Share

Chapter 5

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-02-13 09:52:49

Sa kabila ng pag-aaway nila ni Celestine ay nagawa pa rin ni Benjamin na pumunta sa ospital para dalawin si Diana.

Habang siya ay nagbabalat ng apple ay narinig na lang niyang nagsalita si Diana habang nakahiga ito sa kama. “Benjamin, bakit ba hindi na lang tayo maghiwalay?”

Nanlaki ang mga mata ni Nenjamin dahil sa sinabi ni Diana sa kanya. “Ano namang sinasabi mo dyan? Walang kwenta.”

“Mahal na mahal ka ni Celestine at ayaw ko na siyang saktan,” naiiyak na sagot ni Diana.

Napasimangot na lang noon si Benjamin.

Naisip niya bigla ang nangyari kanina, ‘yong gusto na rin ni Celestine na mag-divorce sila. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto na ni Celestine na makipaghiwalay sa kanya.

Iniisip na lang ni Benjamin na ginagamit na lang na palusot ni Celestine ang divorce para takbuhan nito ang responsibilidad niya kay Diana.

“ Huwag kang mag-alala, dadalhin ko siya rito para personal na makahingi ng tawad sa iyo, ha?” sabi ni Benjamin pagkatapos ay binigay na kay Diana ‘yong binalatan niyang apple.

Napuno ng lungkot at awa ang mga mata ni Diana. Napakagat na lang siya sa mapula niyang labi pero sinubukan pa ring pigilan ang pinaplano ni Benjamin.

“Benj..”

“Ang sabi ko ay poprotektahan kita, hindi ba? Alam mong ikaw lang ang pakakasalan ko,” sagot ni Benjamin pagkatapos ay ginulo-gulo pa ang buhok ni Diana, para bang sinasabi sa dalaga na huwag na siyang mag-alala pa.

Nang marinig ni Diana iyon ay tumango na lang siya. Tinanggap na lang niya ng buong puso ang desisyon ni Benjamin. Hindi rin niya maiwasan na hindi magalit kay Celestine.

Pero, alam din niya na mahihirapan siyang sungkitin ang position bilang Mrs. Peters.

Dahil nabo-bored na sa ospital si Benjamin ay nakaisip siya ng excuse para makaalis doon sa ospital. “Ah, may gagawin pa pala ako sa kumpanya. Dadalawin na lang kita ulit, ha?”

Nang tumalikod si Benjamin para umalis ay napuno na naman ng lungkot ang puso ni Diana. Tumungo na lang siya habang iniisip si Celestine.

‘Celestine, ano bang makukuha mo sa pananatili mo sa isang lalaki na kahit kailan ay hindi ka naman minahal?’ sabi niya sa kanyang isip.

Nang makalabas si Benjamin sa ospital ay nag-ring ang kanyang cellphone. Pagtingin niya ay natawag pala sa kanya ang kababatang si Sean.

Si Sean ay presidente ng Vallejo Group. Isa sila sa mga sikat na pamilya sa Manila. Masasabing matalik na kaibigan siya ni Benjamin.

Ang boses noong lalaki ay parang nanloloko. “O, kamusta ‘yong bulaklak ng buhay mo?”

Binuksan ni Benjamin ang kanyang kotse bago siya tuluyang sumagot sa kaibigan. Kalmado naman siya. “Okay naman si Diana.”

“Aba, dapat lang. Sinaklolohan na siya ng maraming tao kanina, paniguardong okay talaga siya ngayon.” Muli ay nagtanong si Sean. Maloko na naman ang kanyang tono. “E, ‘yong asawa mo? Kamusta?”

Halatang nainis naman si Benjamin dahil sa tanong ng kanyang kaibigan. “Ano bang pwedeng mangyari sa kanya?”

Natawa na lang si Sean sa kabilang linya pagkatapos ay nagsalita. “Benjamin, ako ang sumalba sa asawa mo. Kung hindi dahil sa akin ay nalunod na iyon sa pool.”

