Sa ilang linggong paghihiwalay nila ni Jack ay patuloy pa rin nitong ginugulo si Hiraya. Subalit wala ng pakialam ang dalaga sa lalaki at buong-buo na nga ang desisyon niyang makipag break sa lalaki.
Hindi niya rin inaasahan na pati rin si Reyko ay ginugulo nito kaya tuloy umiiwas na ang binata sa kan’ya. Gaano ba kahirap intindihin na ayaw na niya sa binata’t dahil mas pinili nito si Rosamie kaysa sa kan’ya?
Para ngang nakahinga ng maluwag si Hiraya dahil kung hindi sila nag-break ni Jack ay baka hanggang ngayon nasa bingit pa rin ng kamatayan ang kan’yang ina. Masaya pa rin siya dahil nagawa niyang hiwalayan ang lalaking iyon na tanging ang iniisip lamang ay ang kapakanan ng kababata nitong si Rosamie.
Ngayon na sawa na siyang intindihin ang lalaki, ito naman ang pilit na sinusuyo siya. Para ano?
Dahil ba natapakan niya ang ego nito dahil may nangyari sa kanila ng kaibigan nitong si Reyko?
Ngayon na may koneksyon na siya kay Reyko, hindi niya sasayangin iyon kahit na magmukha pa siyang desperada. Ang lalaki lang kasi ang mayroong medesinang gano’n na finormulate nito kasama ang si Dr. Angel na sobrang sikat na doktor sa buong mundo.
Kaya naman hindi niya kayang kalabanin ang doktor. Ito lamang ang pag-asa niya upang mapabuti ang lagay ng kan’yang ina.
Kasalukuyang binabagtas ni Hiraya ang office ng isa niyang suki dahil nag-order ito ng dalawang layer na cake para sa birthday ng ina. Naroon siya sa UP university kaya may posibilidad na makikita niya si Dr. Reyko. Pinapanalangin niya na sana makita niya ito dahil may ibibigay siyang cookies para sa binata.
Dahil sa sobrang pagmamadali ay may nakabunggo siyang isang dalaga kung kaya’t ang milktea na hawak-hawak nito ay bumuhos sa kan’yang damit.
Napapikit si Hiraya at napamura dahil doon. “Shit!” bulong niya saka binaba ang malaking paper bag na dala-dala.
“Oh my God! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh!” inis na wika ng babae sa kan’ya.
Nang mapatingin si Hiraya sa babae, siningkitan niya ito at biglang may naalala.
“Ikaw! Ikaw ang babae kagabi!” Turo ni Hiraya sa babae.
“Ha! Ikaw iyong desperadang babae na nagpupumilit na girlfiend ni Professor Reyko ko ‘di ba?” taas-kilay na wika ng babae sa kan’ya.
Hindi niya inaasahang estudyante pala ang babaeng ito, akala niya isang p****k lamang ang babae na ikinama ni Reyko. Pati ba naman estudyante pinapatulan ng lalaking iyon? Lahat na lang talaga??
“Sabi ni Prof. Reyko sa akin, nagsawa na raw siya sa’yo at ako na ang gusto niya. Bakit ayaw mong tanggapin na lamang iyon? A piece of advice, girl… Uso rin ang mag-move on!”
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil naglakad na ito paalis ngunit bago iyon ay binangga pa siya nito. Wala siyang nagawa kung ‘di ang ikuyom ang kamao saka kinagat ang labi dahil sa sobrang inis.
Tumutulo pa rin ang milktea sa kan’yang puting damit at kitang-kita na rin ang kulay ng kan’yang bra. Mabilis niyang kinuha ang dala-dala at tumakbo papuntang office ng suki.
Nang katukin niya ang office nito ay agad na bumukas ang pinto.
“Oh my God, Hiraya! What happened to you?” tanong ni Dr. Mayumi nang makapasok siya sa silid.
“Dahil sa pagmamadali ko, aksidenteng natapon sa akin ang milktea ng isang estudyante sa hallway. Mabuti na lamang at hindi natapon ang cake na ginawa ko. Okay lang akom Mayumi huwag kang mag-alala,” ngiti niyang sagot sa babaeng doktor subalit umiling ito.
“Forget about the cake, hindi ka pwedeng lumabas ng gan’yan ang suot mo. Nakikita na ang itim mong bra baka pagpyestahan ka ng mga lalaking estudyante sa paaralang ito. Hintayin mo ako rit, bibilhan kita sa labas ng extra-ng shirt,” sabi ni Mayumi ngunit pinigilan niya ito.
“Huwag na, Mayumi. Okay lang talaga ako, baka mayroon ka pang klase ngayon, talaga i-de-deliver ko lamang ito sa’yo at uuwi na ako,” katwiran niya sa dalaga.
Umiling si Mayumi at seryosong tumingin sa kan’ya, “No! Maraming mga manyak dito sa university kaya hindi ako papayag na lumabas kang gan’yan ang suot mo. Rito ka na muna sa office ko at hintayin mo ako,” sabi nito at mabilis na umalis sa silid.
