Share

Chapter 16

Mabilis akong bumaba sa motorsikolo ni Renzo nang huminto ito sa tapat ng bahay namin.

"Salamat," saad ko sa kanya habang inaabot ang helmet na hinubad ko.

"Ibig bang sabihin nito pumapayag ka nang ihatid sundo kita?" malaki ang ngiting tanong nito.

"Hindi," walang pasubaling pagtanggi ko. "Malapit lang ang trabaho ko kaya huwag mo ng abalahin ang sarili mo."

Sumama lang naman ako sa kanya ngayon dahil natatakot akong lapitan ako ni Cohen. Hangga't maari ay iiwas ako sa kanya.

Sabay kaming napalingon ni Renzo kay Mikoy nang tumukhim ito. Lalaking-lalaki ang tindig nito habang masama na naman ang tingin kay Renzo.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ayaw nito sa huli, wala naman siyang dapat ipag-alala dahil hindi ko naman ito papatulan.

"Salamat sa paghahatid sa ate ko. Makakaalis kana," pagtataboy nito kay Renzo at hinila ako papasok sa maliit na gate namin.

"Anong problema mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Iyang lalaking iyan walang dala. Ilang beses mo nang binasted mukhan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nicey Page
nako margarita yare ka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status