Nang marinig iyon mula sa kaibigan ay hindi niya naiwasang sumimangot. Kahit paano ay naawa siya sa kanyang asawa pero agad niya iyong inalis sa kanyang isip.

Pero, dumaan na naman sa kanyang isip ang mukha ni Celestine kanina. Takot na takot ito. Dahil sa sobrang pag-iisip ay napahigpit ang hawak niya sa steering wheel.

Kinalma niya ang kanyang sarili bago ulit magsalita. “Niloloko mo ba ako? Magaling sa diving ang babaeng iyon sa malalim na dagat. Tapos, swimming pool lang ay takot siya?”

“So, gawa-gawa niya lang ‘yong takot niya kanina? Aba, ang galing niyang umarte, ha?” sabi ni Sean.

“Alam mo, ang sama talaga ni Celestine. Hindi ba’t alam naman niya na takot si Diana sa tubig dahil sinalba ka niya noong na-kidnap ka? Tinakbuhan pa nga niya ang isang lalaking gustong bumaril sa kanya,” dagdag pa nito.

Si Sean lang ang may alam ng kwento na iyon, wala nang iba pa.

Basta, ang alam ni Benjamin ay kailangan niyang sagipin lagi si Diana dahil minsan sa buhay niya ay sinagip din siya nito. Iyon din ang dahilan kung bakit gusto niya na pakasalan ang dalaga.

Nakikinig lang si Benjamin sa sinasabi ng kanyang kaibigan pero habang ginagawa niya iyon ay parang may kung anong bagay ang nawala sa kanya. Bigla siyang nawalan ng gana.

“Sige na, ibababa ko na itong tawag.”

Bago ibaba ni Benjamin ‘yong tawag ay tinanong pa siya ni Sean.

“Hindi ka ba pupunta sa The A Club ngayong gabi?”

“Hindi” deretsahang sagot niya.

Pagkatapos sabihin iyon ay binaba na nga ni Benjamin ang kanyang cellphone.

Bigla siyang napatingin sa red light na nasa harapan niya. Hindi rin niya maiwasan na balikan ang sinabi ni Sean kanina.

‘Benjamin, ako ang sumalba sa asawa mo. Kung hindi dahil sa akin ay nalunod na iyon sa pool.’

Napasimangot ulit si Benjamin. Naisip din niya ang sinabi ni Celestine kanina.

‘Takot din naman ako sa tubig, ah?’

Napakagat na lang si Benjamin sa kanyang labi at napaisip. Bakit ba takot din sa tubig si Celestine?

Agad na tumapak na lang siya sa accelerator para makauwi na sa mansion. Nang makapag-park na sa harapan ng mansion ay bumaba na si Benjamin.

Itinulak niya ang pinto ng mansion at walang ganang tinawag ang kanyang asawa.

“Celestine.”

Nakapagpalit na siya ng sapatos at naglakad sa pasilyo pero hindi pa rin niya makita si Celestne. Hanggang sa nakarating na siya sa sala pero wala pa rin ang kanyang asawa.

Noon, kapag umuuwi siya ay masaya siyang sasalubungin ni Celestine. Agad itong bumababa ng hagdan o di kaya naman kung minsan ay busy ito sa kitchen.

Pero ngayon, nababalot ng katahimikan ang buong mansion.

Kaya naman, pumanhik siya sa taas at pumunta sa kwarto nila. Tatawagin niya sana si Celestine sa pag-aakalang naroon ang kanyang asawa pero nagulat siya nang makita na sobrang linis nito.

Pumasok siya sa loob para tingnan ang bawat sulok ng kwarto pero wala talaga si Celestine. Ang nakita niya lang doon sa CR ay ang dalawang toothbrush na pagmamay-ari niya.

Agad na nag-isip si Benjamin.

‘Umalis na si Celestine? Kung umalis na siya. Saan naman siya pumunta?’

Kung saan-saan na niya hinanap si Celestine. Sa study room, sa garden at kung saan pa pero hindi niya talaga ito mahanap. Ang pinagtataka pa niya, hindi lang si Celestine ang nawawala kung hindi pati na rin ang gamit nito.

