NANDOON siya ngayon sa harap ng bahay ni Niña ngunit kanina pa siya kumakatok o nag dodoorbell ngunit walang lumalabas sa kaniya. Impossible iyon dahil sigurado siya by that moment malaki na dapat ang anak niya at tatakbo ang mga ito palapit sa kaniya.
Well, yan ang imagination niya.
“Sino po kayo?”
Nagulat si Sarah ng may marinig siya na maliit na boses mula sa kaniyang tabi. Pag harap niya dito ay natigilan siya ng makita niya ang isang batang babae na kamukang kamuka niya!
“K-kamuka kita?” muling sabi nito sa kaniya.
“I-ikaw na ba ang bunso ko?”
Napakunot ang noo ng bata at maya maya lang ay bigla nalang itong tumakbo palayo.
“Sandali!”
Ngunit hindi niya ito nahabol pa dahil sa bilis nito. Muli siyang himarap sa bahay ni Niña at sumigaw doon.
“Niña! Niña bukasan mo to!”
“Miss wala ng nakatira jan,”
Natigilan siya ng sabihin iyon ng napadaan na matanda sa bahay na iyon.
“Wala na po? Pero andito ang kaibigan ko, pati ang mga anak ko!”
“Baka si tisay, yung bata na pagala gala dito. Hindi siya mahuli huki ng DSWD sa bilis niya tumakbo hanggang sa hinayaan nalang. Maraming nagbibigay sa kaniya ng pagkain dahil natutuwa sa kaniya pero wala siyang maayos na tuluyan. Sandali, magkamuka nga kayo!”
Dahil sa narinig ay agad na nagpasalamat si Sarah dito at hinanap ang anak niyang babae. Madungis ito pero malusog naman ang katawan at maliksi. Tulad ng sabi ng matanda kanina ay hindi niya ito mahanap dahil sa galing mag tago at bilis kumilos.
Nagpunta nalamang siya sa malapit na prisinto doon at nagtanong kung anong nangyari sa kaibigan. Nagulat siya sa nalaman na ninakawan ang bahay na iyon ni Niña. At simula nun ay hindi na nila ito nakita pa.
Matagal na ngang abandunado ang lugar pero ang batang ‘tisay’ na kamuka niya ang tanging naiwan doon. Tatlong taong gulang daw ang bata ng mangyari, sa pagkaka-alam nila ay mayroon itong kasama ngunit wala na silang nabalitaan pa sa natitirang bata.
Hindi napigilan ni Sarah na mapaiyak dahil doon. Napahamak ang mga anak niya ng dahil sa kaniya. Dahil sa kapabayaan niya bilang ina ay napariwara ang buhay ng mga ito.
Ngayon nawawala ang dalawa niyang anak na lalaki.
“Bakit ka umiiyak?”
Napaangag ng tingin si Sarah ng marinig ang familiar na boses na iyon. Nakita niya ang anak, iba na ang suot nito at bagong ligo na siya dahil hindi madumi. Iyon na ata ang sinasabi ng matanda sa kaniya na may tumutulong sa bata na mga nakatira doon.
Mas lalo siyang naiyak dahil doon.
“Eto pagkain baka gutom ka kaya ka naiyak.”
May iniabot sa kaniya ang bata na isang tinapay na mula sa goldil*cks.
“S-saan galing to?” tanong niya dito.
“Dun sa bahay na malaki, lagi nila akong pinapakain at binibihisan. Maganda ba ang damit ko?”
Malaking ngiti na sabi nito at umikot pa sa harap niya dahil dress ang suot ng bata.
Matatas na itong magsalita at hindi mo aakalain na anim na taong gulang lang ito. Pero dahil doon mas lalo lang siyang naging emosyonal sa mga naririnig mula dito.
“Bakit umiiyak ka nanaman? May pagkain ka naman ah? Mukang maayos naman suot mo. Sabi sakin ni mama kapag umiyak daw ako kukunin ako ng masasamang tao kaya di ako umiiyak, tumatakbo lang ako. Gusto mo ba tumakbo?”
Natigilan siya sa sinabi ng bata at doon na siya nakaramdam ng kirot sa puso. Ang mama na tinutukoy nito ay sigurado na ang kaibigan niya na si Niña. Ito ang kinikilala niyang ina hindi siya, sabagay kapapanganak niya palang dito ng iwan na niya ito.
