LOGINNagising si Hiraya dahil sa matinding sakit ng kan’yang katawan. Kagabi ay naging marahas sa kan’ya si Doktor Reyko. Halos lahat ata ng posisyon ay ginawa nila hanggang sa magsawa ito sa kan’ya. Alam niyang marami ring mga kalmot sa katawan nito dahil sa sobrang intense ng p********k nila.
Ayaw pa sana niyang bumangon ngunit may client siyang i-me-meet ngayon. Ilang minuto rin siyang nag-ayos at umalis sa apartment ni Jack. Napalingon pa siya sa katabing kwarto kung saan ang silid ni Reyko ngunit nakasara na ito, nangangahulugang wala ng tao roon sa loob.
Napahinga siya ng malalim at napailing. Mabilis siyang lumabas sa building at pumunta sa UP University kung saan naroon ang client niya. She is a full time baker, photographer and event decorator.
May event daw ngayon sa university kung kaya’t siya ang nataasang mag-decorate sa venue nito. Tinanggap naman niya iyon dahil kailangan na kailangan niya ng pera.
Hindi naman niya inaasahan na makakasalubong niya si Dr. Reyko Takahashi roon.
Sinalubong siya ng isa niyang katrabaho kung kaya’t binati siya nito.
“Sorry, Boss, medyo na-late ako, sobrang traffic kasi.” Tumango lamang si Hiraya at napasulyap sa gilid.
Sa gilid nila ay isang grupo at naroon si Dr. Reyko.
“Mukhang ang aliwalas ng aura mo ngayon, pare! May nagpapatibok na ba sa puso mo?” tanong ng isang lalaki sa gilid ng doktor. Sa tingin ni Hiraya ay magkakatrabaho ang mga ito.
“Tanga, may hinihintay iyan nakalimutan mo na ba? Ang sabihin mo—sino nga ba ang babaeng nagpapatibok ng ute-n ng kaibigan natin!?”
Nagsihalakhalkan naman ang grupo kung kaya’t biglang hindi naging komportable si Hiraya.
Hindi man lang nagsalita si Reyko at nanatili lamang na tahimik sa gilid.
“Tama! Tama nga! Ang babaeng hinihintay ng ating kaibigan ay ilang taon ng hindi nagpapakita sa kan’ya, hindi naman natin masisisi itong kaibigan natin na maghanap ng iba upang maibsan ang pagkabagot at lungkot nito, alam nating may pangangailangan pa rin tayong mga lalaki. Sabagay, binabayaran mo naman, Dr. Reyko ang mga babaeng nai-kama mo kaya hindi na lugi sa’yo ang babae, tama? So, pare sino ang maswerteng babaeng naikama mo kagabi?”
Lahat naman ay naghiyawan at tinutukso si Reyko ngunit nanatili lamang itong seryoso. Ilang segundo ang nakalipas ay nagsalita ang binata, “Ang girlfriend ni Jack.”
Ang grupo ng kalalakihan ay napasinghap dahil sa sinabi ni Reyko. Nanlalaki naman ang mga mata ng mga ito at hindi makapaniwala sa sinabi ng katrabaho.
“Whoaaa! Ang lupit mo talaga, Dr. Takahashi! Hindi ba’t matalik na kaibigan mo si Jack?”
Nanatili lamang na sekreto ang relasyon ni Hiraya at Jack kung kaya’t walang nakakakilala kay Hiraya, tanging ang matatalik na kaibigan lamang ni Jack ang nakakilala sa kan’ya kasama na roon si Reyko.
“Hiraya…” tawag ni Minerva sa kan’ya.
Hindi na narinig pa ni Hiraya ang pinag-uusapan ng grupo, sa katunayan kanina pa hindi maganda ang nararamdaman niya.
“Halika na, pumasok na tayo sa building, kanina pa tayo hinihintay ng event coordinator doon.”
Tumango na lamang si Hiraya bilang sagot, nang mapadaan sila sa grupo ng kalalakihan ay agad na nakita siya ni Reyko. Mabilis siyang yumuko dahil sa sobrang hiya at hindi man lang tiningnan ang lalaki.
Kahihiyan, iyan ang nararamdaman niya kanina pa.
