"What is this bitch doing?!"Galit na galit si Bryenne nang makita ang kanyang dating hipag na magarbong naglalakad at nakikipag cheek to cheek sa mga taong sumasalubong sa kanila.Nang pumasok ang dalawa sa hall kung saan mismong ginaganap ang party ay nagulat siya at mga kaibigan nang umingay.Iyon pala ay dumating na nga si Vern at Rana.Businessmen flocked to them like bees.Mabilis na nakuha ng dalawa ang atensyon ng halos lahat na naroon.Hindi mapigilan ni Bryenne ang pwersahang itulak ang kaibigan niyang nakaharang sa kanyang harapan upang maliwanag niyang makita ang pinagkakaguluhan.Walang paglagyan ang inis niya sa babae.Lalo pa’t ang mga kakilala niyang kanina lang ay pumupuri sa kanya, ngayon ay si Rana naman ang bukang-bibig nila."Sino siya? Ang ganda niya!""Totoo! Napakaganda niya! Sino ang nag-ayos sa kanya? Grabe ang haba ng mga pilikmata oh, pero parang natural lang naman.""Parang buhay na manika! Napaka-ganda talaga!" kinilig pa ang isang babae."Ang ganda rin n
Maya-maya pa ay nangalay na ang mga binti at sumakit na ang paa ni Rana sa kakatayo.Kinalabit niya si Vern at bumulong.Itinuro niya ang isang bakanteng lamesa.“Upo muna ako. Sakit na ng paa ko pati ng panga ko kakangiti.”Natawa si Vern.“Sure ka? Susunod ako tatapusin ko lang ito.”Umiling-iling si Rana.“No. Ok lang kahit matagalan ka. That’s our future stock holders.”Natawa silang dalawa at pinakawalan na ni Vern si Rana upang makapahinga na ito.Mabilis siyang kumilos upang makaupo na at kukuha na siya ng pagkain after.Kumakalam na rin ang kanyang tiyan sa gutom.Yumuko siya upang hilot-hilutin ang nananakit niyang binti.“Hindi yata ako sanay magsuot ng ganito kataas na heels.” bulong niya sa sarili.Nang iangat niya ang sarili ay nagsalubong agad ang paningin nilang dalawa ni Bryson.Her heart hammered.Bryson Deogracia attractively strides in his black and white three piece bow suit.The way he walked speaks power and domination.Kahit tatlong patong na tela ang suot nito
Bago pa man makapagsalita si Bryson ay ang mga kaibigan niya sa paligid ay agad nang nagalit.Wala ng preno ang mga ito sa pagsasalita.“Anong ibig sabihin ng mga salitang ‘yan?”“Dati hindi ka nangahas magsalita nang ganito sa amin. Ngayon lang dahil may bago kang kakamping malakas, ang taas na ng tingin mo sa sarili mo?”“Tsk, pareho ka pa rin. Walang hiya.”“Balimbing, traydor, at mukhang pera. Wala ka talagang kwentang babae.”Rana crossed her arms while listening to their sentiments.Walang bigat ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya.Lalo niyang inasar ang mga ito nang kagatin niya ang labi upang pigilan ang pag-ngiti.“Anong nakakatawa?!” nanlaki ang mata ni Moss ngunit kontrolado niya pa rin ang kanyang boses. Ang grupo ng mga taong ito, talagang walang pinagbago.Akala nila sa ilang salita lang ng paninira ay manghihina na siya at mapipilitang bumalik sa dati niyang pag-uugali.Iyong babaeng nagpapakumbaba sa kanila.Hindi siya si Pey at hindi niya kayang ibaba ang sarili niy
A/N: Listen to “Wala Na Talaga” by Klarisse**Narating nila ang garden ng hotel kung saan ginanap ang gala night.Sa tingin ni Bryson ay nasa likod na parte sila ng hotel dahil walang kahit na anong ingay ang naririnig nila mula roon.Tanging tunog ng tubig sa fountain at ilang kuliglig sa paligid.It was so quiet and peaceful.Mayroong mga maliliit na batong bench sa gilid ng garden.At ang pinaka nakakuha sa kanyang atensyon ay ang isang gazebo na nakatayo roon.Marahan niyang hinila si Rana upang tumapak sa pathway papunta roon.Ang nagsisilbing liwanag nila ay ang ilaw lang mula sa buwan.Nang marating nila iyon ay mabilis na inalis ni Rana ang nakahawak na kamay ni Bryson sa kanya.Hindi mapigilan ni Rana ang pagpatak ng mga luha habang itinatakas siya ni Bryson kanina.Kaya kahit labag sa kanyang loob ay hindi na siya nakapalag sa kung saan siya nito dadalhin.She was scared of something.Hindi niya maintindihan.Kaya habang nakatalikod ang lalaki sa kanya ay panay ang punas ni
