CHAPTER 5
Saka pa lamang ito nagtaas ng paningin, salubong ang mga kilay. “You’re not going to apologize?”
Hindi siya sumagot bagkus ay inudyukan ito na kunin ang dala-dala niya.
Marahas itong bumuga ng hangin at puno ng diin na nagsalita. “I will not sign—”
“Hindi ito divorce paper,” putol niya.
Kinuha ni Ahmed ang envelope. Ngunit bago pa nito iyon mabuksan ay tumunog ang cellphone nito.
“Ahmed, help me!” mangiyak-ngiyak na boses ni Brianna ang nasa kabilang linya.
“What happened?”
Lihim siyang napalunok dahil may timbre ng pag-aalala ang boses nito. Bagay na kahit minsan ay hindi nito ginamit sa kanya. Kapag may sakit siya, ay kung hindi malamig ay tila pasinghal ang tono nito.
“I think my tire just went flat! I was about to pick up Mom from the airport.”
Nanlalamig si Clarissa.
Sumama ang kanyang ina sa Amerika nang matanggap si Brianna sa Juilliard School. Iyon ang huling beses niya itong nakita ng personal. Bagaman, nag-uusap sila sa telepono, ay tumatawag lamang ito kapag nanghihingi ng pera.
Madalas ay walang natitira sa sahod niya dahil ipinapadala niya iyon sa kanyang ina at sa lolo at lola niya sa Pilipinas. Minsan, ay napipilitan siyang mangutang sa budget ng proyekto ng kompanya. Sinisiguro niya naman na mababayaran iyon agad.
“Alright. I’ll be there.”
Sa pagkabalisa ay hindi na niya napigilan pa si Ahmed. Tuliro rin siya na lumabas ng opisina.
Hindi siya makapagpokus sa trabaho kaya nagdisisyon siya na maagang umuwi.
But half-way the ride, she suddenly doesn’t want to be at that empty penthouse anymore. Iniliko niya ang kotse patungo sa Filipino Bar & Restaurant na paborito niyang puntahan tuwing malungkot siya.
Halos maluha siya nang matikman ang sinigang at adobo na pinoy na pinoy ang timpla. Miss na miss niya na ang lolo at lola niya.
Lubos siyang nagpapasalamat dahil buhay pa ang mga ito. Ang tatay niya kasi ay sumakabilang-buhay na. Iyon din ang oras na nagpakasal siya kay Ahmed dahil kailangan niya ng pera. Kaya lang ay kinuha pa rin ito ng ‘nakatataas’.
“Alone?”
Halos masamid siya nang makita si Jaxon sa harapan niya. Ibinaba niya ang baso ng beer at inaya itong maupo.
“Hindi mo kasama si Ahmed?”
“He’s a Muslim.”
“Oh, yeah I forgot. Iyon lang ba ang dahilan?”
Muli niyang dinampot ang beer at sumimsim doon. “He’s with Brianna.”
“Sorry to hear that.”
“Don’t be. Kapag nakita niya na ang medical records ko, siguradong makikipaghiwalay na kami. It’s painful but it’s better than for me to stay miserable.”
“Medical records?”
Halos maubos niya na ang laman ng Beer Mug nang sumagot. “Hindi na ako magkakaanak.”
Umawang ang mga labi nito kaya ‘tipsy’ na tumawa siya. “I’ve been hiding that for years. Ayos lang—hindi, hindi iyon ayos lang.”
Suminghot siya.
“Alam ko naman na nagpakasal lang kami dahil kailangan namin ang isa’t isa. Pero minahal ko siya ng totoo. Umasa ako na kapag nagkaanak kami, ay baka matutunan niya rin akong mahalin. Pero…pero paano mangyayari iyon kung sira ang matris ko?”
Hindi nakaimik si Jaxon.
Lumupaypay siya sa mesa.
“K-Kinalimutan ko ang pangarap ko para tulungan siya dahil umaasa pa rin ako na mamahalin niya rin ako. Bakit ba ang tigas-tigas mo, Ahmed?”
Hinila-hila niya ang damit ng kaharap.
