“Andy?”Sinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.“Please, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.”Nakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.“Can I come in?”“Ano ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.”Ngumiti si Rana. “Bahay natin.”Napanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. “Pumasok ka na nga.”Sabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.“I’m so happy for you.”“I’m sorry.”Kumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.“Bakit ba sorry ka ng so
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.“Like what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad sa’yo. It’s intentional but we have no choice.”Kinagat ni Rana ang labi. “Wala naman kayong dapat ipag-sorry.”Nakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.“Are you sure? You’re not… upset with her?”“Bakit naman?” bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. “Ang saya nga eh. May… pamangkin na ako.”Habang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin
Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.“Parang nakakahalata na ako sa’yo.” sita ni Rana isang gabi. “Palagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.”Natawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.“Bakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?”“Kaya na nila ang mga sarili nila.”“Buti sumama ‘yung kapatid mo ‘noh?”“Well, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.”Binasa ni Rana ang labi. “D-did they know?”“Ang alin?”Hindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t
“Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa
Tahimik silang pumasok sa unit ni Bryson. Ramdam na ramdam ni Rana ang tensyon sa kanilang dalawa. Kahit pa malumanay na kumikilos si Bryson at hindi nagdadabog ay tila mas ramdam niya ang inis nito.“Kumain ka na ba?” tanong nito. Agad nitong hinila mula sa batok ang damit saka naghubad. Medyo maalinsangan ang panahon.Nag-iwas ng tingin si Rana sa likod nitong malapad. Habang nagtatanggal ito nang damit ay kitang-kita niya ang bawat flex ng mga muscle nito sa likod. Kung hindi lang siguro sila awkward sa isa’t-isa ay talagang umaatikabong gabi na naman ang magaganap.“Syempre hindi pa.” mahinang sagot niya. “Bakit ikaw, kumain ka na?”Hindi napigilan ni Rana ang pagtakas ng pagtatampo sa kanyang boses kaya naman nilingon siya ni Bryson. Nakakunot ang noo nito at halos irapan si Rana. Ngumuso ang babae. Simula nang dito na siya umuuwi kay Bryson ay palagi silang nagsasabay na kumain. Minsan siya ang nagluluto pero madalas ay si Bryson. Nag-aaral daw kasi itong magluto kaya hinahayaan
“Galit ka ba?” tanong ni Vern habang focus na focus si Rana sa pagmamaneho.Doon naman napalingon ang babae sa kanya.“Huh? Hindi. Bakit?”Ang di mapansin ni Rana ay mahigpit ang kapit ni Vern sa kanyang seatbelt na mahigpit niya ring ikinabit sa katawan niya.“Sana sinabi mong masama ang loob mong ihatid ako! Ang bilis mo magpatakbo.” pikit ni Vern habang humahalakhak. “I never saw you drive like this!”Then Rana slowed down.Hindi niya napansin na halos mag over take na siya sa lahat ng sasakyan.“I-I’m sorry. Hindi ko napansin.”“May problema ka ba?” seryosong tanong ni Vern sa kanya.Tumawa si Rana at umiling. Hindi na niya sinagot si Vern.Mabilis silang nakarating sa building ng unit ni Vern.Agad na bumaba si Vern upang ibaba rin ang bagaheng dala.Kumaway si Rana kay Vern nang matapos ang binata.Hindi na siya bumaba sa sasakyan.Ngumiti rin ang huli sa kanya.“Salamat! Nakatatak na ‘to sa puso’t isip ko. Baka hanggang panaginip madala ko ‘to. Kahit ramdam ko ang sama ng loob