Share

Chapter 42

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Mikael na kapapasok pa lang ng bahay galing eskwelahan dahil nala-uniform pa ito.

“Kadarating mo lang?” tanong ko sa kaniya.

“Obvious ba?” pabalang na sagot niya.

Medyo uminit ang ulo ko dahil sa sagot niya. Nagtatanong lang ako pero ang bastos niyang sumagot. Maayos naman ang paraan ng pagtatanong ko sa kaniya.

“Kailan ka pa naging bastos? Iyan ba natutunan mo sa school? Kung oo, nagsasayang lang yata ako pambayad sa tuition mo,” inis na sagot ko sa kaniya.

Tumayo ito matapos mahubad ang sapatos at tumingin sa akin.

“Pwede ba ate, huwag mo akong salubungin niyang bunganga mo. Nanunumbat ka pa, hindi ko naman sinabi sayo na bayaran mo ang tuition ko. Nagkusa ka 'di ba?” yamot na sagot nito. “Ate ka kaya resposibilidad mo iyon,” dagdag pa nito.

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang sinasagot-sagot niya ako ngayon. Masama na bang magtanong? Tapos siya pa itong galit? Wala na talaga siyang modo.

“Umayos ka, ayusin mo iyang uga
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status