Mabilis na nabitawan ni Claire ang braso ni Veena nang marinig ang galit na boses ni Manson na bigla na lang lumitaw kung saan. Namumutla ang mukha na nilingon niya ito at kinabahan baka kung ano ang isipin ni Manson sa kanya.
“Manson…” Mahina pa sa boses ng daga ang boses na bulong niya sa pangalan ng asawa. Naisara niya ang nakaawang na labi dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. “Hindi naman ako–” “Manson!” putol ni Veena sa iba pa niyang sasabihin at kaagad itong lumapit kay Manson saka nangunyapit sa braso nito. “Help me…” Nanghihinang anas nito pero dahil magkalapit lang sila ay narinig iyon ni Claire. Tumaas ang kilay ni Claire at napabuga ng iritadong hininga nang makita ang inakto nito. Lalo pa siyang hindi makapaniwala nang nginisihan siya ni Veena pero nang tumingin ito kay Manson ay parang kawawa pa sa isang alipin ang hitsura nito. Labis ang pagpigil ni Claire sa inis upang hindi ito sunggaban at sampalin. “Ano’ng nangyari sa ‘yo, Claire? Bakit mo sinasaktan si Veena?” Madilim ang mukha na akusa sa kanya ni Manson. Bakas na bakas ang galit sa mukha nito at anumang oras ay handang saktan si Claire. “Hindi mo ba alam kung gaano kahina ang katawan niya tapos pagbubuhatan mo pa ng kamay?” Dumarami na ang tao sa restaurant lalo pa at lunchtime, breaktime ng mga empleyado sa mga kalapit na building. Pinagtitinginan sila at hindi kaya ni Claire ang klase ng tingin ng mga ito sa kanya dahil sa sinabi ni Manson. It looks like she was bullying a weak Veena. “Asawa mo ako pero siya ang kinakampihan mo? Ganoon ka na kadesperado at hindi ka na makapaghintay na ma-divorce ang kasal natin at naglalandian na kayo?” Nanggigigil na aniya. Namasa ang kanyang mata dahil sa muling pagkirot ng sakit sa dibdib niya pero ayaw niyang magpakita ng kahinaan kaya pilit niyang nilabanan ang luha. “Our marriage is ruined. Umalis ka na, Claire. Bago pa ako may masamang magawa sa ‘yo.” “Manson, hayaan mo na si Claire. Huwag mo siyang pagalitan. Baka hindi lang kayang dalhin ng emosyon niya ang katotohanang malapit na kayong maghiwalay.” Umayos ng tayo si Veena pero suportado pa rin ito ni Manson. “Kaya ko naman ang sarili ko, hindi ako nasaktan.” Halos magsuka ng dugo si Claire sa labis na pagpigil ng galit dahil sa inaakto ni Veena. Kung sasali ito sa Oscars, siguradong magwawagi ito. Marahas siyang napailing at nagpakawala ng mahinang tawa. Oo, nasasaktan siya pero hindi iyon dahilan para magpakababaw at magsinungaling para lang makuha ang atensyon ni Manson. Hindi na siya nagsalita at marahas na tinalikuran ang dalawa. Forget about lunch. Nawala na ang gutom niya at nabusog siya ng inis. Pagkaalis niya ay dumating si Meesha, ang kapatid ni Manson. Ang totoo ay kanina pa ito nagmamasid pero hindi lumapit dahil alam niyang mapapagalitan lang siya ng kanyang kuya pero hindi niya matiis ang kaipokritohan nito at nagpapaloko sa kasinungalingan ni Veena. “Kuya, naman! Bakit mo pinaalis si Ate Claire ng ganun-ganon lang? Bakit mo siya pinagalitan ng hindi mo naman alam kung ano ang totoong nangyari?” Nakapameywang na tanong niya sa kanyang kapatid. Nasa loob pa rin sila ng restaurant pero nakaupo na ang dalawa at si Meesha ay nakatayo habang naghihintay ng kasagutan ng kanyang kapatid. Hindi man lang niya binigyan ng tingin si Veena. “Tama ka, Meesha. Sabi ko nga kay Manson ay napakabait ni Clare para manakit. Ayos lang naman ako at walang nang–” “Puwede ba manahimik ka? Hindi kita tinatanong!” Meesha rudely cut off Veena’s words disregarding his brother’s look of dissappoval. “Kung hindi ka sana bumalik masaya pa ring nagsasama si Claire at ang kuya ko!” pagpapatuloy pa ni Meesha. “Meesha!” Mabilis na tumayo si Manson upang pigilan ang kapatid pero mabilis itong napigilan ni Veena at nawalan ito ng balanse kaya bahagya itong nabuwal at napayakap ang katawan kay Veena. Iyon ang tagpong naabutan ni Claire nang bumalik siya sa restaurant dahil nagpadala sa kanya ng mensahe si Meesha na nandoon nga raw ito at may ibibigay sa kanya. Ang buong akala niya ay nakaalis na sina Veena