“N-nasaan ang mama mo?”
Natigilan ito sa tanong niya at sumagot din agad.
“Hindi ko alam, sabi niya babalikan niya ako kaya inaantay ko siya dito.”
Mas lalong gustong maiyak ni Sarah sa narinig. Ilang taon ng naghihintay ang anak niya doon. Ni hindi nga niya alam kung buhay pa si Niña.
“Nasaan ang mga kambal mo? Hindi ba dapat magkakasama kayo?” agad na tanong niya dito.
“Kambal? Wala akong maalala na may kambal ako.”
“Anong wala?! Meron kang kambal! Dalawang lalaki! Alam ko dahil anak kita! Anak ko kayo!”
Hindi napigilan ni Sarah ang emosyon niya dahil sa narinig. Impossible na makalimutan nito ang tungkol sa mga kakambal nito dahil malalaki na sila ng manakawan. Pero dahil sa pag sigaw niya ay napaatras ang bata sa kaniya na tila natakot.
“Hindi ikaw ang mama ko! Isa lang ang mama ko at wala akong kakambal!”
Pagkasabi ng anak niya na iyon ay tumakbo na ito palayo doon na siyang ikinatigil ni Sarah. Tila sinaksak siya ng kutsilyo harapharapan dahil sa sinabi na iyon ng anak. Iisa lang daw ang mama niya at hindi siya.
Nanghihina siyang napaupo sa sahig at muling umiyak.
‘Ano ba talaga ang nangyari?’
***
NASA harap siya ngayon ng ospital na pinag tatrabahuhan ni Doctora Venice. Kung nawawala si Niña malamang na makakakuha siya ng sagot mula sa kaibigan na doctor.
“Miss, nandito ba si Dra. Venice?”
“Si Dra. Venice Shawna?”
“Yes,” tango na sabi niya dito.
“Two years ng umalis dito si Dra. Hindi na siya dito nagtatrabaho,”
Nagulat siya sa nalaman pero kaagad niya ring tinanong kung baka alam nila kung saan ito nag tatrabaho. Ang sabi nito ay tanungin niya ang dating assistant ni Dra kaya pumunta siya sa Obygyn na floor.
“Miss,” tawag niya dito.
“How can I help you—miss Sarah?!”
Nakikilala niua ang babae, iyon ang nakikita niya lagi na kasama ni Venice noong nag papa check up siya!
“Jess! Mabuti at ikaw ‘yan! Hinahanap ko si Dra. Venice alam mo ba kung san siya lumipat at bakit?”
Pagkatanong niya na iyon ay agad na lumungkot ang muka ng babae. Inaya siya nito sa canteen ng ospital at doon sila nagkape habang nag-uusap.
“Three years after mong manganak Miss Sarah nagkagulo sa pamilya ni Dra. Venice. Ang sabi niya sakin ninakawan daw ang bahay ng pinsan niya na si ma’am Niña at nawawala ito, pati ang mga anak nito nawawala daw! Sobrang stress ni Dra. Ilang buwan siyang wala sa sarili hanggang sa nag resign siya at sinabing lilipat siya ng ospital sa probinsya.”
Mas lalong naguluhan si Sarah dahil sa nalaman. Tingin niya ay hindi simpleng nakaw lang ang nangyari sa bahay ni Niña, alam niya na mayroon pang malalim na dahilan dahil kung hindi di naman aalis si Venice sa pinag tatrabahuhan niya.
Nagpasalamat siya kay Jess lalo na at nabigay niya ang bagong workplace nito. Nag kwentuhan lang sila ng ilan pang sandali bago tuluyang umalis doon.
NASA harap na siya ngayon ng bahay ni Venice at dahil gabi na ay di niya ito inabutan sa workplace niya. Mabuti nalang at public hospital iyon kaya nalaman niya ang address nito dahil nagpanggap siyang buntis na mag papa-check up dito.
Nag doorbell na siya at maya maya ay bumukas ang pinto.
“Hello, ikaw ba yung buntis—” hindi natuloy ni Venice ang sasabihin niya ng makilala si Sarah.
Tila nakakita ito ng multo ng makita siya.
“Dra. Venice!” tuwang sabi niya at kaagad itong niyakap ng mahigpit.
Ngunit nagulat siya ng bigla siya nitong itulak palayo sa kaniya.
“Anong ginagawa mo dito?! Ang kapal ng muka mo para magpakita sakin! Matapos ng ginawa ng asawa mo sa pinsan ko magpapakita ka pa sakin?! Hindi ka pa ba masaya?! Tigilan mo na ako!”
Pagkasabi niyon ng babae ay kaagad nitong sinarado ang gate at galit na pumasok sa loob. Habang si Sarah ay nagulat sa narinig. Ginawa daw ng asawa niya? Ibig sabihin ba niyon si Kenneth ang may kagagawan kung bakit ninakawan si Niña?!
Ibig sabihin alam nito na may anak siya at binalak na pagtangkaan ang buhay nila para mabura sa mundo?!
Umakyat ang galit sa puso ni Sarah pero pinigilan niya iyon dahil gusto niyang malaman ang totoo. Sakto na nag ring ang cellphone niya at si Kenneth iyon.
“Let’s have dinner, naihanda ko na ang divorced papers na gusto mo.”
“Okay.”
Saktong sakto, gusto niyang malaman ang totoo mula dito mismo.
MATAPOS mag explain ni Scarlett sa mga ito hinayaan muna nila na mag ikot siya sa loob. Wala pa naman silang bagong lead kaya nangangapa pa rin sila pare pareho. Kahit gustuhin man ni Scarlett na magbigay sa kanila ng bagong update pero wala siyang magagawa.Napapatingin siya kay Carl na busy kausap ang mga kasamahan nito. Ang laki ng ipinagbago nito hindi tulad noong kasama niya ito sa Canada.Malaki ang pinayat ng lalaki pero nagkaroon siya ng muscle. Mukang mas nag work out ito at nag training ng nag training.Gusto niya sana itong lapitan tanungin kung kamusta siya o kung ayos na ba siya dahil sa nangyari ngunit napabuntong hininga nalang siya. Paano niya gagawin yun kung ‘Kira’ ang pagkakakilala nito sa kaniya.Habang nagtitingin siya sa mga gamit nila biglang bumukas ang pinto kaya napalingon siya doon. Nang makita niya kung sino ang pumasok doon natigilan siya.Makalipas ang ilang taon nakita na rin niya ang kaniyang ina.Nararamdaman na niya ang napipintong luha niya katulad n
SINUGURADO ni Scarlett kung mayroon bang nakatingin sa kaniya o wala tyaka siya pumasok sa restricted area at doon nakita niya ang freezer room. Syempre malamig ng buksan niya ito at naglakad siya papasok.Sa pinakang dulo niyon doon mo makikita ang isang pinto kung saan magdadala ito sayo sa elevator na siyang magbababa sayo paibaba. Kahit na ganon, hindi naman siya nahalatanng kaniyang kasamang driver na alam niya lahat ng daan dahil pinauna naman niya ito.Napatingin siya sa CCTV na naroon sa loob ng elevator. Lahat ng CCTV doon ay mayroong face detectors. Kapag hindi nito nadetect ang pagkakakilanlan mo kusang magbubukas ang alarm sa buong organization.Bago pa makababa ang elevator isasarado na nito ang daan papasok at hindi na makakapasok ang intruder.Maraming kakaibang security mayroon ang kanilang organization, kaya kahit nasaang sulok ka man malalaman nila na mayroong nakapasok. Sa tinagal nila sa industriya hindi pa sila nalulusob at natatalo, pwera lang doon sa nangyari no
“BAKIT nakasimangot ka?” Napatingin si Scarlett kay Stacy ng tanungin siya nito. Kababalik niya lang mula sa office ni Winston. “Pinapapunta ako sa Dragon Organization,” “What?!” Napatingin sina Gelo at Xian sa dalawang babae ng marinig nila ang sinabi ni Scarlett. “Bakit daw?” Usisa ni Xian sa kaniya. “Kausapin ko daw spy team doon. So basically makipag tulungan sa kanila. Duh di pa ba sapat yung pinapadala sa kanila na infos, iisa lang yun gusto pa pupunta ako.” “Ayaw mo nun opportunity na yun para makita organization nila,” Ngumiti si Scarlett kay Gelo sa sinabi nito bago nagsalita “As if I care,” “Hahaha ang hirap mo talaga i-please Kira,” tawang sabi nito sa kniya. “Anong sabi ng big boss?” tanong ni Stacy. “Siya na pinakang kinaiiniaan ko sa lahat. Hindi niya ako sinasagot kaya sabi ko lilipat na ako sa kabilang organization,” Natawa lalo ang dalawang lalaki sa sinabi ni Scarlett at sinabing siya lang daw talaga ang nakaka sagot ng ganon sa kanilang big boss. Hindi
NAIINTINDIHAN na ni Scarlett kung bakit ganon ang nadatnan niyang aura nung unang araw niya ss trabaho. Ayon kay Stacy, hibdi at talaga siya ang leader ng grupo. Kasama ang leader nila sa nawala sa kanilang grupo.Silang apat, kaya daw sila nabuhay dahil nakatalon sila sa tubig habang ang iba inabot ng pag sabog sa kwebe.They are holding a mission of finding a large group of rebels. Yung mga rebelde na iyon, sila ang namiminsala sa mga nakatira sa isang probinsya sa Mindanao.Walang peace sa lugar na iyon isama mo pa na nalaman nilang nasa likod niyon ang mga mafia na hayok ss pagkuha ng natural resources sa Mindanao. Naghahanap din sila ng mga ginto n maaaring mabenta at mga bato na nagagamit sa paggawa ng armas.Kaya ang mission na yun ang pinakang malaki nilang nahawakan. Ang kaso, hindi nila natunugan na isa iyong patibong. Patibong na kumitil sa pito nilang miyembro.Hindi nila alam kung paano nila maipaghihiganti ang mga kasama ngunit simula ng matira silang aoat nawalan na sil
“MANINIWALA ka ba kung sasabihin ko na yun ang unang beses na humawak ako ng baril? Yes. Dahil nga hindi naman ako pinapasama nila Dad sa totoong mission. They teaching me how to fight but that’s it. Kaya nung mangyari ang gabing yun I was so shocked, especially witnessing manang died in front of me. It was nightmare,”Ang alam ni Stacy, sinubukan silang iligtas ni Carl yung anak ng mga kasama niya doon na spy. Pero dahil nasa trabaho ito hindi siya nakaalis agad at na late ng dating. Wala ng buhay ang magulang niya at wala na rin si Scarlett ng time na yun.“Saan ka napunta nun? Ilang taon kang nawala tapos nandito ka na?”Ngumiti ng bahagya si Scarlett sa tanong na iyon sa kaniya.Muli niyang nabalikan ang time na mayroong tumulong sa kaniya.“I lost my memories, Stacy.”“What?!” Gulat na sabi ni Stacy at napalingon dito.“Siguro way na rin yun for me para kahit papaano diko maramdaman yung pain na naramdaman ko that time. Though nung bumalik ang ala-ala ko nasaktan pa rin ako, di l
NAKAMASID lang si Stacy sa kinikilos ni Kira. Patingin tingin siya sa paligid kung mayroon ba siyang makukuha pa evidence ngunit wala siyang makita. Kahit ng bigyan siya ng pamalit ni Scarlett at nagpunta sa banyo wala pa rin.Kahit na biglaan ang pag punta niya doon nakikita niya na handa ito. Akala nga niya hindi ito papayag sa sinabi niyang doon siya matutulog lalo na biglaan. Paano kung nagkakalmali lang pala siya?Paano kung hindi talaga ito si Scarlett at totoo na inaalam niya lang ang katotohanan sa nangyari.Well, pwede naman siyang mag sorry kay Kira.Ngunit nabuhayan siya sa kaniyang naiisip ng makita niyang hindi nito inaalis ang salamin.Kahit katatapos lang nito mag hilamos suot agad niya basa pa ang muka. Nanghinala na siya doon.“Kira meron ka ba jang beer sa ref mo?”Sa totoo lang nakitsa niya talaga ang beer sa ref nito . Nang kumain sila kanina napansin niya ito pagkuha nito ng tubig.“Yes, gusto mo bang uminom pampatulog?”Ngumiti siya sa babae at tumango ng sunod s