INAMOY-AMOY ni Louie ang leeg ng asawa. Gustong-gusto niya ang natural nitong bango maging ang ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya.
Kahit wala siyang nararamdaman para kay Zia ay hindi niya maiwasang makalimot dahil sa ganda nitong taglay. Maliban doon ay asawa niya ito kaya may karapatan siyang angkinin ang kung ano mang pag-aari niya. Hinubaran niya ito at walang tinira kahit na anong saplot sa katawan. Matapos ay isinunod niya ang sariling damit saka muli itong hinalikan. Pinaliguan niya ng halik sa katawan si Zia. Ang kinakapos nitong hininga ay parang musika sa pandinig ni Louie. Kaya mas lalo siyang nasasabik. Kung kanina ay itinutulak-tulak pa siya… ngayon naman ay nakayapa na sa kanyang batok. “Louie… hindi ‘ko pa naiinom ang contraceptive pills. Kung ipagpapatuloy natin ‘to ay paniguradong mabubuntis ako,” bulong ni Zia. Agad naman siyang natauhan. Kahit gaano pa siya kasabik ay hinding-hindi niya gugustuhing mabuntis si Zia. Wala sa plano niya ang magkaanak dito. "Mukhang marami ka atang pinagkakaabalahan ngayon na maging sa pag-inom ng pills ay hindi mo pa magawa,” ani Louie saka umalis sa kama para kunin ang isang maliit na box sa drawer. Kumuha siya ng isang prophylactic at nang isusuot na niya ay eksaktong tumunog ang cellphone. Pero walang pakialam si Louie at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ay muling pumuwesto sa ibabaw ni Zia para lang muling magambala ng pagtunong ng cellphone. Dito ay tuluyan na niyang sinagot ang tawag, “Hello, ‘Mmy?” aniya sa Ina na si Lucia. “Louie, masama ang pakiramdam ni Mama,” tukoy nito sa Lola niyang si Esmeralda. “Bumisita ka naman para makita siya at isama mo na rin ang asawa mo. Gusto ni Mama na matikman muli ‘yung b-in-ake na cookies ni Zia.” Napatingin siya sa asawa nang akma itong babangon kaya agad niyang pinigilan at pinahigang muli sa kama. “Sige po, magpupunta kami riyan.” Matapos ang tawag ay muli niyang binalingan si Zia. “Masama raw ang pakiramdam ni Lola at gusto kang makita. Kaya magbihis ka na’t aalis agad tayo. At ayokong mapansin nilang may mali sa’ting dalawa kaya umayos ka,” babala pa niya. Mabilisang pagbibihis ang ginawa ni Louie. Matapos ay lumabas ng kwarto at iniwan si Zia sa loob. Sa kotse na siya naghintay habang naninigarilyo. Ilang sandali pa ay dumating ito suot ang isang white silk dress. Ang ganda nito sa suot na damit na mas lalong pinaganda sa pagtama ng sikat ng araw na malapit nang lumubog. Tila kumikinang ito sa paningin niya. Naglakad ito palapit at akmang sa likod ng sasakyan uupo kaya sinita niya, “Dito ka sa tabi ko. Pinagmumukha mo ‘kong driver,” ani Louie. Pagsakay ni Zia sa passenger-seat ay pinaharurot niya paalis ang kotse. Tahimik lang silang dalawa kahit panaka-naka siyang lumilingon sa gawi nito. Nakapaling naman ang tingin ni Zia sa labas ng kotse. Sa apat na taong pagsasama ay bihira lang itong nakasakay sa kotse ni Louie kaya hindi maiwasang mapaisip. Kung kailan nais makipaghiwalay ni Zia ay saka naman tila bumabait ang pakikitungo ni Louie. *** KALAHATING ORAS ang biniyahe nila makarating lang sa mansion ng pamilya Rodriguez. Bago lumabas ng kotse si Zia ay muli siyang pinaalalahanan ni Louie, “Tandaan mong hindi maganda ang kondisyon ni Lola kaya