Napahinga ng malalim si Hiraya at napangiwi, maliban kay Nars Alena ay mayroon din siyang masasabing matalik na kaibigan at iyon ay si Dr. Mayumi. Isa niyang suki at naging ka-close niya na rin.
Dahil sa sobrang lagkit ng kan’yang katawan ay hinubad niya ang damit niya. Siguro naman walang papasok sa office ni Dr. Mayumi dahil maaga pa lamang at iilan lamang ang tao sa building na iyon.
Kahit naman kasi na pumasok pa si Mayumi at makita ang katawan niya ay wala namang ilangang magaganap dahil pareho naman silang babae. Matalik na kaibigan niya rin ito at minsan na nilang makitang hubad ang isa’t-isa.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumukas bigla ang pintuan ng silid mula sa labas. Akala niya ay si Mayumi iyon at baka may nakalimutan lang kaya lumapit pa siya sa pinto.Nanlaki ang mga mata ni Hiraya nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa pintuan, malamig ang mga titig nito sa kan’ya’t binaba ang tingin nito sa katawan niya.
Nang magtama ang kanilang mga mata, biglang tumaas ang balahibo niya, nangatog din ang kan’yang mga paa saka kung kaya’t hindi niya magawang lumakad paatras.
Mabilis niyang tinakpan ang katawan niya, “Dr. Reyko!” tawag niya sa doktor.
Subalit nilampasan lamang siya ni Dr. Reyko at pinatong ang dala-dala nitong mga papel sa mesa ni Dr. Mayumi.
“Narito ako para ibigay itong activity na pinasuyo ni Dr. Mayumi sa akin kanina…” malamig na wika ni Dr. Reyko.
“Nakukulangan ka ba sa pansin? O nagpapapansin ka lang sa akin? Alam mo ba na pupunta ako rito kaya dali-dali kang naghubad para akitin ako? Ganoon ka na ba ka-cheap, Hiraya?”
Napanganga si Hiraya nang marinig iyon sa lalaki. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ngunit mautal-utal siyang nagsalita sa lalaki. “H-Hindi ko naman a-alam… Na-natapunan a-ako ng m-milktea sa damit kaya—”
“Whatever. Excuses!”
“Hindi ko naman talaga alam na papasok ka rito! Seryoso ako!” inis na sabi ni Hiraya sa binata dahil alam niyang hindi ito naniniwala sa kan’ya.
“Ahh! Kasalanan ko pa.” Tumango si Reyko at ngumisi sa kanya, “Kasalanan ko ngang hindi ko muna tiningnan kung naka-lock ba ang pinto o hindi. At kung may tao ba sa loob o wala. Oo, kasalanan ko nga,” dagdag pa ni Reyko.
Obviously, hindi ito naniniwala sa kan’ya.
Dumilim ang mukha niya at bumaba upang kunin ang sparekey ng kwarto ni Hiraya. Habang papaakyat ng hagdan ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag habang paakyat, “Kalyx Lee? Anong problema mo? Bakit ka pa tumatawag sa akin?"Kahit na kaibigan ito ni Andrea, hindi rin talaga niya gusto ang ugali nitong si Kalyx. Kung pwede nga lang patayin na nito ay ginawa na niya. Kung hindi lang pumunta sa kanya ang ina nito at ina ni Andrea ay hindi na niya ito tinulongan pa. Mula sa kabilang linya, narinig ang mahinang tawa ng lalaki, "Well, kahit na pinatapon mo ako sa malayo, sobrang laking tulong naman nito sa akin. Mabuti na lang at kaibigan ako ni Andrea kung hindi ay baka sa kulongan ang bagsak ko nito. Ngayon, pwede ba kitang tawaging brother-in-law?"Bahagyang kumunot ang noo ni Reyko, "Kung may sasabihin ka, diretsuhin mo na ako. Busy ako!""Oo naman, alam kong busy ka kaya hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon. Bukas ng gabi ay mag-ce-celebrate kami ng engagement part
Yumuko si Hiraya at tiningnan ang kanyang cellphone. Ang kalmadong mukha niya ay unti-unting nandilim at nag-aapoy pa ang kanyang mga mata. Ang lahat ng galit na nararamdaman niya kanina ay umabot na sa sukdulan sa sandaling iyon.Nangako sa kanya si Reyko ilang araw pa lang ang nakalipas na hindi ito makikialam sa kaso ng kaibigan niyang si Mayumi! Ano na naman ang plano ng lalaking iyon ngayon?Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Reyko. Sumusobra na talaga ang lalaking iyon, manganganak na talaga siya dahil sa sobrang stress niya sa lalaki! Napamura siya sa kanyang isipan nang hindi man lang ito sumasagot. Ilang minuto ang nakalipas ay may humintong kotse sa kanya, pagkalingon niya ay naroon na ang driver niya. Saktong pagpasok niya ay sumagot ang gago niyang asawa. “Reyko, nasaan ka?”“Akala ko nakalimutan mo ng may asawa ka pa?” kalmadong tanong ni Reyko sa kanya. Nakalimutan? Kailangan niya bang maalala ang gagong ito? Naalala niya pa nga dati na pag tumawag siya, agad siya
