Share

PROLOGUE

PROLOGUE

Binasag ng isang malakas na kulingling mula sa telepono ang katahimikan sa loob ng maliit na cafe. Umalingawngaw ito sa apat na sulok ng silid; mula sa salaming pader sa harapan kung saan nakasulat ang pangalan ng cafe hanggang sa tatlo pang sementadong pader na binigyang buhay ng puti at asul na kulay.

Tumigil ang tunog. Ngunit wala pang limang segundo ay muli itong umalingawngaw na tila nagbibigay ng alarma. 

Isa. Dalawa. Sa pangatlong beses ay dinampot na ito ng isang babaeng nakasuot ng uniporme ng cafe. Nakakabit sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib ang nameplate na ‘manager’. Halos malaglag ang kanyang mga mata nang makita ang pangalang naka-rehistro sa screen ng kanyang telepono kaya makailang ulit n'yang pinindot ang ‘answer’ dahil sa sobrang pagkaaligaga.

"Hello boss!" malakas at puno ng enerhiya n'yang pagbati.

"You left your phone twenty meters away from you and failed to hear my call."

Hindi n'ya napigilang humagikhik dahil nahulaan na naman nito ang kanyang ginawa. Mali. Sadyang alam nito ang kanyang mga kilos katulad ng madalas na pag-iiwan ng mga gamit na nakakalimutang n'yang balikan.

"Sorry po. I'm kinda busy upstairs," sagot n'ya habang humihila ng upuan malapit sa glass wall upang magmasid-masid sa abalang kalsada ng syudad. Inilapag n'ya din sa mesa ang hawak n'yang brochure ng wedding gowns na kanina n'ya pa pinagkakaabalahan.

"So, how's their last day?" tanong ng kanyang boss. Tinutukoy nito ang mga staffs ng cafe na ilang buwang nagbigay serbisyo sa kanila. Ngayon ang huling araw ng kanilang kontrata kaya kinailangan na nila itong bitawan.

"Great. Actually, katatapos lang naming mag-celebrate. Konting kainan at kwentuhan bago sila tuluyang umalis."

Bumuntong-hininga s'ya at napahalumbaba sa mesa nang bahagyang makaramdam ng lungkot dahil tila naging blanko muli ang lugar.

"Nakakapanibago nga, e. Ang tahimik na naman ng cafe. Kelan mo ba balak kumuha ulit ng bagong crew?" dagdag n'ya pa.

"About that, I already have three on my list."

"Really? That's great! So, kelan ulit tayo magbubukas? What would be our theme this summer? Should I—"

"Easy there, Maggie! You're being too excited," halakhak ng kanyang kausap sa telepono. "Hindi muna tayo magbubukas, okay? And the theme? Hmm, what do you think about... dream catchers?"

"Dream catchers? Like that circular thing na nagtataboy ng bad dreams?" manghang tanong niya.

"Sort of. But more like... catchers of dream— people who're willing to catch a dream."

"I like that, boss! Pero... kelan nga tayo magbubukas? You said you already have on your list, right?"

"Yeah. But I'm still finding someone. Someone who will balance the other three."

"Ano na naman bang partikular na ‘someone’ 'yan? Malay mo may kakilala ako," pag-o-offer n'ya dito.

"To be honest, I don't exactly know. Masyado kasing big-time 'yung tatlong nakuha ko so, I'm thinking of looking for someone who can be a game changer. Someone who can give a little more spice to the group. Someone who's... special enough to make changes and willing to be changed."

Wala sa sarili s'yang napangiti habang pinakikinggan ang kanyang boss. Hangang-hanga s'ya sa paraan at diskarte nito sa negosyo. Hindi ito basta-basta kumukuha ng kahit na sino lang— gusto n'ya ay 'yung mga espesyal na taong kayang gawin ang isang kahanga-hanga at hindi pangkaraniwang bagay. Isang trabahong higit pa sa pag-aasikaso at paghahanda ng kape ng customer. Isang trabaho na magagawa lamang ng mga espesyal.

"Saan mo naman hahanapin 'yang si ‘someone’?"

"No particular place, no particular time. Kilala mo naman ako. I know it when I feel it..."

"And don't worry. I'll find that someone very soon. The Dreams Cafe will be back on track in no time— with the dream catchers."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status