Share

Kabanata 90| Umamin na ba siya?

Author: Mysaria
last update Last Updated: 2025-04-30 13:11:09

Mas lalong natakot ang mukha ni Jonah, agad na lumuhod at hinawakan ang laylayan ng pantalon ng lalaki, "Sasabihin ko na, sasabihin ko na po, huwag niyo lang ako idedepatsya... huwag muna kayong umalis, sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ipangako niyo sa akin na kapag sinabi ko na ang totoo—palalayain niyo na ako at ang mga magulang ko at…” Humigpit ang hawak ng dalaga sa laylayan ng pantalon ni Reyko. “ Ipangako niyong bibigyan ako ng isang milyon..."

Kumunot ang noo ni Reyko, malamig at matalim ang mga mata nitong tiningnan ang babae. Mabilis niyang inalis ang hawak ng babae sa pantalon niya kung kaya’t tumilapon ang babae sa sahig.

Si Marco naman na naninigarilyo ay nakasandal lamang sa sofa, "Saan ka pupunta Reyko?"

Kailan pa si Reyko nawalan ng pasensya?

"Magpapahangin lang, ituloy mo ang pagtatanong dito," sabi ni Reyko.

Hirap na bumangon si Jonah, gulo-gulo na rin ang mukha ng dalaga. “Kahit huwag na pala ang pera, sasabihin ko na lang sa inyo ang lahat pero please lang sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cora Mae Pandes
matauhan ka sana Reyko.. salamat Ms. A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 107| May kinalaman si Reyko

    Paglabas ni Hiraya sa ospital, gabing-gabi na rin iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat sa nakitang napakaraming missed calls doon. Galing iyon kay Reyko, Marco at ang kapatid ni Mayumi. Ang huling tumawag ay si Attorney Reyes na mas ikinagulat niya. May nangyari kayang masama? Sa isip-isip niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa’t tinawagan ulit si Attorney Reyes. Agad-agad naman nitong sinagot ang tawag para bang kanina pa ito hinihintay ang call back niya. “Mrs. Takahashi..” Medyo nagmamadali ang boses ni Attorney Reyes, “Hindi maganda ang sitwasyon ngayon…”Biglang nanigas ang katawan ni Hiraya nang marinig ang sinabi ng attorney. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “Ano? Anong nangyari? Tumawag ang kapatid ni Mayumi sa akin, tungkol ba iyon sa kanya?”“Hindi, hindi siya…” Medyo natataranta ang boses ni Atty. Reyes kung kaya’t kinabahan siya ng malala. “Eh ‘di sino?” tanong ulit ni Hiraya.“Si Mr. Takahashi.”Mahina ang boses ni Attorney Reyes, pero para

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 106| The truth behind the incident

    Parang biglang nanlamig ang puso ni Hiraya nang marinig ang sinabi ni Mayumi. “Mayumi… Seryoso ka ba talaga?” Tumango si Mayumi at ngumiti ng matamis. “Oo naman. May kasalanan sila sa akin kung kaya't bakit ako magba-backout? Ano ang rason kung bakit hindi ako lalaban? Ang lalaking iyon! Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!” basag ang boses na sabi ni Mayumi. Nakaramdam ng kaba si Hiraya, sobrang nag-aalala siya sa mangyayari sa hinaharap. "Mayumi..."“Hiraya, hayaan mo ako. Huwag ka ring matakot sa asawa mo. Kahit anong pananakot niya sa'yo huwag na huwag mo siyang papansinin. Sino ba siya? Pareho lang naman tayong mga tao at ginawa ng Diyos. Kung gusto mong hiwalayan siya, hiwalayan mo. Huwag mo na kaming isipan pa,” naiiyak na sabi ni Mayumi habang hawak-hawak ang kamay niya. "Noong nalaman kong buntis ka at si Reyko ang ama ay sobrang natakot talaga ako. Kilala ko kasi ang lalaking iyon pero alam mo, nanalangin ako sa poong maykapal na sana tratuhin ka niya ng mabuti dahil

