LOGINMasyadong… malapit sila sa isa’t isa. Napakunot-noo si Ralph habang nakatingin sa dalawa. Bakas ang gulat sa kanyang mukha.Si Hunter ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ni Luna… At kahit na gano’n, nakatayo ito sa tabi ng babae na para bang walang nangyari.Pinipigilan ang kanyang pagkairita. Pilit na ngumiti si Ralph.“Why did you come back with Hunter?”“May injury ang binti niya,” hindi na idinetalye pa ni Luna ang nangyari at hindi rin siya tumutol sa pagiging sobrang malapit ni Hunter.Bahagyang nagtaas ng kilay si Ralph. “Babae siya. How can she support you? Let me help.”Humakbang siya pasulong.“Huwag na.” Iniwasan siya ni Hunter, at sadyang natisod, bumangga sa pader na may mapurol na tunog.Agad siyang inalalayan ni Luna. Naintindihan naman niya ang intensyon ni Ralph at malamig na sumagot sa lalaki. “Ayos lang. Kaya ko na ito. Huwag mo nang palalain ang sitwasyon.”“Hear that?” Ngumisi si Hunter, komportableng sumandal kay Luna. “Hindi ko kailangan ng tulong m
Agad na nainis si Luna sa narinig.Ibinaba niyang muli ang pantalon nito at bwisit na tumayo. “Wala akong dalang gamot.”Maliban na lang kung babalik siya sa mansyon ng mga Montenegro, hindi siya kailanman nagdadala ng mga ointment para sa mga physical injury.Hindi rin naman naglalakas-loob ang matandang Nancy Montenegro na paluhurin siya sa kalye kagaya ng dati kaya para saan pa ang ointment? Nagtaas ng kilay si Hunter, iniunat ang kanyang braso na parang isang spoiled brat.“If the medicine’s at home, then take me home.”“….”Halos maggagabi na sa mga oras na ‘yon. Dapat talaga ay dumeretso na si Luna sa apartment at hindi na pinansin ang pagpapatawag sa kanya ng lalaking ito.Pero may kung anong… mali.Malinaw na gusto na niyang makipaghiwalay kay Hunter…Pero bakit parang mas naging magulo na naman ang lahat?Nang makita ang kanyang pag-aalinlangan ni Luna, dahan-dahang inilabas ni Hunter ang kanyang phone.“Tatawag na ba ako ng pulis?”“….”Nagngitngit ang mga ngipin ni Luna. Sa
“So what if we’re in my company?”Bakas sa lalaki ang purong kayabangan. Humiwalay ang mga labi nito sa kanya para lamang mag-iwan ng mga halik sa magaganda niyang mata.“Luna, kung maglalakas-loob kang pakasalan uli si Ralph, hindi lang ganitong halik ang gagawin ko sa iyo sa loob ng kumpanya ko… …I’ll go to your wedding. I’ll go to your home.”Tuluyan nang nawala ang pagtitimpi ni Hunter, habang nagbibitaw ng mga walang pakundangang banta kay Luna. “Will you believe I’ll kiss you like this right in front of Ralph?”“Nababaliw ka ba?!” Singhal ni Luna, sumiklab ang kanyang galit at malakas na sinipa ang binti nito. “Hunter, ano ba talaga ang gusto mo?!”“Ouch—” Hindi inaasahan ni Hunter na magiging ganito kalupit ang babae. Dahil hindi nakahanda, direkta niyang natanggap ang malakas na sipa nito.Hanggang sa nagpakawala ang lalaki ng isang mapait na tawa.“Ano ang gusto ko? Ano ang gusto kong gawin? Can’t you see it? Can’t you feel it?”Ano pa ba ang maaari niyang gustuhin?Gusto niy
Malinaw na isa lamang itong transactional relationship. Pero sa mga salita ni Hunter, pinalalabas nitong si Luna ang walang puso.Isang matalas na kirot ang kumalat sa dibdib ng dalaga. Awtomatiko siyang sumandal sa likod, halos mapaupo na sa desk. Matapos ang mahabang katahimikan, sa wakas ay tumingin siya sa lalaki. Hinihingi ng mukha ng lalaki ang isang sagot. Dahan-dahang huminga nang malalim si Luna para maibsan ang sikip ng kanyang dibdib, at malamig na nagsalita…"Hunter, ang tanging bagay na kailangang gawin ng isang taong pursigido nang umalis... ay ang maging malupit. Iyan ang itinuro mo sa akin, hindi ba?"Noon, ang feelings at tiwala niya rito ay higit pa sa nararamdaman nito para sa kanya ngayon. Pero itinapon siya nito na parang basura. Ngayon, pareho na nilang naiwan ang isa’t isa nang minsan… patas na lang. Bukod pa roon, sa tingin ni Luna ay wala siyang mali. Ang mga Montenegro… ang lola nito… ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga magulang niya. Totoo ‘yon!Ang hi
