Share

KABANATA 16

Nalaman nila tita Pat ang nangyari kahapon kaya hindi nito naiwasan ang mag-alala at pagsabihan ang mayordoma. Hindi ko man narinig ang kanilang usapan pero mukhang hindi naman nagalit si tita sa matanda. 

"Pasensiya ka na talaga kay nanay, tumatanda na kasi kaya madalas ng magsungit at palaging mainit ang ulo," hinging pasensiya sa akin ni tita Pat. Narito kami ngayon sa garden niya at tinutulungan ko ulit siyang magtanim.

Kung alam lang ni tita, mainit talaga ang dugo niya sa akin pagtapak ko pa lang sa lugar na 'to.

Ngumiti naman ako at umiling. "Wala naman hong kaso sa akin iyon, trabaho ko rin namang sundin ang utos niya."

"Pwede ka naman tumanggi lalo na kung hindi mo kaya, hindi ko alam kung anong naisipan ni nanay at inutos pa niya iyon sa'yo," iling niyang tinuran.

"Wala daw kasing ibang mauutusan kaya daw po ako na lang daw."

"Hay nako marami namang araw para linisan ang bubong, maaari namang hintayin sila mang Ispe o kung wala naman inuutos na lang sana sa mga walang hiya kong anak, iyan sila Matias at si Agusto ng may matino namang magawa ng hindi puro paglalakwatsa at pambababae ang inaatupag." 

Lihim naman akong natawa sa sinabi niya. Pati pala nanay nila alam na alam mga karant*duhan nila.

"Nasaan nga ba ang mga iyon kahapon? Naku kung nandito lang ako kahapon at nalaman kong kailangan palang linisin ang bubong edi sana pinaghahagis ko na sa bubong ang mga iyon," dugtong pa ni tita kaya hindi ko na naiwasan pang itago ang aking tawa. Natawa rin tuloy siya sa sariling niyang salita.

"Puro sakit po ata sa ulo ang mga anak niyo tita," biro ko.

"Hay sinabi mo pa Zea, hija. Kasalanan kasi talaga kasi ito ng asawa ko e, sa sobrang kagustuhan magkaroon ng babae ayan puro lalaki naman ang binigay. Matres ko na ang kusang bumigay at mukhang hindi talaga kami biniyayaan magkaanak ng babae."

"Buti nga ho at yung dalawang bunso niyo lang ang sakit sa ulo, mukhang medyo matino naman po ata yung tatlo?" Hindi pa ako sigurado sa sinabi ko.

Natawa naman siya sa patanong kong sagot. 

"Si Zander matino naman iyan, responsable at mabait na bata pero masyadong seryoso at mukhang pinaglihi sa sama ng loob, mana sa tatay. Ewan ko nga kung masyadong nagseseryo sa buhay na kala mo may pinaggagatusan na malaki kaya todo kayod. Puro trabaho ang inaatupag kaya hindi na ako magtataka kung mauna pa si Caleb na magkagirlfriend," kwento niya sa akin.

Nang tapos na akong magtanim ay kumuha na ako ng gunting na para sa halaman para magtrim ng mga excess nilang sanga. 

"Si Ryder naman hindi ko alam kung kagaya ba nila Matias o kung nagmana ba kay Zander. Madalas kasing may sariling muna ang anak kong iyan kaya minsan hindi ko na rin mabasa kaya sa lahat ng anak ko mukhang kay Caleb nga lang talaga ang maaasahan kong unang magkakaasawa. Matagal pa ata bago ako magkaapo kaya ang mga magiging asawa na lang muna nila ang magiging anak kong babae," patuloy pa niya.

Biglang pumasok sa aking isipan ang naging usapan nila noon sa kusina tungkol sa arrange marriage. Gusto ko sana iyong itanong kaso baka isipin naman niyang tsismosa ako. Pero kung sakaling tuloy nga talaga ang kasalan na iyon paano naman ang babae? Paano kung ayaw naman pala ng babae ang makasal? Edi maaari silang makulong sa kasalang walang pagmamahalan? Kamusta naman kaya iyon? 

