Share

CHAPTER 5

Author: Loen Scorp
last update publish date: 2026-08-05 23:17:14

BAGO pa siya makilala ng kaharap ay kailangan niya nang makaalis sa lugar na iyon. Lumakas ang tibok ng puso ni Dianne sa hindi niya malamang dahilan. Bigla siyang nakaramdam ng kirot at hindi niya alam kung saang parte iyon ng katawan niya.

Umiwas siya ng tingin at walang paalam niyang tinalikuran ang mga kaharap.

Nakakadawang hakbang pa lamang siya nang bigla niyang marinig ang isang pamilyar na boses.

“Yanny?”

Umalsa ang kaba sa dibdib niya nang marinig ang boses nito. Sampung taon na ang nakalipas mula noong huli niya itong marinig. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang tinatawag sa pangalang iyon.

She was definitely right. It was him, Ruan Marquez.

“Yanny, ikaw ba 'yan?” muli nitong tanong.

Hindi niya alam kung saan siya makakakuha ng lakas upang harapin ang lalaking tumatawag sa kanya.

Narinig niya ang paghakbang nito at alam niyang papalapit na ito sa kanya kaya't mabilis siyang naglakad papalayo rito.

“Ruan, kilala mo ba siya? Parang hindi ka naman niya kilala, ah,” narinig niyang wika ng babaeng nakabangga sa kanya.

Mabilis siyang nakalayo at pumapara na siya ng taxi hanggang sa may taxi ngang tumigil sa kanyang harapan.

Bago pa niya mabuksan ang p***o ng taxi ay naramdaman niyang may humawak sa kanyang palapulsuhan.

Nanlambot si Dianne nang maramdaman ang malamig na palad na iyon.

“Yanny, sandali. Alam kong ikaw 'yan,” wika nito sa matigas na tinig at hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak.

Sandali siyang natigilan at muling isinara ang p***o ng taxi. Nagpasya siyang harapin na lang ito. Siguro nga ay totoo ang sinasabi nila, “It's a small world after all.”

“Ruan? Ruan Marquez, am I right?” Nakangiti at naniningkit ang mga mata niyang tanong dito. Tama, magpapanggap na lang siyang hindi niya ito kaagad nakilala.

Hindi niya aakalaing makakaisip pa siya ng paraan sa ganoong klaseng sitwasyon. Samo't saring emosyon ang kanyang nararamdaman. Kahit saan at kahit kailan pala ay umaandar ang katalinuhan niya.

“S-sorry, ha. 'Di kita agad nakilala. It's been a long time,” marahan niyang binawi ang kanyang kamay.

Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya sa mga nangyayari. Pangiti-ngiti siya, tapos wala namang kaemo-emosyon sa mukha ang lalaking kaharap at nakakunot-noong nakatingin lang ito sa kanya. Great! Nagmumukha lang siyang tanga.

Hindi na natutuwa si Dianne. Kinakabahan siya at para siyang kakapusin ng hininga dahil sa lalim ng titig nito sa kanya.

“Do you know each other?” tanong ng babae na kaagad na nakalapit sa kanila.

“Y-yeah, we're high school buddies, right, Ruan?” kaagad niyang sagot sa nanginginig na boses. Nakita niyang napatango naman ang babae na parang naniniwala talaga sa mga sinasabi niya. Hindi pa rin nagsasalita si Ruan at nakatitig lang ito sa kanya. Magpapaalam na sana siya nang bigla itong magsalita.

“High school buddies?” nakita niya ang pagguhit ng isang pekeng ngiti mula sa labi ni Ruan. “Alam kong hindi iyon ang kuwento, e.” Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay marahas nitong muling hinawakan ang kanyang kamay.

Nagulat si Dianne nang biglang pumara ng taxi si Ruan habang hindi pa rin siya nito binibitawan.

