แชร์

KABANATA 65

ผู้เขียน: Yoonchae
Dahil pinapauna nito si Nathan, malinaw na pribadong usapan na sinasabi ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Luna. “Mr. Montenegro, wala akong natatandaang kailangang pag-usapan natin.”

Tumalim ang tingin ni Hunter sa kanya.

“Migs asked me to return something of yours. Don’t you want it?” malamig na tanong ni Hunter.

Pinagdikit ni Luna ang mga labi, saka bumaling kay Nathan.

“Nate, mauna ka na munang umuwi.”

Bagama’t nag-aalinlangan, kinalma ni Nathan ang sarili, iniisip na sa huli ay parang magkapat
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Armario
bakit Hindi mo sabihin Kay Hunter na nakikipag hiwalay ka na sa Asawa mo sa papel Luna,buong Akala tuloy ni Hunter mahal na mahal mo si Ralph kaya Hindi mo naiwan kahit harap harapan Kang niloloko
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 251

    “Kaka-report lang nila na hindi pa umuuwi si Miss Luna,” ani Elmer, na may bakas ng inis sa boses. “Sir, sa tingin niyo ba nababaliw na naman sa lalaking ‘yon si Miss?”Parang gusto na lamang lasunin ni Emilio ang kasama sa mga sandaling iyon. Bakit ba ang may ganoong klaseng bibig si Elmer?Napangisi naman si Hunter. “Call her and ask.”“Ha?” Natigilan si Elmer at itinuro ang sarili. “Ako po?”Hindi naman kasi angkop na siya ang tatawag para mag-usisa sa babae. Si Miss Luna Pineda iyon at siya? Isa lamang siyang hamak na tauhan.Sa tabi niya, inilabas na ni Emilio ang kanyang telepono at nagsimulang mag-dial. “Ako na ang tatawag kay Miss Luna ngayon din.”“I-speaker mo,” utos ni Hunter.Samantala, hindi nakagawian ni Luna na lakasan ang volume ng kanyang phone kahit na kailan. Mahimbing siyang natutulog nang bahagya niyang naramdaman na may tumutunog, pero sa sobrang antok ay hindi man lang niya maidilat ang kanyang mga mata.Wala siyang kamalay-malay na may pumasok sa loob ng kwarto

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 250

    Ang project ng Montenegro Corp sa U.S. ay batid ng lahat sa industriya. Ngayong final na ang project, ang nakatakdang pag-alis ni Hunter ay hindi na maililihim… lalo na kay Ralph. Ang Camero group of Companies at Montenegro Corp ay kapwa magkasosyo at magkaribal. Ang pag-alam sa bawat galaw ng kakampi man o kakumpitensya ay bahagi ng pangunahing kalakaran sa negosyo.Dahil nabuking na ang kanyang intensyon, hindi na nakaramdam ng hiya si Luna at tapat na umamin, “Oo.” Wala namang dahilan para magpaligoy-ligoy pa siya.Nagulat si Ralph sa katapatan ng babae pero hindi siya nagalit. “He probably won’t have time for these things lately.” Ang project kasi sa U.S. ay napakahalaga sa paglago ng Montenegro Corp sa industriya ng chips at ito ang pinaka-prayoridad ng kumpanya ngayong taon. Kung magtatagumpay sila, ang halaga ng Montenegro Corp sa merkado ay dodoble pa. Wala nang ibang lokal na kumpanya ang makakalaban sa kanila.Malamang na walang oras si Hunter para mag-imbestiga sa isang

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 249

    Paano nito nasasabing hindi siya kailanman nagduda? Limang taong gulang lamang siya nang mamatay ang mga magulang niya. Natural lamang na naniwala siya sa kung ano man ang sinabi ng mga matatanda sa kanya. Pero habang siya ay nagkakakaedad, paulit-ulit na bumabalik ang katanungang iyon. Isang narcotics officer. Isang misyon. Isang aksidente habang pauwi.Ang tatlong elementong iyon kapag pinagsama-sama ay kailanman hindi naging tama sa pandinig niya.Gayunpaman, ang mga opisyal na nag-imbestiga sa kaso noon ay pawang malalapit na kasamahan ng kanyang mga magulang. Sa libing ng mga ito, taimtim silang tumangis. Naniniwala si Luna na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang malaman ang katotohanan. Maaaring tunay ngang isa iyong aksidente o di kaya naman ang mga may kagagawan ay masyadong makapangyarihan at maimpluwensya kaya wala silang iniwang anumang ebidensya.Bahagyang suminghot si Luna at nag-angat ng tingin kay Ralph. “Ano na naman sinusubukan mong iparating?”“I’ve be