Ni minsan kasi hindi na rin narinig pa ang usapan nila tungkol sa bagay na iyon kaya napapaisip ako kung nakansela na ba o matagal pang magaganap iyon, pero bakit ba ako nakikiisyu?

"Si Caleb... May girlfriend ho ba siya?" Iyon na lamang ang tinanong ko.

Natigilan naman si tita Pat sa aking tanong. Hindi ko alam kung tama bang itanong ko rin iyon pero so what I'm being curious.

Hinintay ko siyang magsalita na mukhang napaisip din ata sa tanong ko. Nangunot ang noo ko, hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o kung nakita ko ba talaga na may naglalarong ngiti sa kanyang labi na agad ding nawala.

"Wala.." sagot niya akala ko iyon lang pero dinuktungan niya iyon. "..pero meron siyang fiance."

Kahit alam ko na iyon ay hindi ko pa rin maiwasan ang magulat, so meron talaga?

"Fiance ho?" Umakto akong nagulat. Now I'm curious who's his fiance. Ni wala naman kasing nagagawi ditong babae o nagpapakilalang girlfriend o fiance ng magkakapatid.

Tumango siya sa akin. "Masaya ako dahil magkakaroon na nga ako ng unang anak na babae pero hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot."

"Bakit ho?"

Malungkot siyang tumingin sa akin. "Arrange marriage," simpleng sagot niya.

Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa para makiusisa. Saglit kaming natahimik at inabala ang sarili sa mga halaman. Akala ko ay hanggang doon na lang ngunit muli nanaman siyang nagsalita at nagkwento.

"Matalik na kaibigan ng aming pamilya ang magulang ng babae. Sa kagustuhan ng magulang niya na mapunta sa mabuting kamay ang kanilang anak ay pumayag ito sa kasunduan, kapalit din nito ang pagsanib ng aming negosyo. Kinakailangan din kasi ang kompanya nila para magawa ng asawa kong makapag-export ng goods sa ibang bansa na matagal na rin niyang inaasam."

Mapunta sa mabuting kamay? Why? Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Paano kung ayaw naman pala ng dalawa ang makasal? Pipilitin ba sila? I think sa case ni Caleb, may chance pa siyang magback out at base sa narinig kong usapan nila ay hindi naman pinipilit si Caleb. Its his own choice to accept the marriage, but how about the woman? 

Kaya ba hanggang ngayon ay hindi pa rin naututloy ang kasalan dahil may problema pa sa side ng babae? I'm being to curious now kung sino ang babaeng iyon. If by chance na makilala ko siya, I'll talk to her and maybe if I can be friends with her since we have the same page. If ayaw niyang magpakasal baka tulungan ko pa siyang tumakas kahit alam kong masyado akong nagiging pakielamera.

"So is it alright for Caleb po na ganoon ang maging senaryo?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at malungkot na ngumiti. "Tinanggap ni Caleb ang responsibilidad na iyon kahit hindi naman kailangan. Alam ko din na hindi pa man kami mag-asawa ni Rick ay pinangarap na niyang lumawak ang kanyang negosyo at makilala ito hanggang ibang bansa, pero hindi na iyon natuloy ng maging kami kaya hanggang pangarap na lamang iyon ngayon naman maaari namang itong matupad kapalit naman ng pag-atang ni Caleb sa responsibilidad."

"Kinausap namin si Caleb tungkol sa bagay na ito at without hesitation pumayag siya, we asked him why? Alam mo ang sinabi niya?" 

Umiling ako.

"Sinabi niya... I want to care of her, maybe if we'll know each other, I'll learn to love her." 

Napangiti ako sa aking narinig. How can he be so sweet? Kung kagaya rin siguro ng lalaking nakalaan sa akin si Caleb ay baka pumayag na lang ako incase na hindi talaga ako makatakas. I think Caleb is someone who you will fall in love easily.

"Then the girl must be lucky," tanging komento ko.

Sumang-ayon siya sa akin. "Sana nga.."

"Zea.."

 Napalingon ako kay tita nang tawagin niya ako. "Hmm?"

"Si Zander dapat iyon..."

"Po?"

