Labis ang tuwa ni Hiraya nang maging okay na ang kalagayan ng kan’yang ina, kahit na hindi pa tuluyang malakas ay nakahangos pa rin ng maluwag si Hiraya dahil hindi na ito mag-u-undergo ng chemotherapy since naoperahan na ito.
May maintenance lamang na tini-take ang nanay at iyon ay ang gamot na binigay sa kan’ya ni Dr. Reyko.
Isang buwan na ang nakalipas at hindi na nagpaparamdam ang binata sa kan’ya, hindi naman iyon big deal kay Hiraya dahil alam niyang simula noong binigyan siya ng lalaki ng pera at gamot ay iyon na ang huli nilang pagkikita.
Tanggap naman niya iyon at hanggang ngayon pilit niyang kinakalimutan ang lalaki kahit na minsan ay na-mi-miss niya ang haplos at halik nito.
Hanggang sa isang araw ay nakasalubong niya ang binata at may kasama itong dalaga. Balak sana niyang batiin ito subalit hindi man lang siya nito pinansin, dire-diretso ang lakad at nilamapasan lamang siya na para bang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Hiraya subalit tinatagan niya ang sarili at taas noong naglakad din at hindi pinansin ang lalaki.
Napailing si Hiraya at napahinto, hindi pwedeng gan’to. Hindi pwedeng hindi siya pansinin nito, hindi niya matanggap na sa lahat ng nangyari sa kanila ay eetsapwera lang siya ng lalaki.
Kaya naman ang ginawa niya ay binalikan niya ang binata’t mabilis na tumakbo upang kausapin ito.
“Hoy, Dr. Reyko!” sigaw niya sa binata kaya napatingin si Reyko sa kan’ya ng masama. Napataas din ng kilay ang babaeng kasama ni Reyko sa kan’ya.
“What do you want? Do I know you??” malamig na tanong ni Reyko kay Hiraya.
Natahimik ng ilang segundo si Hiraya ngunit agad namang nakabawi. “Hoy lalaki! Kung makaasta ka naman ay hindi mo ako kilala, nakalimutan mo na ba ang nangyari sa ating dalawa? Kinuha mo ang virgini—”
“Honey, ang ingay naman ng babaeng ito, can we please leave na? Naiinip na ako eh, gusto na kitang matikman,” hagikhik na sabi ng babae na halos kunti na lamang ay ipakita na nito ang kaluluwa sa suot na damit.
“Pwede ba, lubuyan mo na ako? Weirdo…”
Kumuyom ang kamao ni Hiraya nang sandaling marinig ang sinabi ng lalaki. Matapos ang lahat ng nangyari sa kanila, sasabihan lamang siya nito ng weirdo!
Bobo ba ito? Itong weirdo-ng ito ay nakatalik ng lalaki ng dalawang beses!
“Weirdo? Hoy babae, hindi mo ba alam na ako ang girlfriend ng nilalandi mo!?” pagsisinungaling niya.
Ayaw niya kasing makita ang lalaki na may ibang kinakalantari bukod sa kan’ya. Hindi niya matanggap na ang bilis-bilis nitong palitan siya. Sobrang taas ng pride niya, matatanggap sana niya kung tatlong buwan ang nakalipas subalit isang buwan pa nga lang ay nakahanap na ito ng iba!
Malandi ang doktor na ito! Hindi siya papayag na may lintang dikit ng dikit dito.
“Honey, come na!” hila ng babae kay Reyko ngunit kinuha niya ang braso ng lalaki at hinila rin.
“Bitch! Bingi ka ba!?” inis na sabi niya sa babae.
“Ikaw ang bingi, weirdo ka nga talaga, umalis ka na nga rito, napaka-desperada mo!”Kinuyom ni Hiraya ang kamao nang makitang umalis ang dalawa sa kan’yang harapan. Sa sobrang inis ay napapadyak-padyak pa siya.
Mukhang hindi umubra ang plano niya, hindi niya na nga talaga maaakit ang lalaking iyon! Hangga’t hindi niya ito napapa-inlove sa kan’ya ay walang gamot siyang makukuha.
Hindi pa rin sapat ang naipon niyang pera para makabili ng isang box. Isang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa kumakalahati ang naipon niya sa presyo ng gamot. Kung isang buwan pa ang gugulugin baka kahalati pa lang ng presyo ang maiipon niya.
Ilang oras din siyang naghintay sa lalaki sa labas ng condo, hindi niya alam kung condo ba iyon ng babae o sa doktor subalit naalala niyang hindi gan’to ang building na pinasukan nila noong nag-sex sila sa kotse nito.
Sa madaling salita, sigurado siyang sa babae ang condo na pinasukan ng dalawa.
Napatayo siya sa pagkakaupo sa sahig nang sandaling bumukas ang pinto ng condo. Nakita niyang lumabas sa pintuan si Reyko at nagsindi ng sigarilyo.
