Share

Chapter 24

MARGARITA

Nasa office ako ni Rebecca habang nag-aayos ako ng mga brochure at ito naman ay abala sa mga drawings niya.

Ilang araw ng normal ang araw ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi ko maiwasang mainis kay Delgado. Halatang ginawa lang niya akong pampalipas oras habang nandito siya sa San Antonio. Kinulit niya ako dahil bored siya tapos bigla siyang aalis na parang walang nangyari. Na parang hindi niya pinakulo ang dugo ko.

Nagpapasalamat ako ngayon na wala na siya, sana lang huwag na siyang bumalik pa. Dapat lang na manatili siya sa syudad dahil nandoon naman talaga ang buhay niya. Nananahimik ako dito sa San Antonio at pansamantalang nawala ang katahimikan ko sa biglaang pagdating niya.

Alam ko na maaring magkita pa kaming muli dahil kaibigan siya ng asawa ni Reb. In short we have the same circle of friends kaya hindi na iyon nakapagtataka pero sa ngayon hindi muna iyon ang iisipin ko.

May bagong place raw na kaming lilipatan kung sakali pero nagdadalawang isip pa si Reb
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status