Share

Chapter 528

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-12 12:37:48

Paglingon nina Zsa Zsa at Philip nadatnan nilang nakatingin sa kanila si Benjamin, mahina at maputla na ang kanyang itsura.

Hindi pa kailanman nakita ni Zsa Zsa na ganoon kahaggard ang kanyang anak. Pagod na pagod ang kanyang itsura.

Sa totoo lang, mula nang hawakan ni Benjamin ang kumpanya nila, hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan sa lahat ng tao. Ang kumpanya ay hindi maaaring mawalan ng CEO kahit isang araw at hindi siya dapat mawalan ng awtoridad at dignidad sa harap ng ibang tao.

Kasalanan niya ito, kasalanan niyang masyado siyang naging kampante sa loob ng dalawampung taon. Ngayon pa lang nagsisimula ang totoong pagsubok ng kanyang buhay.

Panahon na para maranasan niya ang hirap. At bilang isang ina, wala siyang magagawa para iligtas siya. Katulad din ng kagustuhan nitong hiwalayan si Celestine, wala rin siyang kapangyarihan para pigilan iyon.

“Gising ka na? Saan ba masakit? Okay ka lang ba anak?” tanong ni Zsa Zsa habang inaabutan siya ng basong tubig kay Benjamin.

Umilin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 528

    Paglingon nina Zsa Zsa at Philip nadatnan nilang nakatingin sa kanila si Benjamin, mahina at maputla na ang kanyang itsura.Hindi pa kailanman nakita ni Zsa Zsa na ganoon kahaggard ang kanyang anak. Pagod na pagod ang kanyang itsura.Sa totoo lang, mula nang hawakan ni Benjamin ang kumpanya nila, hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan sa lahat ng tao. Ang kumpanya ay hindi maaaring mawalan ng CEO kahit isang araw at hindi siya dapat mawalan ng awtoridad at dignidad sa harap ng ibang tao.Kasalanan niya ito, kasalanan niyang masyado siyang naging kampante sa loob ng dalawampung taon. Ngayon pa lang nagsisimula ang totoong pagsubok ng kanyang buhay.Panahon na para maranasan niya ang hirap. At bilang isang ina, wala siyang magagawa para iligtas siya. Katulad din ng kagustuhan nitong hiwalayan si Celestine, wala rin siyang kapangyarihan para pigilan iyon.“Gising ka na? Saan ba masakit? Okay ka lang ba anak?” tanong ni Zsa Zsa habang inaabutan siya ng basong tubig kay Benjamin.Umilin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 527

    Totoo ngang komplikado ang relasyon nilang tatlo.Muling nagpadala ng message ang assistant ni Louie sa kanya.“Boss, nabasa mo na ba ang balita? Malaking kaguluhan ang mangyayari sa pamilya Peters pagkatapos ng pangyayaring ito.”Sumagot lang si Louie ng isang “Hmm” at hindi na muling tiningnan ang message ng kanyang assistant.Tama nga, malaking pagyanig ang mangyayari sa pamilya Peters…Hindi na nakapagtataka kung bakit si Benjamin ay biglang nilagnat nang mataas at nawalan ng malay nung isang araw. Dahil pala sa ulan at pagpunta sa airport iyon.Napatingin si Louie sa pintuan ng kwarto ni Diana at napabuntong-hininga.“Diana.” Katok niya, mabigat ang tinig. “Alam ko na gusto mo si Benjamin, pero kung hindi talaga siya para sa’yo, kahit itali mo pa siya sa tabi mo, hindi ka magiging masaya…”Tahimik ang magkabilang panig. Para bang walang narinig kahit na malinaw naman ang sinabi ni Louie.Kumplikado ang ekspresyon ni Louie at nagsalita ulit. “Ibig sabihin ko lang… kung pwede lang…