“Pangit ba ako?”
Umiling ito.
“Matalino naman ako. Alam ko rin na maalaga ako at mapagmahal. Bakit ba ang hirap-hirap para sa kanya na suklian ang nararamdaman ko?”
Siya rin ang sumagot sa tanong niya.
“Kasi may Brianna. B-Bumalik si Brianna na kahit mas pinili ang sariling pangarap ay hinihintay p-pa rin. Anong l-laban ko kay Brianna?”
Clarissa cried even more.
“N-Nakakapagod siyang m-mahalin. Nakakapagod…”
[JAXON]
Inabot ni Jaxon ang takas na buhok ni Ri para iipit iyon sa likod ng tainga nito. Lasing na ang babae subalit hindi niya magawang kumilos para tawagan si Ahmed at sabihin kung nasaan ang asawa nito.
Suddenly, he wanted to be the one who would take care of her. Cooed her ‘til she doesn’t feel the pain anymore.
Pakiramdam niya ay tinatadyakan siya sa dibd ib sa bawat luha at sakit sa boses nito habang ikini-kwento ang kamiserablehan.
“Bakit hindi ako ang una mong nakilala?” bulong niya habang titig na titig dito.
Umingit si Ri. Disoriented na iginala ang tingin sa paligid.
“Gusto ko pa ng beer!” Bigla itong tumayo para lamang muling mapa-upo dala ng kalasingan.
Tumayo na si Jaxon para alalayan ito.
“I’m bringing you home.”
“Ayaw k-ko.”
Jaxon wants to take her somewhere safe, far from everything that’s hurt her. Subalit, alam niyang hindi iyon makakabuti sa kanilang dalawa.
Gusto niya ay walang problemahin si Ri sa pakikipaghiwalay nito sa asawa. Kapag opisyal ng diborsyado ang dalawa ay saka siya kikilos.
He realized, the little cute crush he’s feeling all these time towards Ri, became deeper when he talked to her. Ngayong gabi, ay inaamin niya sa sarili na malalim ang pagkagusto niya rito.
[AHMED]
After dropping Brianna and her mother at the Villa Yana, Ahmed decided to go home.
Bukod sa takasan ang mga ‘parinig’ ng ina ni Brianna, ay gusto niya na rin talagang umuwi. Ilang araw na siyang sa Ancestral House umuuwi dahil sinagi ni Clarissa ang bagay na pinakainiiwas-iwasan niya.
Sinisisi niya ang Ama kung bakit ganon kahigpit sa kanya ang ina, kung bakit lumaki siya na kinukutya ng mga Pinsan, at kung bakit hindi niya pa nakikita ng personal ang kapatid niya.
Natigilan si Ahmed nang mapansin ang asawa na nakahiga sa sofa.
“Why the h ell is she here?”
Kumusot ang ilong niya nang maamoy ang beer.
“Hey, go to bed.” Sinubukan niya itong gisingin subalit itinulak lamang ang kanyang kamay.
He tried again. This time, Ri opened her sleepy eyes.
Pakiramdam niya ay pinangapusan siya ng hininga nang naging mas mapungay ang mata nito at ngumiti.
“A-Ahmed,” she called drunkenly.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.
“Don’t sleep here.”
Nawala ang ngiti nito at bigla siyang tinampal sa mukha. He was stunned for a moment. Nakakadalawa na ang babaeng ito!
No one did that to him! Kahit ang Mama niya ay hindi siya nagawang saktan ng ganon.
Sisitahin niya sana ito nang makitang humihilik na ulit.
“F uck this!” he breathed and decided to carry her. But he stopped when a suit jacket covering her body fell on the floor.
Kunot-noong kinuha niya iyon at pinakatitigan.
Ahmed immediately recognized the JX initials on its collar. Umigting ang panga niya. Muling dinampot ang sariling coat at lumabas ng penthouse.
Sumasagitsit ang gulong sports car na sinasakyan sa bilis ng takbo niyon. Madiin ang pagkakahawak niya sa manibela habang salubong na salubong ang mga kilay.
His wife was drunk with someone? With his friend Jaxon?!