Huminga ng malalim si Hiraya at lumapit sa binata. “Dr. Reyko~ kanina pa kita hinihintay rito sa labas bakit ang tagal mo? Ilang linggo na tayong hindi nagkikita, hindi mo ba ako na-mi-miss?” malanding sabi niya sa binata at hinawakan ang braso ng lalaki at pinisil iyon.
Sobrang nilambingan niya ang tono ng boses upang maakit sa kan’ya ang binata ngunit nanitili lamang na blangko ang ekspresyon nito.
Tiningnan lamang siya ni Reyko mula ulo hanggang paa at binigyan ng masamang tingin. “Pinagsasabi mo? Hindi kita na-miss, b*tch!”
Kinagat ni Hiraya ang kan’yang labi dahil sa sinabi ni lalaki. B*tch? Ni hindi nga siya pumapatol ng kung sino-sino!
Nakaramdam din ng hiya si Hiraya nang ngumisi si Reyko sa kan’ya. Tiningnan siya nito ng may pandidiri na para bang may nakakahawang sakit siya. Subalit ngumiti siya ng pilit, “Bakit gan’yan ka naman makatingin, Dr. Reyko? Ayaw mo na ba sa akin?”
Halatang-halata nga naman na nilalandi niya ang binata, sa uri ng boses niya at sa paghaplos ng braso nito, alam na alam ni Reyko ang galawan ng isang babaeng nilalandi ang lalaki. “Nagsawa na ako sa’yo Hiraya, hindi mo ba iyon maintindihan? O sadyang boba at tanga ka lang? Kahit ano pang gawin mo, hindi na ako makikipagtalik sa’yo. Hiraya, problema lang aabutin ko sa’yo.”
Problema? Bakit? Ano naman ang ginawa niya para maging problema siya sa lalaki?
“Problema? Paano ako naging problema sa’yo?” kunot-noong tanong ni Hiraya kay Reyko.
“Hindi mo ba alam? Kinukulit ako ng ex-boyfriend mo? Tawag ng tawag sa akin at panay punta sa office ko sa university, kaya naman nag-request pa ako ng leave sa trabaho para lang maiwasan ka at ang lalaking iyon! Nakakainis! Pinagsisihan kong k******t pa kita!” inis na sabi ni Reyko sa dalaga kaya napangiwi ito.
Huminga ng malalim si Reyko at sinamaan ng tingin si Hiraya, “Kaya pwede ba, huwag mo na akong guluhin pa? Nagsawa na ako sa’yo, sawa na ako sa katawan mo kaya pwede bigyan mo naman ng kunting respeto ang sarili mo? Nakakahiya ka.”
Napaawang ang labi ni Hiraya nang sandaling marinig niya ang sinabi ni Reyko. Gumuhit ang sakit sa kan’yang puso, para bang pinagtutusok iyon ng kutsilyo ng paulit-ulit. Napalunok siya ng mariin at hindi man lang makapagsalita.
Yumuko na lamang si Hiraya dahil sa sobrang hiya, “Sorry…” maluha-luhang bulong niya sa lalaki.
Dumilim ang mukha niya at bumaba upang kunin ang sparekey ng kwarto ni Hiraya. Habang papaakyat ng hagdan ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag habang paakyat, “Kalyx Lee? Anong problema mo? Bakit ka pa tumatawag sa akin?"Kahit na kaibigan ito ni Andrea, hindi rin talaga niya gusto ang ugali nitong si Kalyx. Kung pwede nga lang patayin na nito ay ginawa na niya. Kung hindi lang pumunta sa kanya ang ina nito at ina ni Andrea ay hindi na niya ito tinulongan pa. Mula sa kabilang linya, narinig ang mahinang tawa ng lalaki, "Well, kahit na pinatapon mo ako sa malayo, sobrang laking tulong naman nito sa akin. Mabuti na lang at kaibigan ako ni Andrea kung hindi ay baka sa kulongan ang bagsak ko nito. Ngayon, pwede ba kitang tawaging brother-in-law?"Bahagyang kumunot ang noo ni Reyko, "Kung may sasabihin ka, diretsuhin mo na ako. Busy ako!""Oo naman, alam kong busy ka kaya hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon. Bukas ng gabi ay mag-ce-celebrate kami ng engagement part
Yumuko si Hiraya at tiningnan ang kanyang cellphone. Ang kalmadong mukha niya ay unti-unting nandilim at nag-aapoy pa ang kanyang mga mata. Ang lahat ng galit na nararamdaman niya kanina ay umabot na sa sukdulan sa sandaling iyon.Nangako sa kanya si Reyko ilang araw pa lang ang nakalipas na hindi ito makikialam sa kaso ng kaibigan niyang si Mayumi! Ano na naman ang plano ng lalaking iyon ngayon?Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Reyko. Sumusobra na talaga ang lalaking iyon, manganganak na talaga siya dahil sa sobrang stress niya sa lalaki! Napamura siya sa kanyang isipan nang hindi man lang ito sumasagot. Ilang minuto ang nakalipas ay may humintong kotse sa kanya, pagkalingon niya ay naroon na ang driver niya. Saktong pagpasok niya ay sumagot ang gago niyang asawa. “Reyko, nasaan ka?”“Akala ko nakalimutan mo ng may asawa ka pa?” kalmadong tanong ni Reyko sa kanya. Nakalimutan? Kailangan niya bang maalala ang gagong ito? Naalala niya pa nga dati na pag tumawag siya, agad siya
