Share

KABANATA 3

NO WAY IN HELL I'LL LET HIM CONTROL MY FUTURE!

Hindi porket apo niya ako at hawak niya ang kompanya ay magagawa na niya ang lahat ng gusto niya.

I live without my parents for almost 14 years since they died. I am already 26 years old. Nagawa kong mabuhay ng mga taon na iyon na hindi humihingi ng sustento sa lolo ko. May pera naman kasi akong nakukuha na mula kay mama, since she had her own business. Kay papa kasi ay naka-hold kay lolo.

That's why I hate him for that. That's his way to control me pero nagkakamali siya.

Lahat ng perang nalilikom ko galing kay mama ay inipon ko at nakapagtayo ng sariling negosyo under the name of Zea Sancheco, came from my second name and the surname of my mother. It's a secret dahil pag nalaman ni lolo yun panigurado ay ipapasara niya ang bar ko.

Bar is my life doon ko lang nararamdaman kung gaano ako kalaya.  I can do whatever I want, but for the mean time no bars ahead 'coz I need to escape.

Akala naman ni lolo mapipigilan niya ako, pwes hindi.

I get all the important things I needed. All of my different cards, money, clothes--simple clothes to be exact kailangan kong baguhin ang katauhan ko kung gusto kong hindi niya ako mahanap.

Pumasok ako sa closet at kinuha ang isang box kung saan naglalaman ng luma kong damit. Simple shirts and pants. Nilagay ko ang mga ito sa travel bag ko.

Mamaya daw makikilala ko yung lalaking ipagkakasundo sa akin kaya kailangan ko ng umalis dito. It's still five in the morning kaya maaga pa at medyo madilim rin kaya kailangan kong bilisan ang kilos bago pa lumiwanag ng tuluyan. Kailangan ko ring maging maingat lalo na't maraming bantay.

Sumilip ako sa bintana kung makakadaan ako doon pero kita ko naman na maraming bantay na nagkalat kaya no choice ako kundi sa pinto dumaan.

Bitbit ang bag ay lumabas ako ng aking kuwarto nang masigurong walang ibang tao sa hallway.

I tiptoe like a thief. Sumilip ako sa may hagdan, walang ibang tao kaya dahan-dahan akong bumaba papuntang kusina. May backdoor kasi doon na pwede kong paglabasan. Nagkataon namang wala pang katulong sa kusina dahil maaga pa naman. Kaya nakalusot ako.

Sumilip ako at nakita kong may dalawang bantay ang naroon.

Nag-isip agad ako ng plano kung paano ko sila paalisin. Huminga muna ako ng malalim at nilapag muna ang bag ko malapit sa basurahan para matago.

Pagkabukas ko ay agad na napatingin ang dalawa sa akin.

"Ma'am--" Pinutol ko agad ang kanyang sasabihin.

"Ooopss... Stop I just want you to help me."

"Ano po yun Mam?" Sagot naman ng isa.

"Gusto ko kasi magtanim ng mga halaman sa garden ang kaso nasa storage yung mga gamit pananim at hindi ko naman sila kayang dalhin lahat. Can you bring them ba sa may garden? Doon niyo ilagay yung mga paso. Isasabay ko na yung mga ilalagay ko sa veranda para naman maganda ang nakikita ko tuwing umaga." Nagkatinginan naman ang dalawa bago tumango.

Idiot! I secretly smiled in victory.

Nang akmang papasok sila sa pinto ay agad akong humarang. Nangunot ang noo nila ngunit matamis lamang akong ngumiti. "Sa kabila na kayo dumaan para mabilis kayong magtransfer. Dudumihan niyo lang ang loob kung dito pa kayo papasok. Kaya go! Bilis para mabilis akong matapos." Pagtataray ko pa.

Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod. That's right stupid!

Nang mawala sila ay mabilis akong kumilos. Kinuha ko ang bag ko at dumeretso sa may mga puno at doon nagtago.

