NATIGILAN si Felip at nagpalipat-lipat pa ang tingin sa dalawa. "Si... Si Cynthia," tipid niyang sagot sa asawa.Napakunot-noo naman si Chantal, natatandaan niyang iyon ang pangalan ng dating asawa nito. Pagkatapos ay lumapit siya ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ng babae. "Ang ibig mo bang sabihin ay... ""Mamaya ko na lang ipapaliwanag," ani Felip dahil nabibigatan na siya sa buhat-buhat saka nilagpasan ang asawa. Binilisan niya ang paglalakad patungo sa guestroom.Matapos mailapag si Cynthia sa kama ay hinarap niya si Chantal saka pinaliwanag ang nangyari, "Tinawagan niya ako, nagpapasundo. Hindi ko naman mabalewala dahil... ako lang pinagkakatiwalaan niya 'pag ganitong wasted siya. Dapat ay ihahatid ko siya sa tinutuluyan niya pero ayaw ng magising."Tumango-tango naman si Chantal, naiintindihan ang pinupunto ng asawa. Siya na nga rin ang kusang nag-ayos ng kumot."Ano... pwede mo ba siyang bihisan?" ani Felip."Oo naman.""Okay, kukuha lang ako ng pamalit niya. May naiwan pa
PAGDATING sa bar ay hinanap agad ni Felip ang dating asawa. Sa dami ng tao ay medyo nahirapan siya hanggang sa makita itong nakaupo sa hagdan paakyat sa second floor.Hindi pa nga niya namukhaan dahil nakatabing ang mahaba nitong buhok."Cynthia..."Nag-angat naman ito ng tingin saka ngumiti. "You're here." Sabay yapos sa batok.Hinawakan naman ni Felip ang braso nito, pilit inaalis sa kanya. "Sinong kasama mo rito?""Me," ngingisi-ngising sagot ni Cynthia."Nagpakalasing ka ng ikaw lang mag-isa?"Tumango-tango si Cynthia. "Susunduin mo naman ako kaya ayos lang."Napabuga ng hangin si Felip. "Iba na ngayon, may asa--""May asawa ka na. I know, I know," tatango-tango pang sabi ni Cynthia. Pagkatapos ay lumupaypay sa kinasasandalang pader."Tara na, ihahatid na kita pauwi sa tinutuluyan mo," ani Felip saka ito inalalayang tumayo.Nagpumiglas naman agad si Cynthia. "Ayoko pang umuwi!"Napahawak na lamang si Felip sa noo. "Akala ko ba'y nagpapasundo ka sa'kin, tapos ngayon ayaw mo pa pala
NASAKTAN pang lalo si Archie sa sinabi ng Ama. Hindi siya makapaniwalang ipagpipilitan siya sa iba. "Ilang beses ko bang uulitin sa inyo na wala akong ibang gusto kundi si Chantal lang?!"Napatiim-bagang si Chris dahil maging siya ay nahihirapan na rin sa sitwasyon. Hindi niya gustong pilitin ang anak ngunit ikabubuti rin nito ang gagawin niya. "Sasabihan ko si Shiela na maghanda bukas sa dinner dahil iimbitahan ko rito sa bahay si Jewel para makilala mo," tukoy sa anak ng kaibigan."'Pa!" hiyaw ni Archie.Ngunit pinal na ang desisyon ni Chris at hindi na iyon mababali pa.Hindi na rin nagmatigas si Archie dahil ano nga naman ang laban niya? Anak lang siya na kailangan sumunod sa ipinag-uutos ng magulang. "Sige, kung ipipilit niyo 'to'y bahala kayo. Pero isa lang ang sisiguraduhin ko sa inyo, 'Pa... Mabibigo kayo kahit na anong gawin niyo." Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng kwarto, hinintay na umalis ang ama upang makapagpahinga na siya sa gabing iyon.Mayamaya pa ay naglakad n
MAPANGAHAS AT MASIDHI ang titig ni Archie, sa puntong nakaramdam ng kaba si Chantal. Hanggang sa muli siyang hilahin papalayo sa lugar."A-Ano ba, sa'n mo ba 'ko dadalhin?" Nagpupumiglas man ngunit ayaw talaga siyang bitawan ni Archie.Hanggang sa sapilitan siyang pinapasok sa kwarto kung saan ay walang makakakita o makakarinig sa kung ano man ang sasabihin nito.Lumakas pa ang kabog sa dibdib ni Chantal. Hindi siya safe sa lugar na iyon, lalo na ng matitigan niya ang basa nitong buhok. Kung kanina ay nangangamoy ito, ngayon ay mabango na at...Ayaw na lamang niyang pangalanan kung ano man ang nararamdaman ng mga sandaling iyon habang kasama si Archie at sobrang lapit pa ng mga katawan nila sa isa't isa."A-Ano bang kailangan mo sa'kin?" aniya sabay iwas ng tingin. Hindi niya matagalan ang mapang-akit at namumungay nitong mga mata.Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa maramdaman na lamang ni Chantal ang hininga nitong tumatama sa kanyang pisngi. Doon siya naalarma,
MATAPOS iyong sabihin ni Chantal ay napansin niya ang pagtitig ng asawa. Nagtaka siya kaya tinaasan niya ito ng kilay, nagtatanong kung may problema?Pero umiling lang ito sabay ngumiti."Siya na ba ang asawa mo?" ani Maricar habang nakatitig kay Felip.Na agad naman nagbigay galang sa matanda. "Kumusta po kayo? Ako nga pala si Felip Bartolome.""Bartolome? Kaano-ano mo si Lydia Bartolome?"Sinabi naman ni Felip na magulang niya ang tinutukoy nito."Naku, nakikilala ko si Lydia. Kumusta na ba siya at matagal-tagal ko ng hindi nakikita," ani Maricar.Napangiti naman si Felip, hindi akalaing may nakakakilala pala sa Ina. "Paminsan-minsan ay nagta-travel. Sa ngayon ay nakatira sila ni Dad sa probinsya dahil mas sariwa ang hangin doon.""Mabuti naman kung gano'n. Maging ako rin ay gusto ko ng gano'n pero hindi ko naman kayang mawalay sa anak ko't apo kaya nandito pa rin."Si Chantal na nakikinig lang sa pinag-uusapan ng dalawa ay napatingin sa hagdan ng makita si Archie na pababa. Ngunit
HUMIYAW saka nagpalakpakan sina Thea at Thomas matapos masaksihan ang halikan ng dalawa. Kaya biglang nakaramdam ng hiya si Chantal saka marahang tinulak palayo ang katawan ng asawa.Matapos ay tinakpan niya ang nagi-init na pisngi. Tuloy hindi niya matingnan ang dalawa bata sa backseat.Huling sumakay si Felip na nilingon pa ang asawa. "Ayos ka lang ba?"Tumango si Chantal habang ikinakabit ang seatbelt. Nang tingnan ang asawa ay natawa siya dahil may lipstick ito sa gilid ng labi. "Sandali, harap ka muna sa'kin," utos niya pa habang naghahalughog ng tissue or wipes sa loob ng bag. Pagkatapos ay saka niya pinunasan ang labi nito."Thank you," ani Felip saka nagmaneho na paalis.Mga ilang minuto lang naman ay narating na nila ang restaurant. Pagpasok sa loob ay iginiya agad sila ng staff patungo kanilang reserved table.Pero nabigla siya nang makitang naroon ang magulang. Kaya nanlalaki ang mga matang tiningnan si Felip. "Alam mo bang nandito sila?""I invite them dahil gusto rin nila