Share

Chapter 2

MAKALIPAS ang ilang araw ay umuwi sa bahay si Louie. Pinagbuksan siya ng pinto ng driver at akma pang kukunin ang luggage na dala ngunit inunahan na niya ito. “Ako na ang magdadala.”

Sa may entrance naman ng bahay ay sumalubong ang ilang katulong sa kanya. “Welcome back, Sir Louie,” bati pa ng mga ito.

“Si Zia nasa’n, hindi ba mukhang galit?” tanong niya.

“Nasa taas po, Sir,” sagot ng isang katulong ngunit hindi na nagkomento sa pangalawa niyang katanungan.

Tuloy-tuloy naman siya paakyat sa hagdan na iritado. Huli na niyang natuklasan ang nangyari sa pamilya ng asawa dahil hindi man lang kaagad pinaalam ni Alice.

Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakaupo si Zia sa vicinity mirror at nag-aayos ng gamit.

Pumasok siya at naupo sa kama sabay tanggal ng kurbata habang nakatingin dito.

Matapos nilang makasal, isa sa napuna ni Louie sa asawa ay magaling ito sa gawaing bahay sa kabila ng kinagisnan nitong buhay. Mula sa mayamang pamilya si Zia at pinalaking prinsesa kaya nakapagtatakang mahusay ito. At kung hindi nga lang maganda at makinis ang balat ay aakalain niya talagang isang katulong.

Matagal niya itong pinagmasdan at hinintay na pansinin siya ngunit patuloy itong walang-kibo. Kaya tumayo na lamang siya at napagpasiyahang maligo muna baka sakaling humupa ang inis nito. Paniguradong nagtatampo si Zia kaya hahayaan na muna niya ito pansamantala at aamuhin na lamang mamaya.

Tiyak naman siyang kakalma ito mamaya dahil ganoon naman palagi. Sa oras na magtampo si Zia ay kakausapin niya lang ito hanggang sa maging okay na ang lahat.

Matapos mag-shower at makapagbihis ng damit ay naupo siya sa sofa, kunwaring nagsi-scroll sa social media habang panaka-naka itong tinitingnan.

“Kamusta na nga pala si Papa?” tukoy kay Arturo, ama ni Zia. “Pinagsabihan ko na si Alice sa pagkakamali niyang hindi kaagad pinaalam sa’kin ang nangyari,” patuloy ni Louie.

Hanggang sa biglang tumigil si Zia sa ginagawa at tiningnan siya mula sa repleksyon ng salamin.

“Louie, gusto ko ng makipaghiwalay,” diretsahan at walang kagatol-gatol nitong saad.

Nabigla si Louie sa narinig.

Alam niyang galit ito dahil sa nangyari ng gabing iyon. Kaya nga nang matuklasan niya ay agad niyang pinapunta si Alice sa ospital. Pero tumanggi na si Zia sa kahit na anong tulong.

Sa apat na taon nilang pagsasama ay naging sunud-sunuran ito sa mga kagustuhan niya. Ngunit ito ang unang beses na nagalit si Zia nang husto.

Nagpanting ang tenga ni Louie sa narinig. Binaba niya ang cellphone at kinuha ang pakete ng sigarilyo sa drawer ng side-table. Kapag ganitong iritado siya ay kailangan niya ng sigarilyo upang kumalma.

“No’ng nakaraan ay gusto mong magtrabaho… tapos ngayon naman ay gusto mong makipaghiwalay? Ang ganda na ng buhay mo bilang asawa ko pero gusto mong makipagsapalaran sa labas na akala mo’y napakadali lang?” Matapos ay humithit sa sigarilyo sabay buga. "Zia, tumingin ka nga sa labas. Tingnan mo ‘yung mga taong araw-araw nagpapakahirap magtrabaho para sa kakarampot na suweldo. Samantalang ikaw ay nagbubuhay reyna rito bilang asawa ko. Ano bang kulang na hindi ko pa naibibigay?”

