Share

Chapter Seven: Drunk

Penulis: SQQ27
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-01 23:25:24

Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon.

“Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.

Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Are you sure about that ? Baka naman nag ka problema sa GN mo? Eh okay naman sa iba
goodnovel comment avatar
Rosanna Mulato
bakit ako bmalik sa chapter na ito and locked sa mga next chapters eh nsa 175 chapter na ako. so annoying naman
goodnovel comment avatar
SQQ27
Sapa kin mo nga raw po ng isa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 228: Wedding gown

    Next:Nang makita ni Vincent ang kapatid ay agad na dumilim ang mukha nito at tumalim ang mga mata. Habang si Claire ay nakamata lamang sa babaeng papalapit sa kanila pero anumang sandali ay nakahanda sakaling may gagawin itong hindi maganda. “Kuya, kumusta na ang papa? Maayos na ba ang kalagayan niya?” Halata ang pag-aalala sa boses ni Veena pero alam ni Claire na nagda-drama lang ito dahil may gusto itong makuha. Si Vincent ang humarap kay Veena na hindi itinago ang pagkadisgusto sa babae. “Ano ang ginagawa mo dit, Veena? Hindi ka kailangan dito kaya makakaalis ka na.”Agad na namula ang mata ni Veena at akmang iiyak pero agad itong hinarap ni Claire. “Sa pagkakaalala ko, hindi ka na isang De Colter, Veena.” Tinignan ito ni Claire mula ulo hanggang pa at naka-cross ang braso sa harap ng dibdib na muling nagsalita. “Sa pagkakaalam ko rin ay hindi ka anak ni Benjamin. Kaya kung pwede ba, huwag mo nang istorbohin ang ama ng kapatid ko?”Tuluyan ng dumaloy ang luha ni Veena ngunit ni

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 227: Accident

    Next:Isang araw na ang nakalipas mula ng ikasal sina Khalid at Odette at isang araw na rin ang nakalipas mula nang malaman niya ang totoo mula kay Zeynnon na anak niya nga si Claire. Sa susunod na araw pa ang alis nila papuntang Hawaii para sa kanilang honeymoon pero gusto ni Odette na isama si Claire dahil ito ang unang beses na mamamasyal ang mag-ina sa labas ng bansa. Noong una ay ayaw pang aminin sa kanya ni Zeynnon ang totoo pero sa pamimilit ni Khaleed, sa katagalan ay umamin din ito. Tama nga ang hinala ni Khaleed na si Claire ay anak niya. Ang sperm cell na sana ay ipapa-frozen niya noon sa kanyang pinsan ay iyon pala ang ginamit nito para i-donate sa IVF ni Odette.Ngayon nga ay nasa hapag-kainan siya kasama ang asawa at kaharap sina Manson at Claire. Pinasadya niya ang dalawa dahil aaminin niya rito kung ano ang totoo. Nasabi na niya kay Odette na siya ang tunay na ama ni Claire at kahit ito ay hindi makapaniwala. Sino nga naman ang mag-aakala ang tatay ng anak mo siya ng

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 226: I am the father

    NextNang makabalik sila ng Pilipinas ay agad na ibinalita ni Claire sa kanyang ama at ina ang nalaman. Nang marinig ni Khaleed ang natuklasan ng dalawa ay agad na pumasok sa kanyang isip ang isang idey, isang katotohanang mahigit dalawampung taon nang nakatago sa kanyang isip. Habang kausap ni Claire at Manson ang kanyang asawa sa salas ay abala naman sa pagtawag sa doktor na sinasabi ng anak si Khaleed sa loob ng kanyang study. Ang hindi alam ng mga ito ay pinsan niya ang lalaking doktor na naging assistant ng doktor na nagsagawa ng IVF kay Odette, si Zeynnon. Sa America na ito nakatira dahil nag-migrate ang ina nito matapos makapag-asawa ng pilantropong Amerikano. Minsanan lang kung umuwi ang mga ito sa bansa pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakakalimot si Khaleed na makipag-ugnayan dito dahil bukod sa pinsan, si Zeynnon ang nag-iisang best friend niya. Ito rin ang karamay niya noong down na down siya dahil nagpakasal si Odette kay Benjamin.“Mukhang alam ko na kung para saan ang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 225: Tracking The Truth