“Uy, kayo ba ang event decorator sa event bukas? Sumama na kayo sa amin, alam niyo ba kung saang floor kayo pupunta?” tanong ng isang lalaki sa kanila. Ngumiti naman ng matamis ang kan’yang katrabaho na si Minerva at tumango ng matamis.
“Oo, kami nga ang event decorator, this is my boss, Hiraya Ferrera, isang baker, photographer and also event decorator, alam kong kilala niyo na siya dahil lagi kaming suki sa mga event niyo,” pakilala ni Minerva kung kaya’t napangiti siya sa mga kalalakihan ngunit hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Reyko.
“Oh, nakalimutan ko, hindi ba’t naghahanap ka ng baker para sa anniversary ng magulang mo, Reyko? Narito na si Ms. Ferrera para tulungan ka,” saad naman ng isang lalaki kung kaya’t mabilis na kinuha ni Minerva ang card nila at inilahad iyon kay Reyko.
Kahit paano pera na rin iyon.
“Heto ang business card namin, nariyan na rin ang numero ni Madam Hiraya, pwede mo siyang kontakin diyan.”
Walang ganang tiningnan ni Reyko ang card, “Sorry, may nakuha na akong baker.”
Nawala ang ngiti ni Minerva at akmang ibubulsa na nito ang business card nila nang mabilis na kinuha iyon ng isang lalaki sa grupo.
“Let me keep this, alam kong hindi pa nakakahanap ng baker si Kuya Reyko, nagbibiro lamang ito.” Lumipat ang tingin ng lalaki kay Hiraya saka napangiti ng matamis, “Ms. Ferrera, I’ll contact you about the cake, mag-send ka rin ng sample sa amin para makapili kami ni Kuya.”
Napangiti si Hiraya sa sinabi ng lalaki at napangiti. Hindi niya napansin na si Raven pala iyon, ang nakakababatang kapatid ni Reyko.
***
Sobrang pinagsisihan ni Hiraya ang pagsuot ng mataas na heels kung kaya’t ngayon ay sumasakit na ang kan’yang mga paa. Buong hapon ba naman silang nakatayo at nag-aayos ng decor sa stage. Baba roon at baba rito ang peg niya buong hapon.
Nang matapos sila sa pag-decorate ay nagpaalam na ang team niya sa kan’ya. Naroon siya sa labas ng malaking gate ng paaralan at naghihintay ng masasakyang taxi. Sumingkit ang tingin niya nang may humintong kotse sa kan’yang harapan.
Kita niya sa loob ang pigura ni Reyko Takahashi habang seryosong nakatingin sa harap ng kalsada. Tila ba nabuhayan ng loob si Hiraya nang mapatingin sa binata, nananakit na talaga ang kan’yang paa’t hindi na niya kayang maghintay pa ng ilang minuto.
Kinatok niya ng marahan ang bintana ng kotse ng lalaki kung kaya’t napansin siya ni Reyko. Ibinaba ng lalaki ang bintana ngunit kalahati lamang kaya naman napayuko pa si Hiraya at napasilip sa loob.
“Dr. Reyko, aalis ka na ba? Pwede ba akong sumabay? Sobrang sakit kasi ng mga paa ko kanina pa.”
Halatang-halata ang paglalambing sa tinig ni Hiraya kailangan niyang akitin ang binata’t iyon lang ang paraan para matulungan siya nito.
Tiningan lamang siya ni Reyko at napataas ng kilay. “Dr. Reyko, masakit ang paa ko pati na ang katawan ko. Pwede mo ba akong isabay papunta sa apartment since pareho lang naman tayo ng uuwian?”
Gusto niyang sabihin sa lalaki na ito naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang katawan niya kaya responsibilidad siya nito subalit wala siyang lakas para sabihin iyon.
Mas yumuko pa si Hiraya kung kaya’t kitang-kita na ang makinis na dibdib niya’t sinadya niya iyon para mapansin ng lalaki. Naroon pa rin ang mapupulang marka na iniwan ng binata sa kan’ya kagabi.
Nawala ang matamis na ngiti ni Hiraya nang umiwas ng tingin si Reyko at bumalik ulit sa pagtingin sa kalsada. “Hindi pwede.”