Hindi siya nag-abalang hingan ng paliwanag ang kaibigan dahil ayaw niyang marinig ang boses nito makita man lang kahit dulo ng daliri.
Kung anu-anong senaryo ang pumasok sa isip niya. Subalit ang pinaka-nagpapagalit sa kanya ay maisip na masaya ang asawa niya sa bisig ng ibang lalaki.
“Damn it!” Hinampas niya ang manibela ng kotse.
Halos mabutas ang screen ng kanyang cellphone nang tinawagan ang HR ng AH firm.
“I want her relieved from the position,” he said ruthlessly. “Immediately!”
Tingnan niya kung makikipag-divorce pa ito sa kanya kung wala itong trabaho, pera at koneksyon.
CHAPTER 29 Kukuha lang sana siya ng tubig sa kusina nang tawagin siya ni Ahmed. May hawak-hawak itong envelope. May suot itong specs, mukhang nagtatrabaho pa rin kahit alas-onse na ng gabi. Kungsabagay, matagal-tagal din kasi ito sa kwarto ni Mihrimah kanina. Dinaldal nang dinaldal ng baby niya. “Ano ‘to?” tanong niya nang ibinigay nito ang envelope. “Documents of this property.” “Wala ka bang abogado para rito at ako ang pinapatago mo?” “I put it in Mihrimah’s name.” “Ano?” Napanganga siya. Isinalaksak niya pabalik ang envelope sa dibd ib nito. “Hindi ko kailangan ng limos mo.” “This is not a donation.” Pinigilan siya ni Ahmed umalis. Tinikwasan niya ng kilay. “This is a part of your share in AH Firm. Huwag na kayong bumalik sa Lagomoy. Dito na lang kayo.” “Babalik kami do’n.” “No. It’s still not safe. Wala ka ng kakampi sa lugar na iyon. Gelay and other Kaye’s friends will be in Dubai next week. Uuwi si Gloria sa Probinsya at…” Lumambong ang mga mata ni Ahmed
CHAPTER 28 “Mama, pang-Princess Jasmine ang room ko po. Tingnan mo po. Bilis po,” daldal sa kanya ni Marih nang bumalik sa living room. Inalalayan siya nito patayo. Maging siya ay namangha sa disenyong pambata. Ang hindi niya lang nagustuhan ay ang kama nito na malamang ay hindi siya magkakasya. “Saan ako matutulog?” lingon niya kay Ahmed. “In my room.” Clarissa glared at him. Mabilis itong nagtaas ng dalawang kamay. “Next room, Ri. Come.” Hinawakan nito ang kanyang kamay. Parang nakuryente na bigla niyang binawi. “Mauna ka na.” “You can’t walk properly.” “Ako na lang alalay sa kanya, Daddy Sir po.” “Sure, Princess,” Ahmed answered lovingly. Nauuna sila ni Mihrimah habang ito naman ay nasa likod nila. Ang kamay ay bagaman hindi nakadikit sa baywang niya, ay parang may sariling heater na ramdam ni Clarissa ang init ng katawan nito. AHMED COOK DINNER. Aliw na aliw si Marih habang pinapanood ang ‘Daddy Sir’ nito na gumalaw sa kusina. Pareho sila na nakaupo sa high s
CHAPTER 27[AHMED] “MAMA! MAMA KO. MAMA!!!” palahaw ni Mihrimah nang pigilan niya ito pasunod sa stretcher na pinapalibutan ng doktor at mga nurse. Hindi siya makahinga habang nakatingin kay Ri na walang malay. Tila ba ibinabalik siya niyon sa gabing nawala sa kanya ang abuelo. “Mama ko. S-Sir Ahmed, si Mama ko po.” Humugot siya ng malalim na hininga at pinilit ang sarili na alisin ang tingin doon. Paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na nawalan ng malay si Clarissa, hindi nabaril o s aksak—hindi pa mamamatay. “Shh…she’s going to be fine,” he said, more on convincing himself. Niyakap niya si Mihrimah. Ibinaon ang mukha sa buhok nito na para bang doon humuhugot ng lakas. “Hindi pa po? Ayoko siyang mamatay, S-Sir Ahmed po. Yoko po. Mama koooo!” “Hindi. Hindi, Marih.”Hinaplos niya ang basang pisngi ng bata. Namumula ang mukha nito dulot ng pag-iyak kaya mas lalo tuloy naging mestiza. Ang ganda-ganda, parang ang dati niyang asawa. “Stop crying na. Hmn… she’s going to be okay?
