"May gagawin ka ba mamaya?"Napaawang ang labi ni Hiraya nang marinig ang sinabi sa kan'ya ni Dr. Reyko. Hindi niya inaasahang tatanungin ng lalaking iyon sa kan'ya. Ilang buwan na rin silang hindi nagkikita at alam niyang inaaya siya nito ng lalaki, hindi na siya inosente para hindi malaman ang gusto ng lalaki.Napalunok ng mariin si Hiraya at magsasalita na sana subalit inunahan na siya ng lalaki. "Nevermind. Busy na pala ako."Hindi makapaniwala si Hiraya sa sinabi ng lalaki, busy na agad? Agad-agad? Ang dali namang magbago ng isip ng lalaki, mukhang hindi nga ata nag-isip ito bigla-bigla na lamang nagdedesisyon. Matapos siyang ayain bigla siya nitong iwan sa ere?Kung saan na available na siya at may pagkakataon na siya upang makahingi ulit ng gamot sa lalaki, aayaw naman agad ito? Pagkakataon na niya iyon kaya mas kinulit pa niya ang binata.Napangisi si Hiraya at pinulupot ang kamay sa braso ng binata, "Ang dali namang magbago ng isip ni Dr. Reyko? Bakit natatakot ka ba?" maland
Kabado at nagpa-panic si Hiraya nang makita ang papaubos na gamot ng kan'yang ina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin pa't ang tanging solusyon lamang talaga ng problema niya ay si Dr. Reyko, ang binata lang talaga ang bukod-tanging makakatulong sa kan'ya para makakuha ng medisina para sa ina. Pabalik-balik siya sa kan'yang kwarto habang nagiisip, nang maalala niyang mayroon pala siyang kontak sa binata ay agad niyang kinuha ang telepono upang kontakin ito. Agad siyang nagtipa ng mensahe: [Dr. Reyko, kumusta? Pwede ba tayong magkita? Free ako mamayang gabi...] Nagulat siya nang hindi man lang ito na-send at nag-fail pa. Mukhang binlock siya ng lalaking iyon. Minasahe niya ang kan'yang noo at napaupo na lamang sa kan'yang kama. "Gosh! Kakaunti na lamang ang gamot ng Inay, paano ako makakabili ng gamot na iyon, kulang na kulang pa ang ipon ko. Ugh!" inis niyang sabi sa sarili. Hindi siya makapaniwalang binlock siya ng lalaki, akala ba niya ay interesado ito sa kan'ya? I mean, noon
Nang makapunta sila sa party ay agad na dinisplay ni Hiraya ang cake sa gitna ng stage. Habang nag-aayos ay may napansin siyang magandang sandal na nakatayo sa harapan niya. Sa paglingon niya sa taong nasa harapan niya, kitang-kita niya ang nakangising si Rosamie habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot lamang kasi siya ng isang simpleng dress, hindi akma sa birthday party-ng iyon. Si Rosamie ay nakasuot ng isang mamahaling dress na sa pagkakaalam niya ay isang limited edition ng Divine. Isa sa pinakasikat na brand ng clothing sa buong mundo. Siningkitan siya nito saka unti-unting napangisi. "Aba, narito ka. Hindi ko inaasahang dadalo ka rito, Hiraya. Ikaw ba ang nag-catering dito? Mukhang ikaw nga, here..." Inilahad ni Rosamie ang walang laman na wine glass sa kan'ya. "Pakuha nga ako ng isa pang glass of wine, uhaw na uhaw na ako eh. Pwede ba?" ngising sabi ng babae saka mas lalong ngumisi sa kan'ya. Kumunot ang noo ni Hiraya saka napailing dahil sa sinabi ng dalag
"Gago ka ba?" tanong ni Hiraya, "Ay oo nga pala, gago ka! Tingnan mo itong mga larawan na kinuha ko kani-kanina lang." Napalingon si Hiraya kay Rosamie, "Akala mo ba, napakatanga ko para hindi kumuha ng ebedensya sa ginawa mo sa akin? Ha! Manigas ka." Inilahad at ipinakita ni Hiraya ang mga nakuha niyang larawan kay Rosamie, doon ay sobrang galit na galit si Rosamie sa kan'ya at akmang sasampalin siya. Muntik pa siyang matawa nang makita ang pangit na mukha ng babae sa larawan dahil sa sobrang galit sa kan'ya. "Oh, 'yan baka gusto mong pumili ng mai-lo-lockscreen sa kaawa-awa at inosente mong si Rosamie, huwag kang mag-alala, Jack bibigyan pa kita ng copy ng mga larawan niya. Gusto mo 'yon?" inis na tanong pa niya sa dating kasintahan. Natahimik naman ang lalaki at napatulala lamang sa camera-ng pinakita niya. Hindi ito makapaniwala na magagawa iyon ni Rosamie. "Hay, nakakaawa naman na ang inosente mong KABABATA kuno ay gan'to pala. Sayang naman ng talent niya ngayon, nag-drama pa
