Share

CHAPTER 1.3

Penulis: alas_arkanghel
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-13 08:20:46

[PEN's Point of View]

Ang sabi nila, kung mayroon mang mas nakakakilala sa'yo bukod sa sarili mo, 'yun ay ang pamilya mo. Pero sa kalagayan ko, parang hindi naman.

"Tanghali ka na naman. Tigil-tigilan mo na ang pagpupuyat Pen, ha. Tignan mo nga ang sarili mo, mukha ka ng zombie," bungad sa akin ni mama pagkababa ko pa lang ng hagdan habang naghahanda s'ya ng almusal sa mesa. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko nga ay naniningkit ito.

"Oo nga, Pen. Ang laki na ng eye bags mo, oh!" komento din ni Faye na napatigil sa harap ko at bahagyang sinilip ang aking mukha. 

"Saka 'yang buhok mo, parang wig na hindi sinusuklay," dagdag n'ya pa habang hinahaplos ang lampas balikat at magulo kong buhok.

Lahat na yata ng mali sa itsura ko, napansin na ni Faye. Basta talaga mali sa akin, nakikita nila agad. Ay, oo nga pala! Wala namang tama sa akin.

"Hindi ko mahanap 'yung suklay sa kwarto e," pagdadahilan ko kahit kaliwa't kanan naman ang suklay na nakalagay doon.

"Hay naku, halika nga dito." Hinawakan n'ya ako sa braso at pinaupo sa sofa bago sinimulang parusahan ako dahil sa buhok ko.

"Aray, Faye. Dahan-dahan!" reklamo ko sa kanya.

"Magtiis ka, no! Pen naman kasi, kelan ka ba magma-mature? Mags-seniors na tayo pero 'yung isip mo... hays."

Madiin kong itinikop ang aking bibig. Wala din namang mangyayari kung magsasalita ako. Baka magkagulo lang kami. Saka kung tutuusin, tama naman s'ya. 'Yung utak ko, late bloomer din yata talaga.

"Aba, ang sweet naman ng mga bunso ko." Sabay kaming napalingon ni Faye nang marinig namin si Papa na kasalukuyang pababa ng hagdan.

"Good morning, Pa!" pagbati ni Faye at mabilis akong nilubayan saka yumakap kay Papa.

"Good morning Pa," matamlay kong ring sambit pero hindi na ako lumapit. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Mukhang wala na din naman akong pupwestuhan sa tabi n'ya. Si Faye lang naman, sapat na— o baka nga sobra pa.

"Oh? Ba't parang wala ka na namang maayos na tulog, Pen? Ano na naman bang pinagpuyatan mo?" Pagpansin sa akin ni Papa kaya napayuko ako at kinusot ulit ang mata ko.

"Wala ho," pilit at walang gana kong sagot.

"Itigil mo na kung ano man 'yang pinagpupuyatan mo, ha? Hindi maganda 'yan." Pangangaral n'ya pa.

"Tama na 'yan. Kumain na muna kayo." Pag-putol ni mama sa usapan. Agad na tumungo sa mesa sina Faye at Papa habang ako, pilit na kinakalma ang aking sarili dahil sa nagbabadya na namang luha sa mata ko. Hindi 'yun dahil sa pinagsabihan ako ni papa. Kundi dahil masakit na wala silang alam sa akin.

Iniisip nilang nagpupuyat ako para sa kung anong bagay. Pero ang totoo, napupuyat ako sa pag-iyak, sa pag-iisip kung bakit ganito ang buhay ko. At ang mas masakit pa? Walang may pake. Walang may alam.

Naupo na din ako sa tabi ni Faye nang magawa ko ng kumalma. As usual, sila-sila lang ang nagkaka-intindihan, wala na naman ako sa eksena. Wala na namang Pen na nag-e-exist. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Subo lang ako ng subo para kunwari busy din ako.

"Siya nga pala. Anong strand ang kukunin n'yo sa Senior High?" biglang tanong ni papa dahilan para mapatigil ako sa pagkain.

"Mags-STEM ako Pa. Tapos Engineering sa college para pareho na tayong engineer," masayang sagot ni Faye.

"Maganda yan, 'nak. 'Wag kang mag-alala, tutulungan kita sa mga projects mo. Magaling yata ang papa mo!" Taas-noong pagmamalaki ni papa.

"Naman! Sayo yata ako nagmana."

"Oh? Ba't parang kinakalimutan n'yo akong mag-ama?" Pagsama din ni mama sa usapan kaya ayan, tawanan na naman sila.

Mapapa-sana all ka na lang talaga. Picture perfect na sila, 'no? Tapos ako, parang design lang— tapos hindi pa maganda. Para lang akong latak sa pamilyang 'to. Sampig kumbaga.