CHAPTER 26 Katulad ng inaasahan ay kalat na kalat na sa iba’t ibang departamento ang tungkol sa kanila ni Ahmed. Halos ayaw na niyang lumabas. Kahit ang mga pumapasok sa opisina niya ay kyuryuso ang mga mata. Ang iba ay hindi napipigilan ang sarili na hindi magtanong. Nang hindi makatiis ay nagmartsa siya papuntang opisina ni Ahmed. Kausap ni Ahmed ang sekretaryo nito. Nakatingin agad sa kanya na para bang inaasahan na ang pagdating niya. “Sir, can we talk?” “Sure. Wait for me in my office,” malakas nitong sagot. “We’re just going to talk, Sir,” madiin niyang sabi. “Whatever you say, Mrs. Haddad—Miss Sabian. Sorry.” Nakataas pa ang sulok ng labi ng Hudyo na parang tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Nagngangalit ang ngipin na pumasok siya sa loob ng opisina nito. Ilang minuto ang hinintay niya bago sumunod si Ahmed. Maangas na umupo ito sa swivel chair at pinaghugpong ang mga daliri. “What do we need to talk.” “Can you do something about the rumors circulating?” “We
CHAPTER 25 “Are you sure you’re gonna be okay here? Lumipat na lang kaya kayo ng bahay,” wika ni Jaxon nang malaman nito ang nangyaring putukan sa pagitan ng mga pulis at ilang indibwal sa pasugalan. “Ayos lang kami, Jax.” “Pero pinag-iinitan ka. Mihrimah told me.” Sinulyapan nito si Marih na sinusuklay ang sariling buhok. Nakasuot na ang beybi niya ng school uniform. Maaga sila ngayon dahil pupunta si Jax sa Davao. Gusto nito na ihatid muna sila bago pumunta ng airport. “Si Lila lang ‘yon. Ano naman gagawin niya? Sasabunutan niya ako?” Bumuntong-hininga si Jaxon at napailing sa katigasan ng ulo niya. “Walang mangyayari sa akin. Sa tagal ko na sa lugar na ito, kilala na nila ako. Kaya kong makipagpatayan para lang sa proteksyon namin ng anak ko.” “Alright. Just always bring your phone and call me if you need anything.” Tumango na lang siya para matahimik na ito. Nauna si Jaxon at Marih lumabas ng bahay. Siya naman ay binitbit ang maletang walang laman at inilagay sa trun
CHAPTER 24 Tingnan niya lang kung hindi manlamig at mangamoy ang babae. Naglagay siya ng ‘Out of Order’ sign sa pinto bago nagmamadaling bumalik ng kanyang opisina. Sinubukan niyang tawagan si Ahmed subalit ‘busy’ ang linya nito. Kailangan niyang masabi rito ang narinig niya! She was still calling him when Jaxon’s car pulled over in front of her. “Mama ko.” Malaki ang ngiti ni Mihrimah habang kumakaway ito sa kanya. Ang isang kamay ay may hawak-hawak na cotton candy. Dumukwang siya para h alikan ito sa noo bago umupo sa passenger seat. “Nagyaya na pumunta sa Amusement Park. Can we go, Ri? Hindi ka pa ba pagod?” tanong ni Jaxon. Sinilip niya si Marih sa rearview mirror. Puno ng pag-asa ang mata nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi pumayag. Nasa bungad pa lang sila ng sikat na Pasyalan ay kita na ang gilagid ni Mihrimah sa tuwa. Kung anu-anong pinagtuturo nito na palagi naman pinagbibigyan ni Jaxon. Sinasaway niya naman ngunit hindi rin papaawat ang lalaki. “Somet