CHAPTER 6
Parang pinupukpok ng martilyo ang kanyang ulo nang magising kinabukasan. Nasa living room siya ng penthouse at suot niya pa rin ang damit mula kahapon.
“Gising na pala kayo, Ma’am,” wika ng bagong kasambahay na Pilipina rin. “Ito po para sa hangover.”
Kinuha niya ang inabot nito. “Thank you, Ate Glo. Pasensya na pala na nakita mo akong lasing kagabi.”
“Naku, Ma’am. Bakit kayo humihingi ng pasensya, eh, amo ko kayo. Saka sanay na ako. Iyong Tatay ng anak ko, medyo nakakaangat din sa buhay kaya lang lasenggo rin.”
“Taga-saan po kayo sa Pilipinas?”
“Metro-Manila lang. Lagomoy ang pangalan ng barangay. Kapag umuwi ka, dalaw ka sa amin.”
Tipid niya itong nginitian.
“Siya nga pala, Ma’am. Kagabi, umuwi si Sir Ahmed. Akala ko nga inilipat ka sa kwarto kasi nadaanan ko na binubuhat ka.”
Parang nawala bigla ang sakit ng kanyang ulo.
“Umuwi siya?!”
Gulat, tumango ito.
“Anong oras siya umalis kanina?”
“Kagabi po siya umalis. Papabalik na po ako sa Quarters nang nakita ko siyang galit na lumabas ng pinto.”
Galit yata na naglasing siya!
Kapagkuwan ay napakunot-noo si Clarissa nang mapagtanto na inaalala niya na naman ang magiging tingin sa kanya ni Ahmed.
Matapos inumin ang mapait na kape ay gumayak na siya papuntang opisina. Nasa bungad pa lang siya ng palapag, ay tumakbo na sa kanya ang sekretarya.
“Miss Ri…”
Bumukas ang opisina niya bago pa nito matapos ang sasabihin.
“Where are you taking my table?”
“Garbage disposal. I don’t like the design,” maarteng wika ni Brianna.
Kumibot ang sintido niya.
“Ouch!” anito nito nang marahas niyang hinawakan sa braso at nagsimulang kaladkarin palayo sa opisina niya.
“Clarissa!” Dumagundong ang boses ni Ahmed sa buong palapag.
“Ahmed, help me!”
Parang batang inapi si Brianna nagsumiksik sa asawa niya. Ipinakita pa ang braso na bakas ng kamay niya.
Ahmed glared and threateningly walked towards her.
“Apologize to Brianna.”
“I. Won't. She barged into my office and messed with my things.”
"Who said that's still your office?"
“W-What?” Namawis ang kanyang kamay.
“I guess you haven’t read the HR memo yet. You’re not the General Manager anymore. Brianna will take over your role.”
“I-I help you build this company!” Nanginig siya sa pinaghalong galit at pagkagulat.
I'm still the CEO. I decide who stays and who doesn’t. Right now, you have no place here!”
Ilang sandali nablangko ang kanyang utak bago niya naramdaman ang pamamasa ng mga mata.
Subalit, walang pakialam si Ahmed.
“Reflect on your mistakes these past days. Saka mo ako kausapin kung hihingi ka ng tawad.” Iyon lang at tinalikuran na siya.
Bumuhos ang mga luha niya. Ngingiti-ngiti si Brianna na sumunod kay Ahmed habang si Vicky at ang sekretarya niya ay awang-awa sa kanya.
Ilang segundo siya sa kinatatayuan. Taas-baba ang dibd ib bago marahas na pinunasan ang mga luha.
She stormed off the building.
Diretso siya sa penthouse. Inilapag niya ang singsing sa ibabaw ng divorce agreement at saka hinila ang mga maleta.
Clarissa didn’t look back when she left the Penthouse.
[AHMED]
“Where’s the report, Vicky?” Kanina pa mainit ang ulo ni Ahmed. Pareho silang overtime ng sekretarya sa dami ng dapat niyang trabahuhin.
