Share

Chapter 15

Hinabol ko ng masamang tingin si Atty. Delgado nang umalis ito. Sinubukan ko talagang magtago para hindi na ako makita nito. Nang tuluyan na itong makalabas ay nagmamadali akong pumasok sa opisina ni Rebecca.

Naabutan ko ang kaibigan ko na tila problemado. Unang kita ko pa lang sa abogadong iyon alam kong problema na ang dala niya pero hindi ko inaasahan na mas malala pa pala sa inaasahan ko.

Ayon kay Rebecca ay gaya ni Mr. Ignacio sinabi rin nito na kailangan na naming lumipat sa lalong mas madaling panahon dahil gigibain na ang building.

Ano ba ang trip ng bagong owner at binili niya ang gusali para lang gibain? Ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Bumibili ng mga bagay para lang sayangin nila?

Bumalik ako sa pwesto ko habang si Reb naman ay abala para maghanap ng lilipatan namin. Nagse-search na rin ito sa internet. Siguro mamaya kailangan ko na na ulit maghanap ng space for rent para naman makatulong ako sa kanya. Sana lang makahanap agad kami dahil hindi biro ang paglilipat ng lah
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status