"Huwag na nga lang nating pag-usapan ang ex mo. Mabuti na nga lang at wala na rin kayong relasyon ni Dr. Reyko, huwag mo na ring lapitan ang lalaking iyon. May mas better pang lalaking para sa'yo, Hiraya. Huwag kang mag-alala..." Naalala ni Mayumi noong nag-seminar sila at kasama niya si Dr. Reyko. Talagang unang tingin ay mapapanganga ka sa kagwapuhan nito, pati siya ay napapahanga sa taglay ng alindog ng lalaki. Ang bawat galaw nito ay talagang sobrang expensive! Subalit nang makita niya ang uri ng tingin nito sa mga tao ay biglang nangilabot ang kan'yang katawan. Talagang nakakapatay ang tingin nito't sobrang nakakatakot para sa kan'ya. Wala ngang nangangahas na lumapit kay Reyko noon. Pero noong nagsimula na itong magsalita sa unahan dahil ang lalaki pala ang speaker nila sa seminar ay lahat ng upuan sa loob ng hall ay biglang napuno. Napapailing na lamang siya, kahit na gano'n tumitig ang isang Reyko Takahashi ay hindi pa rin tinitigilan ito ng humahanga sa binata. Kaya nga hi
Hinila ni Reyko si Hiraya sa isang madilim na lugar kung hindi nagkakamali si Hiraya ay naroon sila sa garden ng mansyon. Hindi niya alam kung bakit hinila na lamang siya basta-basta ng lalaki pero nagpatianod na lamang siya sa ginagawa nito. Kitang-kita niya ang malamig na mukha ni Reyko habang hawak-hawak siya nito sa kamay. Nang makitang suot-suot pa rin niya ang coat na iniligay ni Jack sa balikat niya ay mabilis na inalis iyon sa balikat niya at itinapon na lamang kung saan. Para bang nahihirapang huminga si Hiraya habang nakita ang ekspresyon ng lalaki. Para ba itong isang hayop na mabangis at gusto siyang lapain. Para siyang isang maliit na daga at isang tigre ang lalaki, siya ay bihag nito at mayamaya ay magiging hapunan na siya. Huminga siya ng malalim at kinalma niya ang sarili, hindi dapat siya magpakita ng kahinaan sa lalaking ito. "Reyko..." tawag niya sa binata. Ngumisi siya at nagpatuloy, "Pasensya na at inindyan kita noong nakaraan, may naging problema lamang ako
Ilang araw ang nakalipas noong pagtatagpo nina Hiraya at Dr. Reyko, halos hindi niya makontak ang lalaki dahil sa sobrang ka-busy-han niya sa negosyo. Marami kasi siyang naging costumer dahil peak season ngayon. Halos magkanda-ugaga siya dahil sa punong-puno ng orders ang kan'yang shop. Ni hindi na nga niya maasikaso ang kan'yang sarili dahil sa sobrang ka-busy-han. Ni hindi na nga niya napansin na ilang araw na rin siyang delay ng regla, napansin lamang niya iyon nang magtanong ang kan'yang kaibigan na si Alena kung may extra-ng napkin siya dahil dinatnan na nga ang babae. Doon lang niya napagtanto na wala pang bawas ang isang balot na napkin niya. Nahihilo rin siya at nagsusuka sa umaga kung kaya't talagang kinabahan siya. Sa oras na ito ay hawak-hawak niya ang tatlong pregnancy test upang malaman kung may nabuo ba sa ginagawa nila ni Reyko. Walang kaalam-alam dito ang kan'yang ina pati na ang mga kaibigan, ayaw na muna niyang ipaalam sa mga ito na baka buntis siya dahil baka luma