Hard?Anong hard?Kumunot pa ang noo ni Rana ngunit nang napagtanto niya iyon ay tumingin siya sa ibabang bahagi nito.Hindi niya iyon agad naramdaman dahil sa gown na suot ngunit alam niyang iyon ang tinutukoy ng lalaki.Tila napapasong kumalas si Rana sa mahigpit na hawak ni Bryson.Seryoso pa rin ang lalaki kaya lalo siyang nailang dito.Ang kanyang mukha ay nag-iinit kaya mabilis siyang tumalikod rito.Pakiramdam niya ang pulang-pula ng mukha niya.“Ang bastos mo!” singhal niya rito umaasang mawawala rin agad ang kanyang pamumula.Hindi niya rin napansin na bahagya siyang pinagpawisan.Umihip muli ang pang-gabing hangin.Marahan niyang pinagpag ang gown na suot.Tila nadikitan iyon ng kung ano.“Ano? Ready ka na bang bumalik sa taas?” tanging sagot sa kanya ng lalaki.As long as she wants to talk about his bold statement earlier ay hindi na niya itinuloy.Tumango nalang siya at nauna na sa paglalakad.Nasa likod niya lang ang lalaki.Tila nararamdaman niyang tinutusok siya nito sa
Mabilis na lumapit si Bryenne kay Rana at umambang sasampalin ang dalaga.Ngunit mas mabilis na kumilos si Rana.Alam na alam na niya ang balak nito. Habang papalapit ang nakababatang kapatid ni Bryson ay mabilis siyang umiwas, dahilan upang mawalan ng balanse si Bryenne at diretsong bumagsak sa sahig.Si Rana ay nakatayo sa malayo.Hindi man lang nahawakan ni Bryenne kahit kaunti.Sinadya pa niyang ipagpag ang kanyang suot na para bang inaalis ang dumi."Ay hala? Ang sipag naman ng janitress na ito. Ang aga maglinis ng sahig." nang-aasar na sabi ni Bryenne.Galit na lumingon si Bryenne.Ang tingin niya kay Rana ay puno ng matinding poot at pagkamuhi.Tila gusto nitong kalmutin ang pagmumukha ni Rana na nakangisi sa kanya.May ilang taong lumapit upang tulungan siyang bumangon.Ngunit mas marami ang nanatili sa gilid at nanood na lamang ng eksena.Ang iilan pa niyang kaibigan ay tinatawanan siya imbis na tulungan.Napahiya si Bryenne sa harap ng maraming tao.Kaya naman lalong sumikl
Isinaboy ni Rana kay Bryenne ang kinuhang baso ng alak sa tray ng isang waiter na dumadaan.Lalong tumapang ang kanyang mukha sa ginawa.She has never been this satisfied in her whole life.Paano pa kaya kapag naisiwalat na niya ang lahat?Sa isip niya ay pwede na siyang mamahinga pag nagkataon.Nagsinghapan ang ilang naroon.Ang ilang kaibigan ni Bryenne ay mabilis na lumapit sa babae upang punasan ang basang mukha at damit nito.Malaki ang hall.Kaya hindi gaanong napapansin ang kumosyon dahil tila mga babaeng nagpupulong lang ang nagaganap roon.Katulad sa iba na isang tumpok rin kung mag usap-usap.Napapikit si Bryenne sa inis."Ah! Nababaliw ka na ba?! Porket nahuli at napahiya kita? Wala kang manners kahit kailan, Rana!"Habang pinupunasan Bryenne ang alak sa kanyang kasuotan gamit ang isang panyo ay sumisigaw siya sa galit kay Rana.Sobra itong napahiya.Pero si Rana ay bahagyang ngumiti lamang.Hindi na niya mapigilan ang sarili sa pagdurog sa babaeng ito.Hindi na siya makapa
Tunay nang tumawa si Rana.“Kailangan pa ba ng mga screenshot? Ang paghabol lang ni Pey sa dati kong asawa ay alam na ng maraming tao. Lahat sila ay kitang-kita ang bawat pagdikit nito sa kanya. Isang babaeng wala nang hiya. Pero tinitingala niyo pa rin siya na parang isang mahalagang kayamanan. Nakakatawa talaga. Dapat kayong mag-ingat, bantayan niyo nang mabuti ang mga boyfriend o asawa niyo. Kung hindi baka maagaw sila ng sanay na manggagantso. Huwag kayong umiyak kung mangyari iyon.”Tinignan niya ang mga magkakaibigan saka lumipat kaya Jillian na namumula na sa galit.Ang maputi nitong mukha ay tila kamatis na.“Baka sumabog ka sa sobrang pula mo ah.” tawa pa niya.Nang marinig ang sinabi ni Rana, maraming tao sa paligid ang tila nag-iisip.May ilan na mukhang naliwanagan.Habang ang iba naman ay galit na galit.Marahil ay biktima rin ng ginagawa ni Pey. Bagama't hindi pa rin tinatantanan ni Pey si Bryson, mahilig pa rin itong maglaro sa ibang lalaki.At dahil sa kanyang pagpapan