“Sir, wala pong ibinigay si Ma’am Brianna.”
“Why? Where is she?”
“Umuwi na po. At saka si Miss Ri po kasi talaga ang nakakaalam ng mga ‘yon.”
Napasintido si Ahmed. Brianna should know those things because she took some units in the Engineering program.
Marahas siyang bumuga ng hangin. “Let’s call it a night, Vicky.”
“Pero, Sir marami pang–”
“I’m tired,” putol niya rito. Pakiramdam niya ay bumigat at nadagdagan ang mga trabaho niya. Panay kasi ang balik ni Brianna sa opisina niya para magtanong.
Hinahabaan niya na lang ang pasensya kaysa kainin siya ng sariling pride.
“She won’t really apologize? Hard–headed Brat!” Inis niyang isinalya ang cellphone sa passenger seat nang makitang wala kahit isang text o missed calls ang asawa.
Ramdam niya agad na tila may nagbago sa Penthouse nang makarating siya.
It was gloomy, silent and sad…
“Sir, good evening.”
“Where’s Ri?” tanong niya kay Gloria.
“Umalis po.”
Sinilip ni Ahmed ang relo. It was past 10 pm. Did she get drunk again? Sinubukan niya itong tawagan subalit, nakapatay ang cellphone siya.
“Sinong kasama niya? Did someone pick her up?”
“Dala-dala po ang maleta.”
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Nabingi siya sandali.
“Sabihan daw po kita na may iniwan siya sa kwarto niyo,” dugtong pa nito at iniwan siya. Pakiramdam niya ay hinahalukay ang kanyang sikmura. Pwinersa niya ang sarili na maglakad papuntang Master’s bedroom.
He felt a punch on his gut at the sight of Clarissa’s wedding ring.
This is not what he envisioned when he told the HR to fire her.
“F uck!” he breathed frustratedly.
Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Did he really go that far this time?
Pero hindi siya magagawang iwan ni Clarissa. Mahal siya nito. Hindi ito katulad ng Daddy niya.
Maybe she left just for a while. To cool her head and…
He had a sinking feeling that his wife might truly never return–and yet, deep inside, he still held onto a flicker of hope.
Binuksan niya ang drawer ng asawa para itago roon ang singsing. Ngunit, natigilan siya nang makita ang kaparehong envelope na ibinigay nito sa kanya nang nakaraang araw.
Hindi niya na makita pa iyon sa opisina at nawala na rin sa isip niya.
Kinuha niya ang laman niyon at pinasadahan ng basa. Pinangapusan ng hininga ang ‘higanteng’ si Ahmed nang tuluyan niyang maintindihan ang nakasulat.
His body dropped back on the bed. Pinagpawisan siya, nasa isip ang mukha ng asawa na palaging magiliw sa loob ng apat na taon na mag-asawa sila.
All these time, she’s been hiding the pain of infertility.
“F uck, Ahmed! F uck you, Man. You useless piece of sh!t!”
Sinabunutan niya ang sarili.
Kaya pala ayaw nitong magkaanak dahil impossible naman talaga! Dumagdag pa siya sa sakit na dinadala nito dahil sa pamimilit niya.
“Stupid Ahmed. Stup!d sh!t!”
He could almost taste the pain she’s enduring all these time!
May tumulo sa kaliwa niyang kamay. Saka pa lamang niya napansin na naluluha na siya.
His chest was heavy, felt really sorry for his wife…
[BRIANNA]
Sumasakit na ang ulo ni Brianna sa kakatitig sa mga numero na hindi niya maintindihan. Her units in Engineering were useless! Nakapasa lang naman siya dahil binayaran ng kanyang ina ang mga Instructor niya.
Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng Ina at Lolo ni Ahmed.
Oh, those old hags are annoying!
“Ahmed, I just wanna—” Walang taong sa opisina nito.
Nagdisisyon siyang hintayin na lang ito kaya lumapit siya sa mesa. Dumako ang kanyang tingin sa envelope na may logo ng prominenteng Oby-Gyne.