Housewife si mama at master n'ya na halos lahat ng lutuin sa bahay. Mala-beauty queen din s'ya, 'yung tipong hindi halata ang edad sa itsura n'ya. Tapos si papa naman, retired engineer. Mas pinagtutuunan n'ya na kasi ng atensyon ngayon 'yung hardware business n'ya. Si Faye naman ang perpektong anak. Maganda, matalino, magaling sa lahat ng bagay, mabait. Basta s'ya na ang bida ng taon— taon-taon. At ano si Pen sa pamilya? Isang kalat, isang basura— walang kwenta.

Sabay kaming lumaki ni Faye. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya pero hindi nya ako tinatawag na ate dahil hindi rin naman namin nakasanayan. Ako ang kabaliktaran n'ya. Basta lahat ng adjectives na ginamit ko sa kanya, ako 'yung kabaliktaran nun.

Sa totoo lang, maraming nagtataka kung magkapatid ba talaga kami ni Faye dahil unang-una, hindi kami magkamukha. Malayong-malayo. Parang Batanes at Jolo ang layo ng itsura naming dalawa. Naging magkapatid lang naman kasi kami dahil nagpakasal si papa at ang mama n'ya.

Noong namatay ang totoo kong mama, nag-asawa ulit si papa at may bonus pang anak— si Faye. Wala akong alam sa totoong tatay ni Faye at hindi ko na din inalam pa. Kahit hindi siya tunay na anak ni papa, pakiramdam ko sila pa ang mas mag-ama. Si mama naman, sadyang may pagka-suplada s'ya lalo na sakin. Pero okay lang. Okay lang naman.

"Ikaw Pen? Anong kukunin mo sa Senior High?" Tuluyan na akong nawalan ng gana sa pagkain nang maipasa sa akin ang tanong. Napatigil ako sa pagsubo at marahan silang tinaasan ng tingin.

Ano nga ba? Hindi ko alam.

Ngumiti na lang ako at nagkibit-balikat. Wala naman kasi akong plano para sa Senior. Ni wala nga akong ideya kung anong meron pagdating ng senior year.

"Mag-GAS ka na lang Pen. Kadalasan 'yun ang kinukuha kapag undecided ka sa gusto mo," nakangiting suggestion ni Faye.

"Hanggang ngayon ba wala ka pang gustong maging, Pen?" Kunot-noong tanong ni mama. "Aba kelan ka pa magde-decide? Dapat ngayon pa lang alam mo na ang gusto mo. Tatanda kang walang nararating n'yan." 

Gusto kong maging? Wala akong gustong maging. Dahil kung iisipin, sa isang hindi matalino, walang talent, walang charisma at plain na katulad ko, ano namang babagay sa'kin 'di ba? WALA.

'Yung mga pangarap-pangarap na 'yan, sa mga magagaling lang babagay 'yan. Gan'on naman talaga. Kapag matalino ka pwede kang maging teacher, doctor, attorney, engineer o kahit na anong gusto mo. Kapag may talent ka, may pag-asa ka sa pangarap mo. Kapag maganda o may hitsura ka, tanggap ka nila at may tsansa ka sa lahat.

Pero sa katulad ko? Hindi na ako magugulat kung sasabihin nilang, ‘mag-asawa ka na lang’. As if naman na may gustong mapangasawa ang isang walang kwentang katulad ko.

"Okay lang yan, 'nak. May dalawang buwan ka pa naman para pag-isipan kung anong kukunin mo sa Senior High," pa-konswelo ni Papa na kahit papaano ay nagpangiti sa akin at nagpagaan ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko tuloy, may naayos na turnilyo sa utak ko dahilan para gumana ito at may ideya akong maisip.

Pasimple akong tumikhim at umayos ng pagkakaupo bago magsalita.

"Mag-business management kaya ako Pa? Para ako na ang magmamanage ng hardware 'pag nakatapos ako." Ngiting-ngiti kong suggestion bagay na nagtanggal ng ngawit sa mukha ko sa tagal kong nakabusangot. Kung si Faye gustong maging engineer katulad ni Papa, ako naman ang magpapalago ng hardware business n'ya. Kulang na lang ay tumayo ako at emosyonal na pumalakpak habang tumutugtog ang hallelujah. Tumatalino ka na ako!

Biglang humagalpak ng tawa si papa at bahagyang tinapik ang balikat ko na para bang tuwang-tuwa s'ya sakin. Mangiyak-ngiyak pa s'ya at halos hindi mapigil ang pagtaas-baba ng kanyang balikat.

Ilang sandali pa bago s'ya tumigil at pinahid ang kanyang mga mata.

"Ikaw talagang bata ka, oh. Masyado  ka talagang palabiro."

A-aray.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jofel Caringal
grabe naman sila, saet naman nun
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Dream Catchers   CHAPTER 40

    [LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro

  • Dream Catchers   CHAPTER 39

    [LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag

  • Dream Catchers   CHAPTER 38.2

    I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman

  • Dream Catchers   CHAPTER 38

    [SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear

  • Dream Catchers   CHAPTER 37.2

    [LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.

  • Dream Catchers   CHAPTER 37

    [PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status