Share

Kabanata 2: He Caught Her

Penulis: Rouzan Mei
last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-26 18:05:18

AIRISH

Kinagabihan, pagtapos kong maligo ay may inutos si lola sa 'kin.

"Apo, pakibukas naman yung TV oh? Gusto kong manood ng balita," sabi nito kaya kaagad ko itong binuksan.

Nang mailipat ko ang channel ng tv sa balita ay kaagad kong tinuon ang sarili ko para sa pag-aayos. Papasok na naman ako mamaya sa club.

"Kasalukuyang hinahanap ng pulisya ang lalaking most wanted sa buong bansa na si Dean Amresel matapos nitong magsagawa ng eksena sa tapat ng camp crame. Ayon sa mga nakatunghay ng pangyayari ay nagwala ito sa nasabing lugar at nagpasabog ng bomba ng iilang mga dumaraang sasakyan..."

"Grabe naman itong taong 'to! Ano ba ang nangyayari sa bansa natin? Bakit nila hinahayaan ang gan'yang klaseng tao?" sambit na lamang ni lola dahil sa pinapanood niya sa balita. "Hija, magdodoble ingat ka, ha? Marami na ang mga kriminal sa paligid."

Tumingin na lamang ako kay lola at ngumiti. Akmang ibabalik ko ang sarili ko sa pag-aayos ngunit napukaw sa pansin ko ang lalaking pinaghahahanap sa balita.

"Ayon kay Inspector Jake Warren ay nakakuha na sila ng lead kung saan matatagpuan ang mga ito ngunit hindi nila natitiyak ang balak nilang pag-aresto dahil sa dami ng kasama sa grupo ni Dean Amresel..."

Napako ang tingin ko sa litrato ng wanted na lalaking nasa balita. Kahit wala siyang pintura sa mukha ay tandang-tanda ko ang buong hulma ng hitsura niya.

Siya ang lalaking tumambang sa 'kin kagabi.

"Hindi kami titigil sa pagtugis kay Amresel dahil halos bawat bayan ay pinuntahan niya at nagkalat ng bala at bomba. Kinailangan din naming maghigpit sa bawat lugar na maaaring pagdaanan ng grupo ni Amresel para mahuli ito kaagad..."

Nakaramdam na lamang ako ng malalakas na pagtibok ng puso ko sa kaba at takot. Kung gano'n, ang lalaking iyon ay hindi lang basta kriminal. Isa siyang most wanted criminal sa bansa.

"Apo, bakit nakatulala ka pa r'yan? Akala ko ba na nagmamadali ka?" tanong na lamang ni lola kaya't nagising ang natatakot kong pakiramdam. Kaagad akong nag-ayos at minadali ko iyon para makaalis kaagad. "Apo, bakit mo naman pinatay ang TV?" takang tanong ni lola dahil sa ginawa ko. Sa sobrang takot ko sa napanood ay pinatay ko kaagad ang telebisyon.

"B-Basta po, lola. I-I-lock niyo po 'tong bahay, ha? Huwag na huwag po kayong lalabas," sabi ko na lamang kay lola.

"H-Ha? Ano bang--"

"Basta po, lola," mabilis kong sabi dahilan at mabilis din siyang natigilan.

"S-Sige," sagot na lang nito kahit nagtataka siya sa kinikilos ko.

NAGPAALAM na 'ko kay manager na agahan ang performance ko para makauwi rin ako kaagad. Hindi ko alam pero dahil sa nalaman ko ay hindi na ako naging komportable.

Nang mag-play na ang sexy dance music, lumabas na kaming mga sumasayaw at nag-umpisang gumiling-giling sa harap ng maraming customers. Kaagad naghiyawan ang mga iyon at nagsipaglabas ng pera para sa amin.

"AHHH!" Napasigaw na lang kaming mga nasa club at napadapa nang may magpaputok ng barıl. Habang nakapikit akoc't nakabaluktot sa takot ay naramdaman ko na may naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Halika rito!"