Paglabas ni Hiraya sa ospital, gabing-gabi na rin iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat sa nakitang napakaraming missed calls doon. Galing iyon kay Reyko, Marco at ang kapatid ni Mayumi. Ang huling tumawag ay si Attorney Reyes na mas ikinagulat niya. May nangyari kayang masama? Sa isip-isip niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa’t tinawagan ulit si Attorney Reyes. Agad-agad naman nitong sinagot ang tawag para bang kanina pa ito hinihintay ang call back niya. “Mrs. Takahashi..” Medyo nagmamadali ang boses ni Attorney Reyes, “Hindi maganda ang sitwasyon ngayon…”Biglang nanigas ang katawan ni Hiraya nang marinig ang sinabi ng attorney. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “Ano? Anong nangyari? Tumawag ang kapatid ni Mayumi sa akin, tungkol ba iyon sa kanya?”“Hindi, hindi siya…” Medyo natataranta ang boses ni Atty. Reyes kung kaya’t kinabahan siya ng malala. “Eh ‘di sino?” tanong ulit ni Hiraya.“Si Mr. Takahashi.”Mahina ang boses ni Attorney Reyes, pero para
Parang biglang nanlamig ang puso ni Hiraya nang marinig ang sinabi ni Mayumi. “Mayumi… Seryoso ka ba talaga?” Tumango si Mayumi at ngumiti ng matamis. “Oo naman. May kasalanan sila sa akin kung kaya't bakit ako magba-backout? Ano ang rason kung bakit hindi ako lalaban? Ang lalaking iyon! Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!” basag ang boses na sabi ni Mayumi. Nakaramdam ng kaba si Hiraya, sobrang nag-aalala siya sa mangyayari sa hinaharap. "Mayumi..."“Hiraya, hayaan mo ako. Huwag ka ring matakot sa asawa mo. Kahit anong pananakot niya sa'yo huwag na huwag mo siyang papansinin. Sino ba siya? Pareho lang naman tayong mga tao at ginawa ng Diyos. Kung gusto mong hiwalayan siya, hiwalayan mo. Huwag mo na kaming isipan pa,” naiiyak na sabi ni Mayumi habang hawak-hawak ang kamay niya. "Noong nalaman kong buntis ka at si Reyko ang ama ay sobrang natakot talaga ako. Kilala ko kasi ang lalaking iyon pero alam mo, nanalangin ako sa poong maykapal na sana tratuhin ka niya ng mabuti dahil
On the way na sana si Hiraya upang kitain si Marco nang may natanggap siyang tawag mula kay Alena. Sabi ng nasa kabilang linya ay nahulog daw si Mayumi sa hagdan ng kanilang mansyon at ngayon ay naka-admit sa ospital upang bigyang lunas ang mga sugat at bali sa katawan. Agad na sinabi niya sa kanyang driver na bumalik at pumunta sa address ng ospital. Nang makarating sila roon ay lakad-takbo ang ginawa ni Hiraya habang hawak-hawak ang kanyang maliit na umbok ng tiyan. Maingat siyang tumakbo papunta sa operating room kung saan naroon ang kanyang kaibigan. Nakita niya roon si Alena na umiiyak kung kaya't nilapitan niya ito. “A-Ano ang nangyari?” tanong niya kay Alena nang makalapit siya sa dalaga. “Pupunta sana kami sa’yo at yayayain ko sana siyang magliwaliw dahil alam kong marami na siyang iniisip pero n-nang makarating ako sa loob ng kanilang bahay nakita ko na siyang duguan at nakahandusay sa ibaba ng hagdan.” Si Alena ay nanginginig ang katawan pati na ang labi nito habang nag
Napataas ng kilay si Reyko dahil sa sinabi ni Hiraya. Kita niya ang pagyuko ng asawa sa kanya, hindi man lang niya alam kung ano nga ba ang ekspresyon nito. Kung umiiyak na ba ito o ano. Ngunit sa tingin ni Reyko ay malungkot ang babae. "Ano pa ba ang silbi kapag sinabi ko sa'yo ang problema ko? Wala ka na rin namang pakialam sa akin, tama? Hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo, kaya ko namang solusyon ang lahat ng ito basta't huwag ka na lamang makialam sa akin. Please lang," sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay malumanay at rinig din niya ang mahihinang hikbi nito. Napakuyom naman ng kamao si Reyko hanggang sa nagsilabasan na ang mga ugat nito sa kamay dahil sa sobrang ini. Ngayon na alam na niyang may problema ang asawa, hindi niya ito papalampasin. Hindi niya makakayang huwag pansinin ang mga nangyayari dahil wala rin naman talaga siyang pakialam doon sa kaibigan ng first love niya. Hinding-hindi niya iyon papalampasin kahit na kaibigan pa ito ni Andrea. Nanginginig ang kata