at Manson pero hindi niya akalain na maaabutan pa rin niya ang mga ito. Higit sa lahat sa ganitong sitwasyon. Mapakla siyang napangiti at muling tumalikod nang hindi na kinatagpo si Meesha. Hindi na niya kayang pigilang pumatak ang luha hinayaan niya iyon hanggang makasakay siya sa taxi at kahit hanggang makarating sa bahay ng ina ay luhaan siyang nagmukmok sa kuwarto. Plano niyang bumalik sa botique mamayang gabi upang isubsob sa trabaho ang nadudurog na puso. Samantala ay mabilis na lumayo si Manson kay Veena. “Did I hurt you?” Inalalayan niya itong makatayo saka pinandilatan si Meesha. “Umuwi ka na, Meesha. Ikaw ang mananagot sa akin mamaya kapg hindi ka pa tumigil.” “Huwag! Huwag mong pagalitan ang kapatid mo, Manson. Walang kasalanan si Meesha rito. Ako ang dapat na sisihin. Kung hindi sana ako lumayo…” “Shhh… Tama na, Veena. Walang sisihan, okay?” Napaismid si Meesha habang nagmamasid. Kung si Claire ay halos masuka ng dugo dahil sa kaplastikan ni Veena, siya naman ay gustong himatayin dahil hindio niya kayang sikmurain ang ugali ng babaeng kaharap. “Enough, Veena. Hindi ko kailangan ng peke mong simpatiya,” asik niya na muling umani ng sama ng tingin mula kay Manson. “Meesha!” bulyaw sa kanya ng kapatid. “Umuwi ka na kung ayaw mong ipadampot kita sa mga bodyguards mo!” “Sige, kuya. Ipagpatuloy mo ‘yang kaipokritohan mo at magpalamon ka sa kasinungalingan ng babaeng ‘yan!” Nagpapadyak na umalis ng restaurant si Meesha pero imbis na umuwi tulad ng sinabi ng kanyang kuya ay dumiretso siya sa bahay ng ina ni Claire. “Hayaan mo na ang kapatid mo, Manson. Alam kong galit pa siya sa akin kaya niya nasabi iyon. Huwag kang mag-alala dahil habang pinoproseso mo ang divorce niyo ni Claire, susubukan ko namang paamuin siya.” “Hmm…” tanging sagot ni Manson. Ang totoo ay ukupado ang isip niya ni Claire. Kung gaano ito nasaktan kanina dahil sa pagsuway niya. Hindi niya alam kung tama ba ang nababasa niya sa mukha nito na tila may pakialam pa rin ito sa kanya. Tahimik siyang umiling. Nah! Sigurado akong mas importante sa kanya ang Lucas na ‘yon keysa sa akin!Next:Nang makita ni Vincent ang kapatid ay agad na dumilim ang mukha nito at tumalim ang mga mata. Habang si Claire ay nakamata lamang sa babaeng papalapit sa kanila pero anumang sandali ay nakahanda sakaling may gagawin itong hindi maganda. “Kuya, kumusta na ang papa? Maayos na ba ang kalagayan niya?” Halata ang pag-aalala sa boses ni Veena pero alam ni Claire na nagda-drama lang ito dahil may gusto itong makuha. Si Vincent ang humarap kay Veena na hindi itinago ang pagkadisgusto sa babae. “Ano ang ginagawa mo dit, Veena? Hindi ka kailangan dito kaya makakaalis ka na.”Agad na namula ang mata ni Veena at akmang iiyak pero agad itong hinarap ni Claire. “Sa pagkakaalala ko, hindi ka na isang De Colter, Veena.” Tinignan ito ni Claire mula ulo hanggang pa at naka-cross ang braso sa harap ng dibdib na muling nagsalita. “Sa pagkakaalam ko rin ay hindi ka anak ni Benjamin. Kaya kung pwede ba, huwag mo nang istorbohin ang ama ng kapatid ko?”Tuluyan ng dumaloy ang luha ni Veena ngunit ni
Next:Isang araw na ang nakalipas mula ng ikasal sina Khalid at Odette at isang araw na rin ang nakalipas mula nang malaman niya ang totoo mula kay Zeynnon na anak niya nga si Claire. Sa susunod na araw pa ang alis nila papuntang Hawaii para sa kanilang honeymoon pero gusto ni Odette na isama si Claire dahil ito ang unang beses na mamamasyal ang mag-ina sa labas ng bansa. Noong una ay ayaw pang aminin sa kanya ni Zeynnon ang totoo pero sa pamimilit ni Khaleed, sa katagalan ay umamin din ito. Tama nga ang hinala ni Khaleed na si Claire ay anak niya. Ang sperm cell na sana ay ipapa-frozen niya noon sa kanyang pinsan ay iyon pala ang ginamit nito para i-donate sa IVF ni Odette.Ngayon nga ay nasa hapag-kainan siya kasama ang asawa at kaharap sina Manson at Claire. Pinasadya niya ang dalawa dahil aaminin niya rito kung ano ang totoo. Nasabi na niya kay Odette na siya ang tunay na ama ni Claire at kahit ito ay hindi makapaniwala. Sino nga naman ang mag-aakala ang tatay ng anak mo siya ng