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 248

    Sa pagkakataong ito, ang ekspresyon ni Ralph ay hindi na kasing-lupit gaya noong bago niya tawagan ang ina. Nabawi na niya ang kanyang karaniwang kapanatagan, maging ang bakas ng pagpapakumbaba, pero ang kanyang mga salita ay hindi pa rin nag-iiwan ng puwang para may mapilian si Luna.Bahagyang kumunot ang noo ni Luna. “Annulled na tayo.” Wala na siyang karapatang manghimasok sa buhay ng babae. Wala na ring dahilan ang babae para manatili sa ilalim ng iisang bubong kasama niya.Pero animo’y bingi si Ralph sa lahat ng iba pang sinasabi nito. Simple lang ang sagot niya, “I knew nothing about this. At hindi ko alam kung kailan naging posible na makakuha ng annulment certificate nang hindi naghaharap ang dalawang panig.” Ang kanyang tono ay kalmado at walang pakialam. “Sa madaling salita, hindi ko kinikilala ang annulment na iyon.”Maraming inaasahang magiging reaksyon si Luna mula sa kanya. Pero hindi niya inasahan ito… ang tahasang pagkakaila nito.Natigilan ang kanyang ekspresyon, at

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 247

    Isang babala iyon. Kahit tumangging sumagot si Rowena, malalaman pa rin ng anak niya ang katotohanan sa isang tawag lang. Dahil siya ang ina nito, alam niya ang pag-uugali ng anak, kaya pinili na lamang niyang maging prangka. “It was done before the New Year.”“Before the New Year?” Nagngitngit ang mga ngipin ni Ralph, ang kanyang boses ay parang yelo sa lamig. “Sa birthday banquet ni Lola, natatandaan kong sinabihan kita na huwag makialam sa relasyon namin ni Luna. Hindi ba?”“Ano kasi...” Huminga nang malalim si Rowena. “Nailabas na ang annulment certificate bago pa ang panahong iyon.”Doon lamang tunay na napagtanto ni Ralph kung gaano kalalim ang pakikialam ng kanyang "mabuting" ina sa kanyang buhay. Nagpakawala siya ng isang sarkastikong tawa. “It seems your connections are still far too extensive.”“Anong balak mong gawin?” Agad na naramdaman ni Rowena ang banta sa tono nito at nagsimulang mabahala. “Ralph, I am your mother! Tatalikuran mo ba ako para lang sa isang babae?”Haw

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 246

    Ang mga daliri ni Ralph na nakapatong sa kamay ni Luna ay nanginig nang husto.Makalipas ang ilang segundo, nagpakawala siya ng isang mahinang tawa, na para bang may narinig siyang isang masamang biro. “Look. Alam kong galit ka pa rin sa akin. I know you won’t forgive me anytime soon. Pero huwag kang magsalita ng ganyan dahil lang sa galit.”Hindi niya ito hihiwalayan ngayon. Kahit noon pa man, hindi niya ito seryosong binalak. Paano sila magkakaroon ng annulment certificate? Marami siyang pasensya. Kaya niya itong amuyuin nang dahan-dahan, maghihintay siya hanggang sa humupa ang galit nito sa kanya. Sinabi niya sa sarili na hindi niya dapat seryosohin ang mga salitang binitawan nito dahil lang sa silakbo ng damdamin.Pero nang makita niya ang hindi natitinag na kaseryosohan sa mukha ng babae, isang walang katapusang pagkabalisa ang nagsimulang gumapang sa kanyang puso.Hindi nagulat si Luna sa naging reaksyon nito, at hindi rin siya nagmamadali. Ni hindi niya napansin ang pangingi

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status