“Reyna? Asawa mo? May asawa bang gaya ko, Louie?” Matapos ay bigla itong tumayo sabay turo sa cloakroom. “Ang mga alahas na nasa loob. Lahat ng ‘yan hindi ko alam kung ano ang password combination. Kailangan ko pa ang tulong ni secretary Alice kapag may gusto akong kunin. Kailangan munang dumaan sa kanya. Kapag kailangan ko ng pera, si secretary Alice ulit. Pati pambayad ng taxi kailangan ko pa siyang tawagan! Kaya sabihin mo nga sa’kin, Louie. May asawa bang ganito?” Bakas ang sakit at lungkot sa mga mata ni Zia. “Oo, kailangan ko ng malaking halaga buwan-buwan pero sa tuwing nakakatanggap ako mula sa’yo… para akong isang cheap at bayarang babae, hindi isang asawa,” patuloy nito.

Isang mahabang paghithit ang ginawa ni Louie bago idutdot ang sigarilyo sa ashtray. Pagkatapos ibuga ang usok ay lumapit siya sa asawa. “’Yan ba ang tingin mo sa sarili mo, Zia?” Matapos ay napahilot sa noo. “May cheap bang babae na hindi kayang magpaligaya ng lalake? Saka, ano ulit ‘yun? Gusto mong makipag-divorce? Sige nga, anong buhay ang naghihintay sa’yo sa oras na maghiwalay tayo?”

Rumehistro ang kaba sa mukha ni Zia nang makita ang galit sa mga mata niya. Agad nitong ginawang pananggala ang kamay sabay tulak. Nahagip naman ni Louie ang kamay nito at mabilis na hinawakan. “Nasa’n ang wedding ring mo?” tanong niya nang mapansin na wala na itong suot sa daliri.

“Sinangla ko na, kaya please, Louie. Maghiwalay na tayo! Gusto ko nang makawala sa’yo.”

***

MASAKIT para kay Zia ang binitawang salita. Dahil anim na taon niyang minahal si Louie ngunit puro paghihirap lang ang natatanggap niya mula rito.

Oo, maaaring sa oras na maghiwalay sila ay magiging miserable ang buhay niya pagkatapos. Pero isa lang ang nasisiguro ni Zia… hindi niya pagsisisihan ang desisyon.

Binawi niya ang kamay mula sa mahigpit nitong pagkakahawak at nagtungo sa cloakroom para kunin ang maleta. Pagkatapos ay pinagkukuha ang mahahalagang gamit. Gusto na niyang umalis sa bahay, ngayon na mismo.

Sa kabilang banda naman ay hindi na maitsura ang ekspresyon ni Louie. Hindi nito akalain na magmamatapang pa si Zia.

Kaya sa sumunod na sandali ay bigla na lamang siyang binuhat ni Louie at binagsak sa kama. Hinawakan ang dalawang kamay sabay lapit sa mukha na halos magdikit na ang ilong nila.

Hindi pa ito nakuntento at idinampi ang labi sa tenga ni Zia.

“Dahil ba kay Bea kaya ka nagkakaganito? Kung makaasta ka parang pinaghirapan mo kung nasa’n ka ngayon. Kung hindi ka lang maganda at sexy… papatulan kaya kita?” ani Louie na humagod pa ang isang kamay sa katawan niya.

Nanginig sa kaba si Zia. At tila hudyat naman iyon ni Louie upang mas lalo siyang takutin.

Hinalikan nito ang leeg niya pababa. Nanlaban naman si Zia ngunit nahihirapan siya. Hindi niya kaya ang lakas nito.

“Louie… h-hindi… tama na!” hiyaw niya.

Sumulyap lang ito sa mga mata niyang nagmamakaawa saka muling sinakop ang kanyang labi. Ang marahang paghalik ay unti-unting naging agresibo. Nagpumiglas si Zia ngunit nahihirapan siya at kinakapos ng hininga sa ginagawa ni Louie.

“Tandaan mong mag-asawa tayo, Zia. Natural lang ang ganito sa’tin kaya sabihin mo nga kung ba’t ko kailangang tumigil at sundin ka? Sawang-sawa na ‘ko sa kakangawa mo sa tuwing may nangyayari. Lagi ka na lang nagrereklamo pero mismong katawan mo na ang nagsasabing gustong-gusto mo rin naman.”

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Vio Let
super ganda ng estorya .........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status