Our mansion have this mini forest kasi kaya alam kong walang makakakita kung doon ako dadaan at aakyat ng pader para makalabas.

Kinuha ko mula sa bag ang tali na kinuha ko din kanina, hinagis ko ito sa may sanga ng puno pero sumablay kaya umulit ako.

"Come on. Makisama ka!" Inis kong bulong at hinagis itong muli.

"Yes!" Agad kong hinatak ito upang mabuhat ang bag na tinalian ko ng lubid sa dulo. Nang makarating sa taas ay tinali ko muna ito sa puno bago umakyat.

Hindi naman ako nahirapan dahil nakasanayan ko nang tumakas noong highschool hanggang mag-college pa ako kapag hindi ako pinapayagan ni lolo na lumabas.

Nang makarating sa taas ng puno ay tinanggal ko na sa pagkakatali ang bag ko at binuhat bago tumuntong sa pader. Buti na lang kapantay ng puno ang pader kaya di na ako mahihirapan tumawid.

Gamit ang lubid ulit ay hinagis ko ito upang maging daan ko pababa ng pader. Hinagis ko muna pababa ang bag bago sumunod. Naka-gloves na rin ang aking kamay upang hindi ako masaktan.

Nang masiguradong matibay na ang pagkakatali ay agad akong dumadausdos pababa.

Nakahinga ako ng malalim ng makatapak na ang paa ko sa lupa. Di na ko nagpatumpik pa at agad na sinukbit ang bag sa likod ko bago tumakbo palayo.

Wala naman kasing makikitang taxi dito sa village kaya kinailangan ko pang magpunta sa main gate para makaalis ng tuluyan.

Pagkarating doon ay nakita ko ang guwardiya na natutulog kaya mabilis akong nakalabas.

Nang makakita ng paparating na taxi ay hindi na ako nag-asaya pa ng oras at agad itong pinara.

"San po tayo ma'am?" Tanong ng driver pagkapasok ko.

"Ahmm... Sa province kuya o kahit saan basta malayo dito." Hindi ko rin naman kasi alam kung saan ako mananatili.

Bakas sa mga mata ng driver ang pagaalinlangan kaya nag-isip ako ng dahilan.

"Sige na manong. Magbabayad ako kahit magkano basta ilayo mo lang ako dito kuya. Please manong hindi ko na kasi kaya yung pananakit ng asawa ko. Nasasaktan na ko kaya gusto ko ng makipaghiwalay pero hindi ko magawa. Nagkataon naman na wala siya kaya nakatakas ako. Manong sige na, kung may anak ka man at ganun ang nangyari sa kanya syempre ilalayo mo diba manong?" Mangiyak-ngiyak kong sabi. Mas pinag-igihan ko pa ang pag-iyak para effective.

Nakita ko naman na naaawa siya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapangisi.

"Sige na nga ho. Sa San Remigio na lang po kita dadalhin." Sabi nito bago pinaandar ang sasakyan. Napapunas naman ako sa aking mukha. Effective ang teary eyes effect.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyang makalayo. Imposibleng hanapin ako ni lolo sa mga liblib na lugar dahil iisipin non na hindi ko kayang mabuhay sa ganoong klaseng lugar, pero kailangan ko pa ring makasigurado.

Bigla ko namang naalala na kailangan ko palang mag-withdraw ng pera.

"Manong saglit lang pala pakidaan muna po sa mall. Mabilis lang ako, dadagdagan ko na lang yung bayad basta antayin niyo lang ako." Tumango naman ito kaya tumigil kami sa isang mall.

Alam ko ang mall na to kaya hindi na ako nahirapan na hanapin ang isang bangko.

"Ma'am I'm sorry but your card is on-hold po." Hinging pasensya ng babae pagkatapos iabot sa akin ang card.

"What!?" Talagang naninigurado si lolo, pero mautak din naman ako.