hangga’t maaari ay umakto ka lang ng natural.” At saka hinawakan ang kamay niya upang magmukha silang malambing sa isa’t isa. Pagpasok sa loob ay inabangan sila ni Lucia na agad napalis ang ngiti nang makita ang magkahawak nilang kamay. “Kaaalis lang ng Doctor kaya pwede na kayong tumuloy sa kwarto ni Mama,” anito saka tiningnan si Zia. Agad naman siyang nagbigay galang pero tumango lang ito. Hindi na bago kay Zia ang ganitong pangyayari. Masakit man pero nasanay na siya sa malamig na pagtrato ni Lucia. Nagtungo sila sa kwarto ni Esmeralda at naabutan itong nakahiga sa kama, halatang hindi maganda ang pakiramdam. Ngunit nang makita si Zia ay agad umaliwalas ang mukha at saka ngumiti. “Mabuti naman at nandito na kayo.” Bahagya siyang hinila ni Louie para makalapit kay Esmeralda. “Nabalitaan ko pong masama ang pakiramdam niyo, ‘La,” saad nito. “Ganito talaga kapag matanda na… kaya nga bago ko lisanin ang munod ay isa na lang ang mahihiling ko. Ang magkaanak kayo ni Zia.” Nagkatinginan ang dalawa at parehong walang masabi. Ilang sandali pa ay nagpasiya si Zia na umpisahan na ang pag-bake ng cookies. Nang makaalis ay saka naman pumasok si Lucia at hinila si Louie palabas sa kwarto para kausapin. “Ano ‘yung kumakalat na balita tungkol sa inyo ni Bea? Hindi ba nagselos si Zia? Inaalala kong baka may gawin siyang hindi maganda na ikasisira ng reputasyon mo.” Nagpaliwanag naman si Louie ngunit hindi na masiyadong idinetalye ang lahat. Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos si Zia sa bini-bake at bumalik sa kwarto. Nagustuhan nang husto ni Esmeralda ang cookies. “Louie, apo. Magte-trenta ka na sa susunod na taon. Kailan mo ba ako mabibigyan ng apo sa tuhod?” Napaiwas naman ito ng tingin sabay dampot ng cookies ngunit hindi naman ito kumain. “Pinagpaplanuhan pa lang namin, ‘La. Saka, hindi pa handa si Zia na magkaanak.” Napatingin siya rito. Nagtataka kung bakit sa kanya isinisisi ang hindi pagkakaroon ng anak? Nang balingan siya ni Esmeralda ay hindi niya kinaya ang titig nito at napaiwas na lamang ng tingin. *** DOON na sila sa mansion naghapunan at nagpasiyang umuwi nang masiyado nang lumalalim ang gabi. Habang nagmamaneho si Louie ay hindi niya maiwasang panaka-nakang mapasulyap kay Zia. Bumubuwelo siyang kausapin ito, “Naisaayos ko na nga pala ang paglipat ni Papa sa Rodriguez hospital. Doon ay mas matututukan siya ng mga magagaling na doctor. At kung kailangan mo ng pera ay dumiretso ka na sa'kin,” saad ni Louie sa mahinahong tono upang hindi lumala ang sitwasyon. Hindi man niya mahal ang asawa ay ayaw naman niya itong mawala. Dahil siguradong maaapektuhan ang reputasyon niya. Malaking kawalan din sa kanya kahit papaano kapag tuluyang nawala si Zia. Sa taglay nitong ganda at alindog ay marami ang naiinggit sa kanyang kalalakihan noon hanggang ngayon. Maganda sa paningin si Zia… magandang pang-display. “Pansamantalang wala si Alice kaya kung may kailangan ka’y magsabi ka lang,” patuloy pa niya. Ngunit nanatiling tahimik si Zia. Hindi naman kasi iyon ang gusto nitong marinig mula sa kanya. Ang gusto nito ay ang magpaliwanag siya tungkol sa kanilang dalawa ni Bea. Pero hindi na ito nagtanong dahil paniguradong lalala lang ang sitwasyon. “Hindi na kailangang ilipat si Papa. Mabait at