Muli siyang tumingin sa akin. "Si Zander dapat ang nakatakda sa babae," pagllilinaw niya na siyang nagpagulat sa akin.

"Si Zander? As in yung panganay niyong anak? Yung lalaking pinaglihi sa sama ng loob as in?" gulat kong tanong.

Ang malungkot na ngiti ni tita ay napalitan ng aliw ng makita marahil ang aking reaksyon. 

"Hindi ka ba makapaniwala? Kahit naman mukhang bato iyang anak ko sa panlabas ay may puso pa rin naman iyon." 

Napangiwi ako. "Sorry naman po tita, hindi lang po ako makapaniwala."

"Ayos lang ano ka ba binibiro lang kita. Since siya kasi ang panganay siya dapat ang ipapakasal pero dahil ayaw niya ay napasa iyon kay Caleb. Kung umayaw naman sana si Caleb ay may tyansang hindi rin naman matutuloy ang usapan."

Napatango-tango ako. "Eh bakit ayaw daw ni Zander?"

"Hindi pa siya handa para doon. Mas nais niya kasing ibaling ang sarili sa trabaho kaysa sa pag-atang ng responsibilidad kapag nag-asawa siya. Ayaw niya rin sigurong mawalan ng oras sa babae dahil sa pagtratrabaho niya."

Napaingos ako. Hmmp. Ang ibis sabihin niya kamo ay hindi siya marunong mag-alaga o walang ka-amor amor pag dating sa pag-ibig. Sure akong wala pa ngang na-date ang lalaking iyon. Ni crush nga ata hindi nagkaroon iyon.

Natapos na rin kami sa hardin at nagpasyahan na namin pumasok sa bahay para kumain. 

"Zea, Hija.." Saglit akong huminto sa paglalakad at tumingin kay tita Pat.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ng babae at isa sa kanila ang nakatakda para pakasalan mo sino ang pipiliin mo?"

Natigilan ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung bakit nagawa akong tanungin ni tita tungkol dito gayong wala naman akong alam sa ganito.

Pero kung hinihingi lang niya ang opinyon ko ay wala naman sigurong masamang sumagot.

"I'll choose Caleb, tita." Simpleng sagot ko. Syempre sa mga nalaman ko sa kanya mas malaki ang tyansa ko kay Cleb kaysa kay Zander na masyadong misteryoso.

Ngumiti lamang siya at tumango-tango na tila naunawan ang aking sagot. Ngumiti na lang rin ako at muling naglakad pero muli ring natigilan ng magtama ang tingin namin ng lalaking nakatayo lang sa may pinto at mukhang may hinihintay.

Napakagat ako sa aking labi at nahihiyang umiwas ng tingin. Oh my.. Did he heard us?

"Zander, anak handa na ba ang tanghalian?" Salubong ni tita sa anak. Nauna na itong naglakad kaya nasa likod lamang nila ako.

Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanila lalo na sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko ay bumabalik din sa aking isipan ang nangyaring landian sa pagitan namin. Kahit naman ganito ako ay marunong pa rin akong makaramdam ng hiya.

"Yes, nay ikaw na lang ang hinihintay."

"Naku ganoon ba? Napasarap kasi ang kwentuhan namin nitong si Zea kaya hindi na namin namalayan ang oras."

Naglakad na kami patungong dining area at nakitang kompleto na nga sila at si tita na lang ang hinihintay. Naupo na ito sa tabi ng asawa ganon din si Zander. Ako naman ay naglakad na papuntang kusina para kumuha na rin ng makakain ko.

"Zea!" Napabaling ako kay tita ng tawagin niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Po?" Hindi ko tuloy maiwasan ang mahiya dahil lahat ata sila ay nakatingin sa akin pati ang asawa niya.

"Halika na dito at dito ka na lang kumain," sabi niya.

Napanganga ako at hindi makauhap ng sasabihin kaya umiling na lang ako.

"Naku itong batang ito, huwag ka ng mahiya at halika na dito."

"Hindi na po, doon na po ako kakain." Turo ko pa sa kusina. 

"Huwag ka ng mahiya, Zea. Sumabay ka na sa amin." Napabaling pa ako kay Caleb na sumabat pa.

