MasukSamantala, inutusan ni Hunter ang mga tauhan niya para bantayan si Luna.Isang sasakyan ang biglaang lumitaw na naging sanhi ng aksidente. Hindi man lang sila nagkaroon ng oras para mag-react lalo na ang humarurot pasulong para harangan ito.Sa sandaling natanggap ng tauhan ni Hunter ang balita tungkol sa aksidente ni Luna, agad niya itong nireport pabalik sa Manila.Nang marinig ito ni Hunter, agad na huminto ang tibok ng kanyang puso. Sa loob ng ilang mahabang segundo, hindi siya makahinga. Bumaba ang tingin niya sa kanyang mga paa.“How is she?” Ang kanyang boses ay animo’y walang magawa, may bahid ng pagkataranta.Sa kabilang linya, tila natuyo ang lalamunan ng tauhan niyang si Marco. Alam niyang isa itong pagkukulang sa trabaho na hindi niya maaaring bigyang katwiran. “Sir… wala na siya.”Matapos ang aksidente, ang buong pinangyarihan ay selyado na. Ilang sasakyan lang ng gobyerno ang pinayagang dumaan sa restricted area. Sa oras na sapilitang pinasok ng mga tauhan niya ang insid
Maaari bang mga drug trafficker ang mga magulang niya?Ang kaisipang iyon ay parang napakarahas na biro.Subalit hindi siya makatawa. Hinding-hindi.Sino nga ba siya?“Luna?”Ang boses ni Ralph ang pumutol sa kanyang malalim na pag-iisip.Nang hindi ito lumabas nang matagal, kinabahan na siya lalo na’t alam niyang buntis ang babae. Bumalik siya sa loob para hanapin si Luna.At ang nakita niya ay nagpasikip sa kanyang dibdib.Nakatayo si Luna sa mga hagdan, hindi gumagalaw, walang emosyon ang mukha.Para itong taong nawalan ng lahat.Parang isang taong wala nang mapupuntahan.Ramdam ni Ralph ang bugso ng kaba. Lumapit siya at dahan-dahang hinawakan ang balikat nito, kusang lumambot ang kanyang boses.“Luna… anong problema?”Nabigla si Luna pabalik sa realidad. Tiningnan niya ang lalaki, ang sikat ng araw ay humahapdi sa kanyang mga mata.“…Wala.”Umiling siya. Ano ang sasabihin niya? Na hindi na niya alam kung sino talaga siya?Masyadong kahabag-habag iyon. Masyadong masakit…Tumalikod
Matapos umalis ni Ralph, hindi na nakapagsalita pa si Luna kahit isang salita.Naupo lang siya sa tabi ng puntod, tahimik na nakatitig sa kanyang mga magulang.Parang tumigil ang takbo ng oras.Hindi niya alam kung gaano siya katagal doon, basta’t nang tumayo siya sa wakas, namamanhid na ang kanyang mga binti, isang kiliti na may kasamang kirot ang kumalat na para bang may libu-libong langgam na kumakain sa mga paa niya.Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa entrance ng sementeryo.Nag-aatubili pa siya. Para bang ang pag-alis niya ay nangangahulugan ng pagputol sa isang bagay na hindi na niya kailanman mababawi.Nasa kalagitnaan na siya ng daan nang malampasan niya ang isang grupo ng mga tao na paakyat naman.“Luna?”Biglang may tumawag sa kanya.Isang babae ang huminto, maingat na pinagmamasdan ang kanyang mukha. Matapos sulyapan ang direksyong pinanggalingan ni Luna, mabilis itong sumunod sa kanya.“Ikaw si Luna… tama?”Huminto si Luna at bumaling sa pinanggalingan ng boses.Ang bab
Natigilan si Luna sa narinig. Dalawampung taon na ang nakakaraan…?Kasabay ng panahon na nakulong ang mga taong iyon. Kasabay ng panahon na umalis si Janus Gutierrez ng bansa. Inampon at ilang taon pa lang nang hawakan ang DK Pharmaceuticals.Mabilis na nagtagpi-tagpi ang kanyang mga hinala.“Ibig sabihin...” dahan-dahan niyang wika, tumatalim ang mga mata, “ang tunay na kapangyarihan sa likod ng DK Pharmaceuticals ay posibleng hindi siya?”Bahagyang ngumiti si Ethan, may bakas ng paghanga sa kanyang mga mata. “Smart.” Hindi niya kasi inaasahan na mabilis nitong makukuha ang mahalagang punto niya. Hanggang sa may maalala siya. “By the way, babalik ang Mommy ko sa Tagaytay sa susunod na mga araw. Your treatment sessions can be paused for now.” Tumango lamang si Luna, saka nag-isip sandali.“Gaano katagal mawawala si Tita Pia? Nagsisimula pa lang magpakita ng magandang resulta ang treatment. Mas makakabuti kung hindi ito maputol nang matagal.”“About a week,” malumanay na sagot ni