Pati ang medical books na laging binabasa ni Celestine ay wala na rin.

Sa totoo lang ay minsan lang siya umuwi sa mansion na iyon at ang nakatira lang doon ay si Celestine. Ngayon na wala na ang kanyang asawa ay parang walang tumira roon kahit kailan. Para bang isa na itong naabandonang mansion.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 612

    Hindi inaasahan ni Diana na may bitag pala para sa kanya si Celestine.Napakarami pala ng sumusuporta sa kanya.Huwag siyang magtaka na mag-isa lang na lumabas ngayon sina Celestine at Vernard punong-puno pala ang mga sasakyan ng mga tao.Si Vernard ay matalas sa industry ng entertainment.“Umalis muna tayo. Ang matalino, hindi nagpapatalo sa harap ng panganib. May oras pa tayo, dahan-dahan lang,” seryoso niyang sambit kay Dan. “Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sa’yo, huwag kang mag-alala.”Nag-isip sandali si Diana, saka tumango.“Celestine, papayag akong umalis ngayon. Pero tandaan mo, hindi kita papayagang makawala ng pangalawang beses,” malamig na ang tingin ni Diana kay Celestine.“Totoo bang gusto mo akong patayin nang ganoon kapangit?” tanong ni Celestine nang tahimik.“Matagal ko nang gustong kitilin ang buhay mo,” ngumiwi si Diana pagkatapos sabihin iyon. “Kung mamatay ka, sino naman ang makakaalam na ako ang nag-impersonate sa’yo?”“Celestine, kasi buhay ka pa, nagiging

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 611

    Habang nagsasalita, pinabilis ni Celestine ang takbo ng kotse at sabay hinanap sa blocklist ang pamilyar na number.Mabilis niyang tinawagan ang number na iyon.Agad-agad itong sumagot.Medyo nagulat ang dalawa.Nagulat si Celestine na napasagot naman kaagad ang tao sa kabilang linya.Nagulat naman siya na tinawagan siya ni Celestine.“Celestine, nasa mall ako,” sabi niya.Hindi na inalintana ni Celestine kung nasaan siya; tinanong lang, “Busy ka ba? Gusto mo bang pumunta rito?”“Saan?” medyo excited ang tinig ni Benjamin.Hindi siya naging masaya nang higit pa kung tinawag siya ni Celestine.“Ipapadala ko sa’yo ang location ko, puntahan mo na ngayon ha,” sabi ni Celestine.“O’ sige.”Nang matapos ang tawag, pinadala ni Celestine kay Benjamin ang location ni Vernard.Palapit na ang sports car sa kanila.Ginamit ni Celestine ang red light sa unahan para malihis sila.Sa loob ng itim na sports car sa likod, pinapalo ng babae ang bintana at sumisigaw, “Walang kwenta!”Kausap ni Diana ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 610

    “Alam kong hindi ka isang simpleng tao. Kung hindi ako ang unang gagawa ng gulo, palagi kang lalapit sa akin.” Mahinang ibinaba ni Diana ang ulo, inaalalay ang mga daliri niya sa pag-iikot, may bahid ng panlait ang tinig.“Kaya mas mabuting ako na ang kumilos.”Bumunot ng kamao si Celestine.“Hindi ba dapat ako ang lumapit sa’yo? Nu’ng wala pa akong ginagawang kahit ano sayo, hindi ka ba palaging gumugulo sa akin?” tanong ni Celestine, puno ng galit.Hindi ba siya nasasaktan ng sobra dahil sa mga ginagawa ni Diana noong tatlong taong kasal siya kay Benjamin?“Celestine. Gusto kong tuluyang putulin mo ang ugnayan mo kay Benjamin.” malamig na sabi ni Diana.Hindi maintindihan ni Celestine ang gusto niyang iparating, “Bakit hindi mo siya puntahan at sabihin 'yan sa kanya mismo? Bakit ako ang pakikialaman mo?”“Akala mo hindi ko siya hinarap? Hindi na niya ako pinapansin ngayon! Celestine, kailan ba ako nagdusa nang ganito?!” mulat ang damdamin ni Diana.Wala sa mukha ni Celestine ang anu