"'Yan! Damputin 'yan!" sabi sa 'kin ng dalawang lalaking may pintura sa mukha at dinala ako palabas ng club. Pinipilit kong magpumiglas sa kanila ngunit mas malalakas sila sa 'kin.

"Ano ba?! Bitiwan ninyo ako! Mga hayop! Tulong! Tulong!" sigaw ko ngunit parang walang nakakarinig sa 'kin.

Nakita ko na lang ang tatlong sasakyan at maraming nakasakay ro'n na mga may pintura rin ang mukha. At dahil do'n, nagsunod-sunod ang pagtibok ng puso ko sa takot.

Ang grupo ng mga kriminal!

Pilit nila akong isinakay sa sasakyan habang hawak-hawak ang magkabilang braso ko. Halos sigaw pa rin ako nang sigaw para humingi ng tulong kaya't ginawa ng mga ito ay kaagad nilang sinarado ang pinto.

"Dali! Bilis!" sabi na lamang ng isa dahilan at pinaharurot na nila ang sasakyan.

"Hmm!..." daing ko nang may maglagay ng panyo sa ilong ko. May naamoy akong kakaiba at nakapagbigay iyon sa 'kin ng panghihina. Tila umiikot ang buong paligid ko kaya't pilit ko 'yon nilabanan. Unti-unti na lang akong nawalan ng malay hanggang sa dumilim ang paligid ko.

NARAMDAMAN ko na lang ang paggising ng aking diwa kaya't unti-unti akong nagkaroon ng malay. Naramdaman kong nakahiga ako sa isang malakahoy na kama dahilan at mas lalong nagising ang diwa ko.

Nakita ko ang paligid. Para akong nasa isang loob ng bahay na hindi pinturado. Dahil sa naramdamang takot ay iginalaw ko nang bahagya ang kamay ko at ulo.

Teka? Gabi pa rin ba?

Dahan-dahan din akong umupo at nakita ang maraming lalaking may pintura sa mukha habang may hawak na mga armas. Halos mahinto ako sa kinaroroonan ko dahil sa mga ito.

"S-Sino ba kayo?! N-Nasa'n ako?!" tanong ko sa kanila ngunit nakakalokong pagtawa lamang nila ang tanging narinig ko.

"Nasa pwader ko."

Kaagad kong tinignan ang direksyon ng pinanggagalingan ng boses na iyon. Hindi ko siya makita dahil nasa pwesto ko lang ang liwanag.

Narinig ko na lamang ang unti-unti nitong paghakbang patungo sa kinaroroonan ko kaya't nakita ko na naman muli ang mukha ng lalaki.

Siya ang most wanted criminal.

"D-Dean?" tawag ko rito.

"Kilala mo na pala 'ko?" tanong niya at natatawang tumingin ito sa mga mata ko. "Siguro'y dahil sa balita."

"A-Ano'ng kailangan mo sa 'kin? Bakit mo 'ko dinala rito?!" taka kong tanong sa kaniya at hindi inintindi ang sinabi niya. Pinilit ko na lamang ang sarili kong magtapang-tapangan sa harapan niya.

"Dahil gusto kitang makita. Hindi ka ba natutuwa?" sagot nito na mas lalo ko pang ikinatakot.

"I-Ibalik mo 'ko sa pinanggalingan ko. Hindi ka ba naaawa? Mag-aalala ang lola ko sa 'kin at tiyak na kapag nalaman ng pulis kung nasa saan ka, makukulong ka sa bilangguan!" sigaw ko sa kaniya ngunit ngumiti siya sa 'kin nang nakakaloko.

"D-Dean..." sambit kong muli sa pangalan niya ngunit kaagad na lang akong nakaramdam ng gulat nang hawakan niya nang mahigpit ang magkabilang pisngi ko at itinapat ang mukha ko sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya na dumadapo sa pisngi ko.