    Next:Isang linggo pa matapos ang insidente ay nailabas na ng mental institution si Odette at nanatili ang mga ito sa bahay ni Khaleed. Mag-asawa na ang dalawa sa mata ng mga tao lalo na kay Claire dahil tanggap na tanggap niya si Khaleed bilang ama. Hindi pa nasasabi ni Khaleed kay Claire na bumisita si Benjamin kay Odette upang komprontahin ito kung sino ang tatay ni Claire. Hindi rin alam ng anak niya na isa itong produkto ng test-tube baby at hindi pa alam kung sino ang tunay na ama. May dalang maraming shopping bags sina Manson at Claire nang bumisita sa kanyang ina kinagabihan. Lahat ng iyon ay mga damit at jewelries, saka mga cosmetics na pinamili nila para sa kanyang ina. Excitement was written all over Claire’s face as she entered the house. Nang makita siya ng kanyang ina na naghihintay na sa pagdating nila ay napamangha siya at napaawang ang labi. Tila bumalik sa dating anyo, dalawampung taon na ang nakalilipas, ang mukha ng kanyang ina. Kinulayan ng itim ang namumuti ni

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 224: Who Is The Father

    Next:Nang malaman ni Claire ang ginawa ng kanyang ama, ni Benjamin ay lalo siyang nagkaroon ng galit para dito. Hindi niya akalaing pagdududahan siya ng ama pero kung negatibo ang resulta, na hindi nga si Benjamin ang kanyang ama ay matutuwa siya. Ang problema…“Maapektuhan ang reputasyon ng aking ina. Kung hindi nga si Benjamin ang aking ama, ibig sabihin ay nagloko din ang aking ina?” Claire shuddered with that thought. Ipinaalam na niya sa kanyang lolo, sa tatay ni Benjamin ang tungkol dito pero nag-aalala pa rin siya na baka ituloy ni Benjamin ang paternity test. Nabalitaan niya mula kay Manson na pinakulong ni Benjamin sina Lanette at Oscar sa iisang bahay bilang parusa. Malaya si Oscar na gawin kung ano ang gusto nitong gawin kay Lanette habang sa loob ang mga ito ng iisang bahay. Kung malaman nito na nagtaksil din ang unang asawa, ano naman kaya ang gawin nito sa kanyang ina?“Huwag kang mag-alala, Claire. Sigurado akong hindi nagtaksil ang iyong ina. Hindi siya katulad ng ka

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 223: Hidden Truth

    Next:Agad na pinadakip ni Manson si Oscar pati na si Mrs. Vea dahil sa confession ni Jessie sa tulong na rin ni Gen. Torquino. Pero hindi tuluyang naniniwala si Claire na walang kinalaman si Joseph Tang sa nangyari sa kanya lalo pa at ito ang may galit kay Benjamin, sa kanyang ama. Ang problema nga lang ay wala pa silang ebidensya na magsusuporta kung may kasalanan nga si Joseph o wala lalo pa at inako na ng pamangkin nito ang lahat. Nahuli ng mga pulis si Mrs. Vea pero hindi nakasama ang ina ni Veena na si Lanette dahil katulad ni Jessie ay inako lahat ng matanda ang kasalanan at napawalang sala si Lanette. They were sentenced for ten years in prison, but Claire was not satisfied by the result. Lalo na at alam niya na ang tunay na salarin ay buhay pa at malayang makakagawa ng masama. Isa pa, naawa siya sa lolo Rigor niya dahil ilang beses na itong niloko ng asawa, ni Vea. hindi makapaniwala ang matanda na ang asawa at bayaw nito ang siyang mismong nagdala ng kapahamakan sa anak at

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status