Lumibot pa ang tingin ko sa magkakapatid na mukhang gusto ring sumabay ako. Nahinto pa kay Zander na tanging hindi nakatingin sa akin at mukhang walang pakialam sa presenya ko. Hmmp.. kala mo naman hindi nakapaglandian sa akin.

Wala na akong nagawa kaysa pilitin nila ako ng pilitin ay baka hindi na sila makakain pa kaya naupo na lang din ako. Ang tanging pwesto na lamang ang availble ay sa tabi ni Ryder kaya doon na ako naupo. Mabuti na lamang. Ngumiti naman siya sa akin kaya ginantihan ko iyon.

Nagsimula na kaming kumain at marahil dala na rin ng gutom ay nawala na ang aking hiya. Tahimik lang din akong kumain.

"Nay, birthday nga pala ng apo ni mang Ispe si Lani," panimulang kwento ni Agusto.

Apo ni mang Ispe? I don't know that. Napaangat ako ng tingin para makiusyoso.

"Ay oo nga ano? Nalimutan ko rin. Mamaya nga at makadaan sa bayan para makabili ng regalo. Ilan taon na nga ba siya? Disye-syete?"

"Yep."

"Dalagita na pala talaga ang apo ni Mang Ispe, malapit ng mag-debut."

Nagpatuloy ako sa pagkain habang nakikinig sa kanila.

"Inaaya nga kami ni mang Ispe mamayang gabi daw simpleng salo-salo lang at inuman."

"Hay nako Agosto, umayos ka doon ah kayong dalawa ni Matias at ayokong umuwi kayong sakit sa ulo. Huwag niyo ng idamay itong si Ryder ha at baka magkaroon din ng sapak sa ulo," suway ng nanay nila.

"Luh nay naman, grabe ka naman po sa amin," sabi ni Matias.

"Anong grabe ka diyan. Subukan niyong umuwi ng may sapak at pagsisipain ko pa kayo. Doon ko kayo patulugin sa kuwadra."

"Minsan na nga lang iinom.." rinig pang bubulong-bulong ng dalawa.

"Si Zea baka gustong sumama," rinig ko sabi ni tita na nagpaangat ng aking tingin.

"Po? Hindi ko lang po alam. Nakakahiya naman po, kung pupunta ako hindi rin naman ako imbetado." tanggi ko.

"Tama, sama ka sa amin mamaya Zea," sang-ayon ni Matias.

Pasimple ko siyang tinaasan ng kilay habang siya ay ngisi-ngisi naman. Ano nanaman balak ng mokong na 'to.

"Anong tama ka diyan? Ikaw tatamaan ka sa akin kapag may ginawa kang kalokohan dito kay Zea ha. Malilintikan ka sa akin kapag may nangyari sa batang ito."

"Don't worry 'nay, nandon naman kami ni Zander para samahan si Zea," biglang sabi ni Caleb.  

"I'm not going," biglang sabat ni Zander.

"Oh? Bakit naman?" takang tanong ng nanay.

Nakita kong kumibit-balikat lang ito kaya napaingos ako. Kahit sa nanay talaga, grabe siya.

"Oh siya, kung gusto mo naman sumama Zea ay dumikit ka lang dito kay Caleb at huwag ng sumama sa tatlo at wala akong tiwala sa mga ito."

"Grabe ka nay!"

Pinandilatan sila ng nanay nila. "Reklamo pa kayo diyan?"

Biglang tiklop na lang ang dalawa. Napailing na lang ako at natawa. 

Tumingin ako kay Caleb na nakatingin din pala sa akin. Katapat ko lang din kasi siya.

"Try mo sumama, just enjoy yourself there," pangungumbinsi pa niya sa akin.

Tumango naman ako. "Nakakahiya kasi, wala rin naman akong kilala doon, kahit yung birthday celebrant nga di ko knows eh."

Natawa pa siya. "Don't worry I got you."

Sa sinabi niyang iyon ay parang nakaramdam pa ako ng kilig na tinago ko din at baka mahalata pa ako. Am I having a crush on him na ba? Siguro slight lang. Ang gentleman niya kasi e. Hayss.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status