“T-teka, s-sandali!” singhal niya rito pero parang wala itong naririnig. Napatingin siya sa kinaroroonan ng babae at kitang-kita niyang naguguluhan itong nakatingin sa kanila.

“N-nasasaktan ako, ano ba?” patuloy siya sa pagbawi ng kanyang kamay pero kulang ang lakas niya kaysa sa lakas nito.

“Bakit? Tatakasan mo na naman ako at pagtataguan?” wika nito habang pumapara pa rin ng taxi.

Wala pang ilang minuto ay may taxi nang tumigil sa harapan nila. Buong puwersa siya nitong ipinasok sa loob.

“Abby, don't wait for me. Magkita na lang tayo bukas.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad din itong pumasok sa loob ng taxi.

Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito? Kinikidnap ba siya nito?

“Ano ba, Ruan?! What are you doing? See, I have an appointment pa. I will be late!” singhal at pagsisinungaling niya sa katabi.

“Relax. Gusto lang naman kitang makausap,” wika nito na hindi man lang siya tinitingnan.

“Stop the car,” utos niya sa driver.

Napukaw ang isang emosyong matagal nang binaon ni Dianne sa limot. No! Wala na silang dapat pag-usapan pa.

Bakit ba hindi na lang hayaan ng tadhana na hindi na sila muling magkita pa?

“I said, stop the car!” sigaw niya sa loob ng sasakyan dahil parang walang narinig ang driver.

“Don't mind her, just keep driving. I'm an investigator and she's my subject. Drop us at Palm Hotel,” utos nito sa driver matapos ipakita ang ID na hinablot mula sa bulsa ng suit nito.

Kitang-kita ni Dianne ang namumuong galit sa mukha ng katabi.

“Pinagtaguan mo na ako noon. But no, not this time! Ipaliwanag mo kung bakit mo ginawa sa'kin ang bagay na 'yon.”

Walang nagawa si Dianne kung hindi ang manahimik na lang. Kung ano man ang gagawin ni Ruan sa kanya ay hindi niya alam. Isa lang ang naiisip niya, magtatanong ito ng mga dahilan kung bakit niya ito iniwan noon.

Pumasok sila sa isang hotel at hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay kahit patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas. Pinagtitinginan sila ng mga staff ng hotel at mas lalong nainis si Dianne. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng mga ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Don't Leave Me Loving You   CHAPTER 19

    "D-DIANNE? A-are you okay?"Tila nagising siya sa isang masakit na panaginip nang muling nagsalita si Abby. Tinatangay siya ng nakaraan at nagbabadyang mangilid ang mga luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya para sa sarili, at para kay Ruan."Y-yeah, I'm fine... Abby, if you don't mind, can I go now?--"Biglang bumukas ang pinto, at nakita niyang papasok na si Ruan, bitbit nito ang isang paper bag. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi ni Ruan."Is that my clothes?" tanong niya sa binata na nakatingin lang sa kanya."Thank you, but I really need to go." wika niya habang papalapit kay Ruan para kunin ang mga damit sa loob ng paper bag, pero pinigilan siya ni Abby."Dianne, wait. I

  • Don't Leave Me Loving You   CHAPTER 18

    "Mayamaya, nadiyan na 'yon. Besides, nandito ka na rin lang, dito ka na rin mag-breakfast." wika nito habang nilalabas sa paper bag ang mga pinamili."By the way, I'm Abbigail Carantes. You can just call me Abby. I'm Ruan's partner in our investigation department. We're both private investigators, in case you want to know. Diyan lang sa kabila ang room ko, pero sabay kaming kumakain ni Ruan, kaya nandito ako ngayon." pagpapakilala ng kaharap sa kanya.Private Investigator na pala si Ruan? Oo nga pala, natatandaan niyang pangarap ngang maging detective ng binata noon."I'm Dianne, Dianne Drillon." pagpapakilala niya sa sarili."Yeah, alam ko. Kilala na kita." wika ni Abby na naghuhugas na ng mga gulay na pinamili nito."Kilala

  • Don't Leave Me Loving You   CHAPTER 17

    DAHAN-DAHANG napadilat si Dianne nang maramdaman ang sakit ng ulo niya. Napaupo siya mula sa pagkakahiga at napahilot sa sentido. Ganoon na ba karami ang nainom niya kagabi, kaya't parang pinupukpok ng isang matigas na bagay ang ulo niya?Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang tuluyang bumukas ang mga mata niya. Wala siya sa hotel na tinutuluyan niya at hindi niya alam kung nasaang kuwarto siya. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid at unti-unti niyang naalala ang lahat.Uminom siya sa loob ng kuwarto niya kagabi, dahil biglang bumalik sa alaala niya ang nakaraan at lahat ng nangyari sa kanila ni Ruan. Naisip niyang kagagawan niya pala ang lahat kung bakit nawala ang mga magulang niya at kung bakit nasaktan niya noon ang binata. Sa sobrang sakit na naramdaman niya at galit niya sa sarili, 'di niya napigilang uminom nang marami.

  • Don't Leave Me Loving You   CHAPTER 16

    Sino naman ang maghahanap sa kanya sa ganitong oras?Sinulyapan niya ang wristwatch at nakita niyang alas tres na ng umaga. Ilang oras pa lang ang naitutulog niya mula noong umuwi sila ni Abby galing sa bar kagabi.Napaupo siya sa kama at napahilot sa sentido. Masakit ang ulo niya dahil sa dami ng nainom kagabi. Nakapikit niyang tinungo ang pintuan na hindi naman kalayuan sa kama niya. Naiinis na pinihit niya ang seradura ng pinto dahil wala pa ring tigil sa pagkatok ang tao sa labas.Kasabay ng pagdilat ng mga mata niya ang laki ng pagkagulat niya nang makita kung sino ang nasa harapan niya. Biglang nawala ang antok niya.Dianne is standing in front of him, with her messy long hair. Naniningkit ang mga mata nito at namumula ang buong mukha. Amoy na amoy niya ang alak na

  • Don't Leave Me Loving You   CHAPTER 15

    NILAGOK ni Ruan ang isang baso ng tequila, habang pilit na winawaksi sa isipan ang mga mapapait na alalang iyon.Hindi na siya nag-abalang sundan pa si Dianne kanina noong umalis ito, dahil alam niya na napakainit pa ng tagpong iyon para sa kanilang dalawa. Fate is playing a cruel trick on him, again.Dumerecho siya sa isang exclusive na bar malapit sa hotel na tinutuluyan niya, at inanod niya ang sarili sa pag-inom. Sampung taon niya nang kinalimutan ang lahat at hindi niya aakalaing darating ang panahong ito, na makikita niyang muli sa hindi inaasahang pagkakataon ang babaeng nanakit at nag-iwan ng hindi maiburang marka sa puso niya.The face of that woman is glued to his mind, na kahit anong gawin niya ay hindi mawala-wala sa paningin niya ang kabuuan nito, magmula nang muli niya itong makita kanina. Napakarami n

  • Don't Leave Me Loving You   CHAPTER 14

    "Yanny? Please, kausapin mo naman ako. Ano bang kasalanan ko? Sabihin mo, bakit ka umalis? Anong problema?" malakas niyang sigaw. Sa tingin niya ay naririnig siya ng dalaga."Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!"Napatigil si Ruan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, ngunit ganoon pa man ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagdo-doorbell at pagkatok sa gate. Nababasa na ang bag niya kaya't minabuti niyang kunin ang wallet at cellphone sa loob noon at ibulsa sa loob ng black leather jacket niya."Yanny? Please naman, oh—"Napatigil siya sa pagsigaw nang biglang bumukas ang gate at lumabas galing doon ang katulong na nakausap niya kanina, at may dala itong payong."Sir, umalis na po kayo at baka maabu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status