MARGARITANasa office ako ni Rebecca habang nag-aayos ako ng mga brochure at ito naman ay abala sa mga drawings niya.Ilang araw ng normal ang araw ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi ko maiwasang mainis kay Delgado. Halatang ginawa lang niya akong pampalipas oras habang nandito siya sa San Antonio. Kinulit niya ako dahil bored siya tapos bigla siyang aalis na parang walang nangyari. Na parang hindi niya pinakulo ang dugo ko.Nagpapasalamat ako ngayon na wala na siya, sana lang huwag na siyang bumalik pa. Dapat lang na manatili siya sa syudad dahil nandoon naman talaga ang buhay niya. Nananahimik ako dito sa San Antonio at pansamantalang nawala ang katahimikan ko sa biglaang pagdating niya.Alam ko na maaring magkita pa kaming muli dahil kaibigan siya ng asawa ni Reb. In short we have the same circle of friends kaya hindi na iyon nakapagtataka pero sa ngayon hindi muna iyon ang iisipin ko.May bagong place raw na kaming lilipatan kung sakali pero nagdadalawang isip pa si Reb
Gumawa nang malakas na ingay ang pag-angat ko sa high stool para makaupo dito. Sa salon ni Pola ako dumiretso. Mabuti na lang at wala nang customer dahil nagdidilim na."Anong problema? Bakit parang papatay ang hitsura mo?" nagtatakang tanong ni Pola sa akin nang lumapit ito."Gaya pa rin ng dati," tamad na sagot ko dito bago bumuga ng hangin.Naiiling na umupo ito sa tabi ko. Kahit hindi ako magkwento dito ay sigaurado akong alam na nito ang tinutukoy ko. Sanay na sanay na ito sa akin na palaging sa salon nito tumatambay kapag nag-aaway o may pagtatalo kami ni inay. Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan kaya dito ako madalas nagpapalamig ng ulo."Alam mo kong ako sayo, aalis na talaga ako sa poder ng mga magulang mo. Palagi na lang pinag-iinitan ng nanay mo ang beauty mo."Napasimangot ako sa sinabi niya. Sana nga ganoon lang kadaling gawin iyon. Kaya ko naman e. Kaso ayoko pa. kaya ko pa naman magtiis kahit papaano."Bad mode ka hindi ba? Bakit hindi na lang tayo gumimik? Baka ka
Napangiti ako nang hilahin ako ngina Pola at Max sa dance floor. Agad na sumunod ako sa kanila. Todo sayaw kami at wala akong pakialam sa paligid ko. I am here to have fun, I want to have fun tonight.Sumasabay ang balakang ko sa maharot na tugtog. Walang pakialam sa matang sa akin ay nakatingin. Patuloy lamang akong sumasayaw at walang pakialam sa paligid ko. May ilang nagtangkang lapitan ako ngunit tumatanggi ako at lumalayo sa kanila tuwing nararamdaman ko na ang mga kamay nilang nais lumikot sa katawan ko. Yes, I said I want to get laid tonight, but no one catches my attention yet. Lahat nang lumalapit sa akin ay hindi pumapasa sa panlasa ko.Nakailang tugtog na hindi kami umaalis sa dance floor, may isang lalaki na rin ang nakahawak sa beywang ni Pola na ginigilingan naman nito nang todo. Pawisan na rin ako sa kakasayaw namin. Sumenyas ako sa kanila na magpapahinga muna ako dahil hinihingal na ako. Bumalik ako sa kinauupuan namin kanina."Tequila, please," saad ko sa bartender n
Humihingal na kaming pareho nang pakawalan niya ang labi ko. Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napalunok ako.Napatingin ako sa namamasa niyang mga labi nang biglang para akong binuhusan nang malamig na tubig. Mabilis akong umalis sa kandungan niya. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya nabitiwan niya ako at nakalayo ako sa kanya.Nasapo ko ang mukha ko habang umiiling. Naguguluhan ako sa nangyayari sa akin. Bakit ko ginawa iyon. Bakit ako tumugon sa halik niya? Bakit hinayaan kong matangay ako? "No, mali ito, mali ito," saad ko habang naiiyak na pero pinipigilan kong huwag pumatak ang luha ko.Lalapit sana ito sa akin pero mabilis akong tumakbo palabas ng opisina nito. Kailangan kong makalayo sa kan'ya. Hindi ko dapat nararamdaman ang nararamdaman ko kapag nasa malapit siya.Hindi dapat ako bumigay sa mga halik niya. Hindi ko dapat iyon tinugon. Pakiramdam ko napakamakasalanan ko dahil sa ginawa ko. Paano ko nagawang magpahalik sa isang lalaking alam kong