Buntis si Clarissa?! Umalsa ang inis sa kanya dibd ib. Subalit, sandali lang iyon. Napalitan ng pagkagulat at tuwa.
“Infertile?!” she laughed mockingly. Mukhang hindi pa iyon nakikita ni Ahmed kaya binitbit niya palabas ang envelope. Nasa isip na mas mapapadali ang pagbawi niya kay Ahmed.
CHAPTER 29 Kukuha lang sana siya ng tubig sa kusina nang tawagin siya ni Ahmed. May hawak-hawak itong envelope. May suot itong specs, mukhang nagtatrabaho pa rin kahit alas-onse na ng gabi. Kungsabagay, matagal-tagal din kasi ito sa kwarto ni Mihrimah kanina. Dinaldal nang dinaldal ng baby niya. “Ano ‘to?” tanong niya nang ibinigay nito ang envelope. “Documents of this property.” “Wala ka bang abogado para rito at ako ang pinapatago mo?” “I put it in Mihrimah’s name.” “Ano?” Napanganga siya. Isinalaksak niya pabalik ang envelope sa dibd ib nito. “Hindi ko kailangan ng limos mo.” “This is not a donation.” Pinigilan siya ni Ahmed umalis. Tinikwasan niya ng kilay. “This is a part of your share in AH Firm. Huwag na kayong bumalik sa Lagomoy. Dito na lang kayo.” “Babalik kami do’n.” “No. It’s still not safe. Wala ka ng kakampi sa lugar na iyon. Gelay and other Kaye’s friends will be in Dubai next week. Uuwi si Gloria sa Probinsya at…” Lumambong ang mga mata ni Ahmed
CHAPTER 28 “Mama, pang-Princess Jasmine ang room ko po. Tingnan mo po. Bilis po,” daldal sa kanya ni Marih nang bumalik sa living room. Inalalayan siya nito patayo. Maging siya ay namangha sa disenyong pambata. Ang hindi niya lang nagustuhan ay ang kama nito na malamang ay hindi siya magkakasya. “Saan ako matutulog?” lingon niya kay Ahmed. “In my room.” Clarissa glared at him. Mabilis itong nagtaas ng dalawang kamay. “Next room, Ri. Come.” Hinawakan nito ang kanyang kamay. Parang nakuryente na bigla niyang binawi. “Mauna ka na.” “You can’t walk properly.” “Ako na lang alalay sa kanya, Daddy Sir po.” “Sure, Princess,” Ahmed answered lovingly. Nauuna sila ni Mihrimah habang ito naman ay nasa likod nila. Ang kamay ay bagaman hindi nakadikit sa baywang niya, ay parang may sariling heater na ramdam ni Clarissa ang init ng katawan nito. AHMED COOK DINNER. Aliw na aliw si Marih habang pinapanood ang ‘Daddy Sir’ nito na gumalaw sa kusina. Pareho sila na nakaupo sa high s
CHAPTER 27[AHMED] “MAMA! MAMA KO. MAMA!!!” palahaw ni Mihrimah nang pigilan niya ito pasunod sa stretcher na pinapalibutan ng doktor at mga nurse. Hindi siya makahinga habang nakatingin kay Ri na walang malay. Tila ba ibinabalik siya niyon sa gabing nawala sa kanya ang abuelo. “Mama ko. S-Sir Ahmed, si Mama ko po.” Humugot siya ng malalim na hininga at pinilit ang sarili na alisin ang tingin doon. Paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na nawalan ng malay si Clarissa, hindi nabaril o s aksak—hindi pa mamamatay. “Shh…she’s going to be fine,” he said, more on convincing himself. Niyakap niya si Mihrimah. Ibinaon ang mukha sa buhok nito na para bang doon humuhugot ng lakas. “Hindi pa po? Ayoko siyang mamatay, S-Sir Ahmed po. Yoko po. Mama koooo!” “Hindi. Hindi, Marih.”Hinaplos niya ang basang pisngi ng bata. Namumula ang mukha nito dulot ng pag-iyak kaya mas lalo tuloy naging mestiza. Ang ganda-ganda, parang ang dati niyang asawa. “Stop crying na. Hmn… she’s going to be okay?