"Here try this one." Sabay abot ng isa pang card. Kinuha naman niya ito at agad na iniswipe.

"I'm sorry ma'am, its also on-hold." Hindi makapaniwalang napatingin ako sa babae.

"You sure?"

Tumango naman siya kaya halos mapamura ako. This is damn bullshit! Paano niya nalaman?

May isa pa kasi akong card ng pera. Its a secret, walang alam si lolo na gumawa ako ng secret account, but how come na alam niya? Inis na lumabas ako ng banko at sumakay muli sa taxi.

"Tara na manong."

Buti na lang may 30,000 pa ako in cash pero siguradong kailangan kong magtipid lalo na at wala akong trabaho. Wala ako ng lahat.

Inabot ng halos isa't kalahating oras bago makarating sa sinasabi ni manong na San Remigio.

Inabutan ko si manong ng 1,000. "Mam sobra po ito."

Ngumiti na lamang ako. "No. Your a great help manong kaya tanggapin mo na." Wala na rin siyang nagawa ng ipilit ko sa kanya iyon.

Bitbit ang aking bag ay naglakad-lakad ako. Buti na lang ay makulimlim pero maiwalas kaya hindi ako nangangamba na uulan.

Sa aking paglalakad ay nakarating ako sa isang may malaking gate. Ito ang unang bahay na nakita ko dahil kanina puro bukid at malawak na sakahan lang ang nakikita ko kaya agad akong lumapit sa may gate. Wala akong nakikitang tao bukod sa napakalaki at napakalawak na lupain ganun din ang puting bahay o matatawag nga bang ganon dahil sa laki. Maituturing na ata itong isang hacienda.

Panigurado sobrang yaman ng nakatira dito.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago pasimpleng pumasok sa gate. Pagod na ako dala ng mahabang lakaran kaya siguro naman pwede ako manatili dito, makapagpahinga lang ako.

Nang makapasok ay hindi ko maiwasan ang mamangha sa paligid. Kung sa amin ay masyadong modernized ang paligid, dito naman parang classic, match with historic design parang makaluma ang hacienda pero bakas dito na pinanatili itong matibay at napakaganda. Para bagong tayo.

Napakahaba din ng lalakarin bago makarating sa hacienda kaya makikita mo ang mga puno, mga halaman na nagpapatingkad lalo sa ganda ng paligid.

Napakasariwa din ng hangin na hindi mababakasan ng polusyon.

It feels like a paradise!

Habang naglalakad ay napatigil ako ng makita na kotse mula sa hacienda na iyon ang lumabas kaya agad akong nagtago sa may puno.

Napasimangot naman ako ng makita kung gaano ka-garbo at modern ang kotse.

Feeling ko kasi nakasira yon sa classic design ng paligid.

Pero kung hindi ako nagkakamali ay isa iyong 2017 Ferrari GTC4Lusso maganda yung kotse. Kulay white ito.

Hindi ko siya madescribe dahil wala naman akong alam sa mga kotse.

Nang makaalis ito ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Who the hell are you?" Tila nanigas naman ako sa aking kinatatayuan ng makarinig ng boses mula sa aking likuran.

Napakagat naman ako sa aking labi at unti-unting pumihit upang harapin ang taong iyon.

***

LAHAT ng katulomg sa mansion ng Dela Verde mansion ay abala sa paghahanda para sa magiging panauhin nila, ang mga Montealegre.

Habang naglalakad ang Don ay hindi niya maiwasan ang mapahinto sa tapat na pinto ng kanyang apo.

Hinawakan niya ang doorknob ngunit nagdadalawang isip siya kung haharapin niya ba ang apo.

Napahinga na lamang siya ng malalim at hindi na tinangka pang pumasok.

Sa isip niya ay baka nais ng apo na mapag-isa at mag-isip para sa planong inilatag niya para sa kanya.