NextNang makabalik sila ng Pilipinas ay agad na ibinalita ni Claire sa kanyang ama at ina ang nalaman. Nang marinig ni Khaleed ang natuklasan ng dalawa ay agad na pumasok sa kanyang isip ang isang idey, isang katotohanang mahigit dalawampung taon nang nakatago sa kanyang isip. Habang kausap ni Claire at Manson ang kanyang asawa sa salas ay abala naman sa pagtawag sa doktor na sinasabi ng anak si Khaleed sa loob ng kanyang study. Ang hindi alam ng mga ito ay pinsan niya ang lalaking doktor na naging assistant ng doktor na nagsagawa ng IVF kay Odette, si Zeynnon. Sa America na ito nakatira dahil nag-migrate ang ina nito matapos makapag-asawa ng pilantropong Amerikano. Minsanan lang kung umuwi ang mga ito sa bansa pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakakalimot si Khaleed na makipag-ugnayan dito dahil bukod sa pinsan, si Zeynnon ang nag-iisang best friend niya. Ito rin ang karamay niya noong down na down siya dahil nagpakasal si Odette kay Benjamin.“Mukhang alam ko na kung para saan ang
Next:Isang linggo pa matapos ang insidente ay nailabas na ng mental institution si Odette at nanatili ang mga ito sa bahay ni Khaleed. Mag-asawa na ang dalawa sa mata ng mga tao lalo na kay Claire dahil tanggap na tanggap niya si Khaleed bilang ama. Hindi pa nasasabi ni Khaleed kay Claire na bumisita si Benjamin kay Odette upang komprontahin ito kung sino ang tatay ni Claire. Hindi rin alam ng anak niya na isa itong produkto ng test-tube baby at hindi pa alam kung sino ang tunay na ama. May dalang maraming shopping bags sina Manson at Claire nang bumisita sa kanyang ina kinagabihan. Lahat ng iyon ay mga damit at jewelries, saka mga cosmetics na pinamili nila para sa kanyang ina. Excitement was written all over Claire’s face as she entered the house. Nang makita siya ng kanyang ina na naghihintay na sa pagdating nila ay napamangha siya at napaawang ang labi. Tila bumalik sa dating anyo, dalawampung taon na ang nakalilipas, ang mukha ng kanyang ina. Kinulayan ng itim ang namumuti ni
Next:Nang malaman ni Claire ang ginawa ng kanyang ama, ni Benjamin ay lalo siyang nagkaroon ng galit para dito. Hindi niya akalaing pagdududahan siya ng ama pero kung negatibo ang resulta, na hindi nga si Benjamin ang kanyang ama ay matutuwa siya. Ang problema…“Maapektuhan ang reputasyon ng aking ina. Kung hindi nga si Benjamin ang aking ama, ibig sabihin ay nagloko din ang aking ina?” Claire shuddered with that thought. Ipinaalam na niya sa kanyang lolo, sa tatay ni Benjamin ang tungkol dito pero nag-aalala pa rin siya na baka ituloy ni Benjamin ang paternity test. Nabalitaan niya mula kay Manson na pinakulong ni Benjamin sina Lanette at Oscar sa iisang bahay bilang parusa. Malaya si Oscar na gawin kung ano ang gusto nitong gawin kay Lanette habang sa loob ang mga ito ng iisang bahay. Kung malaman nito na nagtaksil din ang unang asawa, ano naman kaya ang gawin nito sa kanyang ina?“Huwag kang mag-alala, Claire. Sigurado akong hindi nagtaksil ang iyong ina. Hindi siya katulad ng ka
Next:Agad na pinadakip ni Manson si Oscar pati na si Mrs. Vea dahil sa confession ni Jessie sa tulong na rin ni Gen. Torquino. Pero hindi tuluyang naniniwala si Claire na walang kinalaman si Joseph Tang sa nangyari sa kanya lalo pa at ito ang may galit kay Benjamin, sa kanyang ama. Ang problema nga lang ay wala pa silang ebidensya na magsusuporta kung may kasalanan nga si Joseph o wala lalo pa at inako na ng pamangkin nito ang lahat. Nahuli ng mga pulis si Mrs. Vea pero hindi nakasama ang ina ni Veena na si Lanette dahil katulad ni Jessie ay inako lahat ng matanda ang kasalanan at napawalang sala si Lanette. They were sentenced for ten years in prison, but Claire was not satisfied by the result. Lalo na at alam niya na ang tunay na salarin ay buhay pa at malayang makakagawa ng masama. Isa pa, naawa siya sa lolo Rigor niya dahil ilang beses na itong niloko ng asawa, ni Vea. hindi makapaniwala ang matanda na ang asawa at bayaw nito ang siyang mismong nagdala ng kapahamakan sa anak at