Dahil sa matagumpay na launch event ng cancer drug, dinagsa ng mga pasyente ang clinic ni Luna.Kinabukasan, pagdating na pagkadating niya pa lang, puno na ang parking lot. Ilang beses niyang inikot ang building, pero wala na kahit isang bakanteng puwesto, pati na ang mga illegal parking lot.Susuko na sana siya nang biglang tumawag si Nathan.Sinagot ito niya iyon nang may bahid ng pag-aalala. “Anong mayroon sa clinic ngayon? Hindi ako makahanap ng mapagpaparkingan.”Sanay ang mga pasyente niya na maaga siyang nagtatawag ng number sa umaga. Sa sandaling ito, malamang na naiinip na ang mga ito sa paghihintay sa kanya.Tunog walang magawa si Nathan.“They’re all here for you. The clinic filled up before opening. Pinapaliwanag na ng mga nurse na kailangang mag-book ng appointment online.”Tumigil saglit ang lalaki, halatang nahihirapan sa sitwasyon.“Pagkukulang ko ito. Dapat ay naisip ko na kahapon. Once the drug launched and your reputation spread, the number of patients would skyrocke
Ang mga kalmadong pangungusap na iyon ay nagpatahimik kay Rowena sa gulat.Sa loob ng kotse, nakita ni Aubrey ang mother-in-law niya at sumabog ang panic sa kalooban niya. Desperado niyang hinawakan ang hawakan ng pinto ng kotse, hinahampas ang bintana.“Mama! Mama!” paos niyang sigaw. “Gusto ni Ralph na ipa-abort ko ang baby ko!”Matalim at desperado ang kanyang boses, bawat salita ay humihiwa sa hangin.Namutla nang husto ang mukha ni Rowena sa narinig. Tinitigan niya si Ralph, hindi makapaniwala.“You know the child is already forming!” matalim niyang sabi, ang boses ay nanginginig sa galit. “At gusto mo pa ring ipalaglag ngayon? For Heaven’s sake, Ralph, that’s your own flesh and blood!” “Whether it’s mine or not…” malamig na sagot ni Ralph, “is another matter.” Hindi na siya nag-abalang magpaliwanag pa. Binuksan niya ang pinto ng driver’s seat at sumakay.Binuksan niya ang makita at ni-release ang handbrake sabay tapak sa silinyador.Bawat galaw niya ay swabe at desidido. Naka
Nagtaas lamang ng kilay si Luna. Hindi niya sinagot ang lalaki, at tinalikuran ang mga ito para umalis. Ang buntot ng kanyang evening gown ay medyo nakakaabala sa paglalakad. Sinipa niya ito palikod, bahagyang yumuko, at pinulot at hinawakan sa kamay bago nagtungo sa banquet hall. Hindi niya maiwa
“Who told you I was just acting on a whim?”Nabigla si Luna sa narinig. Matalino siya at agad niyang naunawaan ang ibig ipahiwatig ng mga salita ni Hunter.Kung sasabayan niya ang lalaki… kung magiging malambot siya at magpapakabait, baka magkaroon pa ng pagkakataon na bumalik sila sa dati. Poprotek
Nabigla naman si Luna sa naging thought process ng isang Hunter Montenegro. Namula ang kanyang mukha at iniwasan ang kuryosong tingin nito. “U-Uhm… sasabihin ko na lang sa staff ang height at weight mo. Alam na dapat nila ‘yon…”“Oh?” Biglang tumayo si Hunter, lumapit sa kanya, at huminto mismo sa
Gayunpaman, wala itong naging silbi.Maputik at mabato ang mga lupa doon. At dahil nilatag niya ang jacket sa lupa para hindi gaanong manakit ang mga binti niya, hindi naman siya nakatakas sa napakalamig na hanging Amihan sa mga oras na ‘yon. Tsamba nga’t hindi maulan sa araw na ‘yon pero, walang l