Paglabas ni Hiraya sa ospital, gabing-gabi na rin iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat sa nakitang napakaraming missed calls doon. Galing iyon kay Reyko, Marco at ang kapatid ni Mayumi. Ang huling tumawag ay si Attorney Reyes na mas ikinagulat niya. May nangyari kayang masama? Sa isip-isip niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa’t tinawagan ulit si Attorney Reyes. Agad-agad naman nitong sinagot ang tawag para bang kanina pa ito hinihintay ang call back niya. “Mrs. Takahashi..” Medyo nagmamadali ang boses ni Attorney Reyes, “Hindi maganda ang sitwasyon ngayon…”Biglang nanigas ang katawan ni Hiraya nang marinig ang sinabi ng attorney. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “Ano? Anong nangyari? Tumawag ang kapatid ni Mayumi sa akin, tungkol ba iyon sa kanya?”“Hindi, hindi siya…” Medyo natataranta ang boses ni Atty. Reyes kung kaya’t kinabahan siya ng malala. “Eh ‘di sino?” tanong ulit ni Hiraya.“Si Mr. Takahashi.”Mahina ang boses ni Attorney Reyes, pero para
Parang biglang nanlamig ang puso ni Hiraya nang marinig ang sinabi ni Mayumi. “Mayumi… Seryoso ka ba talaga?” Tumango si Mayumi at ngumiti ng matamis. “Oo naman. May kasalanan sila sa akin kung kaya't bakit ako magba-backout? Ano ang rason kung bakit hindi ako lalaban? Ang lalaking iyon! Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!” basag ang boses na sabi ni Mayumi. Nakaramdam ng kaba si Hiraya, sobrang nag-aalala siya sa mangyayari sa hinaharap. "Mayumi..."“Hiraya, hayaan mo ako. Huwag ka ring matakot sa asawa mo. Kahit anong pananakot niya sa'yo huwag na huwag mo siyang papansinin. Sino ba siya? Pareho lang naman tayong mga tao at ginawa ng Diyos. Kung gusto mong hiwalayan siya, hiwalayan mo. Huwag mo na kaming isipan pa,” naiiyak na sabi ni Mayumi habang hawak-hawak ang kamay niya. "Noong nalaman kong buntis ka at si Reyko ang ama ay sobrang natakot talaga ako. Kilala ko kasi ang lalaking iyon pero alam mo, nanalangin ako sa poong maykapal na sana tratuhin ka niya ng mabuti dahil
On the way na sana si Hiraya upang kitain si Marco nang may natanggap siyang tawag mula kay Alena. Sabi ng nasa kabilang linya ay nahulog daw si Mayumi sa hagdan ng kanilang mansyon at ngayon ay naka-admit sa ospital upang bigyang lunas ang mga sugat at bali sa katawan. Agad na sinabi niya sa kanyang driver na bumalik at pumunta sa address ng ospital. Nang makarating sila roon ay lakad-takbo ang ginawa ni Hiraya habang hawak-hawak ang kanyang maliit na umbok ng tiyan. Maingat siyang tumakbo papunta sa operating room kung saan naroon ang kanyang kaibigan. Nakita niya roon si Alena na umiiyak kung kaya't nilapitan niya ito. “A-Ano ang nangyari?” tanong niya kay Alena nang makalapit siya sa dalaga. “Pupunta sana kami sa’yo at yayayain ko sana siyang magliwaliw dahil alam kong marami na siyang iniisip pero n-nang makarating ako sa loob ng kanilang bahay nakita ko na siyang duguan at nakahandusay sa ibaba ng hagdan.” Si Alena ay nanginginig ang katawan pati na ang labi nito habang nag
Napataas ng kilay si Reyko dahil sa sinabi ni Hiraya. Kita niya ang pagyuko ng asawa sa kanya, hindi man lang niya alam kung ano nga ba ang ekspresyon nito. Kung umiiyak na ba ito o ano. Ngunit sa tingin ni Reyko ay malungkot ang babae. "Ano pa ba ang silbi kapag sinabi ko sa'yo ang problema ko? Wala ka na rin namang pakialam sa akin, tama? Hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo, kaya ko namang solusyon ang lahat ng ito basta't huwag ka na lamang makialam sa akin. Please lang," sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay malumanay at rinig din niya ang mahihinang hikbi nito. Napakuyom naman ng kamao si Reyko hanggang sa nagsilabasan na ang mga ugat nito sa kamay dahil sa sobrang ini. Ngayon na alam na niyang may problema ang asawa, hindi niya ito papalampasin. Hindi niya makakayang huwag pansinin ang mga nangyayari dahil wala rin naman talaga siyang pakialam doon sa kaibigan ng first love niya. Hinding-hindi niya iyon papalampasin kahit na kaibigan pa ito ni Andrea. Nanginginig ang kata