Matapos na sabihin iyon ay dahan-dahang itinaas ni Reyko ang bintana ng kotse nito. Mabilis namang hinawakan ni Hiraya ang binata upang pahintuin ang pagsara, “Bakit naman hindi pwede?” nakangusong tanong niya sa lalaki.
Magsasalita pa sana si Hiraya nang marinig niya ang isang malambing na pambabaeng boses sa loob. “Reyko, sino iyan?”
Lumingon si Reyko sa babaeng nasa likod at napangiti. “Wala, isang pulubi na humihingi lang ng barya.”
Napangiwi si Hiraya nang marinig ang sinabi ng binata. Sa sobrang gulat niya ay hindi siya makapagsalita. Binawi niya ang kamay niyang nakapatong sa bintana at nanghihinang bumalik kung saan siya nakatayo.
Unti-unti namang sumara ang bintana at mabilis na humarurot ang kotse paalis sa harap niya.
Kahit naman makapal ang mukha ni Hiraya, hindi na niya pinilit pang makisabay kay Reyko, hindi siya manhid para isiping ayaw nitong kasabay siya’t may kasama pa itong babae. Bigla s’yang na-curious, hindi kaya iyon ang first love ni Reyko?
Bumalik si Alena sa kwarto ni Hiraya pagkatapos ng usapan nila ni Reyko. Matagal siyang nakipag kwentuhan sa kaibigan para pagaangin ang loob nito, tapos ay nagtanong-tanong din kay Rhob at sa doktor tungkol sa lagay ng baby ni Hiraya. Nang makasigurado, nagpaalam na si Alena dahil babalik pa ito ng ospital.Hinatid sila ni Rhob sa labas at mabilis na bumalik sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam ni Rhob habang nakatayo sa gilid ni Hiraya. "Hiraya, kinausap ko na yung kanina sinabi nila sa akin na medyo maselan ang lagay mo ngayon. May tama ang puso mo dati, 'di ba? Habang lumalaki yung baby mo, mas lalong bibigat ang pressure sa puso mo. Kaya nire-recommend ng doktor na yung baby sana…”Hindi na pinatapos ni Hiraya ang sasabihin, alam na kasi niya ang sasabihin ni Rhob. "Alam ko. Matagal ng sinabi iyan sa'kin ng doktor. Kapag nagbuntis daw ako, mas mahihirapan ako at mas magiging delikado kumpara sa normal na pagbubuntis."Kumunot ang noo ni Rhob. Tinitigan nito ng malalim ang dala
Pagkapasok ni Rhob dala ang lugaw, nakita niyang gising na si Hiraya.Nakaupo ang dalaga sa kama habang blangkong nakatitig sa sikat ng araw mula sa bintana. Sobrang putla na ng mukha nito, kitang-kita na nga ang mga asul na ugat sa pisngi nito.Dahil sa nipis ng pinto, siguradong narinig ni Hiraya ang komprontasyon sa labas."Hiraya..." malambot na tawag ni Rhob sabay lapit at upo sa gilid ng kama. Dahan-dahang hinawakan ni Rhob ang kamay nito at pinisil. Nakita naman ni Hiraya na kasama ni Rhob ang ama nito. Nginitian lang ito ng matanda ng pilit saka nagsalita."Ikaw talagang bata ka, palagi mo na lang kaming pinag-aalala. Tuwing tatawag kami, palagi mong sinasabing okay ka lang, tapos malalaman na lang namin na nasa ospital ka na pala! Alam mo bang halos atakihin na kami ng nanay mo dahil sa kaba? Gustong-gusto nun sumama sa akin pero hindi pwede. Kailan ka ulit bibisita sa kanya, hija?""Sorry po, Tito kung pinag-alala ko po kayo," mahinang sagot ni Hiraya sabay ngiti ng tipid."