Huminga ng malalim si Hiraya habang nakatingin sa labas ng mansyon nina Reyko Takahashi, pinapanalangin niyang sana ay naroon ang lalaki upang sabihin dito na nagdadalang-tao siya at ito ang ama. Kinakabahan man ngunit kailangan niyang gawin iyon para sa kan'yang ina, balak niyang sabihin sa lalaki na buntis siya at humingi na rin ng tulong upang makahingi ng gamot sa lalaki. Kailangan na kailangan niya iyon para sa pagpagamot ulit ng kan'yang ina. Naiiyak man siya ngunit pinigilan niya iyon. Kinusot-kusot pa niya ang kan'yang mga mata habang naglakad papalapit sa mansyon. May nakita siyang isang guard na nakatayo sa gilid kung kaya't nilapitan niya ito. "Manong Guard, nariyan po ba si Reyko Takahashi?" tanong niya sa guard, hindi na niya ito nagawang batiin dahil nagmamadali siya. Sandaling kumunot ang noo ng guard sa kan'ya at napailing. "Wala rito si Dr. Reyko, Miss. Sino ba kayo?" "A-Ako? Kaibigan niya ako! Baka naman alam mo kung nasaan si Reyko, sabihin mo sa akin, gu
Habang nagsasalita silang dalawa ay dumating naman si Hiraya na inaalalayan si Sunshine papalapit sa kanila. For the lapit naman si Rhob upang tulungan si Hiraya. “Hiraya, umuwi ka na, ako na ang maghahatid kay Sunshine.” “Mukhang naparami ang inom ni Sunshine kung kaya’t dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka masuka na naman siya,” bilin ni Hiraya kung kaya’t tumango at ngunitian pa siya ng matamis ni Rhon. "Sige, huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan ang pag-drive…" Tumingin si Rhob kay Reyko, at nag-aalangan na tumingin kay Hiraya, "Kung kailangan mo ng tulong o may kailangan ka, huwag kang mahiyang tumawag sa akin." Tumango si Hiraya, "Sige, magiingat kayo." Dalawa na lang silang nakatayo sa harap ng restaurant. Tapos ng kumain si Hiraya kung kaya’t medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Mukhang naparami siya ng kain ngayon. Sobrang sarap din kasi ng pagkain at iyon ang hanap-hanap ng nila ng kanyang anak. “Bakit ang aga mong bumalik? Hindi ba’t mahigit isang linggo ka sa busin
Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad
Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b
Mas lalong natakot ang mukha ni Jonah, agad na lumuhod at hinawakan ang laylayan ng pantalon ng lalaki, "Sasabihin ko na, sasabihin ko na po, huwag niyo lang ako idedepatsya... huwag muna kayong umalis, sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ipangako niyo sa akin na kapag sinabi ko na ang totoo—palalayain niyo na ako at ang mga magulang ko at…” Humigpit ang hawak ng dalaga sa laylayan ng pantalon ni Reyko. “ Ipangako niyong bibigyan ako ng isang milyon..."Kumunot ang noo ni Reyko, malamig at matalim ang mga mata nitong tiningnan ang babae. Mabilis niyang inalis ang hawak ng babae sa pantalon niya kung kaya’t tumilapon ang babae sa sahig. Si Marco naman na naninigarilyo ay nakasandal lamang sa sofa, "Saan ka pupunta Reyko?" Kailan pa si Reyko nawalan ng pasensya?"Magpapahangin lang, ituloy mo ang pagtatanong dito," sabi ni Reyko.Hirap na bumangon si Jonah, gulo-gulo na rin ang mukha ng dalaga. “Kahit huwag na pala ang pera, sasabihin ko na lang sa inyo ang lahat pero please lang sa
Sa kabilang banda, hindi man lang makatulog si Hiraya, nakaupo lamang siya sa kwarto. Sa totoo lang, pagkatapos niyang uminom ng gamot, dapat sana'y natutulog na siya nang mahimbing pero hindi siya makatulog, sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, para bang bumabalik siya sa aksidente na nangyari noon. Sobrang kalunos-lunos ang aksidente. Sinadyang binangga ng ama ni Kris ang kotseng minamaneho ni Reyko. Kung hindi dahil sa harang na nasa seaside ay nahulog na sana ang asawa. Nagmamaneho siya sa likod ng lalaki at sinunundan ang lalaki, kahit buntis siya noon ay nagawa pa rin niyang sundan si Reyko. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang sundan ng lihim ang lalaki pero para bang may nag-udyok sa kanya na sundan ito. Kitang-kita niya ang paghinto ng kotse ni Reyko at ang lalaki sa driver's seat ay puno ng dugo, nakasubsob sa manibela at wala ng malay. Sa puntong iyon nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang truck na papaandar upang banggain ang kotse ni Reyko. Agad