Share

Kabanata 29

AIRISH

"ISA siya sa mga kinabubuwisitan ko. Ano? Okay na?" sabi nito sa 'kin.

"Totoo bang kaibigan mo si Eljoe?" bigla kong tanong dahilan at sumeryoso pa ang tingin nito sa 'kin.

"Hindi," mabilis niyang tugon.

"Dean. Pang-limang araw ko na sa lugar na 'to. At sa bawat araw ng pananatili ko rito, may naririnig, nararamdaman at nakikita akong hindi ko alam pero parang s-sign. Parang may dapat akong malaman," sabi ko. Kumunot bigla ang noo niya dahil sa sinabi ko at saka siya natawa ng tila nang-iinsulto.

"Ano 'yan? Magic?" Natatawang tanong nito.

"Dean, hindi ako nakikipag-biruan. Ikaw ang nakakaalam ng mga nangyayari kaya ako nagtatanong sa'yo. Gusto kong malaman ang buhay ni Eloisa," sabi ko.

"Hindi mo na kailangang malaman pa," sabi lang nito.

"Bakit ba ayaw mong sabi--"

"DAHIL WALA NA SIYA!" Tila nabuhusan ako ng semento sa buong katawan dahil bigla akong napahinto dahil sa sigaw niya. Para siyang hinihingal na ewan habang matalim na nakatitig sa 'kin.

Inis siyang lumabas sa tent
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status