Share

Chapter 106

last update Last Updated: 2025-10-20 21:58:33

“PERO paano kung huli na tayo ng mga oras na iyon ma?” nanghihinang sabi ni France.

“France ‘wag kang negative jan! Baka mag katotoo ‘yang sinasabi mo tungkol kay Lira,”

Napayuko si France sa sinabing iyon ni Eya sa kaniya. “Pasensya na po, nag aalala lang ako kay ate ng sobra.”

“Lahat tayo hija nag aalala. Hindi natin gusto na mayroong mangyari sa kaniya na masama,” ngiting malumanay na sabi ni Silvia.

“Lalo na po kayo tita sigurado ako,” sabi ni Francis na ikinatingin nila dito.

Si Lyn naman nag taka sa sinabing iyon ng anak at malaking question mark ang mahahalata mo sa muka nito.

“Hindi naman hija,” natatawang sabi ni Silvia at palihim na sinenyasan si Francis na ‘wag ituloy kung ano man ang gusto niyang sabihin.

“Hindi niyo pa po ba sinasabi?” kuno’t noo na tanong ni Francis.

Nanlaki ang mata nila dahil doon pwera kay Lyn. Maging si France gulat na napatingin sa kuya niya dahil sa sinabing iyon nito.

“Sabihin ang anak? Saakin ba may sasabihin kayo?” takang tanong ni Lyn na lalong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 115

    NANGHIHINANG napaupo si France sa upuan sa tabi ng kaniyang ina ng marinig ang sinabing iyon ng kapatid. Hindi niya nagawang makapagsalita dahil sa panghihina. Unti unti ‘ring bumalik sa kaniya ang ala-ala noon tungkol sa gamot na hindi nito iniinom.“Bakit puro kamalasan ang nangyayari saatin ngayon?” Mahinang sabi ni France habang nakatingin sa ina.Kaagad na lumapit si Francis sa kaniyang kapatid lalo na’t alam niya na nasasaktan ito sa nangyayari. Ganoon ‘rin naman siya ngunit bata pa si France, siguradong hindi nito matanggap pa ang nangyayaring dagok sa buhay nila sa ngayon.“France kakayanin natin ito okay?” sabi nito habang hinahagod ang likuran ng kapatid.“P-paano kuya? Nawawala si ate Lira at ngayon si mama naman ang kailangang operahan. Hindi nga natin sigurado kung magiging ayos ba ang resulta ng operation.”Habang nag uusap ang dalawa tahimik lamang na nakikinig sila Silvia, Eya at Vanessa. Alam nila ang hirap na nararanasan ng mga ito ngayon. Kahit pa sabihin na tunay n

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 114

    PAGKARATING nila sa bahay nila Lira, bumaba na silang mag ina sa kotse nito at dali daling pumunta sa loob. Pero bago pa tuluyang makapasok sa loob si Silvia pinigilan ito ng anak.“Mom, wait!”Kusang napahinto si Silvia dahil na rin hinawakan ni Vanessa ang braso nito.“May problema ba anak?” nagtatakang tanong ng ina niya sa kaniya.Hindi alam ni Vanessa kung tama ba na sabihin niya ang nalalaman ngayon o hindi na?Ngunit kung hindi niya sasabihin maaaring maudlot nanaman at baka maging huli na ang lahat bago pa nila mailigtas si Lira.Syempre nag aalala din siya para sa kapatid na si Tim lalo na hindi biro ang ginawa nitong pag dukot kay Lira. Maaari siyang kasuhan nito lalo na ang kanilang mommy dahil ito ang tunay na anak niya.Kitang kita naman niya ang pag aalala ng mga tao nanaroroon at lahat ng tao na nagmamalasakit kay Lira.Sa tingin niya iyon na ang tamang pagkakataon.“Anak! Ayos ka lang ba?”Napatingin si Vanessa sa ina dahil sa itinanong na iyon nito sa kaniya. Doon na