magaling ang doctor sa ospital kaya ‘wag ka ng mag-abala pa.” “Talaga bang magmamatigas ka pa rin, Zia? Baka gusto mo na walang makuha sa’kin kahit singkong-duling kapag nakipaghiwalay ka,” babala niya. “Alam ko at wala akong pakialam!” matapang nitong saad. Nabigla si Louie nang magtaas ito ng boses kaya nairita siya at binilisan ang pagpapatakbo sa kotse. Nang makarating sa bahay at mai-park sa garahe ang sasakyan ay awtomatiko niyang ni-lock ang pinto para hindi ito agad makalabas.TAHIMIK ang hapon sa bagong tahanan ng mag-asawa. Ilang linggo pa lamang mula nang makalipat ay naging komportable na agad sila, ramdam na ramdam ang init ng isang tahanang puno ng pangarap.Kahit abala sa trabaho ay sinisigurado ni Archie na makakapaglaan siya ng oras para sa nalalapit nilang kasal, ngunit sa hapon na iyon ay si Jewel lang ang kausap ng wedding planner.Sa table ay may iba’t ibang nakalatag na mga sample ng decoration, mula sa bulaklak, telang gagamitin, at kulay. Habang sinusuri ni Jewel ang tela ay napalingon siya matapos makarinig ng yabag ng sapatos.Ilang sandali pa ay nakita na niya ang asawa kaya agad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap saka halik sa labi. Pagkatapos ay hinila niya ito at pinaupo sa kanyang tabi. “Ano sa tingin mo ang maganda?” aniya, pinapapili ito dahil nahihirapan siyang mag-decide.Pinagmasdan ni Archie ang mukha ng asawa, kahit halata sa mukha na pagod at puyat ito dahil sa pag-aalaga ng kanilang anak ay hindi niya maiwasang isipin n
SIMULA ng araw na iyon, pinatunayan ni Archie ang nararamdaman para sa asawa. Araw-araw, tuwing tanghali na nagigising si Jewel ay may nakahandang bulaklak sa side table, kasama ang isang maliit na note para sa kanya.Paraan ito ni Archie ng panliligaw na hindi nito nagawa noon dahil hindi naman sila dumaan sa isang normal na relasyon.Pero kapag naaabutan ni Jewel nasa kwarto pa ang asawa ay tinatawag niya ito madalas, “Archie…” mahina niyang bulong sa pangalan nito saka tumingin sa table, naroon na ang bulaklak na lagi niyang natatanggap.Bumangon siya at kinuha ang maliit na note saka binasa sa isip ang nakasulat, “Good morning, Hon. Maaga na ‘kong umalis kasi natutulog ka pa, as always. I love you.” Napangiti siya saka ito tiningnan na nakatalikod, nag-aayos ng kurbata. “Hon~” malambing niyang tawag na ikinalingon nito.Awtomatikong ngumiti si Archie saka lumapit upang yakapin ito na nakaabang na sa kanya. “Ang aga mo naman nagising, matulog ka pa.”Umiling-iling si Jewel, ayaw it
MATAPOS iyong marinig ay sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa pisngi ni Jewel. Sobrang saya ng puso niya kulang na lang ay lumundag sa tuwa pero ibang-iba naman ang sinasabi ng isip.“You’re lying!” iyak niya, parang bata na ngumangawa.“Totoo, kaya ‘wag ka ng umiyak, okay?”“Hindi ako naniniwala!” na lalo pang lumakas ang pag-iyak.Gusto sana ni Archie na yakapin at aluhin ang asawa pero nasa gitna pa sila ng daan saka nagmamaneho siya. Kaya naghanap pa muna siya ng mahihintuan na lugar bago ito muling kausapin.Pagkahinto sa kotse ay inalis niya ang seatbelt upang makalapit nang husto sa asawa. “Tahan na, ‘wag ka ng umiyak. May mali ba sa sinabi ko?”Hindi matigil sa pagpupunas ng luha si Jewel, sa puntong naiinis na rin siya sa sarili dahil hindi naman siya iyakin. Kahit na nasasaktan ay madali niyang naitatago ang nararamdaman. Pero ngayon, hindi na niya kilala ang sarili na para bang ibang tao na siya.“Lahat, mali. Si Chantal ang mahal mo tapos sasabihin mo ngayon na ako na?”Kumu
