[PEN's Point of View]
Bumagsak ang aking mga balikat at napawi ang kurba sa mga labi ko. Para akong biglang sinimento sa aking kinatatayuan. Hindi ko rin naman maalalang lumaklak ako ng soda para humapdi ng ganito ang paligid ng aking ilong at tila naging isa akong kandilang sinindihan na unti-unting natutunaw. Nakakapanghina.
Parang biglang sumara ang kaunting siwang na nagbigay sa akin kanina ng liwanag at unti-unting nawala sa tono ang musikang naririnig ko. Bumagsak, gumuho at nadurog ang lahat. Isa lang palang ilusyon at wala pang isang minuto nang sampalin ako ng katotohanan para magising.
"Oh bakit? Wag mong sabihing hindi ka marunong gumamit ng cellphone?" masungit na tanong ni Tita Isay nang halos abutin ako ng siyam-siyam sa pagkakatayo ko sa harap nila.
"M-marunong ho," nangangatal kong sagot bago itapat ang cellphone sa kanila.
"Aba'y mabuti. Akala ko'y pati d'yan ay wala kang alam."
Pinilit ko na lang ngumiti kahit nagngingitngit na ang aking buong kalamnan, kahit pakiramdam ko sobrang init na ng paligid ng aking mga mata, kahit pakiramdam ko matatapon ko na ang cellphone na hawak ko sa kanila.
"Okay, one..." Sabay-sabay silang nag-pose at ngumiti ng napakalapad. Tumiim ang aking panga at lumabo ang aking paningin habang pinagmamasdan ko sila.
"Two... three." Pinindot ko agad ang capture at inilapag sa mesa ang cellphone nang pumiyok ang boses ko at maramdaman ang pagtulo ng mainit na luha sa aking pisngi. Mabilis akong yumuko at tumalikod habang naglalakad ng may malalaking hakbang papasok ng bahay.
"Pen! Tignan mo ang batang 'to. Napaka walang ugali," puno ng pagkadisgustong bulalas ni Tita Isay.
"Tita, kalma lang po. Hayaan n'yo na po s'ya." Hindi rin pinalampas ng tenga ko ang mga salita ni Faye kahit nasa loob na ako ng bahay.
Patakbo akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko habang pinipigilan ang sarili kong umiyak at halos bumaon ang ngipin ko sa aking pang-ibabang labi sa sobrang pagpipigil. Muntik pa akong madapa at masubsob dahil sa sobrang pagmamadali. Kamalas-malasan pa dahil nakasalubong ko si Papa na pababa na ng hagdan.
"Pen, nabigyan mo na ba ng— Pen? Pen!" pagtawag n'ya sakin pero mas pinili ko na lang na huwag na muna s'yang pansinin at dali-daling pumasok bago isinara ang pinto ng kwarto ko. Ayaw kong makita n'ya akong umiiyak. Magmumukha lang akong tanga— na naman.
Umagos ng umagos ang luha ko. Takte. Ang sakit! Ang unfair! Ang sama! Ang daya! Argh! Bakit ganun? Bakit ganito? Bakit?
Nangininginig ang aking buong katawan at malalim ang mga hinuhugot kong hininga. Sobrang sakit. Pakiramdam ko sinasaksak ako ng paulit-ulit sa dibdib. Gusto kong sumigaw dahil sa nag-uumapaw na sakit na nararamdaman ko pero humantong pa din ako sa pagpipigil at pinilit na hindi gumawa ng ingay. Tinakpan ko ng madiin ang aking bibig at umiyak ng umiyak.
"Pen? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Narinig ko ang pagkatok ni papa sa pinto. Gusto ko s'yang sigawan ng hindi, na hindi ako magiging maayos pero hindi ko magawa. Hindi ko naman talaga nagagawa. Para akong palaging pinagkakaitan ng boses, hindi ko makaya kahit dumaing man lang.
Sa huli, huminga ako ng malalim, pinunasan ang aking mga luha at pinilit na pakalmahin ang sarili ko kahit na sobrang hirap, kahit na sobrang sakit.
"A... ayos lang ho. Mag... mag-papalit lang... po ako ng damit," malumanay kong sagot habang pinipilit na lunukin lahat ng kung ano mang bumara sa lalamunan ko upang hindi ako pumiyok.
"Sige. Pagkatapos mo, bumaba ka ulit. Marami pang bisita."
Sunod kong narinig ang mga yabag n'ya palayo. Nanghina ang mga tuhod ko at pabagsak akong napaupo sa sahig. Muling naglandas ang aking mga luha. Napayakap ako sa aking tuhod at pigil-hiningang umiyak ulit.
Gustong-gusto ko ng magwala sa mga oras na 'to. Gustong-gusto ko ng sumigaw. Gusto ko ng humagulhol, ilabas ang kung ano mang mabigat sa loob ko. Gusto kong huminga ng maluwag. Pero wala, hindi ko magawa— hindi ko talaga magawa. Nandito lang ako, tahimik na umiiyak at kinikimkim lahat. At hindi ko alam kung mayroong makakapagsabi kung gaano kasakit ang ganitong pakiramdam.
"Congrats Pen," bulong ko. Ni isa— kahit man lang sana isa— walang bumati sa akin n'yan ngayon.
Kung sabagay, bakit nga naman sila mag-aaksaya ng laway sa akin? Sino nga naman ako? Ano bang maipagmamalaki ko? Wala. Dahil isa akong talunan. Wala akong pwedeng ipagyabang. Wala akong pwedeng ipagmalaki. Wala akong karapatang humingi ni katiting na atensyon mula sa kanila.
Ako lang 'to, si Pen. Si Pen na hindi matalino. Si Pen na hindi magaling. Si Pen na hindi maganda. Si Pen na walang kwenta. Si Pen na isang kalat, isang b****a.
[LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro
[LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag
I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman
[SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear
[LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.
[PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'