng babae. Matigas kasi talaga ang ulo ni Celestine noon pa. Kapag may gusto siyang isang bagay ay gagawin talaga niya iyon at walang makakapigil sa kanya. Isa na roon ang makasal sa isang katulad ni Benjamin Peters. “Ang lalim pala ng sugat na ‘to, ah?” puna ni Archie habang ginagawa ‘yong tattoo. “Hindi ko alam na may sugat ka sa likod mo noon. Grabe talaga ang pagmamahal mo sa lalaking iyon ‘no? Pero, anong nakuha mo pabalik?” dagdag pa ni Archie, may lungkot sa boses niya noong sinabi niya iyon. Hindi na sumagot noon si Celestine. Pinikit na lang niya ang kanyang mga mata at nagbalik tanaw siya sa nangyari sa kanya apat na taon na ang nakakalipas. Na-kidnap noon si Benjamin at gusto siyang patayin ng mga ito. Mag-isa namang sinundan iyon ni Celestine para masagip niya si Benjamin. Nang makita siya ng mga kidnappers ay agad na nagandahan ang mga ito sa kanya at ang gusto nila ay palalayain nila si Benjamin kapalit ni Celestine. Dahil nga mahal na mahal niya ang lalaki ay pumayag siya. Nilabanan niya ang mga kidnappers nang mapalaya na nila si Benjamin, kaya naman, sinaksak siya sa likod ng isa sa mga ito. Dahil alam ng mga kidnappers na panganay na anak siya ng mga Yllana ay ayaw siyang pakawalan ng mga ito. Oras kasi na makalaya siya ay tiyak na ipapapatay sila ng pamilya ni Celestine. Kaya, gusto siyang patayin ng kidnappers. Itinali pa nga siya sa mabatong lugar pagkatapos ay tinapon sa dagat ang kanyang katawan. Dahil sa nalunod at sobrang dami rin ng tubig na kanyang nainom sa dagat ay hindi na siya makahinga. Simula noon ay takot na si Celestine sa tubig. Dahil nararamdaman na ni Celestine ang sakit sa kanyang likod ay hindi niya naiwasan na mapakagat labi. Pero, alam niyang hindi na siya pwedeng umatras para matakpan na rin ang proweba ng pagmamahal niya kay Benjamin. Kaya pala hindi niya pinalagyan ng anesthesia ‘yon ay dahil gusto niyang maalala kung gaano kasakit noong sugat. Simula ngayon ay gusto na lang niya mabuhay para sa sarili niya at hindi para sa iba."Celestine! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!" isang sigaw ang biglang narinig mula sa hindi kalayuan.Napalingon si Celestine, at bago pa man niya makita nang malinaw ang taong iyon, bigla na lang siyang itinulak palayo ng lalaki.Napasuray siya ng dalawang hakbang at nang tumingala, nakita niyang si Louie iyon, nagmamadaling inaakay si Diana paakyat.Matindi ang tingin ni Louie kay Celestine, pagkatapos ay mahigpit niyang hinila si Diana.Agad namang niyakap ni Diana ang kanyang kapatid, humahagulgol at paulit-ulit na tinatawag, “Louie.. Louie..”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Louie at marahang inalo si Diana.Tahimik lamang si Celestine. Pinagpag niya ang alikabok na wala naman sa kanyang damit, at muling isinuot ang malamig at walang pakialam na mukha, tila isa siyang dyosang mataas at hindi maabot."Ano ang ginagawa ko? Alam na alam ng kapatid mo. Bakit hindi siya ang tanungin mo tungkol dito?" malamig niyang sagot habang pinupunasan ang dulo ng daliri.Pakiramdam niya,
Hindi nangahas magsalita si Diana, huminga na lang siya nang malalim. “Celestine… huwag… Huwag mong gawin sa akin ito. Maawa ka naman.”"Itinulak mo ako sa dagat, binuhusan mo ako ng dumi at sa tuwing ginagawan mo ako ng kasamaan, kailan ka ba naging maawain sa akin?! Kahit kailan, hindi ‘di ba? Bakit ako maaawa sa iyo? Sige nga, sabihin mo sa akin!" galit na sigaw ni Celestine habang lalo niyang diniinan ang hawak.Agad namang hinawakan ni Diana ang pulso ni Celestine, pilit na inaalis ang kamay nito. “Celestine… Maawa ka. Kilala kita, hindi ka ganyan,” mahina niyang tawag.Ngumiti si Celestine nang may panghahamak, “Sayang, ikaw ang mamamatay sa ating dalawa at hindi ako. Matagal mo pa namang plano na mawala na ko, hindi ba?”"Celestine… kapag nalaman ng mga magulang at kapatid ko ito, hinding-hindi… hindi ka nila palalampasin! Alam mo iyan. Kaya kung ako sa iyo, tigilan mo na ito. Please?" nangingilid ang luha ni Diana.Ngunit maraming tao na ang dumaan, lahat nakakita sa eksena p