Matapos ang mahigit kalahating oras ay bumalik si Dwayne sa kotse kung nasaan kami ni Rebecca. Bakas ang pag-aalala nito para sa kaibigan ko, lumapit pa ito kay Reb na umiiyak at pinunasan ang luha nito bago ito hinalikan sa noo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita ko. Masaya ako na nandito si Dwayne, may aalalay kay Rebecca. Alam kong hindi niya pababayaan ang kaibigan ko. May tinawagan lamang ito pagkatapos ay mabilis nitong pinatakbo ang kotse. Muli akong napalingon sa lugar ng sunog. Naapula na ang apoy at tanging ang mga sementong bahagi na lamang ang makikita sa lugar. Wala na ang dating ayos nito. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking labi bago ako humarap kay Rebecca na nasa kalapit ko. Marahan kong iginaya ang ulo nito sa balikat ko. Hindi na ito umiiyak pero naririnig ko pa rin ang mga pagsinghot nito. Tumigil kami sa mismong tapat ng bahay ni Rebecca. Naunang bumaba si Dwayne na agad inalalayan ang asawa. Sumunod naman ako sa kanila. Agad na binigyan kami ng
Mataas na ang araw nang magising ako kinabukasan. Alas diyes na ng umaga nang tingnan ko ang oras sa selpon ko. Once in a blue moon lang ako gumising ng ganitong oras. Sa dami ng nangyari kagabi mabuti nga nakatulog pa ako ng maayos, siguro dahil na rin sa pagod kaya bumigay na agad ang katawan ko ng lumapat ako sa kama.Walang pasok o mas tamang wala na akong papasukan kaya walang problema kung tanghali na akong gumising ngayon. Ang problema ko ngayon ay kung paano ako magkakaroon muli ng trabaho, hindi pwedeng mabakante ako dahil may umaasa sa akin.Wala pa naman akong hawak na pera dahil talagang kinuha ng magaling kong inay ang lahat ng pera na isinaboy ko sa kanya kahapon. Iniisip ko na baka nasagi ko ang pride nito dahil sa ginawa ko kaya baka ibalik niya pero mali pala ako. Ang tao talaga kapag mukhang pera walang pakialam sa pride nila.Nag-inat muna ako bago bumangon. Paglabas ko ng kwarto ko ay sumalubong sa akin ang salubong na kilay ni inay."Anong oras na? Daig mo pa ang
Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng isang mataas na gate. Ilang beses akong bumusina bago may isang lalaki ang nagmamadaling nagbukas ng gate.Bahagya pa itong sumaludo sa akin nang makilala ako dahil nakababa na ang bintana ko. Binigyan ko naman ito ng isang tipid na tango.Pagbaba ko pa lamang ay patakbo na akong sinalubong ng isang batang babaeng may malaking ngiti sa mga labi."LOVEEEE!" tili nito nang makita ako.Ibinuka ko ang dalawang braso ko, mabilis itong lumapit sa akin at yumakap. Binuhat ko ito kahit na malaki na ito. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin na para bang ayaw na akong bitawan. "I miss you so much," humihikbing saad nito bago sumubsob sa leeg ko."I am sorry, Love," masuyong saad ko sa kaniya at nagsimula nang pumasok sa loob ng isang malaking bahay o mas tamang tawaging mansyon.Nanatili siyang nakayakap sa akin kahit na nang maupo ako sa mahabang sofa. "You should visit me always," nakangusong saad nito. Bakas sa mukha nito ang pagtatampo.Hinawi ko ang
Matapos naming mag-usap na mag-ina ay inilabas ko pa rin si Love. Nagtungo kami sa isang pastry shop para bumili nang paborito niyang Chocolate Peanut butter cake. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya ang lasa noon samantalang ako naman ay hindi mahilig sa mani.Masaya itong kumakain dahil umorder din kami ng tig-isang slice ng cake, ang kanya ay ang paborito niya habang ang akin naman ay dark chocolate. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ito. Hindi ako masasawang panoorin ang mga ngiti ng anak ko. Muli akong humingi ng tawad sa isipan ko dahil sa mga pagkukulang ko sa kaniya.Napaangat ang tingin ko ng may babaeng isang babaeng huminto sa tapat ng table namin. "Margarita?" hindi makapaniwalang paninigurado nito habang nakatingin sa akin."Danica?" "Ako nga! Akala ko namamalikmata lang ako nang makita kita kanina. Kumusta kana? Anak mo?" tanong nito habang nakatingin kay Love.Tumango ako. "Yes."Kung dati siguro mag-aa