AIRISH
Bigla akong nagulat nang hawakan ni Dean nang mahigpit ang braso ko at pilit na itinayo. "A-Ano'ng gagawin mo?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Kailangan na nating umalis dito," seryosong tugon niya sa 'kin bago kami lumabas at sumakay sa nakaabang na sasakyan. Magkatabi kaming naupo habang hindi pa rin niya inaalis ang pagkakakapit sa braso ko. "Doon tayo sa isa," sabi lamang nito sa magmamaneho. Tila nakuha iyon kaagad ng driver kaya't kaagad nitong pinaandar ang sasakyan. Hindi na ako umimik pa dahil hawak niya sa isang kamay ang baril. Kapag maghimutok ako sa kaniya ngayon ay tiyak na ito na ang magiging huling sandali ng buhay ko. Gustong gusto ko na siyang ipahuli at umalis na sa lugar na 'to. Alalang alala na 'ko kay lola. Inilipat niya ang pagkakahawak niya sa braso ko at ipinulupot niya iyon aa bewang ko. Naasiwa pa ako sa ginawa niyang iyon at hindi ako komportable. "Pasensya ka na," bulong na lamang ni Dean kaya't napatingin ako sa gawi niya. Walang ano-ano nang takpan niya ng panyo ang ilong ko't bibig at doo'y naramdaman ang hilo't nawalan ng malay. *** KAAGAD akong nagising at tinignan ang paligid nang makarinig ako ng mga kaluskos. Nakita ko ang labas na maliwanag na. Nakita ko rin ang sarili kong nakatali ang mga kamay at mga paa ko. "Kumusta ang tulog mo?" kaswal na tanong ni Dean at may nilagay na upuan sa harapan ko at do'n siya naupo. "Nasa saan ako? Saan mo 'ko dinala? Dean, pakawalan mo na 'ko," pakikiusap ko habang nakatitig sa mga mata niya. Hinilamos nito ang mukha niya at mukhang naiinis sa sinabi ko. "Hindi ba't sabi ko na dito ka lang? Hindi ka na aalis dahil dito ka lang!" sigaw niya at hinagis ang boteng malapit sa kanya. Kaagad siyang lumapit sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang buhok ko saka itinangad sa kanya. Muli na namang nangibabaw ang takot ko sa pananalisik ng mga mata niya habang nakatitig sa 'kin. "Dito ka lang," mariin niyang sabi at nilapit ang noo niya sa noo ko. "Dito. Dito. Dito. Dito. Dito! Maliwanag?" bulong pa niya at muli akong tinignan sa mga mata. Nanghihina ako dahil sa kakaibang pananakot niya sa 'kin. Hindi ako makatayo sa nerbyos. Nakasandal ako sa may pader at isinandal ko rin ang ulo ko. Napapagod na 'ko. "Boss, kailangan kayo sa labas," sambit na lamang ng lalaki mula sa labas kaya't nalingon si Dean nang bahagya. Muli niyang itinuon ang tingin sa 'kin at binigyan ng babala. "H'wag na h'wag kang magkakamaling gumawa ng hindi maganda," saad nito bago umalis. Hindi ko maiwasan ang sarili kong titigan nang masama ang pag-alis nito. NARRATOR Nagtungo si Dean sa kinaroroonan ng kaniyang mga kasamahan. "Ano'ng meron?" seryoso nitong tanong sa kaniya. "Mukhang hindi tayo titigilan ni Warren. May mga kasamahan tayo na nagmanman para malaman kung saan may checkpoint sa daan. Napag-alaman namin na ang isa ay malapit lang din dito." Nalipat ang tingin ni Amresel sa isa pang lalaking nagsalita, "kung magtatagal pa tayo rito, malalaman at malalaman nila ang kinaroroonan natin. Kailangan nating umalis kaagad." "Nasaan ang checkpoint?" tanong nito sa kanila. "Sa bayan. 850 metro ang layo. Three minutes lang kung gagamit tayo ng sasakyan, pero nasa twelve minutes naman kung lalakarin natin." Tumango-tango lamang si Dean dito at sandaling napaisip. "Tatanggalin natin sila sa daan..." paninimula nito bago ilapat ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "...Simplehan niyo sila sa daan. Mamayang gabi tayo aalis sa lugar na 'to at ayoko ng may haharang sa 'tin kahit ni isang pulis..." Patuloy ito sa pagpapaliwanag habang ang kaniyang dalagang bihag ay nag-iisip kung paano makakaalis sa kinaroroonan niya. Hindi niya alam ang nangyayari. Sinasamantala nito na habang wala si Dean sa tabi niya ay dapat na siyang makaalis sa lalong madaling panahon. "Ang tigas naman nitong tali na 'to!" pagrereklamo niya sa sarili habang pilit na tinatanggal ang pagkakatali sa kaniyang mga kamay. Kanina niya pa ito sinusubukan ngunit hindi niya ito kayang tanggalin. Nahinto na lang siya sa gulat nang pumasok muli si Dean sa loob. Tinitigan niya ito at gayundin naman ito sa kaniya. "Ano ba kasing kailangan mo sa 'kin?! Wala kang mahihitang pera sa 'kin kaya't pakawalan mo na lang ako rito!" sigaw niya sa lalaki ngunit seryoso lamang ang reaksyon nito. "Ikaw ang kailangan ko at hindi ang pera kaya tantanan mo na ako sa tanong na 'yan," kaswal nitong sagot bago kumuha ng baril at magasin sa isang lalagyanan. "Kung gano'n, ano ba ang kailangan mo sa 'kin? Bakit ako? Ano'ng ginawa ko sa 'yo?" tanong pa nito sa kaniya. Sandaling hindi umimik si Dean at kinasa ang baril matapos niya itong iporma. Napalunok na lang ng laway ang dalaga dahil dito. "Ginawa? Iniwan mo lang naman ako ng ilang taon." Tumingin ito sa gawi ng babae na takang-taka naman sa sinabi niya. "Pinatay ka nila, 'di ba? Sa harapan ko pa. Hindi mo ba naaalala 'yon?" "Nababaliw ka na ba? Ano'ng pinatay? Dean, sino ba ang tinutukoy mo? Hindi kita kilala at wala akong alam sa sinasabi mo. Pwede ba'ng pakawalan mo na lang ako at sumuko ka na lang sa mga pulis?!" Ngumiti si Amresel at natawa nang nakakaloko. Bagaman mahina iyon ngunit ramdam ni Airish ang pagkakilabot mula rito. Hindi na nakatanggap pa si Airish ng sagot mula sa mga tanong niya. Tila walang pakialam si Dean sa kung ano ang nais niyang sabihin dahil ang nais lang nito ay nasa pwader niya ang dalaga. "Dean! Sagutin mo ang tanong ko!" pahabol nito nang tumalikod sa kaniya ang binata. Sandaling lumingon ito nang marahan sa kaniya. "Siguro nga'y wala kang natatandaan. Balang araw maiintindihan mo rin ako, love." Lumabas na ito ng tent at hindi na hinintay pa ang sasabihin nito sa kaniya. Samantala ay isang malaking katanungan kay Airish kung bakit gano'n ang tinawag sa kaniya ni Dean. Love? Bakit niya ito tinatawag na gano'n? Nang maiwan sa tent ay para siyang nakatanga habang nakaawang ang kaniyang bibig sa tanong sa kaniyang isipan. Sino ba ang taong ito? At bakit gano'n na lamang ito sa kaniya?EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka
After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da
NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.
NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi
AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho
AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan