Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-01-02 22:38:57

“TAKE a seat,”

Ngumiti ng bahagya si Sarah ng paghilahan siya mismo ni Kenneth na magiging ex-husband na niya ngayon. Sino nga bang mag-aakala na asawa niya ang pinakang sikat at pinakang mayaman na business man sa mundo na si Kenneth Adams.

Sa halos anim na taon nilang pagkakakasal ay walang ibang nakaalam sa katotohanan na iyon dahil na rin sa kagustuhan niya na ilihim ang lahat. Noong una hindi niya kilala si Kenneth, kaya nga pumayag agad siya maging bride nito pero ng makilala niya ito ay doon siya nabahala.

Alam niya na maraming tagahanga ang lalaki na halos baliw na baliw sila. Example na jan nung panahon na nagtatrabaho palang siya. Naririnig na niya ang pangalan nito sa mga katrabaho, kaya talagang hindi niya inaasahan na ang ina-admire nila ang napangasawa niya.

Pero hindi katulad ng mga nagpapakasal na mahal nila ang isat-isa, sila hindi. Nagpakasal sila dahil kailangan ni Kenneth ng bride while her? Kailangan niyang mabuhay para maipanganak ang mga anak.

Na ngayon ay nawawala ang dalawa at hindi siya kilala ng bundo.

Sa totoo lang hindi niya alam kung bakit napunta sa ganon ang sitwasyon. Ibang iba ito sa kaniyang naiisip at pinapangarap na mangyari. Though alam niya na hindi siya basta basta matatanggap ng mga anak sa tagal ng panahon na wala siya, pero hindi sa ganitong paraan.

“Where is the divorce papers?”

Yan agad ang tanong ni Sarah ng makaupo siya sa upuan. Habang si Kenneth namam ay natigilan sandali at napakapit ng mahihpit sa upuan na hinila niya para sa asawa.

Kadarating lang nila at ito agad ang hanap sa kaniya ng babae. Naiinis siya, hindi niya iyon nagugustuhan. Pero kahit ganon ay kinalma niya ang sarili lalo na at paulit ulit na nag eeco ang boses ni Ghill sa kaniyang isip.

‘Kumalma ka at wag pairalin ang init ng ulo!’

Napailing siya doon at naupo sa kaniyang upuan.

“Let’s talk about that later, let’s eat first.”

Wala ng nagawa si Sarah dahil sumenyas na si Kenneth sa mga waiter na naroroon. Actually, nirentahan ng lalaki ang buong restaurant kaya sila lang ang nasa loob. Naiilang nga si Sarah dahil alam niyang nasa kanilang dalawa ang atensyon ng mga sumalubong sa kanila kanina.

Alam kong may katanungan sa mga isip nila pero sa ilang years na nilang pagsasama ni Kenneth sanay na din siya. Wala naman na leaked na photos sa mga nakalipas na taon kaya walang problema.

Hangga’t walang nakaka-alam na may relasyon sila ni Kenneth safe siyang makakakilos ng maayos.

Maraming pagkain na tila ba’y huling pagkain na nila iyon sa gabing iyon.

“Bakit naman ang dami? Di ka ba kumain? Kasi alam ko nag mamadami ka lang na pagkain kapag gutom ka.”

Napahigpit ang kapit ni Kenneth sa kutsara at tinidor na hawak niya. Katulad ng nakagawian nilang mag asawa ay paghahainan siya ni Kenneth habang di Sarah naman ang nagluto ng pagkain nila.

“This might be our last meal together,” medyo mahinang sabi nito.

Natahimik si Sarah dahil doon at hinayaan ang lalaki. Ngunit ang totoo ay tama ang sinabi ni Sarah kay Kenneth. Hindi pa talaga siya kumakain simula ng sabihin nito na makikipaghiwalay na siya.

Bukod sa sanay siyang kumain na kasama si Sarah ay nawalan siya ng gana sa lahat kaya hindi siya nakapag trabaho ng maayos at nag isip ng mga paraan na kaya niyang gawin para lang matigil ang divorced papers.

Katulad ngayon, susubukan niyang ipapigil ang gusto ni Sarah. Kung tututol si Sarah, syempre marami pa siyang paraan na naisip. Hindi siya papayag na mag hiwalay silang dalawa ng ganon ganon lang.

Habang kumakain ay hindi alam ni Sarah kung paano sisimulan ang pagtatanong kung may alam ba ito sa anak niya o wala. Iyon ang unang beses na kumain sila na wala siyang masabi. Malamang dahil iyon sa atmosphere na kakaiba dala ng pakikipaghiwalay niya.

Napabuntong hininga siya at nagsalita.

“I’m sorry,”

“Sorry for what?” Tanong ni Kenneth na ineenjoy lang ang kaniyang pagkain.

“Kasi makikipaghiwalay ako sayo. Well, sa contract naman talaga natin two years lang, pero dahil nagkasakit si mama—na hindi ko ginusto at walang may gusto, tumagal tayo ng ilang taon.”

Yes, tama ang nabasa mo dahil tumagal lang sila ng anim na taon pa dahil nagkasakit ang kaniyang ina. Pareho nila na ayaw ma stress lalo ang ina ni Kenneth kaya nag agree sila na hanggang sa gumaling ito.

Last year pa sana iyon kaso kita niyang tuwang tuwa pa ang mama ni Kenneth sa kaniya kaya hinahayaan niya. Sobrang bait kasi ng mga ito kay Sarah kaya tunay na magulang na rin ang turing niya sa mga ito.

Kaya nga ng magkasakit ang ina ni Kenneth ay nalungkot siya ng sobra sobra.

“Marami pa akong bagay na gustong magawa at alam kong ganoorin ka rin. Baka this time mahanap mo na rin ang para sayo hindi ba?”

Hindi alam ni Sarah kung bakit siya biglang nakaramdam ng kirot ng sabihin niya ang bagay na iyon. Napailing nalang siya sa naisip at muling tumingin kay Kenneth.

“We both know that our marriage was fake and I have to thank you for everything that you’ve done for me. I will treasure that and bury at the deepest part of my heart. Besides six years was no joke, nasanay na rin ako sa inyo… sa mama mo, papa mo, kay Ghill syempre lalo na sayo.”

Hindi maiwasan ni Sarah na mapangiti habang sinasabi niya iyon. Tila nag flashback sa kaniya lahat ng ala-ala na mayroon sila. Kung maibabalik niya lang ang kahapon ay hindi siya nag sisisi na nakilala niya ang mga ito.

Pero ang pinag sisisihan niya lang ay ang pag iwan niya sa mga anak. Natakot kasi siya na madamay ang mga ito pero kahit ano palang protekta ang gawin niya ay mapapahamak pa rin sila. Mas lumala pa nga e.

Samantalang si Kenneth naman ay naalala din ang kanilang nakaraan. Yung mga panahon na bago palang si Sarah sa kanila at hindi nagbago ang ugali nito mula umpisa hanggang sa ngayon.

Habang tumatagal nga ay nahulog ang loob niya sa asawa. Yes, mahal niya si Sarah kaya nga ng sabihin nito ang tungkol sa divorced ay nawala na siya sa kaniyang sarili. Hangga’t kaya niya ay gagawa siya ng paraan wag lang ito mahiwalay sa kaniya.

“Paano si mom?”

Napabuntong hininga si Sarah sa tanong na iyon ni Kenneth. Alam niya na mababanggit nito ang ina, syempre pareho silang may care para sa ginang. Ayaw nila pareho na ma stress ito at muling magkasakit.

“Don’t worry I will remain to be friends with your mom. Ayaw ko din naman maulit ang nangyari noon kaya hindi ko na hahayaan ‘yon.”

Nang magkasakit ito ay lahat sila naging matamlay. Lahat sila nahirapan, mabuti at andoon si Sarah. Si Sarah ang nag tyaga mag alaga at mag aruga dito. 24/7 siyang nasa tabi ng ina ni Kenneth, hindi niya ito iniwan sa lahat ng okasyon lalo na kaarawan nito.

“Are you really sure you wanted a divorce?”

Napahigpit ang kapit ni Sarah sa kaniyang kutsara at tinidor.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 114

    PAGKARATING nila sa bahay nila Lira, bumaba na silang mag ina sa kotse nito at dali daling pumunta sa loob. Pero bago pa tuluyang makapasok sa loob si Silvia pinigilan ito ng anak.“Mom, wait!”Kusang napahinto si Silvia dahil na rin hinawakan ni Vanessa ang braso nito.“May problema ba anak?” nagtatakang tanong ng ina niya sa kaniya.Hindi alam ni Vanessa kung tama ba na sabihin niya ang nalalaman ngayon o hindi na?Ngunit kung hindi niya sasabihin maaaring maudlot nanaman at baka maging huli na ang lahat bago pa nila mailigtas si Lira.Syempre nag aalala din siya para sa kapatid na si Tim lalo na hindi biro ang ginawa nitong pag dukot kay Lira. Maaari siyang kasuhan nito lalo na ang kanilang mommy dahil ito ang tunay na anak niya.Kitang kita naman niya ang pag aalala ng mga tao nanaroroon at lahat ng tao na nagmamalasakit kay Lira.Sa tingin niya iyon na ang tamang pagkakataon.“Anak! Ayos ka lang ba?”Napatingin si Vanessa sa ina dahil sa itinanong na iyon nito sa kaniya. Doon na

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 113

    NGUNIT ang hindi alam ni Tim, mayroong iniwan na sulat si Vanessa sa may pagkain at ang jacket na iniwan nito sigurado siya na mahahalata na ni Lira kung sino siya.Naalala pa niya na pinuri ng babae ang pabango niya lalo na ngayon lang ‘daw siya nakaamoy ng ganoon.Kaya ng isinara niya ang pinto, sinadya ni Vanessa na lakasan iyon para kusang magising si Lira.Naging tagumpay naman ang ginawa niya dahil pagkasara niya ng pinto napapitlag si Lira at naging alerto sa paligid.Kaaagd niyang inilibot ang mata sa paligid at baka naroroon na ang taong dumukot sa kaniya ngunit wala siyang nakitang kahit sino.Nakita niya lang ang pagkain na naroon sa may higaan at isang jacket.Napatayo siya mula sa kinauupuan at nahirapan pa siya dahil lamig. Ngunit nagtaka siya ng hindi na ganon kalamig katulad kanina, kita niya na nagbago ang number ng aircon which means mayroon ngang pumunta doon.“S-sinong nanjan?” tawag niya sa kung sino ngunit katulad kanina walang sumagot sa kaniya.Pinakiramdaman n

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 112

    “EXACTLY!” biglang sigaw nitong muli kay Vanessa. “Sa’yo na mismo nanggaling na pumunta sila ni tita Eya kila Lira para tulungan na hanapin siya diba? Malamang na nakita na ni mom ang tunay na muka ni Lira at alam na niya ang totoo!”Natigilan si Vanessa sa sinabing iyon ng kapatid. Biglang bumalik sa kaniya ang muka ng ina ng makita niya ito kaninang umaga.Halatang stress na stress ito at kahit na hindi ganon kamaga ang mata nito halata niya pa ‘rin na galing ito sa pag iyak. Mommy niya ito kaya kilalang kilala niya ito.Bakit nga ba hindi niya napansin ang maliliit na detalye na iyon? Ibig sabihin alam na nito ang totoo? Pero wala itong sinasabi sa kaniya, impossible iyon. Hindi ganong tipo ng tao ang kaniyang ina lalo na vocal ito sa kanila noonpa pa tungkol sa nawawala nilang anak.“Sa tingin ko mali ka kuya,”“Mali?” hindi makapaniwalang tanong ni Tim na ikinatango ni Vanessa.“Mali ka sa pag dukot kay Lira. At sa pag iisip na alam na ni mommy ang totoo. Kuya, sa lahat ng tao ta

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 111

    DAHIL kilala siya ng mga tao sa bar, nagawa niyang mag labas pasok sa bar kung saan ito nag pe-perform at nagagawa niya ‘rin kausapin ang manager ni Lira. Nalaman niya ang schedule nito for work at kung anong oras ito umuuwi kadalasan.With that information ginamit niya iyon para maisagawa ang kaniyang plano.Mabuti nalang ang bahay na nabili niya sa tagaytay, hindi pa alam ng kanilang ina. Ang balak niya sana ipakita iyon dito sa araw ng kaarawan nito. Iyon ang surprise niya para sabihin na mayroon na siyang naipundar sa sariling pagsisikap.Ang kaso may mga bagay na hindi inaasahang dumating kung kaya naudlot lahat ng iyon. Ngayon, iyon ang gagamitin niyang hide out para sa kaniyang plano.Nang gabing isasagawa na niya ang kaniyang plano, umayon sa kaniya ang situation dahil wala sa kanilang bahay ang ina. Nagpaalam ito sa kanila na doon muna siya kila tita Eya nila, since alam nila na kaibigan ito ng ina hinayaan lang nila lalo na siya.Dahil nga isasagawa na niya ang pag kuha kay

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 110

    HABANG naglalakad sila papasok sa loob, naging busy si Vanessa tumingin sa paligid. Kung maganda na sa labas mas maganda sa loob. Halatang rest house na rest house ang style nito.Mas marami ‘din ang mga glass wall na siyang dahilan para makita ang magandang view mula sa bangin na malapit sa kanila. Kitang kita niya ang magandang kapatagan sa ibaba at sa hindi kalayuan makikita mo na ‘rin ang bulkang taal.Hindi pa ‘rin siya makapaniwala na nagawang bumili ng kuya niya ng ganong kagandang property. Talagang para dito ang business world dahil katulad ng mommy nila mayroon itong magandang paningin sa mga magagandang property.Isa ‘rin kasi sa negosyo nila ang pag bili ngmga property pagkatapos ibebenta. Iyon ang pinakang specialty ng kanilang negosyo bukod sa mga bars na pinatayo nila.Ang bar business naman mula sa side ng kanilang daddy na namayapa.Habang patingin tingin si Vanessa sa paligid at nakasunod sa kapatid, biglang naalala niya ang pagkawala ni Lira kung kaya naisip niyang

  • Don't touch the Billionaire's wife   Chapter 109

    LAGPAS isang oras din ang naging byahe ni Vanessa papunta sa address na binigay sa kaniya ng kuya Tim niya. Hindi siya familiar sa lugar na iyon kung kaya hindi niya alam kung paano nalaman ng kuya nita ang lugar na iyon.Habang papunta siya doon iniisip niya kung ano ang sasabihin sa kaniya nito. Naisip niya na baka ayaw na nitong mag work sa company o di kaya naman pagod na ito at gusto lamang mag pahinga.Kita niya rin kasi ang dedikasyon ng kaniyang kuya sa pag tatrabaho sa company nila kung kaya iyon ang huli sa choices na naisip niya.Dahil na rin nasa Tagaytay siya nakaramdam agad si Vanessa ng lamig sa paligid ng bumaba siya ng kotse. Mabuti nalang nakita niya agad ang kaniyang kuya na mayroong dalang jacket para sa kaniya“Kuya, ang lamig!”“I knew it, hindi ka magdadala ng jacket kaya eto suutin mo.”Napangitu ng malaki si Vanessa dahil sa inasta ng kapatid. Lagi talaga siya nitong inaalala kaya mahal na mahal niya ang kaniyang kuya.“Thank you kuya!” sabi nito ng maisuot an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status