Kumunot ang noo ni Hiraya, isang mapait na tawa ang kumawala sa bibig niya. "Bakit, doktor ba ako? May super powers ba ako na makakapagpatigil ng dugo mo? Hindi ba’t ikaw ang doktor sa ating dalawa? Huwag mong ibahin ang usapan natin, Reyko."Natameme si Reyko, matagal bago ito nakapagsalita, "Hiraya, hindi ka naman ganito dati ah."Tumingala si Hiraya at sinalubong ang mga mata nito. Naupo si Reyko sa gilid ng kama. "Alam kong galit na galit ka sa akin dahil sa nangyari kay Mayumi. Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, inaamin ko, nagkamali ako.""Nagkamali?!" Sarkastikong tumawa si Hiraya. "Magkano ba yang pagkakamali mo?! Nung nagmakaawa ako sa'yo na wag kang makialam, nangako ka na susundin mo ako! Kung hindi dahil sa'yo, hindi aabot sa ganito yung kaibigan ko! Reyko, tatlong beses nasira ang spine ni Mayumi, TATLONG BESES! Habambuhay na siyang hindi makakalakad dahil sa ginawa mo! Alam mo ba yun? Kung pwede lang na ako ang nasaktan, okay pa. Pero ang kaibigan ko na tanging meron
Habang nakatingin si Rhob kay Minna, nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanya. Paglingon ni Rhob, nakita niya ang isang lalaking nakatayo 'di kalayuan sa kanya. Suot nito ang isang asul na hospital gown, pero hindi naitago ng manipis na tela ang nakakatakot nitong aura.Sa isang iglap, ang kaninang malambot at nag-aalalang mukha ni Rhob ay napalitan ng kalamigan.Si Reyko ang nasa harapan niya. Ang lalaking hawak-hawak ang nag-iisang babaeng matagal na niyang pinapangarap. Ang babaeng handa niyang ibigay ang buong mundo pero pilit lang sinasayang at dinudurog ng lalaking nasa harap niya.Isang malamig at matalim na tingin ang ipinukol ni Reyko sa kanya. Pero hindi natinag si Rhob, sinalubong niya ang nag-aapoy na mga mata nito.Matagal silang nagkatinginan, nagpapakiramdaman sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng pasilyo. Maya-maya, humakbang si Reyko palapit sa pinto ng kwarto. Akmang pipihitin na sana nito ang doorknob nang mabilis niyang hinarangan ang lalaki. "Kakakain
Nang magising si Hiraya, gabing-gabi na.Madilim na sa labas ng bintana at tanging ang maliliit na bituin lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.Nakasanayan na niyang iangat ang kamay niya paggising pero dahil masyadong malakas ang galaw niya, biglang bumalik ang dugo sa swero ng dextrose niya. Napangiwi siya sa sobrang sakit. At dahil sa sakit na 'yon, tuluyan na siyang nagising.Pamilyar na puting kisame ang bumungad sa kanya. “Ospital na naman.” Iyan ang nasa isip niya.Hindi niya alam kung may membership card na ba siya rito dahil parati na lang siyang nandito. Suking-suki na nga siya ata ng ospital na ito. Naalala niya tuloy yung joke ni Alena sa kanya na dapat daw mag-apply na siya ng VIP card para may discount siya sa mga bills niya.Mayamaya pa’y bumukas ang pinto, pumasok si Rhob na may bitbit na isang lunch box. Nang makitang gising na siya, nagliwanag ang mukah nito. "Hiraya! Ipinagluto ka ni Papa ng lugaw tsaka nung paborito mong scrambled egg na may kamatis. Kumain
Kung may natitira man na emosyon kay Hiraya ngayon, malamang ay awa na lang yun para kay Linda. Nakakaawa naman ang ginang. Ang sarili nitong anak, puro lang sarili ang iniisip at hindi man lang inaalala ang kaligtasan ng nanay nito bagkus nagtago pa ito sa pantalong ng magiging asawa. Ang magiging manugang nito ay nakuha pang mang-asar kanina. At ang isa namang anak-anakan, puro iyak at pa-victim lang alam.Si Reyko naman ay madilim na mapatingin sa kanya. Mahigpit na nakatikom ang mga labi nito ngunit mayamaya pa’y tuluyang nagsalita."Hiraya, bibigyan kita ng huling pagkakataon. Bitawan mo na siya," puno ng pagbabantang sabi ng lalaki. Parang may pumigang kung ano sa dibdib ni Hiraya. Sobrang sakit na halos hindi siya makahinga. Siguro nga, kailangan muna niyang mawasak nang tuluyan sa mismong harap ng asawa niya para lang maka-move on at makapag simula ulit.Tiningnan niya ang lalaking pinakamamahal niya noon at isang mapait pero mapanuyang ngiti ang pinakawalan niya. "At paano