CHAPTER 26 Katulad ng inaasahan ay kalat na kalat na sa iba’t ibang departamento ang tungkol sa kanila ni Ahmed. Halos ayaw na niyang lumabas. Kahit ang mga pumapasok sa opisina niya ay kyuryuso ang mga mata. Ang iba ay hindi napipigilan ang sarili na hindi magtanong. Nang hindi makatiis ay nagmartsa siya papuntang opisina ni Ahmed. Kausap ni Ahmed ang sekretaryo nito. Nakatingin agad sa kanya na para bang inaasahan na ang pagdating niya. “Sir, can we talk?” “Sure. Wait for me in my office,” malakas nitong sagot. “We’re just going to talk, Sir,” madiin niyang sabi. “Whatever you say, Mrs. Haddad—Miss Sabian. Sorry.” Nakataas pa ang sulok ng labi ng Hudyo na parang tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Nagngangalit ang ngipin na pumasok siya sa loob ng opisina nito. Ilang minuto ang hinintay niya bago sumunod si Ahmed. Maangas na umupo ito sa swivel chair at pinaghugpong ang mga daliri. “What do we need to talk.” “Can you do something about the rumors circulating?” “We
CHAPTER 25 “Are you sure you’re gonna be okay here? Lumipat na lang kaya kayo ng bahay,” wika ni Jaxon nang malaman nito ang nangyaring putukan sa pagitan ng mga pulis at ilang indibwal sa pasugalan. “Ayos lang kami, Jax.” “Pero pinag-iinitan ka. Mihrimah told me.” Sinulyapan nito si Marih na sinusuklay ang sariling buhok. Nakasuot na ang beybi niya ng school uniform. Maaga sila ngayon dahil pupunta si Jax sa Davao. Gusto nito na ihatid muna sila bago pumunta ng airport. “Si Lila lang ‘yon. Ano naman gagawin niya? Sasabunutan niya ako?” Bumuntong-hininga si Jaxon at napailing sa katigasan ng ulo niya. “Walang mangyayari sa akin. Sa tagal ko na sa lugar na ito, kilala na nila ako. Kaya kong makipagpatayan para lang sa proteksyon namin ng anak ko.” “Alright. Just always bring your phone and call me if you need anything.” Tumango na lang siya para matahimik na ito. Nauna si Jaxon at Marih lumabas ng bahay. Siya naman ay binitbit ang maletang walang laman at inilagay sa trun
CHAPTER 24 Tingnan niya lang kung hindi manlamig at mangamoy ang babae. Naglagay siya ng ‘Out of Order’ sign sa pinto bago nagmamadaling bumalik ng kanyang opisina. Sinubukan niyang tawagan si Ahmed subalit ‘busy’ ang linya nito. Kailangan niyang masabi rito ang narinig niya! She was still calling him when Jaxon’s car pulled over in front of her. “Mama ko.” Malaki ang ngiti ni Mihrimah habang kumakaway ito sa kanya. Ang isang kamay ay may hawak-hawak na cotton candy. Dumukwang siya para h alikan ito sa noo bago umupo sa passenger seat. “Nagyaya na pumunta sa Amusement Park. Can we go, Ri? Hindi ka pa ba pagod?” tanong ni Jaxon. Sinilip niya si Marih sa rearview mirror. Puno ng pag-asa ang mata nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi pumayag. Nasa bungad pa lang sila ng sikat na Pasyalan ay kita na ang gilagid ni Mihrimah sa tuwa. Kung anu-anong pinagtuturo nito na palagi naman pinagbibigyan ni Jaxon. Sinasaway niya naman ngunit hindi rin papaawat ang lalaki. “Somet