Share

Chapter 21

Unti-unti ng nagdidilim. Nagsisimula na ring mag-ingay ang mga panggabing kulisap. Ito ang uri ng katahimikang hindi ko noon ninais ngunit nakasanayan ko na rin ngayon.

Tumingin tingin ako sa paligid. Mag-isa pa rin ako kahit maggagabi na. Wala pa rin si Quirou. Pupunta pa kaya siya? Pero hindi niya naman ugali ang mambali ng salita, kaya malamang na pupunta pa rin 'yon.

Muli kong inalala ang sinabi niya kanina, ngunit kahit ilang beses na ay parang malinaw pa rin sa aking pandinig ang sinabi niya kanina.

"Ikwento mo sa akin mamaya ang dahilan ng lungkot mo. Sa tambayan na lang tayo magkita, parehong oras, Sierra. Aalis na ako, kumain ka ng marami kahit hindi masarap ang luto ko," tumatawang wika niya pa bago siya tuluyang tumalikod sa akin.

Hindi naman nagkamali ang pandinig ko, ang sabi niya'y mamaya, ibig sabihin ay ngayon, sinabi niya pang parehong oras. Kaninang alas kwatro pa ako dito nguni

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status