Natigilan sandali si Lian. Akala niya ay istrikto ang isang Hunter Montenegro sa paghihiwalay ng trabaho at private matters nito…Nagdilim ang ekspresyon ni Hunter. "Or should I call her?"Hmm, mukhang may gulo.Maingat na lumabas si Lian at tinawagan si Luna, pinapunta ito sa itaas na floor. Bago pa man maibaba ni Luna ang phone, maingat na nag-advise si Lian."Be careful, Luna. Mr. Montenegro is clearly in a bad mood.""Okay." Tumango si Luna, kinuha ang feedback data, at umakyat. Nakatayo sa tapat ng pinto ng president’s office, tahimik na huminga nang malalim si Luna at itinaas ang kamay upang kumatok."Come in." Ang boses ng lalaki mula sa loob ay malalim at malamig. Bahagyang ibinaba ni Luna ang kanyang mga mata, itinulak ang pinto, naglakad patungo sa desk nito, inilagay ang mga dokumento sa tabi nito, at nagsalita sa tonong kalmado ngunit may distansya."Ito ang data na kararating lang mula sa drug trial. Mas maganda ito kaysa sa inaasahan namin. Pagkatapos ng iba pang obser
Ang mga salitang iyon ay masakit… halos nakakairita sa pandinig. Pero hindi man lang natinag si Dani. Sumandal siya sa dingding ng corridor, ang kanyang pulang mga labi ay kumurba sa isang tipid na ngiti. “Whatever relationship that makes you willing to answer, sa tingin ko naman may karapatan akong magtanong.”Malinaw ang pahiwatig ng mga salitang ‘yon ni Dani, walang pakialam ang babae sa iniisip niya. Tinitigan niya ang babae nang malamig, at ibinalik ang tanong nito.“What kind of relationship do you think would make me willing?”“Siguro bilang ex-boyfriend ko.” Kaswal na ngumiti si Dani, ang kanyang mga mata ay mapang-akit. “After all, hindi mo naman nagustuhan si Clark, ‘di ba?”Siya at si Clark ay magkababata, lumaki sa iisang eskinita. Mula elementary hanggang sa university, hindi sila naghiwalay. Noong nagsimula siyang makipag-date kay Enzo noong college, nagtapat sa kanya si Clark sa pamamagitan ng pagkanta ng isang love song sa labas ng girls’ dormitory.Kahit na tinanggih
“Who told you I was just acting on a whim?”Nabigla si Luna sa narinig. Matalino siya at agad niyang naunawaan ang ibig ipahiwatig ng mga salita ni Hunter.Kung sasabayan niya ang lalaki… kung magiging malambot siya at magpapakabait, baka magkaroon pa ng pagkakataon na bumalik sila sa dati. Poprotek
Nabigla naman si Luna sa naging thought process ng isang Hunter Montenegro. Namula ang kanyang mukha at iniwasan ang kuryosong tingin nito. “U-Uhm… sasabihin ko na lang sa staff ang height at weight mo. Alam na dapat nila ‘yon…”“Oh?” Biglang tumayo si Hunter, lumapit sa kanya, at huminto mismo sa
Gayunpaman, wala itong naging silbi.Maputik at mabato ang mga lupa doon. At dahil nilatag niya ang jacket sa lupa para hindi gaanong manakit ang mga binti niya, hindi naman siya nakatakas sa napakalamig na hanging Amihan sa mga oras na ‘yon. Tsamba nga’t hindi maulan sa araw na ‘yon pero, walang l
Nagtaas lamang ng kilay si Luna. Hindi niya sinagot ang lalaki, at tinalikuran ang mga ito para umalis. Ang buntot ng kanyang evening gown ay medyo nakakaabala sa paglalakad. Sinipa niya ito palikod, bahagyang yumuko, at pinulot at hinawakan sa kamay bago nagtungo sa banquet hall. Hindi niya maiwa