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 609

    “Diana, bakit ba lagi kang sumisigaw sa akin? Ano bang ipinagsisisigaw mo?” mariing tanong ni Celestine kay Diana, puno ng pagkainis at pagkadismaya.Sino ba talaga ang mas maraming tiniis sa kanilang dalawa? Hindi ba’t siya naman iyon?“Inagaw mo na nga ang buhay ko, tapos ikaw pa ang may ganang sumigaw sa akin?” mariing sabi ni Celestine sabay hampas ng kamay sa mesa.Ano ngayon ang gusto niyang mangyari? Si Diana lang ba ang may karapatang maghampas ng mesa?At kahit ngayon, ganito pa rin ang tono nito sa kanya, mataas, mapanlait.Hindi man lang siya kailanman gumawa ng iskandalo laban kay Diana; iyon na nga ang pinakamasidhing kabaitan na ipinakita niya rito.Akala ba ni Diana ay basta na lang niya itong patatawarin? Na para bang wala lang sa kanya ang lahat?Si Benjamin man ay karapat-dapat pagsabihan, pero gayundin si Diana.Hindi niya palalampasin ang alinman sa kanila! Silang dalawa ang may kasalanan kung bakit sarado na ang puso niya na parang bato!Hindi inaasahan ni Diana a

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 608

    Pag-akyat pa lamang ng hagdan sa second floor ng café, napansin ni Celestine ang isang pamilyar na figure.Walang ibang pwedeng maging iyon kundi si Diana.Nakasuot siya ng puting bestida, makapal na coat at leather boots.Maayos siyang tingnan, tila wala nang bakas ng sakit o pagkalugmok.Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa ni Celestine at umupo sa tapat nito.Ilang sandali pa, dumating ang waiter at inilapag ang latte sa harap ng babae.Ngumiti si Celestine at nagsalita, mahinahon.“Latte, gaya ng dati.”Noong college pa lang sila, siya mismo ang laging uma-order ng latte para kay Diana.Iyon ang paboritong kape nito.“Nagulat ako… na pumayag kang makipagkita sa akin.”mahina ngunit mahinahon ang tinig ni Diana. Wala siyang ekspresyon, parang wala na siyang kaluluwa.Mula nang mangyari ang lahat ng iyon, tila naubos na ang liwanag sa kanyang mga mata.Tahimik na sumimsim si Celestine ng kape.Pag-angat ng tingin niya, may mapait na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang hindi ka na gan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 607

    Ibinigay na nga ni Celestine ang lahat kay Benjamin, pero bakit gano’n? Bakit kailangan pa rin niyang matalo nang ganito kasakit?Kung dahil lang iyon sa hindi niya ito nailigtas noon, mas lalong hindi niya maintindihan.Sa sofa, lasing na lasing si Wendell. Ngunit nang marinig ang iyak ng anak, agad siyang napabangon at pasuray-suray na lumapit.Niyakap ni Nancy si Celestine, pinipigilan ang sariling maiyak habang inaalo ito. Hindi na rin naintindihan ni Wendell ang sitwasyon, ang alam lang niya, may umiiyak. Kaya’t lumuhod siya at niyakap ang mag-ina, mahigpit na parang ayaw na silang pakawalan.Amoy na amoy ang alak sa kanyang hininga at habol-habol ang paghinga nang sabi niya,“‘Tong pamilyang ‘to… kahit anong mangyari, hindi guguho ang buhay n’yo. Nandito pa ako…”Napapikit siya, garalgal ang tinig, lasing ngunit puno ng pagmamahal.Niyakap naman ni Celestine ang dalawa, mahigpit.Pagkatapos ng gabing iyon, hindi na siya muling iiyak.Tapos na. Lahat ay dapat nang matapos.Hinapl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status