"Sa tingin mo ba gano'n ako katanga para magpahuli sa mga pulis?" pabulong niyang tanong sa 'kin at narinig ko ang kaniyang pagngisi.

"H-Hindi ako magsasalita. Pakawalan mo lang ako at walang makakarating sa mga pulis. K-Kakalimutan kong nangyari 'to," naluluhang pakiusap ko sa pagiging desperadang gusto kong makatakas.

"Matagal ko ng hinintay na mangyari 'to. Binaliw mo ako ng ilang taon sa pagkawala mo. Hindi mo alam kung ilang araw at gabi akong hindi makakain at hindi makatulog sa imposibleng pag-asang bumalik ka sa 'kin."

Napapakunot na lamang ang noo ko sa pagtataka. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam ang ipinupunto ng sinasabi niya sa 'kin.

"Hmm!..." Bigla niyang binitiwan ang pisngi ko kaya't nakahinga ako nang maluwag. Naramdaman ko na lang ang paghaplos niya sa buhok ko na parang isang bata.

"Uuwi na tayo. Hindi na tayo magkakahiwalay pa," Nakangiti niyang saad sa 'kin habang patuloy sa ginagawa. Kaagad kong iniwas ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hinding-hindi ako sasama sa 'yo! Isauli mo na ako sa lola ko, Dean. Nakikiusap ako sa 'yo," pakikiusap kong muli sa kaniya.

Tumayo siyang bigla at napalundag ako sa gulat nang sipain niya ang mga bagay sa daraanan niya.

"MAS IMPORTANTE PA BA SA 'YO ANG IBANG TAO KAYSA SA 'KIN?!"

Halos bumuntong hininga na ako nang malalalim sa tindi ng sigaw niya.

Hindi ko siya maintindihan.

"Balikan niyo ang matanda at tapusin niyo ang buhay niya ngayon din."

Walang kaamok-amok na tumayo ang isa niyang tauhan upang sundin siya kaya't kaagad akong gumapang patungo sa kaniya. Hinawakan at halos yakapin ko ang binti niya habang naluluhang nagmamakaawa sa kaniya.

"H'wag mong gawin 'yan sa lola ko! Please! G-Gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo sa 'kin basta't h'wag mo lang idamay ang lola ko!..."

Nakita ko ang paghinto ng inutusan niya habang ako ay patuloy sa pagmamakaawa. Ilang sandali lang ang itinagal ay nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko.

"Hindi ko gagawin 'to kung sasama ka sa 'kin. Iiwan natin ang lugar na 'to."

Naramdaman ko na lang ang paghaplos niya sa aking pisngi at ang pagyakap niya sa 'kin.

Hindi na ako nakaimik pa sa kaniya sa takot na baka ituloy niya ang pagpatay kay lola.

"Ihanda niyo ang sasakyan. Mamaya-maya lang din ay aalis na tayo," sabi niya sa mga tauhan kaya't sumunod ito sa kaniya.

Humarap siya sa 'kin at itinangad ang mukha ko sa kaniya.

"Anong gusto mong laro? Langit-lupa? Patintero? Taya-tayaan? O tagu-taguan?" tanong na lamang niyang bigla sa 'kin sa malumanay na pananalita.

Ano'ng pinagsasasabi niya?

"SAGOT!"

"K-Kahit ano!... K-Kahit ano," sagot ko namang bigla dahil sa gulat sa kaniya.

Wala akong narinig sa kaniya na mahinang pagtawa. Hindi ko maintindihan ang emosyon niya. Pabago-bago pati ang kilos niya.

"'Yan ang gusto ko," pabulong nitong s sabi sa 'kin at ipinagpatuloy ang pagyakap at paghaplos niya sa buhok ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Epilogue

    EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 46

    After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 45

    NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 44

    NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 43

    AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 42

    AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status