เข้าสู่ระบบGagawin lang siyang balisa ng pag-iisip niya. Kung sasabihin sa kaniya ngayon na may tunay na connection sa mga Padilla ang mga pangyayari noon, lalo lang nitong guguluhin ang isip niya.Mas mabuting maghintay muna hanggang sa kumalma ang lahat.Dahil itinutulak ni Enzo ang imbestigasyon sa panig ng mga Padilla, siguradong hindi magpapabaya si Eve sa usaping ito. Sa lahat ng posibilidad, magkakaroon na sila ng result bago sumapit ang gabi.Walang kaalam-alam si Luna sa mga nakatagong complication. Nang makita niya ang kalmadong mukha ni Hunter, wala siyang kahit anong hinala.“Alright then.”Ibinaba niya ang tingin sa mga dokumentong nakakalat sa desk at ginamit iyon bilang suporta para makatayo.“Bumalik ka na sa trabaho. Bababa muna ako para makipaglaro kay Aslan at magpaaraw.”Kamakailan lang niya aksidenteng nadiscover kung bakit napakalambing ni Aslan kapag nakikipaglaro sa kaniya. Alam pala nitong buntis siya.Noong minsang sinubukan ni Manang Lordes na hawakan ang tiyan niya, ag
Nang marinig ang nakakapagpakalmang sagot ni Chief Douglas, nakahinga nang malalim si Eve. Unti-unting gumaan ang bigat sa kaniyang dibdib.Gaya ng sinabi ni Chief Douglas, kahit kumilos nang padalus-dalos ang Daddy niya at pansamantalang mawalan ng kontrol, sa huli ay natatakot pa rin itong tuluyang mapasama sa mata ni Chief Douglas at masira ang pangalan ni Don Richard.Kaya hindi ito nangahas na magpatuloy. Tumayo si Eve at magalang na yumuko kay Chief Douglas.“Chief Douglas,thank you very much."Hindi na niya kailangang ipaliwanag pa, dahil naunawaan ni Chief Douglas ang kaniyang pasasalamat.Nagpapasalamat si Eve hindi lamang dahil napigilan nito ang kaniyang ama na gumawa ng isang napakalaking pagkakamali, kundi dahil ibinigay rin nito sa kaniya ang malinaw na katotohanang kailangan niya upang maibalik ang tiwala ni Luna.Hindi sangkot ang mga Padilla sa trahedya na ‘yon. Paglabas ni Eve sa opisina, agad na gumaan ang ekspresyon ni Yumi nang makita nitong maayos ang kaniyang mu
Natigilan si Chief Douglas nang marinig iyon."What did you say?"Napanatili ni Chief Douglas ang malapit na ugnayan kay Don Richard. Noong mawala ang bunsong apo nito maraming taon na ang nakalipas, hiningi din nito na tumulong siya sa paghahanap sa bata. Hindi niya kahit kailan naisip na sa kabila ng lahat ng kanilang paghahanap, nasa ilalim lang pala mismo ng kanilang mga ilong ang batang matagal nilang hinahanap.Ramdam din ni Eve ang kakaibang ikot ng tadhana."You heard right. Ang batang babae na kinupkop nina Officer Pineda at ng asawa niya ay si Luna… whom our family has been searching for all these years." Pinalo ni Chief Douglas ang kaniyang hita sa matinding regret. “It was my fault! Hindi ko talaga naiugnay ang mga detalye noon. Kung ginawa ko lang iyon, I would have met that child in person."Nakakita na si Chief Douglas ng mga pictures ni Luna noong bata pa ito. Kung nakita niya lamang ito nang personal noon, siguradong makikilala niya agad ito. Pero dahil sa bigat ng si
Pagkatapos tumango ni Yumi, nagsalita ito nang may bahid ng pag-aalala, “Magsasabi kaya ng totoo si Chief Douglas? Kung talagang sangkot ang Daddy niyo dito, malamang dumaan ’yon sa office ni Chief Douglas. Bakit aaminin ni Chief? Hindi ba’t isusugal din niya ang career niya kapag gano’n?”Sandaling nag-isip si Eve bago sumagot, “Mag-a-adjust na lang tayo. We can only adapt as the situation unfolds." Sa pagkakakilala niya kay Chief Douglas, hindi ito isang taong walang prinsipyo o moralidad. Kaya lang, nagdulot ng matinding hinala sa kaniya ang tono ng Daddy niya sa phone kanina.Noong mga nakaraang taon, bihira magkasama sina Chief Douglas at ang asawa nito dahil sa trabaho at madalas ding magkahiwalay ng tirahan. Iisa lamang ang anak nilang lalaki, na nagtatrabaho na ngayon sa Tagaytay. Doon na rin nanirahan ang mag-asawa.***Natuwa si Chief Douglas nang makita si Eve at masaya itong binati.“Chief Douglas, am I disturbing you with this unexpected visit?" Kahit kinakabahan sa loob
Sa daan patungo sa kaniyang kotse, ilang sandaling pinag-isipan ni Eve ang susunod niyang mga hakbang. Sa huli, nagdesisyon siyang huwag munang tawagan si Chief Douglas.Sa halip, tinawagan niya ang private number ng kaniyang lolo.Dahil posibleng sangkot ang Daddy niya at isang mataas na opisyal ng government, mas nararapat na ipaalam muna niya ito kay Don Richard. Ayaw niyang isipin nitong kumikilos siya nang padalus-dalos o gumagawa ng mahahalagang desisyon nang hindi nagpapaalam sa kanila.Nang marinig ng matanda ang buong sitwasyon, agad itong nagalit.“Sinasabi mo bang ang hangal mong tatay ay posibleng sangkot sa pagpatay sa isang anti-narcotics officer?!”“Mukhang ganoon na nga po sa ngayon,” kalmadong sagot ni Eve. “Tinawagan ko siya kanina, pero iniwasan niya ang mga tanong ko. Halata ring may itinatago siya.”Hindi na ikinagulat ni Eve ang galit ng kaniyang lolo. Buong buhay nitong itinayo ang pangalan ng pamilya nila sa karangalan, integridad, at serbisyo sa bayan. Ngayon,
Ang taong hindi naman dapat nasa Tagaytay ay narito ngayon. Sa mismong private office pa ni Eve.Suot ni Genesis ang malinis na dark blue shirt na nakasuksok sa kaniyang tailored trousers. Nakapatong sa braso niya ang isang coat, bagay na lalo pang nagbigay sa lalaki ng maayos at professional aura.“I came here to the city para sa isang AI tech forum,” mahinahon niyang paliwanag. “Nang matapos, naisip kong subukan ang suwerte ko. Baka sakaling makita kita.”Masyadong busy si Eve sa kaniyang mga official duties. Kung dumating ang lalaki medyo late, malamang ay nakaalis na siya para sa isang district meeting.Malinaw pa rin sa buong office ang galit at mataas na boses ng Daddy niya mula sa call na iyon.Kaya naman, totoo na nag-alala si Genesis. Bago pa man niya maitanong kung ano ang nangyari, mahinahon na siyang nagtanong, "Are you alright? Is there anything I can help with?"Nag-aalala siyang baka nahihirapan si Eve sa gitna ng matinding galit ng pamilya nito. Kahit kalmado itong naki