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 526

    “Oh, bakit ang lupit naman ni Celestine, paano niya nagawang saktan nang ganyan ang anak natin! Wala siyang awa!”Sa mansion ng pamilya Valdez, hawak ni Mary ang kamay habang pinagmamasdan si Diana na ginagamot ang sugat; mas masakit iyon sa puso niya kaysa sa balat ng anak.Tila tinamaan ang puso ni Diana, ngunit ang tunay na nasaktan ay si Mary dahil grabe ang mga sugat ng kanyang anak.Si Louie naman ay walang anumang ekspresyon sa mukha, mabigat ang kanyang anyo. Parang may iniisip pero hindi mo mabasa kung ano iyon.Si Diana, habang tinitingnan ang kanyang kapatid ay hindi makapagsalita. Simula nang dumating sila sa bahay, hindi pa ito nagsasalita, at maging ang paglalagay ng gamot ay parang wala sa loob niya.Alam ni Diana na may kakaiba kay Louie. Napaisip ito ng malala.‘Alam na ba niya… na ako ang nagpanggap bilang si Celestine noon para kay Benjamin?’“Hindi ko alam kung paano pinalaki ng pamilya Yllana ang anak nilang babae. Walang puso at awa talaga ang babaeng iyon kahit

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 525

    “Sa totoo lang, Boss. Yung gago… nung lumuhod siya, di ko akalain na gagawin niya iyon para sa iyo…” sabi ni Vernard habang tinitingnan si Celestine.Pinikit ni Celestine ang labi at nag-scroll sa ilang picture na naka-post na karamihan naman ay kuha ni Benjamin na nakaluhod sa loob ng airport.May nakita si Celestine na picture na siya mismo ang nasa larawan.Dahil ang ekspresyon niya noon ay malamig din kung titigan ngayon, ramdam niya ang pagka-walang pakialam. Para bang ang mga mata niya noon ay tumitingin sa isa na lang tao na hindi niya kilala.Hindi na niya nais ibigay pa kay Benjamin ang galit na tingin…Parang tuluyan nang iniwan ni Benjamin ang lugar sa kanyang mundo. Wala na talaga siyang naramdaman para rito.Tahimik si Celestine. Pinatay niya ang kanyang cellphone at tumingin sa labas ng bintana.“Nagpaayos ako ng kotse kahapon at nakita ko yung kotse ni Mr. Benjamin Peters doon,” bungad ni Vernard.Hindi sumagot si Celestine; pero nagpatuloy si Vernard sa pagsasalita, “S

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 524

    "Celestine! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!" isang sigaw ang biglang narinig mula sa hindi kalayuan.Napalingon si Celestine, at bago pa man niya makita nang malinaw ang taong iyon, bigla na lang siyang itinulak palayo ng lalaki.Napasuray siya ng dalawang hakbang at nang tumingala, nakita niyang si Louie iyon, nagmamadaling inaakay si Diana paakyat.Matindi ang tingin ni Louie kay Celestine, pagkatapos ay mahigpit niyang hinila si Diana.Agad namang niyakap ni Diana ang kanyang kapatid, humahagulgol at paulit-ulit na tinatawag, “Louie.. Louie..”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Louie at marahang inalo si Diana.Tahimik lamang si Celestine. Pinagpag niya ang alikabok na wala naman sa kanyang damit, at muling isinuot ang malamig at walang pakialam na mukha, tila isa siyang dyosang mataas at hindi maabot."Ano ang ginagawa ko? Alam na alam ng kapatid mo. Bakit hindi siya ang tanungin mo tungkol dito?" malamig niyang sagot habang pinupunasan ang dulo ng daliri.Pakiramdam niya,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 523

    Hindi nangahas magsalita si Diana, huminga na lang siya nang malalim. “Celestine… huwag… Huwag mong gawin sa akin ito. Maawa ka naman.”"Itinulak mo ako sa dagat, binuhusan mo ako ng dumi at sa tuwing ginagawan mo ako ng kasamaan, kailan ka ba naging maawain sa akin?! Kahit kailan, hindi ‘di ba? Bakit ako maaawa sa iyo? Sige nga, sabihin mo sa akin!" galit na sigaw ni Celestine habang lalo niyang diniinan ang hawak.Agad namang hinawakan ni Diana ang pulso ni Celestine, pilit na inaalis ang kamay nito. “Celestine… Maawa ka. Kilala kita, hindi ka ganyan,” mahina niyang tawag.Ngumiti si Celestine nang may panghahamak, “Sayang, ikaw ang mamamatay sa ating dalawa at hindi ako. Matagal mo pa namang plano na mawala na ko, hindi ba?”"Celestine… kapag nalaman ng mga magulang at kapatid ko ito, hinding-hindi… hindi ka nila palalampasin! Alam mo iyan. Kaya kung ako sa iyo, tigilan mo na ito. Please?" nangingilid ang luha ni Diana.Ngunit maraming tao na ang dumaan, lahat nakakita sa eksena p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status