Nang makita ni Diana si Celestine, lumingon ito at akmang umalis.Agad siyang hinabol ni Celestine, hinawakan ang braso ni Diana, inakbayan siya at dinala papunta sa parking lot."Celestine! Ikaw talaga, bitawan mo na ako, Celestine!!" sigaw ni Diana.Tahimik si Celestine, pero hinihila niya si Diana nang walang ipinapakitang emosyon. Medyo marahas ang lakas niya at nasasaktan ang mga kuko ni Diana. "Celestine! Tatawag ako ng pulis kapag—"Pinalo ni Celestine ang mukha ni Diana. Wala na siyang pakialam kung masaktan pa ito ng ilang ulit.Diretso na tumama si Diana sa isang sasakyan.Nagtaas siya ng tingin, nagulat na tumingin kay Celestine."Tawagin mo talaga ang pulis."Sabay bunot ng manggas si Celestine, "Aawatin kita hanggang sa makulong ka habang buhay ngayon. Naiintindihan mo?" Tumigil ka na sa ginagawa mo, tao ka pa ba, Diana?”Nang marinig iyon, alam na ni Diana na nalaman na ni Celestine ang lahat, kaya napababa na lang siya ng mukha at di na nangahas pang magsalita.Tinikom
Kaya pala mainit ang mga kamay niya nang puntahan niya si Celestine, kaya pala nawalan siya ng malay. Pabalik-balik palang impeksiyon ng sugat niya noon.Mas mahina pa ang katawan niya kaysa noong nasa isang business trip siya.At least doon, mas matibay pa ang resistensya niya.At saka, kung tungkol sa business party nga pala…Kinuha ni Celestine ang kanyang cellphone at akmang tatanungin kung nakarating na ba si Rico sa dapat niyang puntahan,, nang biglang nakatanggap siya ng mensahe mula kay Rico mismo.Nagpadala ito ng picture na may kasamang message. “Arrive safely, see you in a few days. Ingat ka dyan ah. I know you have a lot of things to do. Kaya mo iyan. Maniwala ka lang."Sumagot si Celestine kay Rico: “Pasensya na, hindi ako nakasama sa iyo. Sa susunod na lang tayo magkita. Kapag okay na ang lahat."Sumagot si Rico pabalik sa kanya. “Family is important, I hope your grandma is safe. Nandito lang naman ako. Update me kung kailan tayo pwedeng magkita. Kahit nasa ibang bansa p
"Karapat-dapat siya sa kung anuman ang nangyayari sa kanya!" singhal ni Nancy.Bagama’t sumang-ayon si Wendell sa sinabi ni Nancy, pinagsabihan pa rin niya ito, “Alam mo naman sa sarili mo na totoo iyan, bakit kailangan mo pang sabihin? Hayaan mo na ang mga iyan.”Agad namang nag-ingay pa lalo si Nancy. Kung anu-ano na ang sinasabi.Umubo si Manuel sa di kalayuan at agad siyang nilapitan ni Nancy."Pa, may masama ba sa pakiramdam mo? Sige, sabihin mo lang sa akin," tanong niya.Ilang araw pa lang ang nakararaan ay may sakit na ang matanda.Mukhang kailangan na talaga siyang iuwi sa madaling panahon. Hindi siya pwedeng magtagal dito dahil mukhang delikado na siya."Pa, umuwi ka muna. Nandito naman si Celestine at si Wendell. Ako na ang bahala rito," pag-aalo ni Nancy kay Manuel.Umiling si Manuel, ngunit inubo ulit nang tuluyan. Hindi na niya iyon mapigilan.Lubos itong ikinadurog ng puso ni Nancy. Naaawa na siyang lubos sa mag-asawa, grabe na ang kanilang pinagdaanan.Magmula’t sapul,
Hindi na nakapagsalita si Samuel.Dalawang taong litong-lito ang nakatingin sa isa’t isa.“Andito si Boss? Kanina lang nakita ko pa ‘yung record niya. Hahanapin ko siya–” tatakbo sana si Samuel.Pero sabay na hinila nina Vernard at Berna ang mga braso niya pakaliwa’t pakanan, at literal na kinaladkad siya palayo.“Hoy, hoy, hoy! Ano ‘to?! Ano bang problema niyo? Hinahanap ko lang naman si boss, e!” reklamo ni Samuel, lutang na lutang.Samantala, hawak ni Celestine ang phone niya habang binabasa ang balita tungkol sa aksidente.Sa paligid, siya lang yata ang pinakanasaktan sa nangyari.Kahit si Mr. Macabuhay na kasama sa sasakyan, gasgas at piraso lang ng salamin ang tumama sa braso.Pero si Lola Celia… siya ang pinakatinamaan.Nagpahayag ng pagkabahala ang mga netizen online dahil sa aksidenteng nangyari.“Sana wala nang mangyari Dr. Celia Yllana! Ang ganda ng project na ginagawa niya. Kung magtagumpay iyon, magiging inspirasyon siya sa buong bansa! Sana maging okay na siya agad!”“Ka