NAPASINGHAP si Chantal sabay takip sa bibig. Tiningnan niya si Archie na natulala na habang nakatitig kay Jewel. “Hindi mo alam na buntis siya?” Nang hindi ito mag-react ay hinampas na niya sa braso. “Ano ba, ba’t ka tumutulala riyan! Sundan mo na ang asawa mo!”Napakurap-kurap si Archie, tila natauhan saka humakbang ngunit agad rin tumigil at nilingon ito. “Pa’no ka?”Natawa si Chantal. “Ba’t ako ang iniisip mo? Unahin mo ‘yung asawa mo ‘wag ako.” Saka ito tinulak-tulak pero hindi na umusad.“Babalikan ko na lang siya mamaya.”“Ano?!” react ni Chantal, hindi makapaniwala. “Asawa mo ‘yun, dapat siya–”“Pero mas komplikado ang pagbubuntis mo. Plus, tandaan mong ikaw lang ang mag-isa sa bahay kasama ng mga bata.”“May kasama naman akong katulong,” ani Chantal.Naglakad si Archie saka ito marahang iginigiya palayo sa lugar. “Parang hindi ko alam na pinapalipat kayo ni Mama sa bahay.”“Exactly! Lilipat kami mamaya kaya ayos lang ako. Hindi mo na ‘to kailangan gawin… baka, sumama pa ang lo
SUMAMA ang loob ni Jewel matapos ang gabing iyon. Nasaktan siya ng sobra sa puntong umiiwas na sa asawa. Ngunit si Archie, hindi man lang napapansin ang pagbabagong nangyayari.Hanggang isang gabi, habang nasa kama na sila at gusto niyang makipagtal*k ay umusog lang palayo si Jewel. Akala niya ay wala lang kaya hinawakan niya ito sa balikat sabay haplos pero inilayo nito ang sarili.“‘Wag ngayon, pagod ako.”“Ano bang ginawa mo ngayon sa school?” ani Archie.“Marami,” walang kabuhay-buhay nitong sabi.Kaya napabuga na lamang ng hangin si Archie, patihayang nahiga at tumitig ng ilang sandali sa kisame. Ilang sandali pa ay muli siyang gumalaw, umusog palapit sa asawa at niyakap ito mula sa likod.“Archie,” mahihimigan ang pagtutol sa boses ni Jewel saka nagpumiglas.Binitawan naman siya ni Archie sabay bangon sa kama. Sa isip-isip niya ay galit ito kaya lumingon siya ngunit hindi na nakita kung anong reaksyon ang nasa mukha nito hanggang sa makalabas ng kwarto.Naghintay siya ng ilang s
DAHAN-DAHAN pa ang pag-awang ng labi ni Jewel matapos ng sinabi ng Ginang. Makailang ulit siyang kumurap, naroon ang tuwa ngunit agad rin nagduda.“P-Pa’no niyo naman nasabi, Ale? Doctor ba kayo?”“Hindi, Hija pero dati akong kumadrona kaya alam ko kung buntis ba ang isang babae.”“Gano’n ho ba?” may pagdududa niyang komento. Dahil sa sinabi nito ay mas lalo siyang hindi naniwala. Magkaganoon man ay hindi niya inalis ang posibilidad na baka nga nagdadalang-tao siya. “Sige ho, magpapa-check up ako para makasigurado.”Hindi niya makukumpirma kung buntis nga ba siyang talaga sa pamamagitan ng menstruation period dahil irregular siya. May pagkakataon na inaabot ng ilang buwan bago siya magkaroon, minsan naman ay dalawang beses sa isang buwan.Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ang bus sa destinasyon, marami ang nagsibabaan kabilang na siya roon. Dahil malayo-layo pa ang condominuim building ay nilakad na lamang niya kaysa maghintay ng masasakyan.Madilim na ang langit at pagtingin