"Padala mo kay Froilan ang mga larawang kuha sa auction. Ipa-imbestiga mo kung bakit sila nag-aagawan sa singsing na iyon.”Tuluyan nang nakalimutan ni Bryson ang inis para sa kaibigan.Hindi pa rin sila nakakapag-usap ng matino matapos ang insidenteng nangyari sa bahay ng mga Esquivel.Ganon pa rin ang desisyon ni Bryson.He wants him out of his company.After all this, ipapaalala niya ang resignation letter. "Sige." tanging nasabi ni Moss.At habang nasstuck sa traffic ay kusa na rin siyang nagtatanong-tanong sa kanyang mga koneksyon.Para na rin mas mapadali ang pag-iimbestiga sa singsing na iyon.Hindi nagtagal ay nalaman na rin niya ang pinagmulan ng jade na singsing.Nakakunot ang kanyang noo.Naguguluhan sa nalaman.“Ayon sa aking credible source, si Bryenne daw ang naglagay niyon sa auction.”Nagkatinginan silang dalawa ni Bryson.Nagpatuloy si Moss sa pagbabasa sa kanyang cellphone.“Sa kanya galing ang halos lahat ng ipina-auction sa mga alahas na kategorya.”Malalim ang is
Kumikislap ang mga mata ni Pey at kunwari’y nagtatakang tumingin kay Bryenne.“So, you mean..”“Malamang nakilala ni Rana na kanya ang mga gamit na ito. Kaya gusto niyang bilhin lahat pabalik.” tumaas ang kilay ni Bryenne. “Kung ganoon, bakit hindi natin siya pahirapan sa presyo?”Tutal ay balak naman talaga nilang pataasin ang presyo.Ngayon ay tinutuloy lang nila ang plano.“Sigurado ka bang uubra ’yan?”“Bakit naman hindi? Tingnan mo na lang!”Punong-puno ng kumpiyansa si Bryenne.Pero nabigo siya.Hindi na muling nagtaas ng paddle si Rana.Kanina lang siya nag-bid para hindi si Andy ang gumastos. Sa totoo lang maliban sa jade na singsing ay wala siyang balak bilhin ang iba.Hindi lang si Rana ang di na nag-bid.Pati si Andy na katabi niya ay tahimik na rin.“Anong problema niya? Bakit hindi na siya bumibili? Hindi kaya hindi niya nakilala ang mga gamit?”Dismayadong-dismayado si Bryenne.Nakaayos na sana ang plano.Ngunit mukhang papalpak na naman yata dahil hindi naman kumakagat
Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.“Sobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi ‘yang pagmumukha niyo.” ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.“Tara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.”Agad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!” iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina
Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And here’s his mother, calling him. “Nasaan ka, anak?”Halos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.“I have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?”“Ewan ko ba..” umubo ng ilang beses ang ginang. “Nahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.”“Naubusan ka?”“Yes, my dear.”Halos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.“Hold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.” he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.“Anong nangyari? May problema ba?”Tuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.“Hindi na tayo
“Sigurado ka ba?” Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.“Sigurado ako. Hindi lang ‘yung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.”“Ganito karami?” Namangha si Andy. “Pero ‘di ba mga alahas mo ‘yan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?”Nang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.“Ako rin gustong malaman.”Rana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. “Eh anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Andy. “Gusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?”Bumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.“Lahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami
Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kaya’t napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.