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 113

    NGUNIT ang hindi alam ni Tim, mayroong iniwan na sulat si Vanessa sa may pagkain at ang jacket na iniwan nito sigurado siya na mahahalata na ni Lira kung sino siya.Naalala pa niya na pinuri ng babae ang pabango niya lalo na ngayon lang ‘daw siya nakaamoy ng ganoon.Kaya ng isinara niya ang pinto, sinadya ni Vanessa na lakasan iyon para kusang magising si Lira.Naging tagumpay naman ang ginawa niya dahil pagkasara niya ng pinto napapitlag si Lira at naging alerto sa paligid.Kaaagd niyang inilibot ang mata sa paligid at baka naroroon na ang taong dumukot sa kaniya ngunit wala siyang nakitang kahit sino.Nakita niya lang ang pagkain na naroon sa may higaan at isang jacket.Napatayo siya mula sa kinauupuan at nahirapan pa siya dahil lamig. Ngunit nagtaka siya ng hindi na ganon kalamig katulad kanina, kita niya na nagbago ang number ng aircon which means mayroon ngang pumunta doon.“S-sinong nanjan?” tawag niya sa kung sino ngunit katulad kanina walang sumagot sa kaniya.Pinakiramdaman n

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 112

    “EXACTLY!” biglang sigaw nitong muli kay Vanessa. “Sa’yo na mismo nanggaling na pumunta sila ni tita Eya kila Lira para tulungan na hanapin siya diba? Malamang na nakita na ni mom ang tunay na muka ni Lira at alam na niya ang totoo!”Natigilan si Vanessa sa sinabing iyon ng kapatid. Biglang bumalik sa kaniya ang muka ng ina ng makita niya ito kaninang umaga.Halatang stress na stress ito at kahit na hindi ganon kamaga ang mata nito halata niya pa ‘rin na galing ito sa pag iyak. Mommy niya ito kaya kilalang kilala niya ito.Bakit nga ba hindi niya napansin ang maliliit na detalye na iyon? Ibig sabihin alam na nito ang totoo? Pero wala itong sinasabi sa kaniya, impossible iyon. Hindi ganong tipo ng tao ang kaniyang ina lalo na vocal ito sa kanila noonpa pa tungkol sa nawawala nilang anak.“Sa tingin ko mali ka kuya,”“Mali?” hindi makapaniwalang tanong ni Tim na ikinatango ni Vanessa.“Mali ka sa pag dukot kay Lira. At sa pag iisip na alam na ni mommy ang totoo. Kuya, sa lahat ng tao ta

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 111

    DAHIL kilala siya ng mga tao sa bar, nagawa niyang mag labas pasok sa bar kung saan ito nag pe-perform at nagagawa niya ‘rin kausapin ang manager ni Lira. Nalaman niya ang schedule nito for work at kung anong oras ito umuuwi kadalasan.With that information ginamit niya iyon para maisagawa ang kaniyang plano.Mabuti nalang ang bahay na nabili niya sa tagaytay, hindi pa alam ng kanilang ina. Ang balak niya sana ipakita iyon dito sa araw ng kaarawan nito. Iyon ang surprise niya para sabihin na mayroon na siyang naipundar sa sariling pagsisikap.Ang kaso may mga bagay na hindi inaasahang dumating kung kaya naudlot lahat ng iyon. Ngayon, iyon ang gagamitin niyang hide out para sa kaniyang plano.Nang gabing isasagawa na niya ang kaniyang plano, umayon sa kaniya ang situation dahil wala sa kanilang bahay ang ina. Nagpaalam ito sa kanila na doon muna siya kila tita Eya nila, since alam nila na kaibigan ito ng ina hinayaan lang nila lalo na siya.Dahil nga isasagawa na niya ang pag kuha kay

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 110

    HABANG naglalakad sila papasok sa loob, naging busy si Vanessa tumingin sa paligid. Kung maganda na sa labas mas maganda sa loob. Halatang rest house na rest house ang style nito.Mas marami ‘din ang mga glass wall na siyang dahilan para makita ang magandang view mula sa bangin na malapit sa kanila. Kitang kita niya ang magandang kapatagan sa ibaba at sa hindi kalayuan makikita mo na ‘rin ang bulkang taal.Hindi pa ‘rin siya makapaniwala na nagawang bumili ng kuya niya ng ganong kagandang property. Talagang para dito ang business world dahil katulad ng mommy nila mayroon itong magandang paningin sa mga magagandang property.Isa ‘rin kasi sa negosyo nila ang pag bili ngmga property pagkatapos ibebenta. Iyon ang pinakang specialty ng kanilang negosyo bukod sa mga bars na pinatayo nila.Ang bar business naman mula sa side ng kanilang daddy na namayapa.Habang patingin tingin si Vanessa sa paligid at nakasunod sa kapatid, biglang naalala niya ang pagkawala ni Lira kung kaya naisip niyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status