Share

Chapter 472

Author: Athengstersxx
last update Huling Na-update: 2025-08-18 12:49:14

Sabi ng iba, “Nandito si Mr. Peters! Kasama niya si Diana Valdez ngayon! Ibig sabihin ba nito, official na silang dalawa?”

Nagkomento pa ang ibang tao, “Wow, bagay na bagay talaga silang dalawa.”

“Baka dahil sobrang gwapo ni Mr. Benjamin Peters kaya kahit sinong babae ang nasa tabi niya ay nagiging bagay sa kanya.”

“Anong biro ‘yan? Dapat maganda rin ang babae para sabihing bagay kay Benjamin! Kung may dapat sabihing perfect match, naniniwala pa rin akong si Celestine ang tunay na bagay sa kanya!”

Tahimik na tumingin sa malayo si Celestine.

Nakita niyang bumaba si Benjamin mula sa isang itim na commercial vehicle at pagkatapos ay iniabot ang kamay para tulungan si Diana na bumaba.

Suot ni Benjamin ang isang itim na suit, habang si Diana naman ay naka-itim na long gown na hanggang sahig. Kung titignan, bagay na bagay nga silang dalawa.

Ngunit para kay Celestine, may isang bagay na hindi bumagay sa gabing iyon dito, ang butterfly necklace na nakasukbit sa leeg ni Diana.

Hindi tugma. Hin
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mar IA
lagi nalang paisa isa Ang update kakainis
goodnovel comment avatar
Lore Jean Barcelo
bakit ganun pa uti²x na pag Ud mo?
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 525

    “Sa totoo lang, Boss. Yung gago… nung lumuhod siya, di ko akalain na gagawin niya iyon para sa iyo…” sabi ni Vernard habang tinitingnan si Celestine.Pinikit ni Celestine ang labi at nag-scroll sa ilang picture na naka-post na karamihan naman ay kuha ni Benjamin na nakaluhod sa loob ng airport.May nakita si Celestine na picture na siya mismo ang nasa larawan.Dahil ang ekspresyon niya noon ay malamig din kung titigan ngayon, ramdam niya ang pagka-walang pakialam. Para bang ang mga mata niya noon ay tumitingin sa isa na lang tao na hindi niya kilala.Hindi na niya nais ibigay pa kay Benjamin ang galit na tingin…Parang tuluyan nang iniwan ni Benjamin ang lugar sa kanyang mundo. Wala na talaga siyang naramdaman para rito.Tahimik si Celestine. Pinatay niya ang kanyang cellphone at tumingin sa labas ng bintana.“Nagpaayos ako ng kotse kahapon at nakita ko yung kotse ni Mr. Benjamin Peters doon,” bungad ni Vernard.Hindi sumagot si Celestine; pero nagpatuloy si Vernard sa pagsasalita, “S

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 524

    "Celestine! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!" isang sigaw ang biglang narinig mula sa hindi kalayuan.Napalingon si Celestine, at bago pa man niya makita nang malinaw ang taong iyon, bigla na lang siyang itinulak palayo ng lalaki.Napasuray siya ng dalawang hakbang at nang tumingala, nakita niyang si Louie iyon, nagmamadaling inaakay si Diana paakyat.Matindi ang tingin ni Louie kay Celestine, pagkatapos ay mahigpit niyang hinila si Diana.Agad namang niyakap ni Diana ang kanyang kapatid, humahagulgol at paulit-ulit na tinatawag, “Louie.. Louie..”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Louie at marahang inalo si Diana.Tahimik lamang si Celestine. Pinagpag niya ang alikabok na wala naman sa kanyang damit, at muling isinuot ang malamig at walang pakialam na mukha, tila isa siyang dyosang mataas at hindi maabot."Ano ang ginagawa ko? Alam na alam ng kapatid mo. Bakit hindi siya ang tanungin mo tungkol dito?" malamig niyang sagot habang pinupunasan ang dulo ng daliri.Pakiramdam niya,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 523

    Hindi nangahas magsalita si Diana, huminga na lang siya nang malalim. “Celestine… huwag… Huwag mong gawin sa akin ito. Maawa ka naman.”"Itinulak mo ako sa dagat, binuhusan mo ako ng dumi at sa tuwing ginagawan mo ako ng kasamaan, kailan ka ba naging maawain sa akin?! Kahit kailan, hindi ‘di ba? Bakit ako maaawa sa iyo? Sige nga, sabihin mo sa akin!" galit na sigaw ni Celestine habang lalo niyang diniinan ang hawak.Agad namang hinawakan ni Diana ang pulso ni Celestine, pilit na inaalis ang kamay nito. “Celestine… Maawa ka. Kilala kita, hindi ka ganyan,” mahina niyang tawag.Ngumiti si Celestine nang may panghahamak, “Sayang, ikaw ang mamamatay sa ating dalawa at hindi ako. Matagal mo pa namang plano na mawala na ko, hindi ba?”"Celestine… kapag nalaman ng mga magulang at kapatid ko ito, hinding-hindi… hindi ka nila palalampasin! Alam mo iyan. Kaya kung ako sa iyo, tigilan mo na ito. Please?" nangingilid ang luha ni Diana.Ngunit maraming tao na ang dumaan, lahat nakakita sa eksena p

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 522

    Nang makita ni Diana si Celestine, lumingon ito at akmang umalis.Agad siyang hinabol ni Celestine, hinawakan ang braso ni Diana, inakbayan siya at dinala papunta sa parking lot."Celestine! Ikaw talaga, bitawan mo na ako, Celestine!!" sigaw ni Diana.Tahimik si Celestine, pero hinihila niya si Diana nang walang ipinapakitang emosyon. Medyo marahas ang lakas niya at nasasaktan ang mga kuko ni Diana. "Celestine! Tatawag ako ng pulis kapag—"Pinalo ni Celestine ang mukha ni Diana. Wala na siyang pakialam kung masaktan pa ito ng ilang ulit.Diretso na tumama si Diana sa isang sasakyan.Nagtaas siya ng tingin, nagulat na tumingin kay Celestine."Tawagin mo talaga ang pulis."Sabay bunot ng manggas si Celestine, "Aawatin kita hanggang sa makulong ka habang buhay ngayon. Naiintindihan mo?" Tumigil ka na sa ginagawa mo, tao ka pa ba, Diana?”Nang marinig iyon, alam na ni Diana na nalaman na ni Celestine ang lahat, kaya napababa na lang siya ng mukha at di na nangahas pang magsalita.Tinikom

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 521

    Kaya pala mainit ang mga kamay niya nang puntahan niya si Celestine, kaya pala nawalan siya ng malay. Pabalik-balik palang impeksiyon ng sugat niya noon.Mas mahina pa ang katawan niya kaysa noong nasa isang business trip siya.At least doon, mas matibay pa ang resistensya niya.At saka, kung tungkol sa business party nga pala…Kinuha ni Celestine ang kanyang cellphone at akmang tatanungin kung nakarating na ba si Rico sa dapat niyang puntahan,, nang biglang nakatanggap siya ng mensahe mula kay Rico mismo.Nagpadala ito ng picture na may kasamang message. “Arrive safely, see you in a few days. Ingat ka dyan ah. I know you have a lot of things to do. Kaya mo iyan. Maniwala ka lang."Sumagot si Celestine kay Rico: “Pasensya na, hindi ako nakasama sa iyo. Sa susunod na lang tayo magkita. Kapag okay na ang lahat."Sumagot si Rico pabalik sa kanya. “Family is important, I hope your grandma is safe. Nandito lang naman ako. Update me kung kailan tayo pwedeng magkita. Kahit nasa ibang bansa p

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 520

    "Karapat-dapat siya sa kung anuman ang nangyayari sa kanya!" singhal ni Nancy.Bagama’t sumang-ayon si Wendell sa sinabi ni Nancy, pinagsabihan pa rin niya ito, “Alam mo naman sa sarili mo na totoo iyan, bakit kailangan mo pang sabihin? Hayaan mo na ang mga iyan.”Agad namang nag-ingay pa lalo si Nancy. Kung anu-ano na ang sinasabi.Umubo si Manuel sa di kalayuan at agad siyang nilapitan ni Nancy."Pa, may masama ba sa pakiramdam mo? Sige, sabihin mo lang sa akin," tanong niya.Ilang araw pa lang ang nakararaan ay may sakit na ang matanda.Mukhang kailangan na talaga siyang iuwi sa madaling panahon. Hindi siya pwedeng magtagal dito dahil mukhang delikado na siya."Pa, umuwi ka muna. Nandito naman si Celestine at si Wendell. Ako na ang bahala rito," pag-aalo ni Nancy kay Manuel.Umiling si Manuel, ngunit inubo ulit nang tuluyan. Hindi na niya iyon mapigilan.Lubos itong ikinadurog ng puso ni Nancy. Naaawa na siyang lubos sa mag-asawa, grabe na ang kanilang pinagdaanan.Magmula’t sapul,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status