Ginagawa lang naman niya kung anong makabubuti para sa apo. Hindi niya nais na iwanan ang apo na nag-iisa sa buhay.

Kung magkakaroon ito ng sariling pamilya ay mapapanatag ang kalooban niya bago pa man siya mawala sa mundo. Pakiramdam niya kasi hindi na rin naman na siya magtatagal kaya ginagawa na niya ang lahat para sa apo.

Bumaba na lamang siya upang salubungin ang mga paparating na bisita.

Isang oras at handa na ang lahat ng magpasya ang Don na ipatawag si Stefalia. Pinaalalahan naman niya ito kanina na mag-ayos.

Agad na nagtungo ang matandang mayordoma sa kwarto ng babae ngunit nagtaka siya at nakaramdam ng kaba ng hindi makita si Stefalia sa buong kuwarto.

Dali-dali naman siyang dumalo sa Don at sinabi ang masamang balita.

"Nawawala si miss Dela Verde, Don." Kinakabahang untag ng mayordoma.

"What!? Papaanong nawawala ang aking apo? Maraming guwardiya sa paligid kaya imposibleng makatakas ang aking apo! Magmadali ka at tawagin ang mga bantay!"

"Opo, opo masusunod." Sagot nito bago sinunod ang utos ng Don.

Napahilot na lamang sa kanyang sentido ang Don dala ng inis at pag-alala sa maaaring mangyari kung tumakas nga talaga ang kanyang apo.

"Don narito na po ang lahat ng bantay." Sabi ng mayordoma pagkaplapit sa Don.

"Sino ang nakakita sa aking apo?" Seryosong saad ng Don.

Nabaling naman ang lahat sa dalawa ng makita na humakbang ang mga ito.

"Kami ho Don."

"Nasaan ang aking apo?"

"Don kanina ho ay inutusan kami ni miss Dela Verde na bitbitin ang mga kakailangan daw niya sa kanyang pagtatanim. Sinunod namin ang kanyang utos ngunit pagbalik namin ay wala na po siya, Don." Paliwanag ng isa.

"Mga tonto! Stupido! Hindi mahilig magtanim ang apo ko! Sinabi ko sa inyo na wag niyong hahayaan na makatakas ang aking apo."

"Don hindi ho namin alam--"

"Malamang hindi niyo alam dahil wala kayong alam pero pinaalalahan ko kayo na maging maingat sa mga gagawin ng apo ko kung kinakailangan wag niyong sundin ang kanyang inuutos gawin niyo pero nagpauto kayo, kaya anong resulta!? Nawawala ang apo ko! Ngayon magsigawa kayo ng paraan kung paano siya hahanapin. Malalagot ang lahat kapag hindi niyo makita si Stefalia!" Galit na sigaw ng Don.

Mariin naman siyang napapikit ng bahagyang makaramdam ng kirot sa kanyang puso. Napaupo siya sa may sofa at marahang hinilot ang d****b.

Nataranta naman ang mayordoma at agad na pinatawag ang nurse na pinagpanggap ni Don bilang isang katulong.

Ayaw ng apo niya na malaman ang kanyang dinaramdam.

"Magpahinga na muna kayo Don. Sinabi ko na po sa inyo maging maingat sa emosyon niyo. May sakit na ho kayo sa puso at kailangan na mag-ingat." Sabi ng nurse matapos siyang i-bp at inalalayan ng makapasok sa kanyang kuwarto.

"Kami na hong bahala Don. Magpahinga na muna kayo at sasabihan namin kayo agad kapag nandyan na ang bisita." Saad ng mayordoma bago sila umalis.

Napapikit na lamang siya habang nakahiga. Asan ka na aking apo?

Inaalala na lang ng Don na sana, nasa maayos na kalagayan ang apo dahil hindi niya alam kung kakayanin pa niya kung isang buhay nanaman ang mapapahamak.

V I X I U S V I X X E N

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status