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 105| A call from Alena

    On the way na sana si Hiraya upang kitain si Marco nang may natanggap siyang tawag mula kay Alena. Sabi ng nasa kabilang linya ay nahulog daw si Mayumi sa hagdan ng kanilang mansyon at ngayon ay naka-admit sa ospital upang bigyang lunas ang mga sugat at bali sa katawan. Agad na sinabi niya sa kanyang driver na bumalik at pumunta sa address ng ospital. Nang makarating sila roon ay lakad-takbo ang ginawa ni Hiraya habang hawak-hawak ang kanyang maliit na umbok ng tiyan. Maingat siyang tumakbo papunta sa operating room kung saan naroon ang kanyang kaibigan. Nakita niya roon si Alena na umiiyak kung kaya't nilapitan niya ito. “A-Ano ang nangyari?” tanong niya kay Alena nang makalapit siya sa dalaga. “Pupunta sana kami sa’yo at yayayain ko sana siyang magliwaliw dahil alam kong marami na siyang iniisip pero n-nang makarating ako sa loob ng kanilang bahay nakita ko na siyang duguan at nakahandusay sa ibaba ng hagdan.” Si Alena ay nanginginig ang katawan pati na ang labi nito habang nag

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 104|

    Napataas ng kilay si Reyko dahil sa sinabi ni Hiraya. Kita niya ang pagyuko ng asawa sa kanya, hindi man lang niya alam kung ano nga ba ang ekspresyon nito. Kung umiiyak na ba ito o ano. Ngunit sa tingin ni Reyko ay malungkot ang babae. "Ano pa ba ang silbi kapag sinabi ko sa'yo ang problema ko? Wala ka na rin namang pakialam sa akin, tama? Hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo, kaya ko namang solusyon ang lahat ng ito basta't huwag ka na lamang makialam sa akin. Please lang," sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay malumanay at rinig din niya ang mahihinang hikbi nito. Napakuyom naman ng kamao si Reyko hanggang sa nagsilabasan na ang mga ugat nito sa kamay dahil sa sobrang ini. Ngayon na alam na niyang may problema ang asawa, hindi niya ito papalampasin. Hindi niya makakayang huwag pansinin ang mga nangyayari dahil wala rin naman talaga siyang pakialam doon sa kaibigan ng first love niya. Hinding-hindi niya iyon papalampasin kahit na kaibigan pa ito ni Andrea. Nanginginig ang kata

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 103| Asawa mo ako!

    Hindi talaga makapaniwala si Andrea sa sinabi ni Hiraya, alam nito na gusto ni Hiraya si Reyko. At kasal ang dalawa, napailing si Andrea dahil sa nangyayari. “Tini-test mo ba ako, Hiraya? Alam mong hindi ako gusto ng matandang iyon. Kapag nalaman niyang dahil sa akin ay makikipag-divorce ka kay Reyko ay ipapatapon na naman niya ako sa ibang bansa! Hindi ba’t tama ako?” natatawang sabi ni Andrea. “Isa pa, hindi naman ako nauubusan ng lalaki kung kaya’t bakit pa ako papatol sa asawa mo? Hindi naman ako katulad mo pati ex na ng kaibigan ay pumatol pa rin.” Tumingin lamang ng seryoso si Hiraya sa kaibigan. Ilang taon na ang nakalipas ngunit sobrang ma-pride pa rin ito. “Kahit ano pa lang paliwanag ko ay hindi ka pa rin pala naniniwala. sabihin mo, useless lang pala ang pakikipag-usap ko sa’yo ngayon,” nakangiting sabi ni Hiraya kay Andrea. Napatayo na lamang siya at napailing. “Alam ko kung bakit ka nagpakita sa akin, dahil iyon kay Kalyx ‘di ba? Alam mong may ebidensya ako laban sa in

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 102| Kayo naman ang una 'di ba?

    Biglang naalala ni Marco ang nangyari kay Mayumi kung kaya’t agad niyang binalita ito kay Reyko, "Alam mo ba ang nangyari kay Mayumi?"Nagulat si Reyko nang marinig ang sinabi ni Marco, "Anong nangyari sa kanya?""Hindi pa ba sinabi sa 'yo ng asawa mo?” Ilang segundong natahimik si Marco at nagpatuloy, "Grabe naman, wala talagang tiwala sa’yo ang asawa mo, pati gantong kalaking bagay ay itinatago niya sa’yo. Sabagay, naiintindihan ko rin naman siya… May ginawang hindi maganda si Kalyx Lee kay Mayumi, mukhang natatakot siguro ang asawa mong makialam ka at mas lalong mapahamak ang kaibigan niya.""Hay! Mukhang hindi ka na talaga niya mahal.. Wala na rin siyang pakialam sa’yo, Reyko." Matapos na sabihin iyon ay ibinaba agad ni Marco ang telepono at napahigikhik.Si Reyko naman ay nanatiling nakatingin sa cellphone habang napapakunot ang noo. Kanina ay tinawagan niya ang babae, ngunit talagang nasa ospital nga ito. Sinabi niya pang nakikipaglandian ito kay Rhob kanina.‘Mukhang hindi ka n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status